Ang tao ay may mga kamalian sa mga ugali at gawa. Walang perpektong tao, ngunit may mga pagkakamali
na hindi man masasabing pangunahing kasalanan upang maging masamang tao o ituring
makasalanan ngunit mga kasalanan pa rin ito na naglalagay sa kanya upang masabing
mayroon siyang hindi magandang ugali.
1. Mapanira.
Sa pakikipagkwentuhan niya ay intensiyon niya talaga ang masira o
ibagsak ang isang tao na hindi niya kasundo o hindi malapit ang loob . Hindi totoo na nagsasabi lamang siya ng totoo
kahit totoo naman ang kanyang mga ikinuwento dahil ang pakay niya talaga ay yurakan
ang isang tao.
2. Mayabang.
Ang gusto niya ay ipakita sa mga tao ang kanyang mga kagalingan at mga nakamit
maliit man o malaki. Masaya siyang ipaalam
sa kapwa ang kanyang mga pag-aari at kakayahan.
Pasikat ang ibang katawagan . Kapatid
nito ang papansin.
3. Mapagmataas. Siya yung ang turing sa sarili ay magaling,
nakaaangat, naiiba sa karamihan. Kasunod
nito ang paniniwalang siya ang laging tama at ang dapat masusunod. At kauri nito ang hindi marunong magparaya,
magbigay-daan at magpatawad. Hindi sila magpapatalo,
susuko at aamin sa kamalian. Kasunod nito
ang pala-utos.
4. Mapaghiganti. Hindi siya makapagsimula ulit at magkapagpatuloy
ng buhay dahil nagtatanim siya ng galit sa mga nakaalitan niya. Kakambal nito ang mapagmataas dahil kapag minsang
siya ay natalo o nalampasan siya ng isang tao ay gumagawa siya ng paraan upang mapigilan
ito at siya naman ang maka-ungos.
5. Mapagsalita
ng Tapos. May tao na madalas nagsasalita
at nangangako ngunit kapag kinapos ay kinakain ang mga sinabi. Kinakain ang sariling isinuka. Sinusubok kasi siya ng tadhana kaya kung ano ang
ipinintas niya nuon ay binabawi o ginagawa niya ngayon. Kasama nito ang taong paiba-iba ng pasya.
6. Opinyonado. Hindi siya nagpapatalo sa usapin at ipipilit niya
ang opinion niya. Ano man ang sabihin at
gawin ng kapwa ay mayroon at mayroon siyang masasabi, pabor man o hindi.
7. Mapanghusga. Madali siyang magbitaw ng salita at mag-akusa
patungkol sa anumang bagay. Para siyang batas
na nagsasabi ng kung ano ang tama at dapat.
Kadalasan, kung sino ang madalas maghusga ay siyang bumabali sa batas.
8. Mataray.
Mayroong matalas ang dila – masakit siyang magsalita. Kadalasan niyang idahilan
ay ang pagiging prangka ngunit kaakibat ng pagiging deretsahan ay ang urbanidad
o modo. nagkakaiba ang hayop at tao dahil nakakapag-isip
ang tao kung dapat ba niyang sabihin ang kanyang nasa isip.
9. Oportunista. May taong kapag alam niya na may
pakikinabangan siya ay sinasamantala niya ang pagkakataon kahit sa maling paraan. Ginagamit niya ang pwesto, o di kaya ay ang kakayahan
o kakulangan ng ibang tao upang makakabig siya.
10. Manloloko.
Hindi lamang ang pagsisinungalin sa kapwa o ang panloloko sa mga tao,
kasama din ang hindi pagiging tapat sa trabaho
at sa gobyerno. Kapatid nito ang manggagantso. Kauri nito ang kataksilan.
11. Ipokrita.
Maganda ang kanyang ipinakikita sa maraming tao dahil may gusto siyang ipakita
ngunit kapag nag-iisa na ay duon lumalabas ang kanyang mga reklamo at saloobin. Mayroon lang kasi siyang itinatagong
pakay kaya siya nakikihalobilo. Kapatid nito
ang balik-harap at traydor na rin.
