Sunday, May 23, 2010

BARBER SHOP STORY

(The below story was posted in a company's sports club newsletter)

As a regular customer, I used to go in my favorite barbershop in our barrio to have my hair cut in the traditional service. The years were 1990s where I was still working in one of the country’s top bank and yes, although it was in the 90’s where the so called hair saloons were booming during those times but I usually go to barber shop in a barrio. The typical barber shop in a barrio usually has the old man doing the hair cutting with his scissor and thin knife called razor. While the regular bystanders who are in their mid-life used to read the daily tabloids and the oldies are spending their free times playing chess or dama, there are hypothetical lessons to learn in going to barbershop and watching the chess games.


Most of the times when I go to the barber shop and wait my turn to sit in the barber chair, I had the chance to watch the two old men who used to be the most distinguishing chess players because of their humorous disputes and arguments. There is the 75-year old silver gray hair and veteran of war who still stands straight although he is suffering cough every time he laughs. And the other one is the 70-year old one-tooth skinny man who has a mid-wife daughter and believed to have amulet for long life although he looks sickly because of his prolong addiction in tobacco. The two old men are undeniably great players and their rivalry over the game of chess and exchanges of opinion continues every morning which brings unfading entertainment in the barber shop.


From the first move of the white pawn to checkmating the opposing King, the two old players comically talk the facts and rumors from different current issues. They capitalized their manipulative minds in moving their each sixteen pieces to save the King which actually characterize and represent their points of view about the issues. Their cunning moves were carefully done while expressing their satirical opinions ranging from politics, business, religion and even showbiz issues – these polish their wisdom which make the listening and watching customers laugh, nod and learn. Much of the entertainment are their stories that they are bringing back during the times of World War II and American Liberation, the untold stories during the frightful Martial Law and the compelling People’s Power in EDSA. One time, the war veteran sarcastically remarked on the government that as the most powerful man in the country, the leader must be by all times and by all means fight for the interest of the state – at any cause. And he’s done, he has able to checkmate the black King. Whatever he meant by at any cause, he made to win which the puzzling onlookers responded laughing – I did not know if there was cheating, but surely there were the popular winner and the funny looser on that day.


The chess play of the two old men is a miniature of our true to life battle. Reading between the lines of their argues, more than the satire stories of the two old men while playing the chess are lessons that really outline the structures of our daily situation. The chess play of the two old men intervenes in the real life situation. Because life is like chess, we are moving according to our roles in achieving our goals. We are playing the role of the pawns, knights, bishops, rooks, and the queen or the king – each role has its own weight of control, supremacy, authority and power. Great power is great responsibility. In playing chess, the responsibility of protecting your Kingdom lies in your powerful mind. One wrong move could lead to collapse your army. In life, no matter how great you did in the past you will be only as good as your last deed.


Today, the barber shops in the barrios rarely exist. Like the barber shops in the barrio, the two old men are no longer visible as myself is no longer going in the shop for my hair cut in the traditional way. The two old men may have gone in the shop but time will always have story of the two old men playing chess in different place and different time.



Alex V. Villamayor
June 2009

Friday, May 21, 2010

BUHAY AMERIKA

(Ang sumusunod na kuwento ay isa sa tatlong kwentong hindi orihinal na aking ipinaskil dito. Tungkol ito sa mga OFW na nasa Amerika.  May ilang mga salita ang sadyang binago, inayos, inalis at idinagdag upang tumugma sa kabuuan ng kwento)


Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila ayos na at marami ka ng pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga Kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kasi kapag hindi ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila maghanap-buhay pangbayad ng bills nila. Kapag hindi ka nakabayad ng bahay o apartment magiging homeless ka. Buti pa sa Pilipinas ang mga squatter ay may sariling bahay kahit na sapin-sapin o tagpi-tagpi.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mong ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.

Akala nila, gustong-gusto mo sa Amerika dahil masaya dito kaya hindi ka makauwi.  Pero ang hindi nila alam ay hindi ka lang maka-uwi kahit minsan isang taon kasi ang mahal ng ticket sa eroplano.  Kaya nga ang ginagawa nung iba ay kada-limang taon kung umuwi tapos hindi pa magkakasabay na buong pamilya - kasi nga ang mahal ng ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki kapag pinalit mo ng piso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita ay sa presyong dolyar mo rin gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas ay $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse ay 5 taon mong huhulugan. Ang bahay ay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, kayod dito - kayod doon, alipin ka ng bahay at kotse mo. Hay, talagang mahirap ang buhay dito!

Madaming naghahangad na makarating sa America lalo na ang mga nurses - mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho, ‘pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad dito sa America .

Hindi ibig sabihin porke dolyar na ang sweldo mo ay yayaman ka na - kailangan mong magbanat ng buto para mabuhay ka at manatili ka dito sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag-alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot o pinipitas ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang imulat ang karamdaman at buksan ang bintana ng katotohanan sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan at mga kababayan.


Nilikom:
Alex V. Villamayor
2007

Thursday, May 20, 2010

ANAK NG AMANG OFW

(Ang sumusunod na kuwento ay isa sa tatlong kwentong hindi orihinal na aking ipinaskil dito. Ang kwentong ito ay tungkol sa relasyon ng isang anak at isang ama na OFW. Nagwagi sa isang essay contest at ipinaskil ko dito bilang pag-hanga sa kabuuan ng kuwento. Walang bahagi ng kuwentong ito ang aking binago)


1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at 48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho. uprising. Same year it had a big oil crisis in the world. P24.00 to exchange dollars to pesos and 48 million population of the Philippines. This is also the first person to go the Middle East my father to work.

Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki ang pangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.

Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kada dalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.

Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mga salitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay. Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindinaman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerong

Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM City. Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid ang Tatay sa Airport papuntang Middle East. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya. Kailangang kumayod, kailangang kumita.

Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawa ng mga kapitbahay ko sa kanilang anak. Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga math competition na sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako sa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas ... Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Wala siya, wala siya parati.

Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras naming sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.

Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit sa abroad. Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay overfatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko.

Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay. Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo. Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sa pagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.

Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seaman na tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buong kawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahil baka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ng ingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyang na-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habang binubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya namalupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae. Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabi iyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kami pa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niya ng pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kung bakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.

Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga ang paghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahil napakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansa para makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mga nagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rin sinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlong taon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man lang sana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike. (Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).

Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkol sa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akong nalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko. Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagong bayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayang may larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction boots at may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyang Pilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilang magkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahil tinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no?

Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siya at ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mga remembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang dating nito. Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ng pangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandang damit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang good provider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" ang ibibigay sa akin ng mga kaklase ko.

O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya. Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Na inoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Na nakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyang namatay. Tragic naman ang approach ko nito. Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundo ang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ng kanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi naman totoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.

Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay. Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari. Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ng simpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayo siya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagong matchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ng beer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buong pagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa lokal na Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwang tenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita at madali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya. Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.

Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taong kailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasama ng mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko. Bago ang lahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Baka mapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ng isang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha.


Nilikom:
Alex V. Villamayor
2007
(Ang kuwentong ito ay natagpuan ko na walang titulo.  Binigyan ko ito ng sariling titulo bilang aking sariling kagamitan)

BUHAY SAUDI

(Ang sumusunod na kuwento ay isa sa tatlong kwentong hindi orihinal na aking ipinaskil dito. Ito’y nagpaikot-ikot sa email ng mga OFW na naka-base sa Saudi Arabia. May ilang mga salita ang sadyang binago, inayos, inalis at idinagdag upang tumugma sa kabuuan ng kwento)



Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi ka, akala nila ay marami ka ng pera ng langis. Ang totoo ay marami kang utang dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mong gumamit ng credit card kasi naubos na ang pera na pinadala sa Pinas, kasi kapag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan ay libo-libo ang ipinapadala mo - walang palya at kapag pumalya ay iisipin nila na baka nagbibisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sa iyo at pag kinulang pa ay umuutang at lista muna sa malapit na bahkala.* Kapag may okasyon sa Pinas tulad ng birthday, fiesta, anniversary, Pasko, bagong taon at iba pa, nagpapapadala ka agad ng panghanda – ang sarap ng kainan nila, hindi nila alam - ikaw nagti-tiyaga sa budget meal, noodles, de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Akala ni mahal, tatay, nanay, ate, kuya, anak, mga pamangkin at iba pa na namumulot ka ng pera sa Saudi kaya kada may problema ay text kaagad - kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng pera! Hay naku… nakaka-alergic na ang text sa roaming - puro gastos. Minsan nagpapadala ka pa ng kanilang pang-load! Load mo nga utang pa sa mga Pana!* Hay naku bakit ba nauso pa yan - dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa naka-reply aawayin ka pa!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani…. naku mas masarap pa yong nasa Pinas na sa katas ni Bagong Bayani ay siya ang umaani! Utang sa Saudi lalong dumarami.

Akala nila masarap sa Saudi - di nila alam hindi ka na nga makauwi kasi yung roundtrip ticket mo ay kina-cash pa para maipadala lang at ibayad sa utang.

Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, hindi nila alam na babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil wala kang magagawa, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, ang init ng araw - sobra!

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Saudi maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa tag-lamig na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha. O kaya naman ay magtiyaga kang mag-abang ng Saptco* o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin - grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Saudi. Madami mga Pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Kapag minalas ka sa Arabo na taxi driver - rapist pa!

Akala nila masarap ang buhay dito sa Saudi, ang totoo ay puro ka trabaho kasi kapag hindi ka nagtrabaho – matatanggal ka, gagawan ka ng kwento ng kapwa mo Pilipino! Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi baka mamutawah* ka.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Redsand, Hidden Valley, Faisaliah Mall, Riyadh Zoo, Corniche’, Obhur at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kasi minsan-minsan ka lang makakapicture bawal kasi ang basta kumuha ng litrato dito - makukulong ka.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi riyal na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki kapag pinalit mo ng piso, pero riyal din ang gastos mo sa Saudi. Ibig sabihin ang riyal mong kinita ay sa presyong riyal mo rin gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas ay SAR3.00 sa Saudi, ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas na P40.00, sa Saudi ay SAR 6.50.

Maraming naghahangad na makarating sa Saudi, lalo na yung Nurses at mga Medsec - mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas, madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo ay kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa lalo na sa Saudi na wala kang pampa-alis ng pagod mo kasi maraming bawal!!! .

Hindi ibig sabihing riyal na ang sweldo mo ay yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag-alis mo sa bansang sinilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot, pinipitas o iniigib ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan ang ariling bayan, manilbihan sa dayuhan at mapalayo sa pamilya? Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan. Kaya Juan mag-iwan ka ng pera para sa ‘yo, para sa kinabukasan mo!

Shokran, Sadiq*

Nilikom:
Alex V. Villamayor
2007


* Bahkala – Maliit na tindahan/Sari-sari Store
* Pana (slang) – Indian
* SAPTCO – Pang-publikong sasakyan (Saudi Arabian Public Transport Company)
* Mutawah – Tagapag-payapa (pulis)
* Shokran, sadiq – Salamat, kaibigan

Wednesday, May 19, 2010

DITO SA SAUDI ARABIA

Ang buhay sa Saudi Arabia (KSA) ay pinaiiral sa ilalim ng “Sharia” – ang napakalakonserbatibong batas ng Muslim. Dito, hindi maaring magmaneho ng sasakyan ang mga babae, kailangang nakatakip ang buong katawan ng mga babae kapag nasa publikong lugar, bawal ang anumang uri ng sugal at alak, bawal ang anumang paglalahad ng Pangrelihiyong paniniwala liban sa Islam, bawal ang usaping kumukondena sa gobyerno, bawal sa mga lalaki ang nakasuot ng alahas, may mahabang buhok at naka-suot ng maigsing pantalon. Hindi ka maaaring kumuha ng litrato sa mga publikong lugar. Wala ditong sinehan, bahay aliwan at lalong-lalo ng walang simbahan. Ang mga tindahan ng kainan dito ay hinahati sa dalawang lugar: ang para sa mga lalaki, at ang para sa mga babae at pang-pamilya. Napakahigpit sa lugar na ito, ang mga nahatulan ng krimen ay pinaparusahan sa katumbas na pagkakasala – kailangang putulin ang kamay ng mga nagnakaw. Ang kaparusahan naman sa mga napatunayang nagkasala sa salang pagpatay, pang-aabuso ng babae at paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ay pagpugot ng ulo. Isinasagawa ang pagpataw ng parusa tuwing araw ng Biyernes, isinasagawa ito sa publiko na nasasaksihan ng mga tao – madugo ang tagpong ito at karamihan sa mga nakakasaksi ay inaalibadbaran. Hindi ako nakasaksi ng ganito ngunit sigurado ako na hindi ko makakayanan ang ganoong tagpo. Anuman ang iyong paniniwala sa ganitong uri ng batas, ngunit ang bansang ito ay walang napakataas na antas ng kriminalidad.

Ipinag-uutos ang pagkakaroon ng limang beses na pagdarasal sa isang araw. Ang pagbubukang-liwayway, bago magtanghaling-tapat, kalagitnaan ng hapon, bago sumapit ang hapon at pagsapit ng takip-silim. Kapag sumapit ang oras ng pagdarasal, ang lahat ng establisyimento sa buong bansa tulad ng mga bangko, opisina, mga tindahan at bahay-kainan ay nagsasara upang magdasal. Kung ikaw ay may ibang Paniniwala, kailangan mo ang tumigil sa isang lugar o manatili sa loob ng iyong bahay hanggang matapos ang kanilang pagdarasal. Nangyayari ito limang beses sa isang araw, kaya maiisip mo ba kung gaano ito nakaka-inip sa isang may ibang Paniniwala?

Ang “Iqama” ay ang pangunahing pagkakakilanlan ng lahat ng mga dayuhan na pumapasok sa loob ng bansang ito. Katumbas ito ng sedula o pasaporte. Hindi mo ito iniiwan sa iyong bahay dahil maaring maghatid sa iyo ito sa pagkakadakip kapag wala kang naipakita sa mga pulis. Ang “Thope” ay isang kulay puting kasuutan para sa mga lalaking katutubo. Mahaba ang manggas nito at ang laylayan ay hanggang sa paa. Sa kabilang banda, kapag nasa publiko ang mga babae ay kailangang naka-suot ng “Abaya”, isang kulay itim na kasuotang pangbabae na mahaba ang manggas at hanggang talampakan. Sa ilang bahagi na konserbatibo ay kailangang silang nakatalukbong ng telang kulay itim. Samantalang ang mga katutubong babae ay mayroon pang takip sa mukha na tanging mga mata lamang ang makikita. Sa mga publikong lugar, ang mga “Mutawwah” ang siyang naatasang mangasiwa sa pagpapatupad ng mga ito.

Napakabihira o halos walang isang dayuhan ang hindi nakakain ng mga pangkaraniwang pagkain sa bansang ito. Ang “Kabsa” ay nilutong bigas na may kahalong pangpalasa tulad ng karot, pasas, pinagkuluan ng manok, at mga pampabangong galing sa katawan ng puno. Karaniwan itong may kasamang manok na inihaw at mainit na inihahain sa sahig habang nakasalampak na kinakain sa pamamag-itan ng kamay. Ang “Shawarma” ay ang pinira-pirasong inihaw na manok na may kasamang mayonesa, ketsup, ginayat ng maliliit na kamatis, pipino at piniritong patatas na pinaghalo-halo at ibinalot sa “kubos” o tinapay. At ang “Dates” na isang matamis na bunga ng isang uri ng puno ng palmera na nabubuhay kahit sa gitna ng disyerto ay nagkalat sa ano mang lugar sa buong bansa.

Isang malaking disyerto ng mga buhangin na inilatag ang kabuuan ng lugar na ito. Sa pusod ay naroroon ang napakagandang bundok ng mga pinong buhangin na namumula sa sikat ng araw tuwing hapon. Hanggang sa mga karatig-lugar ay namamalas ang ibat-ibang disyerto na kamangha-mangha sa kanyang angking kagandahan. Napaka-init sa tag-araw at napaka-lamig tuwing tag-lamig.  Sa kabila nito, ang mabuhay sa bansang ito ay magkakahalong damdamin ng pangamba dahil sa mga nakakatakot nitong kautusan at paghihirap dahil sa mga bagay na hindi mo kinaugalian. Ngunit kung ikaw ay bukas ang isip sa pagtanggap sa kultura at pangangailangan ng ibang tao, kung ikaw ay nakakabagay sa mga kakaibang bagay na humahamon sa iyong kakayahan – ang buhay dito para sa iyo ay magiging masaya at kapakipakinabang.



