The following is an excerpt from my biography book titled “Sariling Kuwento” (Self Story). Due to confidentiality of the book, an edited version is posted.
==========
MGA PINAGDAANANG HIRAP
Taon 1997 – 2000 ang pinakamahirap na yugto ng aking buhay at kasalukuyang pinaka bagsak na panahon ng aking buhay. Iyon ang panahon na nagkasunod-sunod ang aking problema - nagkaroon ako ng malaking pagkaka-utang, nasaktan ako sa isang pagmamahal, niloko ako ng mga tao, wala akong matatag na trabaho, at naiinip ako sa tagal ng paghihintay ng trabaho sa ibang bansa.
Marami na akong sinusubukang ahensiya para makapag-trabaho sa ibang bansa ngunit wala ni isa ang nagpapakita ng pag-asa at tsansa na matulungan akong maipadala sa ibang bansa upang magtrabaho. Pansamantala ay pinunan ng itinuri kong tunay na kaibigan ang aking pagka-inip sa pamamagitan ng pagka-abala sa trabaho, kwentuhan, at paglalakad kaya nalimutan kong madaliin ang pagpupumilit na makarating sa ibang bansa. Hindi man niya sabihin ay nagkukusa na akong bigyan siya ng pabor upang sa gayon ay maging mas malapit pa siya sa akin. Iyon ay dahil naging malapit at mabuti siya sa akin. At kahit naging magkalayo na kami ng aming trabaho ay ginawan ko ng paraan na magkaroon pa rin ng ugnayan ang aming pagkakaibigan sa pamamag-itan ng mga dating ginagawa namin, pagpunta sa kanyang trabaho, at pagyaya sa mga lakaran. Na ang lahat ay aking binabalikat, mapagastos man, hirap o oras upang maisalba lang ang pagkakaibigan. Na kapag naghiwalay na kami at nakasakay na ako sa bus pauwi sa amin ay nararamdaman ko na ang lungkot dahil ang pakiramdam ko ay bakit kailangan kong gawin iyon para lang huwag mawala ang aking kaibigan? Na bakit gumagastos ako sa iba gayong ang sarili ko ay tinitiis ko? Na bakit nagpapakababa ako na gumawa ng paraan para iligtas ang aming samahan? Hanggang nang maramdaman ko na unti-unti siyang lumalayo sa akin at nalilimutan ang aking kabutihan. Pero di ko siya magawang pabayaan at iwanan kahit alam kong ginagamit lang niya ako kasi gusto ko pa ring bigyan siya ng pagkakataon na patunayang mabuti pa rin siyang kaibigan sa akin. At sa kagustuhan kong huwag siyang mawala sa akin, kahit wala akong maibibigay ay ginagawan ko ng paraan para maibigay sa kanya ang kanyang kailangan. Ang yugtong ito sa aking buhay ang isa sa nagpahirap sa akin sa panahon pa na nakalugmok ako.
