Thursday, July 28, 2016

HANGGANG BATA PA LAMANG

Kahanga-hanga ang mga bata na kahit maliit pa lamang ay marunong na ng mga gawaing-bahay.  May kaya man o mahirap at maging makabago man ang panahon ngayon ay kailangang matuto ang mga bata ng mga gawaing bahay.  Babae man o lalaki ay walang pinipili kung sino ang dapat na matuto ng paglilinis ng bahay, pagluluto, paglalaba o pamamalantsa depende na lamang sa mga magulang kung kailan dapat ituro.   Maganda na bago sumapit ang isang bata sa edad na lalabin-taunin ay marunong sa siya ng mga gawaing-bahay. Kahit ang paglilinis man lang banyo at kasilyas ay matutunan ng isang batang lalaki.  Depende sa edad at kakayahan ang simula, mula sa mga pangunahing bagay ay maituturo natin sa kanila hanggang sa mga bagay na malalaki at mahalaga.  At bilang magulang ay alam naman natin kung ano ang kaibahan ng pagtuturo sa pag-abuso.  Dahil hindi naman natin sila tuturuan ng mga gawaing-bahay upang makapagpahinga tayong mga magulang o makapag-laboy.  Tinuturuan natin sila upang maging independiente sila, magkaroon ng responsibilidad at matuto sa buhay.  Dahil darating ang panahon na ang mga batang ito naman ang magiging magulang na magtuturo sa kanilang mga anak, kaya magpapatuloy lamang ang pagpapalaki nang tama.  Kaya yung mga bata na kahit may kaya ang kanilang mga magulang ay marunong nga mga gawaing bahay ay lumalaking mahusay magbuo ng pamilya.

Nakakatuwa yung mga magulang na kahit may kaya sila, kahit ang mga magulang ay mga propesyunal na nagtratrabaho, na kahit nasa ibang bansa nagtratrabaho ang ama o ina at yung kaya nilang ipagawa sa katulong ang lahat ng gawaing-bahay ay naglaaan pa rin ng panahon na ipagawa sa kanilang mga anak ang ilang gawaing-bahay.  Dahil ipinapakita lamang nila na mapagpakumbaba pa rin sila at nagpapakita sila ng halimbawa ng pagkakapantay-pantay.  May mga magulang kasi na ayaw nilang malalaman na nahihirapan ang mga anak, yung nakikitang nagwawalis lang sa paaralan dahil ayaw mapagod o nakakababa daw sa paningin.  Mali ang paniniwalang ito dahil tinuturuan lang nila ang mga anak nila na maging mataas ang tingin sa sarili, ipamukhang ang trabahong paglilinis ay nakakahiya at ginagawa nilang mahina ang kanilang anak.  Ginagawa din natin silang materyalistiko kapag iminumulat natin sila sa paniniwalang mababang-uri trabahong paglilinis at maganda ang taong walang ginagawa.  Hindi nakakabawas ng karangalan sa mga anak nila ang turuan sila.  Hindi masamang mapagod sa gawaing bahay dahil panghabang-buhay na kaalaman ang ibinibigay nito kaysa sa mapagod sa walang kwentang bagay sa labas ng bahay.  Huwag kayong maawa sa anak ninyo kapag ginagawa nila ang gawaing bahay, mas maawa kayo kapag lumalaki silang walang alam.

Bakit ang iniisip agad natin kapag lalaki ay hindi dapat matutong maglinis ng bahay?  Bakit kapag kumikita tayo ng malaki ay ang gusto natin ay palakihin sa layaw ang mga anak natin na matutulog at babangon na lamang, magbibihis at itatambak sa marumihan ang mga damit o kakain na lang at pagkatapos ay iiwanan dahil may katulong o may ina na magliligpit ng lahat ng iniwan nila?  Hindi naman sinasabing kailangan nilang sila ang gumawa ng mga kailangan nila sa bahay dahil para ano pa at kumuha kayo ng katulong?  Pero yun na mismo, tutulong lang dapat ang katulong at kailangan pa ring matuto ang mga bata ng gawaing-bahay.  Kailangang matutunan pa rin ng mga bata ang gawaing-bahay dahil para sa kanila.  Paano nila malalaman na tama isang bagay kung hindi nila alam kung paano gawin ang mga iyon?