Alex Villamayor
May 2010

Tuesday, May 18, 2010

ANG PAGIGING OFW SA SAUDI ARABIA

Hindi biro ang buhay ng isang Manggagawang Pilipino sa Ibayong Dagat (OFW). Mahirap ang maging isang OFW sa kahit saang bansa. Subalit mas mahirap ang maging OFW kung napadpad ang iyong kapalaran sa Gitnang Silangan – lalong lalu na kung naririto ka sa Saudi Arabia. Kumpara sa ibang bansa na mayroong mga nanunuluyang Pilipino, mas malalim ang kalungkutan na nararanasan ng isang Kababayan na nasa Saudi Arabia dahil naiiba ang buhay dito na taliwas sa kinagisnan sa Pilipinas. Kung ikaw ay nasa America, Canada o ibang Kanluraning Bansa, madali kang makakapunta sa iyong mga kamag-anak o kaibigan sa sandaling dalawin ka ng matinding kalungkutan. Subalit kapag naririto ka sa Saudi Arabia, kahit malapit na kamag-anak mo ay hindi mo basta mapupuntahan. Dahil hindi hinahayaan na magsama-sama sa isang lugar ang mga dayuhan kung hindi rin lamang diretsong magkapamilya o magkakasama sa iisang trabaho. Maaari kayong magkita ngunit ito ay palihim na ginagawa. Kung wala ka naman kamag-anak na masasamahan sa gitna ng iyong kalungkutan, ang mag-isang magpalipas ng lungkot o sama ng loob sa isang tahimik na lugar tulad ng dagat ay may naka-amba na panganib. Dahil maaring ipangkahulugan ang iyong katahimikan sa isang masamang gawain na maghahatid sa iyo sa kapulisan. Maraming maaaring ipangkahulugan ang iyong pag-iisa – maaaring akusahan ka ng pagtakas sa pinagtratrabahuhan, paghahanap ng panadaliang aliw at damputin ka sa salang prostitusyon, o maaari ring akusahan ka na gumagamit ng bawal na gamot.


Kung ikaw ay naririyan sa Europa o Amerika at halos gusto mong sumigaw dahil sa iyong labis na kalungkutan – mag-isip-isip ka. Wala sa nararamdaman mo ang kalungkutan na nararamdaman ng isang nasa disyerto. Napakalungkot dito, kailangang malakas ang loob mo dahil kung mahina-hina ka ay mababaliw ka sa labis na kalungkutan. Walang sinehan tulad diyan na maaari mong mapaglibangan. Walang bahay-libangan tulad sa ibang bansa na maari mong gawin ang magpakasaya tulad ng bahay-sayawan o bahay-inuman. Walang ibang sambahan liban sa mga Mosque ng Muslim na maaari mong mapuntahan kung gusto mong kausapin ang Diyos o kaya ay mag-isa at magmuni-muni. Hindi ka maaring maabutan ng disoras ng gabi o magpalipas ng oras sa harap ng iyong tinutuluyang bahay upang magpahinga – maari kang paghinalaan ng mga pulis na may ginagawa kang hindi tama – magkakaroon ng pagtatanong, at kung nagkataon na hindi nakakapagsalita sa wikang Ingles ang isang pulis, na kadalasan ay hindi nga, ay hahantong ka sa himpilan ng kapulisan. Hindi kayo maaaring magkuwentuhan ng iyong mga kaibigan sa harap ng inyong bahay dahil ang langkay-langkay na grupo ng mga tao ay nagiging mainit sa mata ng mga kapulisan – ang maingay na pag-uusap at tawanan ay maaaring itawag sa kapulisan bilang kapwersiyohan sa kapit-bahay at publiko. Hindi maaaring ihayag ang iyong pananampalataya dahil mariing ipinatutupad sa bansang ito ang Kasagraduhan ng kanilang bansa kaya hindi maaaring mabahiran ng ibang pamamaraan ng pagpupuri sa Diyos. Ang mga babasahin at estasyon sa telebisyon at radio ay iilan lamang at piling-pili lamang. Kung tutuusin ay ipinagbabawal ang musika dahil ito ay isang uri ng kaluhuan. Napakalakas ng sensoriya dito – ang internet ay nasasala, kontrolado ang mga ipinapalabas sa telebisyon at ibinabalita – wala kang magagawa kundi ang panuorin ulit o huwag manood. Hindi pa kasama dito ang paglilibang sa pamamag-itan ng ano mang uri ng alak at sugal. Sigarilyo ang tanging bisyo na maaari mong gawin. Kaya ang nangyayari ay patago ang lahat ng iyong pamamaraan upang mapaglabanan mo ang iyong kalungkutan – kaya isipin mo kung gaano kahirap ang mabuhay ng araw-araw sa bansang ito?

Saan mang panig ng mundo, mahirap ang buhay na dinaranas ng mga Filipino na naninirahan at nagtratrabaho sa ibang bansa. Kailangan alamin mo ang kanilang tradisyon at pag-aralan ang kultura, ugali ng mga nananahan at batas ng bansang iyong kinalulugaran. Kailangan mo ang malawak na pang-unawa at malakas na pagpipigil dahil kailangan mong magsawalang-kibo kapag ang nangyayari ay hindi angkop sa iyong tamang pagkakaalam. Madalas makaranas ng diskriminasyon ang mga nanunuluyang Filipino. Dito sa Saudi Arabia, kadalasan ay kahit nasa tamang lugar ang isang Pilipino ay mas pinipili niya ang manahimik at tanggapin ang sistema dahil alam niyang mahirap ang makipag-diskusyon kapag wala ka sa sarili mong bayan – yung nag-iisa ka lang na napapaligiran ng ibang lahi. Alalahanin mo na lamang na hindi naman tayo mamamalagi sa lugar na ganito. Ang pananatili natin dito ay panandalian lamang at sa huli ay muli tayong uuwi sa ating sariling bayan upang namnamin ang bunga ng ating pagsisikap.



