(Ang sumusunod na kuwento ay isa sa tatlong kwentong hindi orihinal na aking ipinaskil dito. Tungkol ito sa mga OFW na nasa Amerika. May ilang mga salita ang sadyang binago, inayos, inalis at idinagdag upang tumugma sa kabuuan ng kwento)
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila ayos na at marami ka ng pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga Kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.
Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kasi kapag hindi ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila maghanap-buhay pangbayad ng bills nila. Kapag hindi ka nakabayad ng bahay o apartment magiging homeless ka. Buti pa sa Pilipinas ang mga squatter ay may sariling bahay kahit na sapin-sapin o tagpi-tagpi.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mong ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Akala nila, gustong-gusto mo sa Amerika dahil masaya dito kaya hindi ka makauwi. Pero ang hindi nila alam ay hindi ka lang maka-uwi kahit minsan isang taon kasi ang mahal ng ticket sa eroplano. Kaya nga ang ginagawa nung iba ay kada-limang taon kung umuwi tapos hindi pa magkakasabay na buong pamilya - kasi nga ang mahal ng ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki kapag pinalit mo ng piso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita ay sa presyong dolyar mo rin gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas ay $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse ay 5 taon mong huhulugan. Ang bahay ay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, kayod dito - kayod doon, alipin ka ng bahay at kotse mo. Hay, talagang mahirap ang buhay dito!
Madaming naghahangad na makarating sa America lalo na ang mga nurses - mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho, ‘pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad dito sa America .
Hindi ibig sabihin porke dolyar na ang sweldo mo ay yayaman ka na - kailangan mong magbanat ng buto para mabuhay ka at manatili ka dito sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag-alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot o pinipitas ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang imulat ang karamdaman at buksan ang bintana ng katotohanan sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan at mga kababayan.
Nilikom:
Alex V. Villamayor
2007

No comments:
Post a Comment