Sa tahanan nagsisimula ang lahat.  Dito natuto ang isang bata ng mga dapat gawin at tamang ugali.  Ang mga magulang ang magsisimulang magturo sa mga anak ng kung ano ang mga tama at ipaalam ang mga mali. Mula nuon hanggang ngayon ay ito ang dapat nangyayari, mula sa mga magulang mo at sa iyo hanggang sa mga magiging anak ng mga anak ay sa tahanan ninyo matututunan ang mga pangunahing dapat gawin.  Sa pakikisalamuha natin sa ibat-ibang tao ay nakikita natin ang mga ganitong tao.   Sa mga kasaama mo sa trabaho ay nakikilala mo kung sino yung hanggang sa tumanda na ay hindi marunong magligpit ng mga pinagkalatan, nagugutom dahil hindi makapagluto, walang alam sa paglilinis ng banyo ni ang tamang paglilinis ng pinagkainan.  Kung sila na umabot sa edad nila ngayon, ano pa nga ba ang maituturo nila sa kanilang mga anak ngayon?

Ni Alex V. Villamayor
July 28, 2016

Monday, July 25, 2016

ROB LOOK ALIKE

In a relationship, to trust your partner who is prone to temps would mean you need a strong lean to hold your beliefs.  Because only few good men nowadays who are not just comely but faithful too.  Rob is one of those few good men.  There is no doubt his is a man blessed with what other men less in physical attributes but should you ask him about this he’ll just shrug his shoulder off to imply that it’s something he doesn’t feel relevant.  Unquestionably, these are the obvious features that make Rob attractive since his childhood which made him quite popular among his peers.  And the way it went around, Rob knew a lot were secretly admiring him maybe physically or even emotionally.  This might be the way and reason, and although for him it was not that much but he had into several serious relationships until he married his wife.  And although his strong pleasing personality at his prime at early 30’s that even stirred up with his matured physique makes waves but the nice thing about Rob is he doesn’t take it opportunity and he stayed a faithful partner.  Some men may desire to take over his shoe to please their carnal need as men are generally polygamous in nature but for Rob it is not the looks that make him happy and contented but what makes him to abstain this man’s nature is the sense of responsibilities to his wife and children.

For men and women, nothing can beat and is more amazing than those who are not only attractive but ideally good too.  Some people are just good looking, others are good character only but if you enjoy the both world, you are blessed among many to be beautiful inside and outside.  And you proved that a good heart radiates from within to become both internal and external beautiful.  There are gorgeous, adorable, attractive and beautiful faces people out there but do personality check you will dismay to realize the evil behind these faces.  And the pain part here is there are already not even blessed in physical attributes and yet can display attitude problem.  It hurts to be told how hideous the outside is as hideous as in the inside.  But either in any ways, it will not be big deal if only we do not depend our opinion to external looks.  Let us be reminded not to be too obsessed in pleasing external appearance for it is a reflection of worldliness and prejudice.  It is not important to be bias in outside beauty but character is far more meaningful than the stereotype pleasing personality.  Sometimes we get green when we see presentable pleasing people and drive us to win them.  Be contented.  On the first place, the fact that you married your partner means you already found in him or her good traits, qualities, virtues, specialties and distinctions.  We have our own ways of good attributes, defining it is in the eyes of the beholder.   Be faithful partner for all these admiration and yearning to personality are just merely call of human carnal desires only.

In these times, it is extremely difficult to find a one-woman man who repudiate the happy life outside marriage but instead focused more on homemaking.  Lucky those wives who have not just found this man but still loyal.  But even luckier those wives who are aside from having able to get a comely husband who remained honest amidst of the prowling around tempts because only a few good men who have that good personality both inside and outside.  You can be Rob look alike, be like Rob.  Look at Rob, if he who got the ace to use in entertaining affairs outside marriage but he did not use it.   No, he is not trying to be gentleman but it is just his commitment, sincerity and loyalty to his vow amidst of ubiquitous temptation surrounding him are what make him even admirable and respectable.   It is just regretting and saddening to accept why then all men and women can’t be like this?  Why then most men cannot be both whereas it can be actually?  I’ve been opposing the idea of labelling men as weaker sex and born polygamous because it is not.  In reality, they are merely using these as excuses to correct their fault as natural, acceptable and right thing.  Both men and women feel the same, it is just a matter of determination, self-motivation, discipline and choice.  People always have the freewill but not all are courageous, good enough and ready to take the full responsibilities, consequences and the karma of their deeds.

