Friday, November 30, 2012

HBTM

This video is about self-recognition as a gift to myself on my birthday.  The video shows most of my characters, perception, and fundamentals.




BIRTHDAY MESSAGE

“Happy birthday to me”.  I don’t like any gift, all I want is just greet from friends.

I’ve been emotional just right after the month of November has comes.  Same in the previous years, I’ve been becoming sensitive and sentimental the moment November has started.  Every year, I am hoping and expecting that my friends and some in-particular would have remembered me on my birthday on November 30.

Immediate family is given, with or without mentioning, they will give their messages, cards and greetings.  But for those out from a family circle, knowing that they find time and effort to greet you is something exciting which is different from what your family gives.

I do not write my big day on my social media account because I want to be remembered without reminding anyone.  Same with telling it to anyone just to have surprise, I don’t want to show it off that someone gave me gift.  I told to my family to send their messages privately because I really want to keep it undisclosed, I’m not really into fanfare.

As early as this year, I planned to spend this day as normal.  We always have the impression of every birthday, we are celebrating it with foods to give thanks for reaching another year.  But I’ve realized, celebrating it should not just through party to show your gratitude.  There are still other ways – just need to find it.

Spending it as normal is not mine alone.  I asked for the sign and it was given.  So I did nothing but when the day has come, there were foods on the table prepared by my friends, the first time I had like this.  More than the feeling of shame and guilt, I’ve realized the reason why I didn’t need to prepare food is for me to get to know the real people around me.

I would like to thank first my immediate family who never misses every year to greet me.  Thanks also to my friends overseas who never fail to remember me today.  Thanks also to my group here who surprised me with lunch.  Though it should not be surprise anymore when I saw some of you were busy but when it’s up there, there’s really the feeling of surprise.  Thanks to Jojo Villamor, Arnel Nacpil and Butch Loayon for their menus.  I would like to thank Butch for the nice poster, Auric Perez for the card, happy birthday too to you – we’re both same day.  Special thanks to my Mareng Linda and inaanak Princess.  Thanks to my friend Enting for call, and to Mr. Chito the very first one who called me over the phone.  AND, to all of you who bzzz me on facebook – thanks to all.

I started this day saying my prayer of thanks.  And I will not last this day without giving Him again my thanks.



By Alex V. Villamayor

November 30, 2012

Khobar, KSA

NANGHIHINGI

Sa araw na ito ay gusto ko sanang bigyang-pansin ang aking sarili at sana ay ipaubayasa akin ang sandaling ito dahil sa anu'tanuman ay espesyal na araw naman ito para sa akin.  Ayon sa kasabihan, “Mas mabuti ang magbigay kaysa sa tumanggap”.  Mas mabuti na ang ikaw ang tumutulong kaysa sa ikaw ang tinutulungan dahil nangangahulugan lamang iyon nawala kang alalahanin o suliranin at hindi ikaw ang may pinagdaraanan o may pangangailangan.  Totoo ang kasabihan na ito.  At parasa akin ay mas gusto ko na ang tumulong kaysa ako ang mangailangan ng tulong.   Pero isang paglilinaw – hindi ako nakakariwasa sa buhay at kahit ako mismo ay mayroon ding mga pinagdaraanan at marami ring pangangailangan ngunit masasabi kong sa buhay ko ay napapansin kong ako lagi ang nagbibigay, hindi man pinansiyal kundi mga bagay na hindi nakikita o nahahawakan.  Madalas ay napapakiusapan ako ng pabor, hindi sa dumadaing ako o nagsasawa kundi nabanggit ko lamang ito dahil nagkakaroon ako ng kaunting hinanakit.