Alex Villamayor
May 2010

Monday, May 17, 2010

KAPAG NAMUMRUBLEMA KA

May mga pagkakataon na problemadong-problemado tayo, pakiramdam natin ay bagsak na bagsak tayo, parang wala ng pag-asa, walang tumutulong, nakikiramay at nagmamamahal sa atin. Maaring dumarating sa buhay natin na sunod-sunod ang problema. Problema sa pera – malaking pagkakagastusan, pagkakalubog sa malaking pag-kakautang, at kawalan ng pambayad. Mga problema sa pamilya tulad ng pagkakasakit, paghihikahos, pagkakakalulong sa masamang bisyo at pagkakaligaw ng landas ng isang kasama sa bahay. May problema sa pag-ibig – iniwan ng asawa o kasintahan, hindi minahal ng taong kanyang mahal na mahal, o kaya ay niloko ng kinakasama. Problema sa kaibigan, kalusugan, hanap-buhay at kung anu-ano pa. Parang ang lahat ay laban sa iyo. Parang galit sa iyo ang mundo. Parang walang katapusan ang pag-hihirap mo. Iniisip mo na parang kinuha mo na lahat ang kamalasan sa mundo. Kailan kaya matatapos ang paghihirap mo? May nangyayari pa na kapag hindi nakayanan ng isang tao ang labis na problema ay nade-desperado at kinikitil niya ang sariling buhay dahil iyon na lang ang tanging paraan niya upang matapos na ang kanyang paghihirap. Pagtakas sa problema ang ganoong bagay, hindi naman talaga natapos ang problema dahil iniwan mo lang.

Mahirap man unawain at masakit tanggapin at gawin ngunit kailangan mong harapin ang iyong problema. Mahirap tawanan na lang ang iyong problema ngunit isipin mo na lang na mayroon isang tao sa mundong ito na mas mabigat ang dinadalang problema kaysa sa iyo at mas masahol pa ang kinalalagyan o kinasasadlakang suliranin sa buhay. May mga taong buto’t balat dahil sa sobrang gutom ngunit hayan ka na nagtitiis sa kanin at asin. May mga taong kinakain ang mga ipinagpag na pagkain mula sa mga itinapon ng malalaking Kainan. Mayroong nagtitiis sa kariton upang gawin tahanan. Ikaw na nabigo sa pag-ibig, kaya mo bang dalhin ang sakit na nararamdaman ng isang anak na naulila ng lubos? Yung mga taong kumakaharap sa ibat-ibang pagkakautang, mas mahaharap mo ba ang buhay ng isang kaawa-awang kasambahay na paulit-ulit minamaltrato sa ibang bansa ngunit nariyan pa rin siya at pilit na tinutustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya? Sa mga taong nagtitiis sa hanap-buhay dahil sa mga hindi magustuhang kasamahan, maliit na kabayaran, at sobrang dami ng trabaho – isipin mong may mga tao na kailangang humawak sa dumi ng mga hayop upang siyang ipang-hanap buhay kapalit ng baryang kabayaran. Ang lahat ng ito ay napakahirap at napakabigat na dalahin ngunit isipin mo na lang na mapalad ka pa rin at mas mabuti pa rin ang kinalalagyan mo.

Isipin mo na lang na walang suliranin na hindi mo malalampasan. Hindi hahayaan ng Diyos na dumating sa atin ang problema na hindi natin makakayanan. Dahil alam Niya na kaya mong lampasan ang iyong problema kaya Niya itinulot ang pag-subok. Lahat tayo ay may pinagdaraanan, walang taong walang suliranin. Lahat ay mayroong suliranin, mabigat man o magaan – depende na lamang kung paano mo poproblemahin. Ang sobrang bigat sa iyo ay madali lang sa iba kaya iwasan mo ang ihalintulad ang iyong sarili sa iba dahil hindi mo alam ang kanilang pinagdaraaan.

Walang saysay ang buhay kung walang problema. Ito ang nagtutulak sa atin upang magsumikap tayo. Ito ang nag-uudyok sa atin upang tahakin natin ang makulay na pakikipagsapalaran. Ang mga ito ay ang aral na ating natututunan. Ibinibigay ang ibat-ibang suliranin na siyang nagpapatatag sa atin. Ito ang naghuhubog upang maging mas matapang, mas malakas, mas magaling, at mas masaya tayo sa ating buhay.


Alex V. Villamayor
May 2010

Thursday, May 13, 2010

ALMOST REAL DREAM

In different incidents that have to bear out my belief, I’d proven the fact that God still loves me. I have experienced more than twice over occurrences that I unbelievably almost died - the near-death dream. I used to sleep in-between times at noon when I was working in a bank abroad. While sleeping, I felt the need to wake up as my usual daily routine every 2:30 pm.  But when I was about to get up, I felt that I cannot move myself.  I observed myself at first since that was not the first time it happened to me. But when I attempted to move again, I’d realized I can't really make any movement.... even just at once. And I'd felt then that my eyelids were pulling me to close my eyes... telling me to go on sleep.  And they made me to feel like I am laying in a cradle.


I saw myself dreaming. I can see myself laying in my own bed, wearing the clothes I had then, sleeping at my side position and dreaming, though I was certain on myself that I was conscious then. Although my eyes were nearly closed but looking down to the direction while I was on my back, which where I can see my feet, was the window. It was gray what I can see as my heavy-eyes were really pulling me to nap. I can even hear some noise from people outside my room yet I cannot audibly understand. I tried to shout to get the attention of the people but it seemed I could not even open my lips. I tried to scream to alarm everybody out there what was happening to me inside my room but I know there was no sound that my lips can utter.  Although on my mind I can hear myself yelling so loud. I've knew it, I was having bad dream. People said, the person have just to move at least one of his fingers and the person would be able to wake up but it had no use to me. My eyes were telling me to close them and go on sleep though my mind opposed it and I felt I will lose the fight.

Just in time I was losing hope, I’ve remembered one thing that I almost forgot - I need to say my prayer. I stopped my struggle to wake up and instead I sincerely prayed. I said to God that I am now giving myself and lifting everything up to Him. But I still prayed that if I will die, I asked God to not do it at that time. One sincere prayer.... I asked Him that I need to wake up.  And my eyes have opened... and I saw the bright and clear surroundings. And when I was able to move my head to other side, that was the time I’d realized I was completely awaken.  And I've gotten up from my soft indigo bed where I almost die.

I dreamed - and almost real, it was a dream that almost like real. For a moment I was still bothered after I've woke up and I can still feel the emotion I had in battling the bad dream. But then I felt the real joy and big thanks to a little prayer that saved my life. The power of prayer worked for me and too, I have proven that God still loves me unconditionally in spite of disappointing Him repeatedly.

There are times in our life's struggles that we lose our hope when despite everything we did - nothing happens. When everybody turned their back, when we feel no one will help us, when everything seems to be not alright – remember that there is still one up there who will lift you up. Just one sincere prayer and your burden will be light, you’ll be saved. It is just saddening to realize that we only remember to pray when we are in times of need, trouble and danger.


Alex V. Villamayor
May 2010

Monday, May 10, 2010

HAPPY IN WORK

(The following opinion attests that working in a multi-million company is not guarantee to achieve the work satisfaction.  Human's emotion and rational are the focal points of your norm in getting your happiness in work)



Having the chance to work in a world’s top company is really a good opportunity for every brain drain employee who is aiming for a greener pastures. When I had the chance to become direct hired employee of this company, I had mixed reaction before I’ve learned it. I’m thankful because all of a sudden it will be given to me without exerting effort and taking hard time in applying for it, I did not even plan and asked for it. I am glad because it will be an additional credential to my work experience and acquiring new knowledge since as direct employee means accessing to more important works. And lastly, although it is not the basic salary but the benefits and prestige being given to a direct hired employee is truly pleasurable.


However, I am not really strongly interested on the other hand because first, I don’t like my work. I am in fact not comfortable in my job that I may say not my work. I am not good in what I call “housekeeping and homemaker-like” type of works such as preparing and giving the needs of everyone, cleaning their mess, welcoming the visitors, baby-sitting and pampering the boss. Secondly, I am not keen to pursue it because I don’t like to work with those spoon-feeding colleagues who cannot work alone. I want to work independently and focus on my responsibilities. I don’t like unnecessary trivial and petty disturbances from those who may just need mundane and simple errand works that insignificantly disturbing.


I can work a continuous daily long eight hours with huge bundle of paper for correction, re-typing or reviewing but redundant interruptions by others who may need my assistance anytime at their convenience is really disappointing for me. I can work with a group but working with informally two or more boss is complicated. Once or twice interruptions are okay but more than that is seemingly a habitual intention, taking-advantage and disturbance which are not right.


Employing even to one of the world's biggest companies is not guarantee to ensure work satisfaction.  Fulfillment in work doesn't only include the remuneration and position but also the working environment - the nature of business and the colleagues. Happiness and satisfaction in your work is important in order for you to give the 100% of your performance and productivity.  If you are happy in your work, it will come out and will reflect in your productivity.  It may not the entity itself but the personal requirements prompt to achieve work satisfaction.


Alex V. Villamayor
May 10, 2010

Thursday, May 06, 2010

ANG PISTA SA ANGONO NUON

Ang Pista ni San Clemente bilang Patron ng Angono ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre kada-taon. Ngunit hindi nagsisimula at nagtatapos sa araw na ito ang pagdiriwang. Sa araw pa lamang ng Undas tuwing ika-2 ng Nobyembre ay isinasaalang-alang na ang magiging pagdiriwang ng darating na pista sa pag-antabay ng ulan, dahil nakasanayan na’ng ibase sa araw na ito na kapag umulan ng araw ng Undas ay aasahan na ang pag-ulan sa araw ng pista.

Kasunod ng pagdalaw sa mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay ay ang pagharap sa masinsinang pag-lilinis ng bahay. Natatandaan ko nuong araw, karamihan sa mga bahay ng mga taga-Angono ay gawa sa kahoy kung kaya sa unang linggo pa lamang ng Nobyembre ay nag-i-isis ang mga taga-rito ng dingding ng kanilang bahay mula sa labas, sa itaas at sa ibaba ng bahay hanggang sa loob kasama ang mga barandilya ng bintana, hagdanan, mga haligi at sahig. Matapos matuyo ang mga ito ay makikita mo ang magaganda at makukulay na kurtina sa bawat bintana ng mga bahay.