12. Makasarili. May tao na nakikipagkapwa-tao lamang para sa sariling
kapakinabangan lang ang dahilan. Siya
din yung ang magaling ay ang sariling pamilya, anak, pamangkin, o pinsan. Lahat ay sasarili pa rin niya. Kasama din dito yung mga tao na gagawin ang lahat
mapabuti lamang ang sarili kahit masagasaan niya ang ibang tao.
13. Pintasera.
Madali niyang mapansin ang mga kamalian at kapintasan ng iba ngunit ang sa
kanya ay hindi niya nakikita. Ang mga bagay
na sinasabi niyang ginagawa ng iba na mali ay kapag siya ang gumagawa ay
binibigyan niya ng katwiran.
Kahalintulad nito ang mapanghusga.
14. Paimportante. Hindi magandangugali ng isang tao ang ituri niya
ang sarili na natatangi kaya dapat na pag-ukulansiya ng pansin, pagkilala at paghanga. Gusto niya na siya ang mauuna sa lahat,
maganda at malaki mapupunta sa kanya kaysa sa karamihan. Kapatid ito ng kayabangan.
15. Mapolitika. Ito yung hindi lang sanay sa mga palakasan
o padrino, pambabraso at pang lalagay kundi yung mga may kinikilingan at hindi marunong
kumilos ng patas. Kapag gusto at
kapanalig niya ay mas pinapanigan niya. Kahalintulad
nito ang mga korap na naglilingkod sa bayan.
16. Mapangdamay. May
tao na ugali na ang sinomang kapwa na nakasama sa isang grupo na hindi niya
gusto, o kasama ng taong kanyang kaalitan ay nagkakaroon na rin siya ng galit
sa taong napasama lang. Nadadamay ang
inosenteng tao sa kanyang galit sa ibang tao.
Ilan lamang ang mga ito sa mga hindi magandang ugali
ng isang tao. Marami pang ugali ng mga tao
ang nagpapasama sa kanila na kailangang may magpaalam sa kanila sa kung anumang
paraan na malumanay. Sinasabi na ang anumang
lumalabas sa isang tao ay ang nagpaparumi sa kanya tulad ng mga ginagawa niya
na nabanggit sa itaas. Dahil anuman ang
iyong gawin at sabihin tulad ng mga nabanggit ay walang ibang panggagalingan
kundi mula sa maitim na puso.
Ni Alex V. Villamayor
January 9, 2015
17 comments:
Salamat po dito. :)
Nakatulong po ito dalamat po
Sana oli
Thanks sa pag-bisita :)
You're Welcome. Sorry sa late reepresp.
Salamat sa pagbisita. Sorry sa late reply.
maraming salamat.
Salamat po sa pagdalaw sa blog
Maraming salamat po nakatulong ka po sa pag aaral ko
Thanks di ko nakaylangan pang maisip sa essay ng kapatid. Goods na to 😉
Salamat sa pagbisita :)
Salamat sa pagbisita. Natutuwa ako na nakatulong ito.
Thank you!!!
salamat po dito
ito un mga ugali at gawain ng tao na nabubuhay s kadiliman ng puso...walang kamulatan kung ano ang mas tama para s sarili at kapwa....ipanalangin natin na s mga darating na araw ay maliwanagan ang kanilang puso't damdamin mula s karunungan at katwiran ng pagmamahal ng Diyos s pamamagitan ni Kristo hesus...sya lamang ang daan,katotohanan at buhay...dahil minsan din tau nabuhay s ganitong sistema o pamamaraan,at salamat s awa ng Diyos kung saan ang munting ningas s ating kalooban ay kalakip ang kamulatan at syang nagsilbing liwanag s ating lakbayin s buhay.Amen!
Thanks
Totoo yan..Gawain ng mga kriminal na mga taong demonyung bulong ng bulong sa mga tao na nag experimento ng mga tao..
Post a Comment