Ang gusto kong ipunto dito ay may mga tao na madalas tumulong, magbigay at dumamay na sinasabi nilang bukal sa kanilang loob ang ginagawa at wala silang hinihintay na kapalit.  Ngunit kahit na sinasabi nilang huwag na silang bayaran bilang paganti ng utang ng loob ay marapat pa rin na kahit papaano ay maala-ala natin silang mabigyan ng kahit maliit na kaloob.  Minsan ay dapat binibigyan natin sila bilang pasasalamat sa kanilang ibinibigay, magantihan man lang ang kanilang pagiging matulungin.  Maliliit na bagay lang ngunit sa mga taong katulad nila ay napakalaking bagay na iyon.  Hindi naman sa paniningil, hindi naman sa paghihintay ng kapalit ngunit ang sa akin lang – kahit gaano kabait sa pagtulong ang sino mang tao mapa-pinansiyal, moral o anu pa man, at kahit na sabihin niyang hindi siya naghihintay ng kahit anong kapalit sa lahat ng kanyang mga ibinibigay – kahit papaano ay naiisip din nila o nararamdaman na sana ay sila naman ang mabigyan o maabutan ng kahit simple at maliit na bagay lamang.  Hindi naman kasi sila manhid.  Kahit sabihin nilang ayos lamang na magbigay sila ng magbigay ngunit sa isang bahagi ng kanilang damdamin ay naroon pa rin ang kagalakan na sila ay makatanggap.

Sabihin na lang natin na kahit pabalat-bunga lamang ay maisipan natin na bigyan sila ng kaunti bilang ganti sa kanilang mga naibibigay.  Sa aking karanasan, nakakasakit din yung bigay ka ng bigay pero wala namang balik na mararamdaman mo yung kahalagahan ng iyong ginawa.  Hindi naman sa materyal at pinansiyal na bagay mo mararamdaman ang pagbabalik nila sa iyo ng ibinigay.  Bukod sa pasasalamat, kahit papaano ay mararamdaman ng isang tao ang pagbabalik sa kanyang kabaitan sa pamamag-itan ng mga simpleng magawan mo rin siya ng maliliit na pabor.  Tulad halimbawa ng maipaalaala mo sa kanya ang kanyang mga gagawin, mabati sa mahahalagang araw, purihin ang kanyang ibang katangian o kahit ang maimbita mo siyang makasabay sa paglalakad  –maipadama mo man lang na inilalapit mo ang iyong loob sa kanya.

 Sa madalas na pagkakataon na mayroon akong nabibigyan ng pabor, kapag ako ay nagbigay ay hindi na ako umaasa ng kapalit at kahit sinasabi ko na masaya ako na ako na lang ang magbibigay, nasasabik pa rin ako na ako naman ang makatanggap – hindi ko lang sinasabi ngunit naghahangad din ako na sana ay ako naman ang mabigyan, maabutan ng regalo, lalo na sa mga natatanging okasyon tulad ng kaarawan.  Doon ko nararamdaman na mahalagang taon pa rin ako.  Hindi naman ako naghahangad ng malaki o madalas pero dumadating ang oras na nakakaramdam ako ng paghahangad na sana ay kahit minsan ako naman ang mabigyan.  Sana kahit tuwing kaarawan ko man lang ay mayroon magbigay sa akin ng kahit anong maliit na bagay man lang.  Bato, papel na may maiksing mensahe, isang piraso ng kakanin na itatago ko ang pinagbalatan – yung mga ganun kasimpleng bagay lang.  Aaminin ko, tuwing kaarawan ko ay naghihintay at umaasa ako ng regalo.  Dahil yun ang pagkakataon na mararamdaman ko ang kahalagahan ko sa ibang tao.  Ngunit ang masakit ay ang kahit simpleng pagbati man lamang mula sa mga taong malalapit sa akin maliban sa pamilya, mga taong inaasahan at hinahangad kong bumati sa akin ay nabibigo ako.

Ayon sa mga sinaunang Griyego, ang kahulugan daw ng pangalan ko ay taga-tulong o tagapagtanggol kaya siguro ang nagiging papel ko sa buhay aykatuwang, katulong, tagapag-pasaya ng ibang tao at taga-sagip sa kanilangproblema.  Totoo yata na isinilang ako hindi para sa aking sarili kundi para sa ibangtao, na tutulungan sa kanilang pangangailangan ngunit sa sarili kong pangangailangan at suliranin ay lagi akong nag-iisa, naghihintay at naghahanap ng tutulong sa akin.


ni Alex V. Villamayor

November 30, 2012