Friday, October 10, 2025

ANG DIDILIS, BOW

Sino ang mga Didilis? Ang mga Dıdılis ay ang mga solid at panatikong DDS na kahit halatang-halata naman ang mga maling gawain ni Du30 ay tama pa rin sa kanila. Hindi mo kailangan maging section-1 o section-2 muong nag-aaral ka para maging matalino ka sa pag-alam ng tama at mali, basta may natutunan ka nuon sa "Aralin sa Wastong Pag-uugali", malalaman mo kung tama pa ba o hindi na tama ang pinaniniwalaan mo.


lyung kahit nasaksihan mong ilang beses na malinaw na binastos, minura at hinamak ni Du30 ang Diyos, Simbahang-Katolika, relihiyong Kristiyanismo, at mga kaparian ay sunod-sunuran ka pa rin sa mga sinasabi at ipinapagawa niya, may mali na sa iyo. Pinangatwiranan mo pang hindi naman Diyos ng Katoliko/Kristiyano ang tinutukoy ni Du30-Didilis ka kasi na walang matibay na pundasyon sa "Aralin sa Wastong Pag-uugali" nuong elementarya na ngayon ay isa kang Katoliko/Kristiyano na mahina ang pananampalataya.


Yung kahit tahiin ang mga mata mo na pirming nakadilat upang ipakita at ipamulat sa iyo ang mga naglalabasang mga pruweba sa mali at malisyosong sinabi at ginawa ni Du30 ay si Du30 pa rin ang tama at magaling sa para sa iyo, kahit yung paulit-ulit siyang nagsinungalin sa mga tao tulad ng jetski, gawa-gawang bank account ni Trillanes, kayang linisin ang korapsiyon, droga at krimen sa loob ng 2 to 3 months ay pinangatwiranan mo na mapagbiro lang si Du30, at yung kahit inamin na niya na may ninakaw siya, may pinatay na siya, na nag-adik siya, na nagsinungalin siya ay ikinatwiran mo lang na di lang maintindihan ang paraan ng pagsasalita ni Du30 dalıl bisaya siya may dipresensiya ka na.


Kung yung kahit ibigay na sa iyo ang libro ng kasaysayan, ipakain sa iyo ang library, at ingudngud pa ang mukha mo sa katotohanan na sa panahon ni PNoy ay wala siyang kinurakot at gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas habang sa pamamahala ni Du30 pinakalumubog så utang ang Pilipinas at nagsimula silang mangurakot ng kanyang mga kapartido ay "Du30! Du30! Du30!" ka pa rin - aba, may mali na nga sa iyo kaya Didilis ka nga.


Yung kung kahit nalaman mo na ang mga kandidato ni Du30 ay mga sangkot sa anomalya o korapsiyon, yung mga ikinulong na politiko dahil sa krimen ay pinakawalan niya na ngayon ay sangkot ulit sa krimen, ginipit ang ibang oligaryo para gumawa ng kaibigang oligaryo, pinatakas ang mga kaibigang druglord, may anomalyang Frigate at Pharmaly pa ang mga kaibigan niya - hangang-hanga at paniwalang-paniwala ka pa rin kay Du30-ikaw na ang problema. Iyung kung ang sukatan mo ng hindi nagtratrabaho at walang nagawa ay si Leni Robredo, kung ang tingin mo kay Vico Sotto ay hindi magaling at hindi kaaya-aya ang hitsura, at kung ang normal sa iyo ay yung hindi normal - ikaw na ang may problema, ikaw na ang problema


lyung pagkatapos ng lahat ng ito ay ang ipinangangalandakan at ipinagyayabang mo na lang talaga ay naging tahimik at ligtas na sa Pilipinas, natakot at nawala na ang mga adik sa lugar mo pero hindi naman talaga naging tahimik sa ibang lugar at hindi rin nawala ang mga adik sa Pilipinas. At iyun na ang pinaniniwalaan at ipinaglalaban mo kasi iyun ang itinuro sa inyo ng mga propagandista na binusog kayo sa ganuong impormasyon na paulit-ulit ninyong nakikita sa mga bias, gawa-gawa, iresponsable at walang pananagutang social media na naka-subscribed kayo. Pinapatapang ka ng mga ito kaya kung garbage ang pumasok sa iyo, garbage din ang lalabas talaga sa iyo.


Ang pinanghahawakan na lang talaga ng mga Didilis ay yung pagiging kababayan nila si Du30, yung kanilang pride, pang-masa daw sila, at totoong-tao daw sila. Pero kung ang pagiging totoong-tao ay pagiging prangka at pagsasabi ng alam o opinyon kahit labag sa kagandahang-asal, kahit mali, at kahit nagiging bastos, kung ang pagiging pang-masa ni Du30 kahit nakakababa na siya ng moralidad ay katanggap-tanggap pa rin sa inyong mga Didilis-isaksak ninyo sa baga ninyo si du30 ninyo.


Ang mga Didilis ang sumisira sa bayan dahil sa mga kahinaan, mga maling desisyon at ginagawa nila kaya nagkakagulo, naghihirap, at nasisira ang bansa at nadadamay ang mga matitino. TOXIC Kaya karamihan sa mga Didilis ay may mga isyu sila sa kasamahan nila o sa pakikipag-kapwa tao-dahil may poblema talaga sa kanila na hindi natutunan sa "Aralin sa Wastong Pag-uugali" nuong elementarya. Ang opinyon ay dapat iginagalang pero hindi ito nangngahulugan na tanggap agad sa lipunan dahil kung ang opinyon mo ay nakakapahamak ng ibang tao, ng tradisyon, at usapin, hindi na mabuting ibinabahagi mo ang iyong opinyon. Irerespeto ang opinyon mo pero kailangan pa rin na sundin ang tama.

No comments: