I.
Hinihintay ko parati ang kanyang pagdating,
Hinihintay ko parati ang kanyang pagdating,
doon sa dating tagpuang nais kong marating,
upang ang gabi’y balikan at ito’y makapiling.
Muli kong liliparin at tatawirin ang hangin.
Lahat ay magiging paraiso sa aking paningin.
Ang kabilugan ng buwan ay magiging sa akin.
II.
Ang nasabing hinihintay, kung ano’ng ibig sabihin,
Ang nasabing hinihintay, kung ano’ng ibig sabihin,
ito ang kabilugan ng buwan na aking haharapin.
Kaliwanaga’y aninag sa dagat tila nananalamin.
May bulong sa hangin, man din kaba sa dibdib.
Ang hanging may kalamigan sa aki’y humahalik,
sa gabing ito magaganap ang aking pananabik
III.
Hitik sa misteryo ang bilog na buwan ay hatid,
Hitik sa misteryo ang bilog na buwan ay hatid,
kasabay ng dagat ay pagtaas ng kanyang tubig,
upang aking paimbabawan ang buong daigdig.
Tila kabaliwan ngunit walang pagsisinungaling,
may kung anong lakas ang bumabalot sa akin.
Ano mang hiwaga ang nangyayari’y di ko batid.
IV.
Sa natatanging panahong ito, ako’y isang magiting.
Sa natatanging panahong ito, ako’y isang magiting.
Diyosa ang aking katagpo, ilang araw magkapiling.
Panahon ng pag-iibigan sinag ng buwan ay lalakarin,
ang matarik na hagdan katiyakang aking aakyatin,
sa bisig ay tangan ang Diyosa, hirap ay babatain.
Sa tuwing ganito oras , ang aking pinaka-magaling.
V.
Tibay ng dibdib, ang lakas ko ay hindi magagapi.
Tibay ng dibdib, ang lakas ko ay hindi magagapi.
Ang sulak ng dugo sa mga ugat ko ay sumisiksik,
sing-laki ng daigdig, katapangang humahagupit,
isang matigas na mandirigma mala-bato’ng bisig.
No comments:
Post a Comment