Friday, December 27, 2013

BIRUANG TOTOO

Ginugunita ang Niños Inocentes tatlong araw matapos ang Pasko.  Ang Niños Inocentes ay ang pag-aalaala sa mga inosenteng sanggol at batang lalaki na nasa edad dalawa at pababa na pinatay sa utos ni Haring Herodes.  Ipinag-utos ito ng hari nang malaman niya na ang Mesyas ay isinilang na ipinapalagay niyang malaking banta sa kanyang trono.  Nang maunawaan niya na nalinlang siya ng tatlong haring Mago upang dalhin siya sa kinalulugaran ng batang Mesyas, naganap ang pagpapatay sa mga bata nang hindi niya matagpuan ang sanggol na si Hesus kaya ipinag-utos niya ang malawakang pagpapatays sa lahat ng batang lalaki edad dalawa pababa sa buong nasasakupan niya.

Pinanatiling nakapaloob sa panahon ng kapaskuhan ang pagdiriwang ng Niños Inocentes bilang pagbibigay halaga sa kabanalan ng mga sanggol na ibinigay ang kanilang buhay alang-alang sa bagong silang na Tagapagligtas.  At katulad ng paglilinlang ng tatlong haring Mago, ang tradisyong Niños Inocentes sa Pilipinas tuwing ika-28 ng Disyembre ay ginugunita sa pamamag-itan ng pagawa ng mga nakatutuwang biro sa isat-isa.  Kung minsan ay nagiging masakit ang biro, ang sino mang nagiging biktima ng pagbibiro ay pagtatawanan na lamang hanggang magulat na lamang ang biktima o maghisterya sa galit.  Sa panahon ngayon, ang pinakaginagamit na pagbibiro tuwing Niños Inocentes ay ang panghihiram ng pera sa isang tao nang walang intensiyong magbabayad.  Kadalasan ay maituturing wala ng pag-asa ang mga nagpapahiram ng pera na maibalik sa kanya ng nanghiram ang halaga ng pera, kung kaya mahalagang paalaala sa lahat na huwag na huwag magpapahiram ng pera tuwing ika-28 ng Disyembre.  Ang mga biktima ng ganitong pagbibiro ay nauusapan ng “Na-Niños Inocentes ka!"

Hindi magandang ugali ang panloloko na hindi katanggap-tanggap sa pangkalahatan.  Ngunit kung ito ay hindi mo gawain sa buhay kundi isang pagpapalaganap lamang ng kahalagahan ng isang pananampalataya, ang pagbibiro ay instrumento lamang upang muling sariwain natin ang ating kaalaman sa ating paniniwala.  Maaring babala ito na kailangan nating alalahanin at huwag kaligtaan ang mga pangyayari sa ating pananampalataya.  Una sa lahat, walang magiging biktima ng Niños Inocentes kung ang araw na ito ay alam natin.  Sa mga nakaranas ng masakit na biro, magsilbi sana itong masakit na aral na hindi na hahayaan na muling mangyari.  Ngunit sa nakararaming nagsasagawa ng ganitong pagbibiro na ang pangunahing intensiyon ay magpatawa at magbiro lamang ay binabawi nila ang kanilang pagbibiro upang hindi na masaktan ang kanilang kapwa.  Ang mahalaga ay naipaalam  nila sa ibang tao ang kahulugan ng araw na ito.

Maaaring hindi kasing tanyag at kasing tangkilik ng mga pangunahing tradisyon sa atin ang pagdiriwang ng Niños Inocentes at hindi man lahat ay nakaranas ng pagdiriwang ng Niños Inocentes, ngunit ang araw na ito ay isang katuparang bumubuo ng ating pagiging buhay-Pilipino at ng ating Kristiyanismo.   Para sa mga nakaranas nito, nagiging bahagi ito ng kanilang buhay na nagpapangiti sa kanila sa tuwing naaalaala nila, naloko man sila o sila ang nanloko.  Sa araw ng Niños Inocentes, sana ay maging buhay lagi ang diwa  nito sa ating mga sarili.  Sana, lahat tayo ay maging tulad ng mga bata na walang malisya, walang pag-aanlinlangan, walang pagsisinungalin.  At bilang pang-relihiyong pagsasabuhay, sana ay maging tulad tayo ng mga sanggol at mga bata na nagsakripisyo ng buhay alang-alang sa ating Panginoon.




Ni Alex V. Villamayor
 December 28, 2013

CELEBRATING THE SEASON

Being a country that has known for world's longest Christmas celebration which starts from the moment Christmas carols were heard as early as September and lasts until the feast of the Three Kings on January, I admit I miss to celebrate Christmas since I worked outside Philippines for thirteen years now.  However, there were times in my life that I said Yuletide season is my most dislike season of the year.  But it should not be treated as negative statement because it has nothing to do with our belief or tradition as Christian but it is about a childish thing.  I just found Christmas is for children that the grownups cannot deny.  And at this very hour I would say I really missed the days of Christmas when I was young.

Back then, I was always aspired every year to attain my cash Christmas gift in as much as hundred pesos where one peso was already a show of generosity.  It served Christmas wish that sometimes answered but often not.  To achieve this, my sister and I have to go house to house in our godparents, uncles, aunties, neighbors, to our parent’s friends and up to whomever generous house we found.  It’s Christmas anyway, children were funny to pamper in that way.

Christmas then for me was fun.  It was during in that time we can buy our much yearning toys that were displayed in toy store that we hardly tried to save money the whole year.  But the eleven months are not enough to come up with the price of the greatest-prospected toys, either the toys were sold out or simply we can’t save money at all.  And Christmas was just the perfect time to own our most wanted toy.  During Yuletide, while part of our gained money had separated for our parents plan for us, we were allowed to use the other part of our money to buy whatever we want.  If unlucky, the money is not enough or the toy is no longer on display.  And we used our money to buy other things.

It was actually few years that I yearned for the toys, most of the years I bought one shirt every year.  But I remember, there was one time I really liked the feeling of spending my money when I bought a skew of grilled frankfurter.  Practically, I cannot eat hotdog during ordinary days of the year.  During our years, it was extravagance for a child to buy grilled hotdog or barbeque as snacks wherein rice porridge suited for the children.  But on Christmas, it was during that day where I can buy two or three and the taste of the frank was really awesome especially for a child like me who really craved for that food.


Until the age of 12, I stopped going to our neighbors, uncles, aunties, and much more to my godparents.  I just felt I’m quite old to do this house to house childish thing.  And it was since that age I felt the joy of Christmas in me was slowly fading.  Maybe part of my introvert and independent personality, I was no longer interested in this childish thing that I used to enjoy.  Until I grew up, I found holiday season is no longer happier and more exciting than before.



Celebrating the Yuletide season brought different joy.  It is not for me but instead it is more on enjoying the season by pleasing others, especially the children.  A more matured me, I help decorating our home with Christmas decors for the guests, allocate an amount for the carollers every night, prepare the gifts for my godchildren, nieces, nephew and other children, and plan the foods for the Christmas eve that our family will be shared until the relatives come after the sun up.  And indeed I feel happy for these.

Now, the Yuletide season for me is more on giving enjoyment.  I always admit and I am open about it that it is Lenten season that I like most because it is during in this season that I feel the most holiness in me through my reflection.   I am now reserving the holiday season for the young, and since I have already my share of happiness during my times, I am now giving back the happiness to those people who made me happy when I was young.





By Alex V. Villamayor
December 25, 2013

Wednesday, December 25, 2013

ACKNOWLEDGING HIM

There are small things in our life that we did not pray but were given to us and we received from our Lord.  These are the things that we often missed to give thank or taken for granted that when we realized we’ll feel how lucky and blessed we are.  They are small things that we thought mundane but when put all altogether are bigger than what we thought.  For this we should be thankful.

I was so insensitive for overlooking these beautiful things that I thought nothing for they are intangible.  Sometimes they are not hidden at all but we did not perceive for we’re focused on particular.  Very true, we cannot see those things that are just under our nose.  All we need to do is just to open our eyes and see these blessings.


As year 2013 is about to complete its full cycle, it’s time for me to acknowledge those blessings from the Lord that I missed to appreciate.  First, I thank the Lord for making me so simple, for giving me the simplicity I need, that the desire of my heart is not that those of materialism. I am happy to have no appetite in latest devices, branded, imported, and signature items.  I am not obsessed to acquire them and amid of latest pace of life, for me there are no feelings of envies, insecurities, out of place, rejection, isolation, and the lack of sense of belonging without them.