By Alex V. Villamayor
July 25, 2016

Sunday, July 24, 2016

MOMENT OF FEELING DISABLED



For the very first time in my long years of existence, I have to undergo a required surgery thru spinal anaesthesia for my medical condition.  But more than the medical reason of surgery is the lesson that I want to share.  It is not really a health issue nor a matter of emergency anyway and I can write a separate story about the medical reason but at this particular one, I would rather like to write here the story I have experienced that taught me remarkable lesson – it’s about becoming a disabled or paralyzed.

It was a six hours experience of feeling helpless and useless.   While the whole procedure of operation is on-going, I can’t help but to feel the condition of those people who are paralyzed by health and injury.  Except guidance from the Almighty Lord, I never thought my medical situation, not a single moment.  I was put in a situation where I feel other people.   To paralyze your body while your potent mind knows exactly what is going on, the feeling is tortured.  Although it was only from waist down but I really felt how morally down, appalling, belittling, sorry and sorrow their spirit.  I can’t get this out of my mind – that I just want to move any smallest part of my body down there but I can’t.  Now I see.

From the operating room to recovery room, I can’t stop to ponder the feeling of persons with disability specially those who were paralyzed due to illness.  And I vividly feel my mother. I felt what she is undergoing and how hard it is.  The feeling of – you want to do something simple but you can’t do it, it is so appalling.   My mother has been paralyzed for more than ten years now and still battling.  I’ve experience the six hours of “helpless” in my life but thinking my mother, I can’t imagine these six hours compare to ten years she is ridden in bed.  One by one, it quickly goes back in my mind to recall her struggles when she wants to scratch her back, blanket herself, move step her foot or simply wants to reach something but she cried because she can’t.  She has many things in her mind that she wanted to do but nothing she can do and it feels her useless.  I think the best thing to do to approach paralyzed people is to help them become independent.   Help them to adapt living the new life to don’t feel burden, self-pity, find their self worth, and purpose.

For those people who are excessively enjoying uncontrollable foods justifying life is too short to miss any of these – think again.  Think of stroke, cancer, heart attack, hypertension and think those people who are paralyzed due to these illnesses.  Fill their shoes that they battling for the rest of your life, you will really regret, remorse and cry self pity.  You may enjoy the careless life for ten to fifteen years but the one year of being paralyzed is more than twenty years to feel.  Skeptic people will still persist to enjoy food and do not cost cut yourself when it is about foods or might will say they have power to buy anything whatever foods they want to eat.  At the back of my healthy mind, these people are without knowing the abuse they do and I think they are not really skeptic but voracious.  People always have so many reasons but no matter what happen, healthy living is still the right thing.  My mother attested this saying if she can just turn back the time she will do taking care herself.  Everything should be in moderation because prevention is certainly better than cure.

By Alex V. Villamayor
July 24, 2016

Wednesday, July 20, 2016

HAVING FISSURE

Short Medical background:  Anal Fissure is a small tear or crack in the lining of the anus.  The crack in the skin exposes the muscle tissue underneath that causes sharp pain and bleeding during and after bowel movements.  Other symptoms include a skin tag or small lump of skin next to the tear, a visible tear in the skin around the anus, streaks of blood on stool or on tissue paper after wiping and a burning or itching sensation in the anal area.

The causes or reasons are the result of passing a hard stool during bowel movement that requires straining.  Long bouts of constipation or diarrhea can caused too.  Also, women during or after childbirth are prone to anal fissure due to straining.  For unknown reasons, anal fissures are common in babies or infants during their first year.  Other common causes are due to decreased of blood flow to the anorectal area, over tight anal sphincter muscles, inflammation that occurs in the intestinal lining and those people with inflammatory bowel disease such as Crohn’s disease.  In rare case, it causes due to anal cancer, HIV, tuberculosis, syphilis and herpes. 

