Saturday, June 28, 2014

RAMADAN NA NAMAN

Sa pagpasok ng banal na buwan ng Ramadan, mayroon lang akong obserbasyon sa ibang mga kasamahan na aking ikinalulungkot.  Walang hindi nakakaalam na lahat tayo ay pawang mga banyaga, dayuhang manggagawa, o di kaya’y mga panauhin lamang dito na nararapat sumunod sa mga kautusan ng bansang ito  Ngunit mayroon lamang mga sadyang nagpapasaway.

Ang buwan ng Ramadan ay isang banal na panahon ng ating mga kapatid na Muslim na kailangang igalang ng sino mang may kakaibang paniniwala sa ayaw man natin o sa gusto.  Bukod sa pag-aari nila ang lugar na ito, dapat nating bigyan ng pagpapakumbaba na mairaos nila ito nang ayon sa kanilang paniniwala at kagustuhan.  Hindi natin dapat pagpakitaan ng kagaspangang-asal ang may-ari ng tahanan na nagpapatuloy sa atin.  Kung mayroon kang hindi nagugustuhan at hindi mo ikinasisiya, kailangan mo itong palampasin o lisanin mo ang lugar na ito.

Ang pag-aayuno ay isang napakadakilang gawain na patungkol sa paglilingkod sa Dakilang Diyos.  Ang hindi pagtugon sa pagtighaw sa anumang materyal na kasihayan ng ating katawang-lupa sa loob ng takdang-oras ang siyang pinakagawa ng pag-aayuno kung kaya kailangan natin itong igalang at hayaan.  Ngunit sa aking matagal na pananatili dito ay napipintasan ko ang aking sariling mga kababayan at kapatid na sinasadyang hindi sumunod sa mga patakarang isinasaad.  May mga kakilala ako na nakikita ng aking mga mata na sa kabila ng paalala ay walang pakialam kung magsigarilyo o kumain sa isang bukas na lugar, na makikita naman sa mga mukha kung nakaligtaan lamang o sinasadya.

Nagtatapang-tapangan, nanunukso, nagbibiro, nagpapansain, nagkukunwari o hindi sinasadya, anuman ang dahilan ay mali lahat.  Mayroong ibang tao na kung bakit alam na alam naman nila na hindi dapat itong gawin ay ginagawa pa rin nila.  Upang ipakita ang kasiyahan? Upang manukso sa mga nagugutom at kung hind makatiis ay kumain na rin?  Ang ganitong gawain ay walang pinagkaiba sa  apatnapung-araw na pag-aayuno sa disyerto ng ating Panginoon sa loob ng araw na iyon ay tinukso ng dimonyo upang sukatin ang kanyang lakas at pananalig.  Sa ginagawa ng ibang tao ngayon ay parang pinalalabas nila na tinutukso ng mga dimonyo ang mga nag-aayuno sa banal na panahon na ito.  Huwag naman sana nating sirain ang reputasyon ng katokalismo, huwag naman sana nating hayaan na ituring tayong dimonyo dahil ganitong asal, huwag tayong mawalan ng galang kung nais natin na igalang din tayo.  Huwag maging dimonyo.

Bilang pagkilala sa ating pinapaniwalaan ay hindi naman lubusang ipinagbabawal sa ating hindi mga Muslim ang hindi mag-ayuno.  Hindi ba’t napakagandang paggalang na iyon sa ating paniniwala?  Hindi naman tayo pinipilit na sabayan sila sa hindi pagkain at pagsisigarilyo sa maghapon ngunit sana man lamang ay magkaroon ang ating ibang mga kapatid ng maliit man lang na pang-unawa at paggalang.  Kung ayaw nating mag-ayuno ay ikubli naman sana natin ang ating mga makalupang kasiyahan.  Dahil isa ito sa buod ng kahalagahan ng pag-aayuno – ang pag-iwas sa kapusukan ng pagiging tao upang lumakas ang kanyang pananalig sa Diyos at mapalapit sa pamamag-itan ng pagtitiwala, pagdarasal at pagpapakumbaba.


