Wednesday, November 30, 2016

ALEJANDRO SETS LIMITS

It is been written and been said many times and many ways:  “Give if you can, give as much as you can.  Because who else will but those who have the capacity to give.”  When he started his life at forty, Alejandro felt that something has changed in himself.  For one thing, he’s quite serious on how he spent the life in the past but then he felt someone is telling him the need to become better.  He wanted to do something that he will feel his existence worthy, and realize his difference from many.   And in his nearly golden age now, Alejandro can say he did a good decision when he chose what his heart wants – making a sense.

When he decided to find doing something different that will make him feel worthy, something important that will give an accomplishment in his life, he found birthday a good opportunity to give thanks and share the blessings by giving back.  For quite long years now, Alejandro does not prepare foods to celebrate his birthday simply because he does it in different way to spend the day.  And since he is already impassive in celebrations, gatherings, get-together, etcetera, he decided to use his time, effort, and means in something else that he knows more important.  It is understanding the importance of compassion.  Rather than spending for fun for few hours of party that become a relief of worldliness, Alejandro decided to use it in more practical, useful or worthy cause by giving and helping.  Instead of aiming foods and fun, he felt the sentiments of other who have not experienced to enjoy foods.  There are people out there who are more deserved to experience happiness in enjoying the foods in the table rather than them who are already used to eat luscious foods in many occasions with their friends and colleague. By the way, it may not necessarily a feeding program or something but if we know it will go to feed other people in whatever means, then giving is as fun as eating.

Well, people will say they just want only the best for their family, or they need quality time with their family and friends.  And time and again, there are some who will still insist their idea to prepare at least few traditional noodles as sort of symbolism or whatsoever.  And some will justify to say celebration is a way of giving thanks and sharing of blessings.  Nothing is wrong with these and it’s our personal discretion and opinion but each one of us has our own belief.  But this time, it is Alejandro’s giving and it is his way of finding self-esteem.  Alejandro decided to make a difference than this traditional food party.  He doesn’t have big sum of wealth and if he could have more he would go even bigger help but for the meantime he is doing the best he can.  At least to know you are extending your hands in as much as you can is something that is rewarding, fulfilling, and accomplishing.  Thanksgiving becomes more special when doing it in a most secretive way and sharing of blessings is more meaningful when giving it to those in greater need.  And as much as possible, help in sincere and most humble way.  There are other ways to celebrate your day, give thanks and share of blessings – just find your means.

Same here, I am in a point that enjoying thru party is no longer my interest.   First, I have the priority to live my life as simple as can be as my advocacy.  I feel partying is a fixation of eating full as relief of our mortal body.  And for one thing, I am promoting health and one way of keeping in control of our health is limiting our consumption of unhealthy foods, which most of the cases is prepared in table in birthday parties.  I have done this many times in the pasts, so why not make different this time?  It is not breaking the old tradition that we’ve lived and grown with, or suggesting not to follow them or saying they are wrong, or it is not losing human and social inter-relation but my principle is that anything we do should be in moderation.  All year-round, we have attended so much celebration that we share foods and drinks.  I am not saying abstain them but what I am just trying to emphasize is choose the most important.  Do not pretend or fool yourself and mistaken or cover up your food addiction that you are just hanging out with others while the truth is that you are simply voracious which is a reflection of your extravagance and mundane living.

BE LIKE ANDRES BONIFACIO

A revolutionary leader, Andres Bonifacio was a Filipino hero most commonly known as the founder and father of Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan or simply called Katipunan or KKK, a secret movement which sought the independence of the Philippines from Spanish colony.  As the father of Katipunan, Andres was called “Ang Supremo”.  His other titles included “The Great Plebeian” and “Father of the Philippine Revolution”. 

Aside from born on the same birth date, there are something in common that I want to write about Andres Bonifacio and me.  As I have naming them, it may not necessarily and exactly the same but each one is somehow in parallel with our personalities, characters and interests.  But let me assure this that I did not intend to uplift myself to compare me in the huge achievement and reputation of Andres Bonifacio, much more to praise me is a big no but what I just wanted is to see our incidentally and coincided few similarities that each one is speaking us in one way or another.  I know it is a big and far comparison and I would stick on that.