MGA PAGSUBOK
Habang nangyayari ito ay nagkaroon ng problema sa aking trabaho. Kinakailangan kong umalis upang matakasan ang problemang nilikha ko. Habang umaasa akong makakaalis at naghintay sa trabaho sa ibang bansa ay pansamantala akong nagtrabaho ako bilang isang contractual employee sa ibat-ibang bangko (Far East Bank, Metrobank, RCBC). At dumating pa ang pagkakataon na kasama ko ang aking ina ay kailangan naming lumapit sa ibat-ibang tao sa Angono upang manghiram ng pera para sa gagamiting pangbayad sa inaaplayan kong trabaho sa ibang bansa. Tatlong nakaka-riwasa sa buhay ang nilapitan namin ng aking ina na nabigo kami sa aming sadya. Masakit tanggapin na ang pamilyang matatawag na mayaman sa aming bayan ay walang pera. Habang ang kapatid kong bunso ay iginagapang ko pa rin ang pag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan sa St. Paul College. Nag-working student siya bilang tulong sa akin. Alam kong nahihirapan ang aking kapatid sa karampot niyang kinikita sa palima-limang buwan na trabaho niya sa mga fast food restaurants at pa-unti-unting subject na kinukuha niya sa pag-e-enroll. Alam ko rin na iniisip niya kung makakatapos ba siya ng paganon-ganon na lamang. Isang dramatikong pag-uusap namin ay ipinangako ko sa kanya na kahit ano ang mangyari ay pagtatapusin ko siya. Umiyak siya dahil nahihirapan nga siya sa nangyayari sa aming buhay. May kanilang pamilya na ang aking ibang kapatid at hindi na rin maaasahan na makatulong ng pinansiyal, ako na lang ang inaasahan na kumita. Hirap na talaga kami sa pera. Habang nung mga panahon na iyon ay patuloy pa ring lumalayo ang aking kaibigan na pinag-iisipan ko pa rin ng paraan kung paano kami makakapag-usap upang aayusin ang aming pagkakaibigan. Bukod sa problemang ito ay mayroon akong pagkakautang sa aming kooperatiba dahil sa hiniram kong pera na ipinambayad ko sa isang agency na inaaplyan ko papunta sa Israel bilang isang Tagapag-alaga*(*Caregiver) sa mga matatanda. Dahil sa situwasyon ng aking trabaho na puro contractual, hindi ko nababayaran ang bangko dahil mas inuuna ko ang pag-aaral ng aking kapatid. Hanggang nalaman ko naman na niloloko lang ako ng agency na binayaran ko ng 40,000 piso para maka-punta sa Israel. Nang sinimulan kong bawiin ang naibigay kong pera na patuloy na lumalaki ang tubo mula sa hiniraman kong bangko na hindi ko nababayran dahil sa aking pa-putol-putol na trabaho ay hindi iyon agad ibinigay kaya humantong kami sa demandahan sa ahensiya ng gobyerno na nagpapalakad sa ibang bansa*(*POEA), bumilang muna ang ilang buwan bago ko ulit iyon nabawi. At sa mga nangyayaring ito sa amin ay nabalitaan namin na naghihintay lang ang isa naming kamag-anak na lumapit sa kanila upang ipagbili ang aming lupa sa kanila. Sa gitna ng lahat ng ito ay nagpakumbaba kami, hindi gumanti at hindi nagalit. Siguro dahil wala kaming lakas na lumaban.
Patuloy akong nag-aapply ng trabaho sa abroad. Naranasan ko ang magutom sa daan dahil hindi ako makabili ng pagkain. Patingin-tingin sa mga gustong-gusto kong bagay pero hindi ko mabili dahil walang pangbili. Kapag napapadaan ako sa mga restaurants at naamoy ko ang bango ng mga pagkain ay hindi ako makapasok upang kumain kahit gutom na gutom na ako kasi mababawasan ang kaunti kong pera. Tinitiis ko ang kendi na pamatid gutom. At nagbabayad pa lang ako ng pamasahe sa jeep ay iniisip ko na kung magkano ang natira na gagamitin ko pang pamasahe pauwi. Nagtitiis ako sa hirap sa mahaba at ngalay sa matagal na pila ng sasakyan kasi di ko kayang sumakay sa malamig at kumportableng sasakyan na FX. Naranasan ko ang maglakad sa gitna ng init ng sikat ng araw ng tanghaling tapat sa pagpunta sa mga Agency upang makahanap ng trabaho. Init, pawis, hirap at nanlalagkit ako sa paghahanap ng trabaho sa loob o labas man ng bansa. Naala-ala ko noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo, tinanong ko ang sarili ko – bakit ako nagkaganito? Bakit hanggang ngayon ay naghihirap pa rin ako? Bakit ganoon pa rin ako – akala ko noong nag-aapply ako para sa una kong trabaho – akala ko kapag nagkatrabaho na ako ay makakariwasa na ako sa pera pero ganoon pa rin: nagugutom, nahihirapan. Minsan sumasagi sa aking isip na bakit hindi ko man lang mapagkasya ang aking kinikita? Yung hindi ko man magamit kahit minsan lang ang aking suweldo para makabili ng mamahaling bagay para sa akin, para maregaluhan ko man lang ang sarili ko. Minsan naiinggit ako sa mga kasamahan kong katulad ko rin ang suweldo at katulad ko ring walang pamilya – pero sila nagagawa nila ang magpakasaya sa suweldo nila. Parang hindi sila puwersadong mag-intrega sa mga magulang, parang walang inaala-ala samantalang ako obligadong mag-abot ng pera sa magulang.