My simplicity goes beyond the material things.  From the start, I never been so ambitious to hold position, interested in power and gain the popularity.  Being simple in choosing to live ordinary life gives me the comfort and hassles-free in life.  I always wanted to be a follower rather than the leader of the group for this I can break away from the possible dispute between the superior and subordinate.  Being into authority, you have to be tough and speaking something that may be offended to others is inevitable.  And I am not gifted in reasoning, persuading and mandating, for this I have to be thankful.


I thank the Lord for creating me incapable to learn many things.  For this I could able to live reticent, introvert, distant and coward.  The more I know, the more possible dispute encounters might I have.  Being uninformed and not full of myself set me from being judgmental, faultfinder, interfering, domineering and conceited, thus can humiliate and offend other people.  Unwitting personality and to live innocent amidst of this life’s chaos and noise bring us in our aspiration to live pious.  I’m not smart to suspecting everything and being sceptic, and speculative.  I rather want to be that way than to be perfectionist.


I am thankful for having enough.  God is really omniscient, he knows my needs.  Although I’m not having huge income but maybe this is just enough that I at least I can make ends meet.  Observing those near to me who are earning bigger pay than I am but then they are still needing more.  This makes a sense to the saying that all of us are just fair and square.  For this, I thank Lord for telling our limits, making my family contented, and just right in our needs today.


I would like to thank the Lord for giving me the ability to control, for having the strength to restrain.  It is in this ability that I cannot harm for at least.  Humility, compassion, and simplicity put me in control to speak no harm, to move no hurt, and to do no offense against others.


Lord, thank you for making me who I am, for giving me the character and personality that I am.  For this I was inspired to make difference and finished my study, to work hard and helped my family, and to live my life away from tempt.  If I were not the person I am now, I might be tough rather than kind-hearted and broadminded, aggressive rather than sensitive and sympathetic, self centered rather than responsible.  These are the blessings that I did not pray but I received and have to acknowledge Him.



By Alex V. Villamayor

December 25, 2013

Sunday, December 15, 2013

USAPANG PERA


Napapansin ko, hindi naman ako maluho sa mga gamit, sa mga pagkain, at sa mga kasayahan ngunit bakit kaya hindi ako makaipon?  Pinaiiral ko naman ang pagsunod sa pagkakaroon ng nakalaang-gugulin, hindi ako nagpapa-alipin ng bayarin sa bangko at kumpaniya ng mga credit card at tinitipid ko pa nga ang aking sarili.  Hindi sa dahil pinaiiral ko ang karamutan at kakuriputan kundi sa aking isip ay pinaiiral ko lamang ang pagiging praktikal.  Ginagamit ko ang kapamaraanang pagbabawas ng para ipon mula sa kabuuang kinita at ang malalabi ay ang siyang laan sa mga gastos ngunit wala akong marami at mamahaling mga ari-arian na naipupundar.  Ano kaya ang mali sa aking pananalapi?

Naupo ako at nag-isip, nagmasid sa aking paligid at sumagi sa aking isip ang ilang mga kakilala.  Kapag nagkakaroon ng mga kantiyawan tungkol sa paglalabas ng pera, may mga kasama ako na hindi basta-basta nagbibigay ng kanyang pera.  May naririnig ako na pinipintasan sila dahil naturingan daw na malaki ang kinikita ngunit hindi man lang makapang-libre.  Na gasino lang naman daw ang ilalabas na pera kumpara sa kanyang kinikita.   Para sa akin, hindi ko napipintasan ang mga kakilala o kasamahan ko na sa kabila ng malaki ang kanilang kinikita ay hindi basta agad nagbibigay ng pera bilang pagdiriwang ng kanyang kinita.  Kasi patunay lamang iyon kung paano sila magpahalaga sa kanilang pinaghirapang pera.

