Kapag
ang isang matalinong tao na kilala ko ay narinig kong bumabatikos sa Komisyon
ng Karapatang-Pantao (CHR) na sinasabing mas kinakampihan nito ang mga
kriminal kaysa sa mga biktima, wala daw silbi at pampagulo lamang,
nalulungkot ako kasi hindi ko akalain na maling-mali ang magiging
pagkakaintindi nila kung ano ang kahulugan ng CHR. Ang akala ko, dahil
sila yung masasabi nating marurunong nuon sa high school, o iyung mga nagtapos
ng kolehiyo o mga pumasa pa sa board exam ay mas maiintindihan nila kung ano
ang CHR. Mawalang-galang, pero parang katulad na lamang sila ng maraming
may mahinang pang-unawa na nagkukumagalit, naghuhurementado at nagngangangawa
na nagkalat sa social media pero wala namang saysay kung ano ang ikinagagalit
nila dahil parang aso lamang sila na tumatahol sa maling puno.
Una,
magsimula tayo sa tanong na “Ano ang CHR?”. Kung nasagot nila nang tama
ay ang maaaring isipin kong ibang dahilan ngkanilang malaking galit sa CHR ay
maaaring mayroon lamang silang personal na galit sa CHR, may kulay politika,
nakikigalit lang dahil sumusunod sa marami, o ayaw lang nilang intindihin ang
CHR. Ngunit kung talagang mali ang pagkaka-alam nila ay mababawasan nito ang
paghanga ko sa kanila dahil sa tindi ng pagbatikos nila ay maling-mali naman
pala sila. Ang CHR ay ang komisyon na itinatag upang tulungang
ipagtanggol ang sino mang tao na tinatanggalan ng karapatang pantao ng mga tao na nasa gobyerno o mga nasa poder.
Maliwanag na sino mang tao na nalabag lamang ang karapatang-pantao. Ibig
sabihin, mapabiktima man o mapa-may sala ay ipagtatanggol ng CHR basta sila ay
nahubaran ng karapatang pantao. Ang ating batas na ang nag-uutos nito
kaya wala ng dapat na pagdududa tungkol dito. Ang nakakalungkot, maraming
tao ang hindi alam kung anu-ano ba ang mga karapatang pantao. Sa
nangyayaring pagbatikos ng maraming tao, lumalabas na ang pagkakaalam nila sa
CHR ay dapat tugisin at litisin ng komisyon ang mga gumawa ng krimen para
malutas ang mga kaso. Hindi. Hindi ito gagawin ng CHR dahil hindi
ito ang trabaho nila. Ang gagawa nito ay ang ating kapulisan. Lumalabas pa na ang pagkakaalam ng maraming
tao ay basta’t may ginawang krimen ang isang tao ay maaari nang gawin ng
sinomang tao ang gusto niyang gawin sa nakagawa ng krimen. Muli,
hindi. Maling-mali ang paniniwalang ito dahil kapag sinaktan ng nakahuling pulis, barangay tanod o ng kahit Punong-Alkalde ang isang taong gumawa ng krimen bago ito isuplong sa pulis,at ito na ang pagkakataon na papasok
ang CHR. Kaya ang nagiging pagkakaintindi ng mga tao ay ipinagtatanggol o
kinakampihan ng CHR ang mga kriminal pero ang totoo ay hindi talaga.
Dahil ang lulutasin lang ng CHR ay ang nakitang pananakit sa kriminal at hindi
ang nangyaring krimen.
Itatanong
marahil kung paano naman ang biktima. Madalas ipagsigawan
ng mga kritiko ay hindi nila naririnig na ipinagtatanggol ng CHR ang mga biktima
ng pangagahasa at mga pinapatay. May
karapatang pantao din ang mga biktima pero ang lahat ay depende sa
sitwasyon. Nagkakataon na talagang sa mga
pangyayaring ganito ay mas madalas na nakikita ang paglabag sa karapatang
pantao sa mga suspek at criminal pero yung mga kinukupkop ng CHR na battered wife,
biktima ng human trafficking, minaltrato, at iba pa ay hindi nakikita ng mga kritiko dahil iba
ang sitwasyon kung paano sila natagpuan ng CHR kesa dito sa mga pumuputok na balita.