Sa mga panahon ding iyon ko naranasan ang itrato ako na isang mababang tao at kaawa-awa. Naramdaman ko iyon kapag nang ipagwalang-bahala ng mga nakatataas na tao sa akin ang aking inilalapit ng tulong. May Pasko na walang-wala akong pera at inabutan pa ako ng aking ina na alam kong nagkukulang din sa pera upang ibigay ko sa mga inaanak ko. Ngunit ayokong sumuko, nanatiling buo pa rin sa loob ko na makakapag-abroad ako. Nahihirapan man ako pero ayokong isuko ang pangarap kong makapagtrabaho sa ibang bansa. Sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda sa aming buhay ay patuloy kong sinuong ang takbo ng aming malungkot, mahirap at mabigat na buhay. Ang mga nangyayari at dumadating sa amin ay hindi namin kagustuhan. Walang magandang balita ang dumadating sa amin. Sa panahon na iyon ay puno na ng hinanakit at sama ng loob ang aking saloobin. Ang bigat na ng dinadala kong sama ng loob. Galit sa mga taong nanloko sa aking pagtratrabahuhin ako sa ibang bansa, galit sa mga taong nanloko sa akin para sa kanilang pansariling pakay, hinanakit sa kaibigan na nagalit sa akin nang dinalaw ko siya sa Hongkong dahil sa hindi ko siya napakiharapan ng ayon sa kanyang kagustuhan, hinanakit sa kamag-anak na naghahamak sa amin at hinanakit sa mga taong nagkait ng tulong nang lumapit kami sa kanila ng aking ina. Sa kabila ng mga payo sa akin ng ilang kaibigan na isuko ko na ang ambisyon kong magtrabaho sa ibang bansa at itutok na lamang ang aking paghahanap ng trabaho sa loob ng bansa dahil baka hindi daw ako nakalaan doon at hintayin ko na lang ang tamang oras ay hindi ako tumigil. Puno ng hirap sa pagtitiis sa maliit na trabaho, hirap sa pag-gapang sa pagpapaaral sa kapatid, hirap sa pagkakabaon sa malaking pagkakautang. Bigat ng saloobin sa kabiguan ng pag-ibig at sama ng loob sa inggit. Sa kabila ng mga nangyayaring ito ay patuloy pa rin akong umaasa at nagdarasal na sana ay makapag-abroad na ako. At noon ko hinanap ang Diyos. Noon ko tinanong ang Diyos kung bakit kami naghihirap?
KINAUSAP AKO NG DIYOS
Dahil inisip ko na sa kabila ng pagdarasal ko ng taimtim, sa kabila ng pag-iyak ko dahil sa hirap na pinagdadaanan ay bakit hindi pa rin ako dinadamayan ng Diyos? Nagpapakabait naman ako pero bakit patuloy pa rin akong pinapahirapan? Hindi naman ako masamang tao pero bakit yung iba na kilala ko na dalawa ang asawa, mapanira sa kapwa at may mga masamang ugali ay nababalitaan ko na lang na walang hirap na nakapunta sa ibang bansa? Ano ba ang kasalanan ko upang pagbayaran ko ng ganito? May mga pagkakataon pa na sa paghahanap ko ng mahihingan ng tulong ay tumitingala ako sa langit at nag-aabang sa paglitaw ng bulalakaw sa pag-asang baka sakaling ibigay nito ang aking kahilingan.