Sa palagay ko ay hindi ito dahil sa kakuriputan kundi dahil nagiging praktikal lang sila.  At iniisip nila ang kahalagahan at ang ibig sabihin ng pagastos nang tama sa bawat pinaghihirapan nilang pera.  Mukhang tama naman sila dahil kung susuriin ko at ikumpara sa ibang kakilala ay nakikita kong mas nakakaipon sila.  Ang pagsinop sa pinaghirapang pera ay ang tamang paghawak ng mga kinikita natin.  Kapag ikaw ay kumita ng pera, kailangan bang lagi kang mamahagi ng iyong kinita sa pamamg-itan ng pagbibigay ng kasayahan bilang pagpapasalamat?  Baka naman nagsusumikap ka lang na kumita ng malaki para lang sa ganito, hindi kaya nagiging materyalistik o makamundo na lamang tayo?

Sa aking pagkakaupo at pag-isip, naunawaan ko rin ang mali sa akin.  Hindi ako katulad nila na hindi basta-basta naglalabas ng pera.  Totoo na nag-iipon ako ngunit mabagal ang paglago nito.  Totoo na mas inuuna ko ang mag-laan agad para sa aking ipon mula sa aking kita kaysa sa mga ginagastos ngunit inaamin ko na sinasamantala ko ito minsan sa pagbabawas ng halaga ng aking itinatago, kung kaya bumabagal ang paglago ng aking ipon.  Dahil kahit na sabihing inuuna kong iawas kaagad sa kinita ko ang aking ipon ay hindi naman ito nakapirmi sa tamang halaga dahil ang nangyayari ay lumiliit ito kapag mayroong kailangang paglaanan ng gastos.  Huwag lang ang masabi na hindi ako pumapalya sa pagtatago ng pera sa aking lagayan.  Sabay sa lumalaking kinikita ko ay ang lumalaki ring gastusin at reponsibilidad ko ngunit siguro ay kailangan kong maglaan talaga ng nakapirming halaga ng ipon kung hindi man lakihan pa.  Totoo na nasa sa atin kung ano ang gusto nating iprayoridad.  Kung gusto kong bumilis ang paglaki ng aking ipon mula sa halagang natatanggap ko buwan-buwan ay kailangan kong alisin ang ilang responsibilidad ko.  O di naman kaya ay palaguin ito sa pamamagitan ng pagnenegosyo ngunit hindi ko personal na maitataguyod dahil hindi ko pa kayang mawala ang aking kinikita bilang isang manggagawa sa ibang bansa.

Ang perang pinaghirapan, totoong mahirap gastusin ng basta-basta lamang kung mayroon kang malasakit sa iyong paghihirap.  Hindi masamang magsaya pagkatapos ng pagpapakahirap ngunit kung ito ay tawag lamang ng pagyayabang, labis na pagsasaya, at kabawasan sa pinag-uukulang bagay ay mas mabuting huwag na lang.  Mapalad ang mga taong tumatanggap ng malaking kabayaran sa kanilang pagtatrabaho dahil malaki ang kanilang pagkakataon na makapag-ipon ng malaki at mabilis.  Dahil kung tutuusin, ang isang taong kumikita ng malaki at ang isang taong kumikita ng hindi malaki ay pareho lamang ang kanilang pangunahing pangangailangan, nagkakaiba nga lamang ng pamamaraan kung paano isinasagawa ang kanilang pangangailangan.  Kaya sinupin natin ang ating pinagpapagurang pera at huwag sayangin sa mga bagay na panandaliang saya lamang.




Ni Alex V. Villamayor

December 14, 2013

Friday, December 13, 2013

ANG PAGPAPAKABAIT

Kung ang tanong ay paano ang maging isang mabuting tao, tiyak na ang sasabihin ng mga deboto, relihiyoso at mangangaral sa Kristiyanismo ay mabuti kang tao kung gagawin mo ang lahat ng salita ng Diyos na nakasulat sa banal na aklat.  Kung ako ay hindi nag-aaral ng salita ng Diyos, hindi ginagawa ang tungkulin bilang Kristiyano, at hindi nagpapakita ng pagpupuri sa Diyos habang naririto sa isang bansang Islam, ako ba ay masamang Kristiyano?  Dahil sa pag-iwas ko na makagawa ako ng pang-relihiyong bagay na maaaring ikasakit ng damdamin ng mga taga-rito, ay nakatanggap ako ng isang mensahe na nagsasabing ano daw ba ang mas pinapahalagahan ko kung ang sasabihin ng mga tao dito o ang sasabihin ng Diyos sa akin na sino ba ang mas mahalaga at dapat katakutan?  Bakit ko raw iisipin at iniiwasan ang mararamdaman ng ibang tao?   Mas mahalaga pa raw ba sa akin ang pagpuri sa akin ng ibang tao o ang kalugdan ako ng Diyos.