In arts, there is artistry in writing to call Andres an artist.  Agapito Bagumbayan  and Aguinaldo Magdalo as his pen names, Andres wrote poems, essays and political articles.  As a writer, he preferred to write in Tagalog as his show of patriotism and love to his native language.  His most famous poem “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” sees his trademark in writing which is easier to grasp for the masses.  He had also an art in calligraphy, blessed with good hands in craftsmanship and visual arts.  He used this talent in making walking canes and paper fans to earn a living during his early age as an orphan.  Aside from these, he was also making posters for business firms to augment his income.  Andres was also into theatre when he used to work as part-time actor performing in moro-moro plays.

As worker, Andres valued work and the virtue of not wasting time.  From a very young age, he learned to work hard as the head of the family to support and raise his siblings after their parents passed away.   When he grew older, Andres worked more on clerical or administrative function.  He worked as a clerk-messenger, sales agent and later storehouse keeper.  There are lessons to learn in Andre’s diligence in work that can inspire every Filipino workers of today, these are the hard work and time-oriented attitude.  Andres showed not wasting times that if we will do as well we will be more productive that in our collective output, our country’s progress and development will not be possible.

As a Filipino, Andres did not settle to keep passive in the ongoing oppression of Spanish colonial administration.  He knew every Filipino must have social responsiveness so he took the need to speak out against the tyranny and fought the freedom that every citizen must accord.  There must no oppression.  Andres Bonifacio founded the Katipunan in an aim to gain independence from Spain.  Through that movement, Andres Bonifacio actively responded to the call of the time to make a change.  Andres Bonifacio rendered his life for his country just for the freedom that until now every Filipino preserved and appreciated.


Since his childhood, Andres was already optimistic, instead of crying when his parents died, he stood on his feet and assumed the strong responsibilities to raise his younger siblings by working at a young age.  Until he grew up, he was not discouraged to learn and be positive.  Through self reliance, he did not become illiterate and instead became a respected leader in fighting our sovereignty.  I wish I had been like Andres Bonifacio to have his bravery since childhood that I can bring today in my own way of defending my country.

Sunday, November 20, 2016

BAKIT NAGKAGANON, BATANG MILENYO?

Sa nangyayaring pagbabago ng kasaysayan, ang dahilan kung bakit nagbago ang pagtingin ng mga tao ngayon sa personalidad ng mga Marcos, sa mga nangyari nuong martial law at sa ipinaglaban nung 1986 EDSA Revolution ay dahil sa walang ipinagbago sa kabuhayan, katahimikan at serbisyo-publiko.  Marami pa rin ang mahirap, kabi-kabila ang kaguluhan at mga suhulan sa pamanahalaan ngunit hindi nito dapat baguhin kung ano ang dahilan kung bakit nagrebolusyon.  Laging tandaan na ang ginawang rebolusyon ay upang wakasan ang diktadurya, mapaalis ang kapit-tuko sa posisyong mga Marcos at kaalyansa nito, at maibalik ang bayan sa dating kalayaan na ipinagkait sa loob ng mahabang panahon.  Kung anuman ang mali ay maitatama pa rin ngunit hindi ng isang pagmamaling-sulat ng kasaysayan.

Mula nuong 1986, totoo na mas dumami ang mahihirap dahil mas marami ang inianak ng mga mahihirap na pamilya nung mga taon na iyon na binale-wala ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya – ito ang mataas na probabilidad ng pagpaparami.  Totoo din na marami pa ring nakawan sa gobyerno at kriminalidad sa buong bansa na ang puno’t dulo ay ang kahirapan.  Kahirapan, sa madaling-salita ay malaki ang ginagampanan nito sa pagbabago ng kasalukuyan.  Ngunit bukod dito, ang malaking dahilan sa nangyayaring pagbabago ng kasaysayan ay ang pagdating ng mga bagong kabataan na kung tawagin ay ang mga batang-milenyo.  Sa panahong ngayon ay sila ang mas nakararami kung kaya makapangyarihan ang kanilang puwersa.  Sila ang mga ipinanganak magmula nuong dekada-noventa na siyang magiging kabataan sa panahon ng makabago at malakas na impluwensiya ng teknolohiya.  Sila ang mga kabataang nagkaroon ng maagang pagkakalantad at madaling daan upang makasilip sa bintana at buksan ang pinto ng mundo ng internet. 

Malaki ang naging papel ng internet sa buhay ng mga tao dahil sa angkin nitong kasikatan, kagalingan, katangian at kagamitan – na siyang umakit sa mga batang-milenyo.  Ito ang nagbukas sa kanila ng daan upang tumambad ang ibat-ibang nakikita dito na wala sa libro kung kaya mas naging intersado sila kaysa sa mga libro.  At tulad ng nabanggit na ang kahirapan ang isa sa malaking papel sa nangyayaring pagbabago ng kasaysayan, marami sa mga kabataan ng milenyo ay nabibilang ang pamilya sa mababang antas ng pamumuhay.  Hindi sa panghahamak ngunit karamihan sa mga batang ito ay nasa lower section sa pag-aaral dahil na rin sa hindi nagagabayan ng mga nagtratrabahong magulang.  Sila yung mga kabataang walang hilig sa pag-aaral, inuuna ang pagbabarkada at nagiging problema ng kani-kanilang mga magulang.  Sila yung mga kabataang lantad sa pakikihalobilo sa magulo at maingay na mundo kung kaya ang lengwahe at ugali nila ay naging marahas.  Kaya kung mapapansin, hindi ba’t ang karamihan sa mga masisigasig sa pakikipag-away sa internet ay mga brutal na kabataang hindi nag-aaral, hindi interesado sa pag-aaral at hindi nakapagtapos ng pag-aaral?

Sa mundo ng internet ay nagpakita ang mga batang-milenyo ng ibat-ibang kaganapan at nakagawa ng angking lakas na siyang nakita ng mga tusong politiko.   Ginamit nila ito upang maakit ang mga kabataan sampu ng mga hindi na kabataan ngunit mayroong mababaw na pang-unawa sa kasaysayan.  Pansinin na nuong kalagitnaan ng taong 2000 ay nagsimulang maglabasan sa internet ang ibat-ibang propaganda upang pagandahin ang pagkatao at rehimen ni Marcos at papangitin ang kalaban nito.  Dahil sa kahinaan ng mga kabataang ito ay na-brainwashed ang isip nila.  At ang malaking bilang nila ay gumawa ng ingay sa kanilang mga saloobin batay sa nakita at nabasang propaganda.  Kung maayos na nagabayan lang sana ng mga magulang ang mga batang ito, ngunit lumalabas na kulang din sa kaalaman sa kasaysayan ang mga magulang ng batang-milenyo upang ituro ang nalalaman nila bagkus ay sila pa ang naimpluwensiyahan ng makabagong teknolohiya.  Dito lumabas ang kahinaan sa internet ng mga nasa hustong gulang na Pilipino kumpara sa mga mauunlad na bansa: iyung madaling mahikayat na maki-galit na rin dahil marami sa internet ang galit, at sila iyung mga mas nakatatanda na kabilang din sa ibaba ng powerty line.

Ang mga batang-milenyo ang anak ng mga nakipaglaban nuon upang makamit ang kalayaan na siyang tinatamasa at pinakikinabangan nila ngayon na hinding-hindi nila magagawa kung hindi dahil sa mga nakipaglaban dito.  Nararapat lamang na bigyan nila ito ng paggalang at pagpapahalaga.  Bagamat may puwersa ang mga kabataan ay mayroon pa rin itong kahinaan – yun ay ang kawalan nila ng kakayahan na manimbang at umunawa.  Nagkamali tayo.  Maaari pang itama ang ating pagkakamali.  Anuman ang mali ay maitatama pa rin ngunit hindi tama na itama ang mali ng isa pang pagkakamali dahil hindi maaaring isulat muli ang kasaysayan.

Ni Alex V. Villamayor
November 20, 2016

Saturday, November 19, 2016

ANG AKING PAGSUSULAT

Bilang isang nagsusulat, ang nais ko ay mapukaw ang damdamin ng taong makakabasa ng aking mga isinulat dahil kahit papaano ay nais kong makapagbigay ng kaalaman.  Hindi ako nagmamarunong, mababaw lang nga siguro ako at inaamin ko naman na hindi ako magaling.  Iyung nababasa natin na malalim kung magsulat, perpekto ang balarila at detalyado ng mga sangunian ang mga isinusulat na suportado ng mga facts o halaw sa mga sikat na tao at libro.  Ngunit ito ang aking pasyon.  Ito ang aking hilig at ito na ang aking buhay.  Dahil sa pagsusulat ay naipapahayag ko at nailalapit ko ang aking sarili sa mga tao na hindi ko magagawa sa personal na buhay.

Maraming uri ang pagsusulat.  Mayroong intelektuwal, teknikal, akademya, reperensiyal at dyornalistik na pagsusulat.   Mayroong pangpanitikan.  Hindi ako nobelista at hindi ako mamamahayag.  Ang aking angking kakayahan ay pagsusulat.  Ako ay nasa malikhaing pagsusulat ng sanaysay.  Hindi ako malalim, ang mga isinusulat ko ay realidad ng buhay, ang mga opinyon ko ay mga pangunahing impormasyon sa mga pangyayari.

Sa pagsusulat ko, sa abot ng aking magagawa ay pinaiiral ko ang pagiging patas katulad ng aking ugali.  Liban sa aking pamilya, sa mga nakakakilala sa akin lalo na yung mga dati kong kasamahan sa PCI Bank, ay kilala nila ako bilang isang patas sa pabibigay ng opininyon, sa pagkritiko at sa pagbigay ng desisyon.  Kilala nila ako na hindi tumitingin sa tao kundi sa nararamdaman at nalalaman ko.  Ganun din ako sa aking mga isinusulat.  Hindi ako yung tao na ang lagi kong isinusulat ay yung mga kapangitan ng isang bagay dahil sa isang banda ay binibigyan ko pa rin ng pansin ang kabutihan nito.  Ganun ang pagigng balanse ko. Hindi dahil ayaw ko sa isang bagay ay hindi ko na ito magagawan ng isang istroya na magpapaangat dito.  Hindi ako ganun, habang mayroon akong nakikitang kabutihan ng isang bagay, kahit hindi ko man ito gusto, ay isusulat at isusulat ko pa rin.

Ang manunulat na may kinikilingan ay iyung ang lahat ng mga isinusulat ay iyung panig sa kanyang gusto bilang sarili niya.  Kung ano ang mga magagandang pangyayari, kung ano ang pumapabor sa kanyang paksa o personalidad ay iyun ang kanyang ibibigay sa mga mambabasa.  Kung mayroon akong mga hindi gustong personalidad ay isinusulat ko ang mga adhetibo nito.  Ngunit kung nalaman ko na mayroon itong mga kabutihan ay naglalaan pa rin ako ng ipasyo, oras at pagod upang gawan ko ito ng kwento tungkol sa kagandahan at kabutihan nito.  Hindi laging pangit ang mga kwento ko sa mga hindi ko gustong paksa o personalidad.  Kung palagi man pangit ang naisusulat ko ay dahil wala pa akong makitang maganda.  Pero hindi ko ito tinutuludukan dahil kung meron man akong nakita ay bakit hindi ko isusulat? – ganun ako ka-balanse sa iniingatan kong pagsusulat.

Monday, November 14, 2016

DUMARATING NA SUWERTE

Bawat isa sa atin ay naghahangad ng magandang pangyayari ang dumating sa buhay.  Kaya naman kahit nagpapakapagod ka na ay nagdarasal ka pa rin na kahit paulit-ulit ay tinitiis ang pagkainip alang-alang lang sa gusto nating mangyari at makamit sa buhay.  Ngunit sa kabila ng ating masidhing pagsusumikap upang makamit lang ang mga gusto nating mangyari sa ating buhay, kung minsan ay hindi talaga ito dumarating sa atin.  Kung kaya kapag nalaman natin na ang ipinagdarasal, pinaghihirapan, pinagsusumikapan at hinahangad natin ay ipinagkaloob sa ibang tao ay kahit paaano ay nakakaramdam tayo ng lungkot at nagkakaroon ng inggit.  Nasa sa atin na ngayon kung paano natin hahawakan ang inggit na ito – kung makakasira ba o makakatulong sa ating pagkatao at pag-unlad.

Para sa mga sinusuwerte: kung ikaw ay biglang yumaman o nagkaroon ng malaking pagbabago sa trabaho, panatilihin mo pa rin ang dating ugali mo kung paano ka sinuwerte.  Mayroon kasing mga tao ang nagbabago ang ugali.  May mga tao na dahil sa biglang pag-angat ay nalalasing sa galak na dulot ng karangyaan.  Marami ang nalulunod sa isang basong tubig.  Umangat lang ang kabuhayan o gumanda ang kalagayan sa trabaho ay lumalaki na ang ulo at ang mga paa ay hindi na mailapat sa lupa.  Yung ang akala mo ay kung sino na mataas ang posisyon at may malakas na kapangyarihan sa trabaho.  O yung kung magpaganda ng bahay at bumili ng magagarbong kasangkapan ay ipinapakita sa mga kapit-bahay.  At iyung kung mag-ayos sa sarili tulad ng pagbili ng mga alahas, mamahaling damit, sapatos, bag at gadyet ay labis-labis.  Hindi na bago ang mabalitaan mo na buhat nang yumaman ang isang tao ay naging mapagmataas ang ugali at masakit makapintas sa kapwa.  Naging mapagsupla sa maliliit, marurumi at mababang tao na ang akala mo ay hindi nagdaan sa ibaba at hindi narumihan ang katawan.  O naging maramot at ayaw magbahagi ng yaman sa takot na siya ay maubusan o kaya’y ayaw umangat ang iba upang siya lamang ang nakaaangat.