Kung ang biktima sa
kasamaang-palad ay pinatay, hindi masasabing tinananggalan o nawalan siya ng
karapatang pantao dahil ang nawala sa kanya ay ang Sibil na karapatan (Civil
Rights o yung karapatan niya bilang mamamamayan) – kaya hindi ito tinututukan
ng CHR dahil hindi nila iyun trabaho kundi ng mga kapulisan. Ang
mga halimabawa na ang isang holdaper, nangahasa, o nagbebenta ng bawal na gamut
ay nadakip ng pulis at naikulong nang walang pananakit, panghihiya at
pangaabuso sa kanila ay hindi papasukin ng CHR. Ngunit kapag ang isang
holdaper, nangahasa, o magnanakaw ay nang madakip ay binugbog, ipinahiya o
itinali na parang baboy / hayop bago ikulong, habang kung ang isang tao ay
biktima ng pagpapahirap, panghihiya, o
panggigipit ay duon papasok ang CHR dahil ang mga ito ay ang halimbawa ng
paglabag sa karapatang pantao.
Tandaan
natin na hindi lahat ng krimen ay naroon ang CHR dahil yun lamang mayroong
pagmamalabis ng mga taong-gobyerno at mga nasa poder sa karapatang-pantao tulad ng pambubugbog, panghihiya, panggigipit
o anu mang pagmaltrato lamang sa sinomang tao ang lulutasin ng CHR. Kailangang panindigan,
suportahan at patatagin ang pagtatanggol sa karapatang pantao dahil kung wala
nito ay maabuso ang ibat-ibang makahayop na gawain. Una, hindi maitatama ng isang mali ang isang
pagkakamali. Kung ang iisipin natin ay
dapat lamang na bugbugin ang mga sala dahil masama silang tao, anu ngayon ang palagay
natin sa ating sarili? Kung ang katwiran natin lahat ay pinatay ang
kaanak mo kaya pinatay mo rin siya, edi papatayin ka naman ng kamag-anak ng
pinatay mo at ganun din ang gagawin ng kamag-anak mo sa kamag-anak ng pinatay
mo na pumatay sa iyo. Magiging ubusan na
lang ng lahi?
Ang
problema lang kasi sa maraming tao ay hindi muna nila alamin kung ano ang bagay-bagay
na kanilang babatikusin bago sila magkumagalit dahil nagmumukha lamang silang malaking
hangal. At ang hirap sa maramng tao ay
hindi nila maunawaan na sino mang tao na nagkasala na agad pinaparusahan ay
nawawalan na ito ng kanyang karapatang-pantao at kahit kriminal man ay may
karapatang pantao din. Simpleng tanong
lang – sa palagay natin kung mali ang ginagawa ng CHR ay hahayaan na lamang ba
ito ng ating batas na magpatuloy? Siguro naman ay alam na ng mga
matatalinong nangagalaiti sa galit sa CHR ang sagot sa katanungang ito.
2 comments:
;) Ang CHR ay para lamang po sa mga taong pinagkaitan ng gobyerno sa kanilang karapatang pantao tulad ng mala-hayop na paghuli, hiniya o minaltrato na nagkasala. Yun mga biktima nila (like rape, murder, robbery, swindler, etc) ay hindi po CHR ang tutulong dun dahil trabaho na po yun ng Kapulisan. Huwag po kayong magalit - ganun po talaga yun. Questionin nyo po ang Saligang Batas natin o ang International Human Rights.
----- :) .Ang CHR ay papasok lang kapag may abuse ang authority sa civilian! Para mas maliwanag, ang ibig sabihin ay ang talagang trabaho ng CHR ay tulungan ang isang tao na inabuso ng sino mang taong-gobyerno mula president hanggang sa ultimong mga baranggay tanod, kasama dito ang mga pulis, sundalo. Kapag may pinatay na tao ang holdaper o ang drug adik, kapag may sinaktan na tao ang isang magnanakaw, kapag may ginulping misis ang isang sigang mister, ang mga ito po ay hindi pakikialaman ng CHR. Dahil ang dapat pong makitalam dito ay ang PNP – iyun an g trabaho nila, iapgtanggol ang mga naaapi. Mahirap bang intindihin ito?
Ngayon, kapag hiniya ng isang kapitan ang isang magnanakaw, kapag sinaktan ng umarestong pulis ang isang criminal, kapag kinaladkad ng isang Mayor ang isang immoral na prostitute – dito po papasok ang CHR dahil nga po may involved na tao na nasa posisyon ng gobyerno. Hindi po sila tutulungan ng CHR para ipagtanggol ang ginawang pagnanakaw, ang ginagawa nilang krimen tulad nang pumatay sila, naghahasik sila ng imoralidad kundi ipagtatanggol sila dahil sa ginawa ng mga taong nsa posisyon – mahirap bang intindihin ito?
Post a Comment