Sa aking mga kilos at pananalita ay iniiwasan ko talaga ang makalikha ng mga bagay na maaaring ikagalit sa akin ng ibang tao bilang respeto sa kanila.  Kung nakikita ng Diyos na may pagpapahalaga ako sa pagrespeto sa aking kapwa, sa palagay ko ay nalulugod sa akin ang Diyos.  Bilang isang dayuhan sa lugar na ito ay iginagalang ko lang naman ang kanilang damdamin.  Sinasaktan mo ba ang may-ari ng bahay na iyong tinutuluyan?  Binubusisi ang pagkakayos ng kanilang tahanan, pinapakialaman ang kanilang buhay?   Ang sabi, walang pinipiling lugar ang pagpapakita ng pagpupuri sa Diyos.  At Kahit mamatay ng dahil sa pagpupuri sa Diyos ay kailangang gawin dahil iyun ang aral na itinuro sa atin.    Kung ayaw ko mang magpahayag ng aking paniniwala ay dahil nirerespeto ko ang dinatnan kong relihiyon dito at hindi ibig sabihin ay nawawala na ang aking.  Dahil alam ng Diyos ang kalagayan ko.  Alam Niya kung nasaang lugar ako.  Naniniwala kasi ako na ang lahat ay nasa tamang lugar.  Kung talagang handang mamatay ang mga kilala kong nangangaral ng mga salita ng Diyos ay bakit itinatago nila ang kanilang mga gawain?  Bakit hindi sila magpahayag ng Kristiyanismo habang nakikita at naririnig ng mga taga-rito?  Bakit ginaganap nila sa isang nakatagong lugar at sinasarhang mabuti ang mga bintana at siwang upang hindi marinig ng ibang tao na nasa labas?  Dahil kahit sila mismo ay alam nilang hindi maaaring gawin dito ang mga bagay na ganuon.


Kung araw-araw akong nakikipag-usap sa Diyos at nanalangin nang higit isa o dalawang beses araw-araw, kung wala akong inaargabiyado, pineperwisyo at nilolokong kapwa, kung hindi ako nanghuhusga, nangungutiya at nanggagamit ng ibang tao, alam kong mabuti akong tao.  Iyun ang pamamaraan kong kabutihan na isinasabuhay upang maging kalugod-lugod sa mata ng Diyos.  Kung kulang pa rin dahil hindi ako nagpapakita ng pagpupuri sa mga salita ng Diyos ay sinisikap kong makatulong sa aking kapwa sa paraang alam ko at kaya ko.  Kung kulang pa rin ay sinisikap kong maging tapat, patas, makatarungan, at isabuhay ang kababaan ng loob.  Kung kulang pa rin ay pinipilit kong iwaksi ang mga makamundong bagay tulad ng kaluhuan, kahalayan, pakikiapid, pagnanakaw, kahumalingan sa kapangyarihan, kasikatan, at pangalan.

Tunay na napakahirap magpakabait dahil sa dami ng mga tukso na nakapaligid sa atin.  Napakarami rin ang nagsasabi sa iyo na sila ang tama kaya sila ang dapat pakinggan at paniwalaan.  Kung relihiyon ang makapagsasabi ng isang tunay na mabuting tao, marami ang mag-aangkin ng kasabihang ito.   At mabubuhay ang matagal ng katanungan kung sino ba talaga ang tamang paniniwala.  Nagkakaiba man ang pamamaraan ng ating pagdadasal at pagpapakita ng ating pananampalataya ay Iisa lang naman ang ating pinatutungkulan at pinatutunguhan ng ating mga dasal.  Palagay ko ay nasa tao na kung paano niya ipapakita sa mata ng Diyos at ng kapwa ang kalinisan ng kanyang puso.





By: Alex V. Villamayor

December 14, 2013