However, it is usually not a serious condition that goes and heals on its own within four to six weeks.  Certain home treatment can help ease pain, discomfort and promote healing like taking Sitz baths.  Eating dried prunes, ripe papaya, drink lots of water, an over the counter stool softeners and topical pain relievers can help.  But if it did not improve with these treatments, surgery may be required or your doctor may need to look for other underlying disorders that can cause anal fissures.

Personal: Of all these given medical facts, it was not mentioned unhealthy lifestyle as main contributing cause of anal fissure.  It is suggested to avoid sharp foods like nuts and popcorn since they may not be well-digested where its tiny granules hurt your bowel, while spicy foods damages the lining of the stool passage.  But generally, these foods do not fall under unhealthy.  Reading the medical explanation above, I concluded that anal fissure is basically not a result of health carelessness.  But I cannot help to ask myself how this could happen to me?

I am a big fan of vegetables today more than before, drink lots of water as always and living physically active.  Because of these, I have a regular bowel and my stool is just fine soft, meaning not hard but not loose.  I don’t have alarming medical issue.  My weight is at ideal measurement.   In several laboratory examinations, my numbers are pretty well safe at the middle of the margins like the complete blood count test, urine test, blood glucose, x-ray / ultrasound test and electrocardiography (ECG).  Due to these, I had a great fear that I often said before, that what illness can I possibly get that do not manifests in these diagnostic tests?  To have this anal fissure, I am agreed that it has nothing to do with poor health and I am convinced that the lack of enough blood flow in the anorectal area caused it. 

It really happens.  Those things you really don’t want can still happen no matter how much hard you did to avoid them.  If despite the healthy living you practiced in life yet still you had illness, do not feel regret, be sad or discouraged.  Still keep on taking care your health because if you were not been careful, it could not be the only illness you get.  There are just things that you cannot really tell.

By Alex V. Villamayor
July 20, 2016

Friday, July 08, 2016

ISANG PAGMUMUNI NGAYONG RAMADAN

Naging mabigat ang aking trabaho nitong nagdaang mga araw at nang sumapit ang ilang araw na walang pasok  dahil sa pistang pangilin ng Ramadan, sinamantala ko ito upang ipahinga ang aking katawan at isip mula sa mapang-hamong trabaho.  At sa ilang araw kong pag-iisa at pananahimik ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagmuni-muni sa aking mga ginawa nitong mga nagdaang araw, buwan at taon na rin.  Dala sa hatid na kabanalan ng Ramadan at dahil na rin sa katatapos kong gawain nuong Mahal na Araw nang magbakasyon ako ay napag-isip ko at tinanong ko ang aking sarili kung mabait ba ako? Mabuti pa ba akong tao?

Liban sa hilig ko sa mga magagandang tanawin, ayaw kong magbuhay-magarbo, managhili sa mga materyal na bagay, maghanap ng mga kasayahan, at subukan ang mga makamundong bagay – pinili ko ang maging simple lamang tulad ng madalas na naririnig ko sa mga Muslim ngayong Ramadan na itatwa ang mga luho.   Iniwasan ko ang malimit na selebrasyon at sa halip ay maglaan sa pagtulong.  Ito ba ay pagpapakita ng kabaitan?  Alam kong kailangan kong mag-ipon, ngunit hindi ko kaya ang gumawa ng bagay na hindi patas upang magkaroon ng karagdagan at labis na pera.  Ayokong maging abusado.  Pinipili ko ang maging tapat, maging mahinahon kahit ang mga ito ay magpapahamak sa akin.  At natanggap ko rin ang aking sitwasyon upang hindi makiapid sa hindi asawa habang naririto sa ibang bansa.

Sa pagiging mapag-isa, natututunan ko ang manahimik at iwasan ang magpahayag ng saloobin sa mga nakikita kong ugali ng ibang tao na mapanghusga, mapanghamak at mapag-isip ng hindi maganda sa kapwa.   Sa pakikitungo ko sa kapwa, iniiwasan kong maging mapagmataas, dominante, masakit magsalita, pakikialam o panghihimasok, mapolitika, hindi patas at iyung mapagkunwari.  Kung ako ay masyadong mapagpaubaya, mapagbale-wala lang kung ang nangyari ay hindi ayon sa akin, o mapaghanap kung ano ang dapat sa akin – ito ba ay kabaitan o ako ba ay tanga lamang?  Kung ako ay hindi yung hindi-magpapatalo o tinatanggap kung niloloko lamang, kabaitan o katangahan ba ito?

Sa nakalipas na halalan sa Pilipinas, aaminin kong nadismaya ako sa ilang kasamahan, kaibigan, kamag-anak, at ilang kakilala dahil nakilala ko sila sa hindi ko inaakalang ugali nila.   May mga naturingang titulado at propesyonal ngunit parang sangano sa kanto kung magbitiw ng mga brutal na salita, may magandang mukha nga ngunit parang laking-kalye lang mangatwiran, at may kilalang relihiyoso ngunit wala sa kahinahunan ang kanyang mga opinyon.  Sa palagay ko naman, hindi ako nagpakawala ng mga salitang marumi, mahalay at taklesa o inalipusta ang isang tao upang iangat lang ang aking kandidato.  Ayokong makakasakit mapadamdamin man o pisikal. 

Ang mga nabanggit ko ay maliliit na bagay ng kabutihan, ngunit sa maliliit na bagay na ito kapag pinagsama-sama ay nararamdaman ko na mas nakahihigit ako sa mga kilala kong matatalino, malalaki ang suweldo, magagandang lalaki, mayayaman at may matagumpay na pamilya. Kung sinabi ko ang mga ito dahil gusto kong magpahayag ng niloloob at hindi para magpakitang-gilas - mabuti pa rin ba ito? Hindi ako banal o relihiyoso, may mga nagagawa pa rin akong mali tulad ng pagkuha ng hindi ko pag-aari dahil minsan ay nag-uuwi ako ng mga maliliit na kagamitan sa opisina.  Alam kong may kasalanan ako na mula pa nuon hanggang ngayon ang hindi ko maiwasan – sa taimtim kong pagdarasal ay pinipilit ko siyang labanan.   Sa lahat ng ito, masasabi ko pa ba kung ako ba ay isang mabuting taong?

Ni Alex V. Villamayor
July 8, 2016

Monday, July 04, 2016

SINO ANG MABUTING TAO?

May dalawang tagalog na kanta patungkol sa ugali ng mga tao na huwad na pagpapakabait ang sumikat nuong araw na nagmarka sa aking isipan.  Nuong dekada otsenta, naging palaisipan sa aking isip ang mga tanong kung sino ang dakila at ang tunay na baliw sa isang kanta na tungkol sa mga taong mapagbanal-banalan ngunit sa kalooban naman ay mayroong masamang ugali.  Nuon namang dekada noventa ay isang kaparehas na awit ang tumalakay tungkol kaparehas na ugali ng mga taong mapagpanggap na mabait na ihinalintulad sa banal na aso at santong kabayo.  Higit pa sa pagiging relihiyoso, matulungin, at palangiti, ang kahulugan ng mabait ay hindi nasusukat sa nakikita at naririnig natin tungkol sa isang tao.  Malalim at malawak na pang-unawa ang kailangan sa pagsukat sa pagiging tunay na mabait ng isang tao dahil makahulugan at makabuluhan ang pagiging mabait.  Ngunit sa mga maliliit o simpleng pangyayari ay makikilala natin ang tao kung sino talaga ang dakila, ang tunay na baliw, ang banal na aso at ang santong kabayo.

