Monday, October 20, 2025

KANIN: PANGPATABA AT PANGPAPAYAT

Ang mabilis makapagpalaki ng ating timbang na madalas maging sanhi ng sakit ay ang sobrang pagkain ng mga "starchy foods" tulad ng mais, patatas, pasta, atbp., pero ang kadalasan na may kagagawan ay ang kanin. Ang kanin ay isa sa pinaka malakas magpabigat at isa sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sakit na diabetes at pagtaas ng dugo. Kapag nahihirapan tayong iwasan o bawasan ang pagkain ng kanin, kadalasan gamitin na dahilan ang "rice is life". Huwag natın kunsintihin at pamisahahın ang sarili natın na para bang walang magagawa na iwasan ang kanın dahil ang totoo ay kaya natin iwasan o bawasan ang kanin kung talagang pagsusumikapan natin dahil hindi lang talaga gugustuhin natın kundi gawin natin


Ang buhay ay hindi laging kanin lamang. Hindi yung dapat sa umaga, tanghalian at hapunan ay kumain kang kanin para lumakas ka. Kahit sabihin mo pang nagpapapawis ka araw-araw, hindi na balanse ang kinakain mo sa sinusunog mo. Dahil kung lagi kang nagkakanin sa bawat pagkain at hindi mo naman nabibilang kung nakakailang beses kang mag-ulam ng lutong-kame ng baboy o baka, na sa maghapon ay hindi mo namamalayan ang mga kinakam mong may sangkap na asukal tulad ng tinapay, patatas, mais at inuming may asukal, at hindi mo rin namamalayan na madalas ka na pala kumakain sa mga handaan at kumain sa labas - hindi mo nga talaga makak amit ang gusto mong timbang.


Kahit na idahilan mo'ng araw-araw kang nagpapawis, hindi nito makakaya na basta paliitin ka dahil kung mula sa malaki mong katawan ay sinusunog lang ng pagpapapawis mo kung ano ang kinain mo, na maaaring mabagal pa dahil sa nagpatong patong na ang mga taba sa katawan mo sa mga nakalipas mong kinain. Tandaan, ang pagpapayat ay pinagsamang tamang pagkain at pagpapawis ito ay kumbinasyon ng tamang pagkain at pag-eexcercise.


Hindi naman sinasabing alisin tuluyan ang carbohydrates dahil kailangan pa din natin ito sa pang-araw-araw na lakas at talas ng pag-isip pero piliin ang tamang pinagmumulan ng lakas mula sa mga prutas at grains. Kung gusto mo talagang mapababa ang timbang o mabawasan ang mga taba sa katawan ay magkaroon ka ng disiplina. Iwasan mo ang mga pagkain na tulad ng bigas at mga kame at piliin mo ang ulam na gulay. Hindi naman kalabisan kung sa una ay huwag kang magkanin sa hapunan kundi palitan mo ng tinapay o prutas. Kapag nasanay ka na ay puwede mong alisin na rin ang kanin sa tanghalian at palitan ng tinapay o prutas. At kapag nasanay ka na ay puwede kang huwag magkanin sa buong araw mula Lunes hanggang Biyemes at tuwing Sabado't Linggo mo na lamang ikaw magkakanın at mag-ulam ng masasarap na pagkain.


Mahirap magpapayat kung hindi tayo magiging disiplinado at desidido Tulad ng adiksiyon sa sigarilyo at bawal na gamot na mahirap labanan, nagiging adiksiyon din ang kumain ng kumain na mahirap labanan kung hindi ka talaga desidido. Lalo na kung hindi alam ng may katawan kung ano ang mga pagkain na lilimitahan, kung paano lilimitahan, at kung gaano ang limitasyon. Marami ang hindi nakakaalam kung nakakarami na ba sila, kung ano-ano nga ba ang kinakain nila, at kung ang mga pagkain ba nila ay pare-parehong nakakadulot ng mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, diabetes, at marami pang iba.

No comments: