Ang kwentong ito ay may tema at lengwahe na maaaring hindi angkop sa mga bata na nangangailangan ng matinding patnubay ng mga nakatatanda. Ito ay halaw sa totoong buhay ng isang lalaki tungkol sa kanyang masayang pamumuhay dahil sa kanyang misteryo at nagulo ang buhay dahil sa nasabing misteryo.
Ang mga tao sa kanugnugang lugar ay mayroon mga makalumang gawi at paniniwala sa buhay na sinusunod pa rin hanggang ngayon, lalo na iyung mga naninirahan sa kabundukan at mga isla. Bagamat nasa makabagong panahon na tayo, malakas pa rin ang kanilang paniniwala sa mga pamahiin, engkanto, aswang, kababalaghan, pampasuwerte, agimat o anting-anting, at iba pa. Isa na dito ang lalaking ito na naniniwalang mayroon siyang agimat mula sa buwan. May sikreto ang lalaki, may hatid daw na hiwaga ang kabilugan ng buwan. Ang lalaki na naniniwalang may misteryong nangayayari sa kanya na pinagdaraanan at nararanasan niya tuwing bilog ang buwan, ay ang tungkol sa kanyang pagnanasa at pagkalalaki. Anuba’t sa kung anomang dahilan ay nakakaramdam siya ng matinding pagkasabik sa mga bagay na erotika, kagalingan sa pakikipagtalik, at ang palagay sa sarili na ang kanyang pagkakalalaki ay nasa pinakamagaling nitong hitsura na maaari niyang ipagmamalaki. Kaya palagi iyang hinihintay ang kabilugan ng buwan.
Humigit-kumulang dalawampu’t siyam na mga araw upang ang buwan ay maging ganap na bilog na nagsasabing ang paniniwala ng lalaki na may kakaibang nangyayari sa kanya. At pagsapit nito ay muli na naman siyang magiging malakas at matipunong mandirigma. Maganda ang naidudulot ng pagbilog ng buwan dahil nagagampanan niya ang kanyang obligasyon bilang lalaki sa pangangailangan ng kanyang asawa. Bukod sa isang mabuting ama sa tatlong anak, mahal na mahal ng lalaki ang kanyang asawa, ang lahat ng maibibigay niya sa kanyang makakayanan ay gagawin niya. Lalo na ang ugnayan nilang lalaki at babae bilang mag-asawa, ang bilog na buwan ay nagsisilbing katuwang niya ngunit ito rin ang magiging sanhi ng kanyang pagdaraanang pagsubok sa kanilang matrimonyo. Sinukat ang kanyang katapatan ng ang ng dati niyang kababaryo na kanyang kumare na tuksong hindi niya maiwasang hindi pansinin lalo na sa panahon na ang pagnanasa ng kanyang katawang-lupa ay mataas. Dahil dito ay hindi niya napigilan na magpakupkop sa ibang kandungan. Ang lalaki na isang mabait na asawa ay dumating sa punto na nakapagtaksil dahil sa masidhing damdamin sa pagtatalik nang kabilugan ng buwan, isang malaking pagsubok sa kanyang buhay may-asawa ang nangyari dahil masisira ang kanyang pamilya.
Sa makabagong teknolohiya ng pag-uusap hanggang dumating sa punto na umabot sa pagkikita at gawin sa totoo ang gingawa nila sa pag-uusap. Siya’y nagutom, nanghina, at nagnakaw ng ipinagbabawal na pagkain. Ngunit sa kanyang pagkabusog ay pinagsawaan ang sarap ng pagkain na naging pamatid-gutom niya nang sandali. Nang matapos ang makamundong gawa ay tila siya’y binuhusan ng malamig na tubig na natauhan na maling-mali ang kanyang ginawa. Tinapos niya ang ugnayan sa dating kababaryo at itinuon ang lahat ng kanyang oras at sarili sa kanyang asawa, ngunit ang tadhana ay gumagawa ng paraan upang ang lihim ay mabunyag. Ang asawa ay naging mabangis, siya ay sinampal sa labis na galit, sumambulat ang masasakit na salita, at dinala ang mga anak para ang lalaki ay iwanan. Hinabol ang asawa pilit hinihingi ang kapatawaran ngunit nahirapan siyang mapa-amo at suyuin ito. Ang lalaki ay umiiyak, nagmamakaawa, matinding nagisisi. Labis na kalungkutan ang umusig sa kanya. Sa madilim na kuwarto ang nag-iisang iniwan ng mag-iina, sising-sisi na nagpatalo sa tukso ng sandaling sarap. Humagulhol ng iyak, sising-sisi siya sa mga nangyari at sa nagawa niya. Isang suntok ang pinakawalan niya, sinuntok niya ang dingding na simentong sumugat sa kamao niya at nagdugo. Bumunghalit ulit ng iyak, tuloy-tuloy ang kanyang iyak, maraming luha – luha ng pagsisisi, pagkalungkot, at pagkabigo.
Nagbalik ang mag-iina sa bahay. Muli siyang nagmakaawa na huwag siyang iwanan at humingi ng tawad sa asawa. Ang kapatawaran ay kailangan upang magsimula sila ulit mula sa lima papunta sa anim sa pamilya. Bukod sa pagmamahal, napakahalagang bahagi ng anak sa pagsasama ng mag-asawa, lalong-lalo na ang nasa sinapupunan. Kahit anong kabutihan natin ay may mga kasalanan pa rin tayong magagawa. Hindi perpekto ang tao, magkakamali at magkakamali pa rin tayo pero ang mahalaga ay may natututunan sa bawat pagkakamali at hindi inuulit ang ginawang pagkakamali. Sa bandang huli ay matututunan niya na ang biyaya sa kanya ng bilog na buwan ay nagiging mabisa lamang kung ito ay ginagamit sa kabutihan. Dahil nang ito ay abusuhin niya at ginamit sa mali ay nagmistulang mitsa ito ng halos pagkawasak ng kanyang pinakamamahal na pamilya. Sa pamamag-itan ng tapat na pagsisisi at tunay na pagmamahal, ang pagsubok ay kayang pagtagumpayan. Sa bandang huli, ang pinapaniwalaan niyang bisa ng bilog na buwan ay mistulang mawawalan ng bisa sa kanya at tuluyan na niyang aalisin sa kanyang buhay.