Sabi nga sa mga kanta, may mga tao na palasimba o pala-sambit ng rosaryo ngunit paglabas ng simbahan ay pala-mura o sinungalin din naman.  Hindi ka man maituturi na relihiyoso o hindi maalam sa mga tamang etiketa sa buhay ngunit kung wala kang pag-iisip ng negatibo,  hindi mo pinag-dududahan nang masama ang ibang tao, walang pagtatanim ng galit sa kapwa at ayaw mong makakasakit ng kapwa – maituturi kang mabait na tao.  Hindi ka man maalam sa mga salita ng iyong banal na aklat, pala-punta sa sambahan, at tumutugon sa panawagan ng simbahan ngunit wala kang nilalamangan at hindi mo ginagamit sa pansarili mong interes ang iyong kapwa – di hamak na ikaw ang mas mabuting makipagkapwa-tao.  May mga taong aminadong madasalin, may takot sa Diyos at loyalista sa kanyang relihiyon ngunit kung likas na matalas ang iyong pananalita, mahilig makialam, mapolitiko, mapaghiganti, mapang-husga at mapagdikta ng kung ano ang gusto – paano masasabi na isa kang mabait na tao?

Nakakakita tayo ng mga tao na mahilig sa paggawa ng paraan upang makatulong sa mga nangangailangan at kinatutuwaan natin ang mga taong ganuon dahil sa kanilang kabaitan.  Dahil karamihan sa kanila’y maraming kaibigan, kasama at kakilala, suriing mabuti kung ang ginagawa nila ay totoo pa rin o para na lamang maisagawa ang pagkahilig sa maraming tao, kasiyahan, at kasikatan.  Sa kabilang dako, may mga tao naman na tahimik lamang sila sa buhazy ngunit hindi nangangahulugang wala silang pagmamalasakit sa kapwa, wala silang paki-alam sa kapwa, walang pakikipagkapwa-tao o pakikisama.  May mga tao lang talaga na likas na tahimik, hindi marunong o may kahinaan sa pagbuo ng isang gawain para makatulong sa mga nangangailangan, o hindi lang mahilig makihalobilo sa marami.  Ngunit sila ang kapag gumawa ng kawang-gawa ay hindi maingay sa pagtulong, hindi ipinakikita o ipinaaalam sa mga kaibigan at kasamahan, totoong pagtulong at walang bahid ng pagpapakitang-tao, pagpapasikat o may pansariling interes lamang.  Sabihin mang tahimik o walang kang inisiyatibo na pangunahan ang paggawa ng paraan upang makatulong ngunit kapag nariyan na ang pangangailangan, kapag nagkaroon ng pagkakataon at may kakayahan naman ay hindi ka na naghihintay ng ibang tao at ikaw na ang nagkukusang tumulong at nakikiramay – ikaw ang mas mabait kaysa sa mga nagpapanggap na matulungin. 

Nabanggit sa kanta ang mga yaman na laman ng nasa loob ng gintong baul at ang mga salaping hinihigan ngunit kung ang mga ito ay nakamit sa marumi at maling paraan, ang mga ito ay walang saysay sa tunay na yaman ng ating pagkatao.  Walang kuwenta ang mga naiipon mo kung ang mga ito ay galing sa maling paraan.  Marami sa atin na dahil sa kahirapan o kung minsan ay hindi naman naghihikahos sa buhay kundi dahil gusto lang kumita ng pera para sa luho at pangarap ay gumagawa ng mga paraan upang magkapera sa hindi patas na paraan.  O di kaya’y sa kagustuhan nating maibigay ang kaligayahan ng ating pamilya at maipatikim sa kanila ang karangyaan ay naiisip nating gumawa ng mali. Kung para magkapera ay nanloloko ka ng tao o kumpanya, o di kaya ay pumapasok ka na sa ilegal na gawain,– mahirap sabihing mabuti pa rin ang iyong ginagawa kahit na ang iniisip mo ay para sa kasiyahan man ng ibang tao.  Sa tuwina, ang pagiging simple ang paraan upang makaiwas sa mga mali at kasalanan.  Bukod sa naguudyok ng kayabangan at pagiging makasarili, huwag mong bigyang importansiya ang luho, mga materyal na bagay at huwag mong pamihasahin ang mga taong mahal mo sa buhay sa mga makamundong bagay dahil nagtutulak ito sa iyo na gawin ang higit sa nararapat.  Kung simple lamang ang iyong panuntunan, hindi ka mapipilitang kumapit sa patalim upang mairaos mo lamang ang kasiyahan mo sa kaluhuan.

Ni Alex V. Villamayor
July 4, 2016