Sa pag-usad ng mga araw, sinisimulan din na gayakan ang kalsada sa pamamag-itan ng pagsasabit ng mga banderitas. Mayroong mga taon na nagiging marangya ang pagagayak sa kalsada sa pamamag-itan ng paglalagay ng mga kawayan sa magkabilang gilid ng kalsada ng kada-ikalawang bahay, at saka sasabitan ng mga nakaka-aliw at kahanga-hangang bagay na nagpapahiwatig ng mga pangyayari at buhay ng mga taga-Angono. Nagkakaroon rin ng Cedera sa plaza kung saan marami kang mabibiling mga gamit sa bahay at mga laruan na takaw-pansin sa mga bata. Makalampas lamang ang Balite ay naroroon ang kung tawagin ay Perya na nagbubukas sa gabi kung saan mayroong Tsubibo, palarong bingo at ibat-ibang libangan upang makapagpasaya sa mga dumadalaw na tao. Nagkakaroon din ng siyam na araw ng Novena na sa ika-huli ay ang pagpapalipad ng malaking lobo sa papamag-itan ng apoy. Sa huling Sabado bago ang Kaarawan ng Piyesta ay nagbabayanihan ang mga kalalakihan upang ilabas ang tatlong malalaking Bangka na gagamitin sa Pagoda, pinakamalaki ang pang-huli na siyang sasakyan ni San Clemente. Bitbit ng mga batang lalaki at mga binatilyo ang saha ng saging na siyang gagamiting daanan ng Bangka, habang itinutulak at hinihila ng mga malalaking kalalakihan patungo sa bunganga ng dagat. Habang sa kahabaan ng kalsada na daraanan ng paghila sa Bangka ay mayroong mga nagmamagandang loob na mag-bigay ng malamig na inumin sa mga tumutulong na hilahin ang malalaking bangka.

Sa gabi ng bago ang bisperas ng Piyesta ay maririnig mo ang iyakan ng mga inalagang baboy na siyang gagamitin sa handaan. Kinaumagahan ay abala na ang mga ina sa pamimili ng mga lulutuing pagkain sa araw ng Pista. Karaniwan na’ng lutuin nuong araw ang Menudo, Kaldereta, Mechado, minatamis na ube at beans, nata de coco, lecheplan at gelatin. Natatandaan ko nuon sa gabi ay mayroong prusisyon na kapag nakita ko na ang mag-anak na Higante, ang tatay, nanay at ang anak, ay nagtatago na ako sa ilalim ng lamesa namin dahil sa takot. Gawa sa kawayan at papel, nakasuot ng kulay pula at nagbibigay ng takot sa bawat bata dahil sa kanilang nakakalulang laki at madidilat na mata.

Hanggang sa kaarawan mismo ng Piyesta, isang misa sa umaga alay kay San Clemente na susundan ng isang prusisyong-bayan mula sa simbahan patungo sa dagat na siyang pinakaaabangan – ang Pagoda. Ito ang paglusong, buhat-buhat ang imahe ni San Clemente at Birheng Maria kasama ang tinatawag na parejadora – ang mga kababaihan ng Angono na may dalang sagwan tangan sa kanilang balikat at naka-suot ng bakya na pumapadyak sa kahabaan ng prusisyon, marami ang sumasama sa pag-lusong na sinasabahayan ng buhusan ng tubig habang nilalakad ang paglusong. Nakaka-aliw sa bawat nanunuod na mamamayan ng Angono, mga namimiyesta at ng mga turista. Nagbibigay kasiyahan din, habang takot naman sa mga bata ang mag-anak na Higante. Ang lahat ng ito ay kasaliw ang maraming banda ng musiko na tumutugtog ng masasayang tugtugin.

Ilang metro ang ilalayag ng Pagoda na sinasaliwan ng tugtog ng banda ng musiko, habang mayroong mga naghahagis ng mga tinapay sa mga naroroon. Ilang sandali lamang ay ang tinatawag na Pag-ahon mula sa dagat pabalik sa simbahan. Inaabangan ng mga tao ang pag-ahon dahil makikita sa prusisyon ang mga nahuling isda ni San Clemente na nagiging palatandaan ng pangingisda sa buong taon. Kasama ulit ang mga parejadora na muling papadyak, ang mga taong sumama sa pagoda – lahat sila ay basang-basa, dahil patuloy pa rin ang buhusan ng tubig, at maging ng putik galing sa dagat.

Masaya ang Pista sa Angono, isa ito sa aking mga naging makulay na karanasan at masayang ala-ala ng aking kabataan. Hindi lamang ito bilang isang pangrelihiyon na gawain kundi isa rin itong panglipunang pakikialam na magtuturo sa iyong pagkatao at pagka-Filipino. At minsan pa ay nagpapakita ito ng pagkamalikhain at pagkamasining ng mga taga-Angono.


Alex V. Villamayor
May 5, 2010

Tuesday, May 04, 2010

IF I WERE THE PRESIDENT

(One week before the deciding day)


In a nation that what confronting the leadership are the unstable economic condition, growing range of poverty, unrelenting graft and corruption, interminable political crisis, elusive peace and order which aggravates by leftist groups and terrorist acts. There are the irrepressible population explosion, sudden destruction of environment, insufficient educational and medical service. The unemployment rate goes up resulting to inevitable poverty while the unaffordable price of commodities is soaring high. While unemployment and under employment caused poverty, consequently drug pushing, prostitution, slavery and other crimes will follow.

If I were the President of the Philippines, poverty and peace and order will be the first and foremost in my platforms. Poverty is the main cause of different problems that wraps the whole country. From simple petty-crime such as stealing and snatching, poverty encourages the people to commit major crimes such as bank robbery, plunder and murder. It is poverty why people are forced to engage in drug pushing, prostitution, and slavery. It is poverty why people who need proper medical attention can not go to public hospitals. It is poverty why there are out of school youth and there’s unjust child labor that stripping them from their rights. Poverty is the reason of bribery, red tape, and graft and corruption not only in the government office but also in private firms.

To eradicate poverty is to generate more decent jobs that will not only sustain the unemployment but will also disown graft and corruption, eventually will foster the peace and order. In this way it will attract the foreign investors to invest in our country empowering the labor force of our local employment. Giving the people with decent job will satisfy them to live with their job with dignity. They will begin to shun the illegal transactions since they earn to live a decent standard of living. Having decent pay will control the continuous price hike on our basic commodities and services. There will be no hesitation for everyone to go to hospital and receive medical aid so that everyone can continue work for their family, children and themselves. Every family will have healthy foods on the table for their children who will be sent to schools to become the future brighter citizens of a smart country. And so the unlikable child labor will die out.