Kung ikaw ay mapalad na makatanggap ng pagpapala, alagaan mo ito upang huwag mawala bagkus ay lumago pa.  Maging matino sa paghawak ng pera.  May mga tao kasi na kapag may biyayang dumating sa kanilang buhay ay nawawala sa tamang diskarte dahil sa labis na katuwaan.  Halimbawa ay iyung biglang yumaman dahil nanalo sa isang paligasahan, sa sugal o nagkaroon ng malaking sweldo dahil na-angat sa trabaho.  Dahil karamihan sa mga tao na nagkaroon ng biglaang suwerte ay kadalasang hindi makayanang panghawakan ang dumating na suwerte.  Hindi alam kung saan daldalhin ang pera o kung paano ito hahawakan.  Nagiging magastos na gustong bilhin ang mga hindi nabili nung hindi pa niya kayang bilhin o yung mga binibiling hindi mahalaga at nagpapakasaya sa kapangyarihang naidudulot ng pera.  Ito ang mga nagagawa ng biglang-yaman, ng kaunting karangyaan sa mga taong hindi karapat-dapat sa biglaang biyaya.  Sila ang masusuwerte na binigyan ng pagkakataon ngunit pinabayaan. 


Hindi lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon na tulad ng mga taong nabanggit sa itaas.  Marami ang naghahangad ng kanilang mga tinamasa at naranasang suwerte kaya kung ikaw ay naging mapalad, magpasalamat ka.  At kasabay nito ay maging mapagmatiyag ka sa sarili mo dahil baka magbago ka.  Maging mapagkumbaba dahil ito ang unang hakbang upang hindi ka kainin ng maling sistema.  Manatiling nakatapak ang mga paa sa lupa dahil kung hahayaan mong lumaki ang iyong ulo na parang lobo at tuluyan kang ilutang sa ere, kapag umihip ang malakas na hangin ay tatangayin ka upang ipadpad kung saan-saan.   Isipin mong kung paano ka nagsumikap at nagdasal upang ipagkaloob sa iyo ang tinatamasa mo kaya manatiling ganun ka pa rin kung paano ka nagsumikap at nagdasal nuon.  Isipin mo ang kalagayan ng mga taong nagsusumikap tulad nuong ikaw din ay nasa ibaba nang sa gayon ay manatiling malapit ang iyong puso sa kapwa mo.  Para naman sa mga nagsusumikap pero hindi makamit ang pinapangarap – huwag panghinaan ng loob o magkaroon ng hinanakit dahil ang lahat ay may kanya-kanyang panahon at ang lahat ng nangyayari sa mayroong dahilan.

Ni Alex V. Villamayor
November 14, 2016

Wednesday, November 02, 2016

ORANGE CHICKEN






Ingredients
For the fried breaded chicken:
1 kilo chicken fillets, slice into cubes
1½ cups all-purpose flour
¼ tsp. fine salt
¼ tsp. pepper
1 pc egg, beaten
cooking oil

For the orange chicken sauce:
1½ cups water
⅛ cup vinegar
⅛ cup soy sauce
¼ cup fresh orange juice
2 cloves garlic, minced
½ cup brown sugar
½ cup spring onions, chopped
⅛ cup corn starch diluted in ⅛ cup water



Instructions
To fry the chicken:
1.Combine flour, salt and pepper.
2.Cut the chicken breast into cube.  Dip them in beaten eggs.
3.Coat the pieces of chicken in the mixed flour.
4.In a frying pan, heat cooking oil and deep fry the chicken until golden brown.  Set aside.

To Cook the Orange Sauce:
1.In a pan, pour water, soy sauce, vinegar and orange juice and bring to boil.
2.Add minces garlic and simmer for 5 minutes
3.Add brown sugar and simmer until the sugar is dissolved
4.Add the spring onion and dissolved cornstarch mix until thick.
5.Add the fried chicken until evenly coated with sauce.
6.Simmer until the sauce become very thick
7.And lastly, just eat right