Ginawa ko na ang mag-alay sa mga Santo, lumuhod at humalik sa kanyang paa at laylayan ng damit, lumapit at humiling sa ibat-ibang Patron. Ginawa ko na ang makipagkasundo ng pangakong gagawin ko ang ganito oras na maka-alis ako para magtrabaho sa ibang bansa pero ang lahat ay hindi pa rin ibinibigay sa akin. Inisip kong baka naman mali ang Diyos na aking pinagdadasalan. Baka naman hindi iyon ang totoong Diyos kaya hindi nakakarating sa Diyos ang aking mga dasal. Inisip ko noon na magpalit ng relihiyon kasi baka mali ang ginagawa kong paraan ng pagdadasal.
Nuon sinagot ng Diyos ang aking mga tanong. Sa isang paraan ay kinausap niya ako at sinagot ang aking mga katanungan. Dahil mahilig akong magbasa ay idinaan niya sa sulat ang kanyang sagot upang aking mabasa. Hawak ko noon ang isang libro nang mabasa ko ang ganitong mga salita: “...bakit ka pa naghahanap? Bakit mo pa ako hinahanap samantalang naririto na ako sa iyong tabi? Sa panahong hirap na hirap ka na at sa panahong nagdurusa ka, iyon yung panahon na katabi mo na ako. Dahil kapag nararamdaman mo na ang mga hirap at sakit, iyun ang panahong kasama kitang naka-pako sa Krus. Kaya kasama ko na rin kitang nararamdaman ang hirap at sakit ng pagkakapako sa krus...”
Tumayo ang aking mga balahibo. Umiyak ako nang mga oras na iyon. Dahil nanuot sa aking pandama at kumurot sa aking puso ang mensahe ng sulat. Mula noon, tumayo ako upang magsimulang muli. Inuna kong linisin ang aking sarili. Pinakawalan ko lahat ang galit, hinanakit at sama ng loob na matagal na namamahay sa akin. Pinakawalan ko ang inggit, selos at hinanakit sa puso ko - nagpatawad ako. Pinatawad ko ang mga taong nakasamaan ko ng loob. Pinatawad ko ang Tagapamahala*(*Manager) sa unang bangko na dati kong pinaglingkuran. Pinatawad ko ang aking kaibigan na nagalit sa akin dahil hindi ko siya nabigyan ng pasalubong na aking dinalaw sa Hongkong. Pinatawad ko ang agency na kumuha ng pera na nanloko sa akin na ipapadala niya ako sa Israel. Pinatawad ko ang mga taong nagkait sa akin ng tulong nang parang namalimos kami ng aking ina. Pinatawad ko silang lahat at ipinagpasa-Diyos ko ang lahat. Hindi ko man malimutan ang kanilang mga ginawa ngunit wala na akong dinadalang galit sa kanila dahil pinatawad ko na sila. Pati ang aking pag-abroad ay ipinaubaya ko na sa Diyos. Alam kong makaka-alis din ako ngunit hindi pa panahon. At alam ko na ipagkakaloob din Niya iyon. At gumaang ang aking pakiramdam. Naging maaliwalas ang aking tingin sa mundo. Pakiramdam ko ay ipinanganak akong muli. At naramdaman ko, muli kong naramdaman ang Diyos na nagmamahal sa akin. Mahigit-kumulang na tatlong buwan matapos ang araw na iyon ay nag-ayos ako ng aking mga gamit upang sumakay ng eroplano at magtrabaho sa Saudi Arabia.
SARILING KUWENTO
By Alex Villamayor
November 30, 2009
Thoqbah, KSA

No comments:
Post a Comment