Putting poverty into rest will make our country an ideal place to live in. Combating this dearth will reinstate the trust of general public thus supports will be earned. If we’ll start from here, I guess the rest will follow. Maybe it seems so simple and senseless but I’m hopeful many will have the same opinion with me. People in general just want to live decently. People just want to get out from the quick sand of scarcity, rise from insufficiency and stand together with family, brothers and sisters. Someday, I dream our country is standing strong above other nations, providing the prosperity and abundance to its people, and appreciating the heritage of a President who restored the resources and saved the country from disturbing poverty.


Alex V. Villamayor
May 3, 2010

Saturday, May 01, 2010

ANG MAYO SA ANGONO

Isa ang buwan ng Mayo sa mga makukulay na araw ng mga taga-Angono. Bilang isang bayan ng mga relihiyoso at relihiyosa, mahalaga sa mga taga-rito ang ipagdiwang ang mga kapistahan ng mga Santo tulad ng Pista ni San Isidro Labrador tuwing ika-15 ng Mayo. Si San Isidro ay ang Patron ng mga manggagawa tulad ng mga magsasaka na isa sa mga naunang hanap-buhay ng mga taga-Angono. Ang natatandaan ko nuon sa aking bayan, pagkatapos ng Banal na Misa sa umaga para kay San Isidro ay mayroong prusisyon na nilalahukan ng mga kalabaw na ginayakan bilang pagkilala, pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kanilang itinutulong sa pagsasaka sa bukirin ng Angono. Sa pagsapit naman ng hapon ay idinadaos ang paligsahan ng karera ng mga kalabaw na idinadaos sa malaking bakanteng lote nuon na sa ngayon ay siyang kinatitirikan ng kasalukuyang Pamilihang-Bayan.


Sa buwan din ng Mayo nagkakaroon ng pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen. Natatandaan ko nuong araw na kapag wala kaming madadalang sampaguita para ialay kay Inang Maria ay namimitas kami ng bulaklak ng Santan at Voungavilla na inaayos namin upang siyang ialay sa poon ng Mahal na Birhen. Sinisumulan sa unang araw ng Mayo, isang pursisyon sa hapon papuntang simbahan pagkatapos ay ang dasal at litanya habang ang mga debotong mag-aalay ng mga bulaklak ay nakaluhod na nagdadasal, tumatayo upang umusad habang inaawit ang dasal na latin. Kapag natapos ang maigsing dasal na latin na inawit ay muling luluhod ang mga mag-aalay upang ituloy ang pagdadasal hanggang maialay lahat ang mga bulaklak sa tulong ng kasalukuyang gumaganap na Kapitana at Tinyenta ng Salubong. May pang-gabing prusisyon din na ginaganap sa huling araw (o linggo) ng Mayo bilang hudyat ng pagtatapos ng pag-aalay ng mga bulalak sa Mahal na Birhen sa buwan ng Mayo.

Ito rin ang buwan na nagiging makulay ang karanasan ng mga kadalagahan sa Angono kapag napipili silang sumali sa mga Santacruzan at Flores de Mayo. Ang Santacruzan ay ibinase sa Bibliya at sa Kasaysayan sa pagkakatagpo ng Banal na Krus ni Santa Helena at ang pagwawagi ni Emperor Constantino ng Roma dahil sa kanyang masidhing paniniwala sa mensahe ng isang Anghel. Sa halip na mga imahe ng poon, mga buhay na personalidad ang gumaganap sa mga tauhan ng Bibliya at Kasaysayan sa isang parada tangan ang mga simbolo. Pinakaaabangan sa gabi ng Santacruzan ang Reyna Elena kung sino ang gumaganap, kung gaano kaganda ang kanyang suot na saya at ang kanyang arko. Ayon sa nakagawian, ang Reyna delos Flores ang siyang nagiging Reyna Elena sa susunod na taon. Pero anut-anoman, ang maranasan ng isang kabataang babae ang mapasama sa ganitong tradisyon ay isang hindi niya malilimutang karanasan hanggang sa kanyang pagtanda.

Masaya ang buwan ng Mayo sa mga bata na nagdadaos ng kanilang bakasyon mula sa pag-aaral dahil nakapaloob dito ang pagkakataon nilang makapaglaro sa buong araw ng taguan, patintero, tumbang preso, piko, habulan at kung ano-ano pang mga laro na ginagawa sa kalye na nagiging mahalagang karanasan ng isang taal na taga-Angono nuong araw. Nagiging salamin ng isang tunay na taga-Angono ang panahon na ito na nagpapamalas ng pagkalinga ng isang ina sa kanyang anak sa tuwing pinapawisan o nadadapa ang anak sa paglalaro, tuwing isinasama niya sa iba pang mga kamag-anak na nagpapatibay ng kanilang pamilya, at nakasama sa buong maghapon sa kanilang tahanan upang turuan ng gawaing bahay, magbigay ng mga magagandang kuwento at awitan, dahilan upang sa pagsapit ng araw ay maging sabik ang anak sa ugoy ng kanyang duyan.

Tunay na makulay ang buwan ng Mayo sa Angono dahil nuon pa man ay mayroon ng mga tradisyon at kaugalian na aming minana pa sa aming mga kanunu-nunuan. Pagpapatunay lamang na ang aming bayan ay may masidhing pagmamahal sa tradisyon at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino upang hirangin ito na Cabisera ng Sining ng ating bansa.


Alex V. Villamayor
May 1, 2010