Ni Alex V. Villamayor
June 29, 2014 (Ramadan 1, 1435)

Friday, June 20, 2014

CHICKEN IN PICKLES


In my desire to reminisce my father’s recipe’, I’ve come up with this old dish that my family cook in rare occasions – the chicken in pickles.  Back then it was special.  Cooked in pickles, we do not missed this dish in every fiesta, although as kids we used to snob it during that time but now I can appreciate the distinctive taste of this recipe’.

Preparing is simple and easy.  You will need the following:

1 kg of chicken thigh, remove the skin
Relished pickles
Glove of garlic
Medium size onion
3 pieces potatoes medium size

Procedure in cooking:  Sauté the crushed and chopped garlic and onion cut into halves and quartered one after the other then mix the chicken cut into bite sizes and bay leaf. Let them simmer for two minutes.  Add the relished pickles and let it boil for at least three minutes to absorb the pickles distinctive taste into meat, stir occasionally.  Add half cup of water and the potato cut into quartered and simmer them until cooked.  An option lastly is red bell pepper sliced thinly to add in aroma and presentation can put on top.

And lastly, just eat right.


Alex V. Villamayor
June 20, 2014



Wednesday, June 18, 2014

CASH FLOW

Do you believe in the monetary saying “easy money, easy go”?  In general, the money that acquired from none difficulty is most often than not spend easily and immediately in less important and unplanned things.  Easy money like inheritance, prize from winning lottery, and reward from generous friend who earned are often used for our own happiness to indulge our luxury and fun.  Since this money comes once in a blue moon only, the holder tends it to take for granted to feel the joy of having more money.  Most often than not, very rare these money was used wisely.

As such, dirty money like those get from cheating, swindling, stealing, prostituting, and gambling are just come and go.  Because it was not really the hard-earned fruit of labour with blood and sweat, these money were equally spent in luxury, extravagance, indulgence and nonessentials things.  Money acquired from cheating is momentary in our possession.  Since it was not earned in the hard way, chances are the importance of valuing the earned money is losing.  On the first place it was simply from a nonsensical source, not strived, and laboured that is why it is just naturally use in no frivolity things.  Instead of settling a credit due, bank loan or saving in an account, this money is meant to be for insignificant expenses.

When cheating the company or customer like a milking cow just to gain money, it doesn’t enrich the one who does it.  Note that you cannot stop this awful activity but repeatedly do it in fact your need to do this continues.  You cannot escape from scarcity, you’re not getting rich and you’re having successive expenses like unending bills, surprising medical and emergency problems, growing standard cost of living along your responsibilities.  The law of good and bad return works.  Although there might some infamous big-time personality who are strutting for long time like those in politics but soon to repay and suffer, might not witness with our naked eyes the fall back of karma deservingly but in after life.

Having this money makes the person fast, easy and confident in making expenditures.  There is no second thought for him if it is costly, often, and unnecessary because the person has always the way to get them again easily.  There is no regret, feeling of lost and concern on the wasting value because it is just money that can be earned again in his own way.  But this is not the point but rather the valuing of the earned money.

To maximizing the power and benefits of having money, it invites even indecent act such as paying happiness and influence just to ensure personal gain or getting what have wished for.  And the height of this, having excess with this kind of money is prone to commit petty crimes and faults.  Money is the root of all evil, it turned out to be the measurement of how strong can we do in this world where whoever has lots of money and powerful rules the world.  In our quest to get our ambitions, people have their own approach to make money, be it wrong or unjust.  Both deficiency and excess of it bring the weak to do wrong but we must put in our mind that it still better to live with no worries and burdens, that when you were asked if you’ve been faithful and honest employee, good elected official, and fair businessman you’ll sure be able to answer them standing tall.


By Alex V. Villamayor
June 18, 2014

Friday, June 13, 2014

DALOY NG PERA

Naniniwala ka ba sa kasabihang “ang pera na nakuha sa madaling paraan ay madali ring maglaho?”  Sa pangkalahatan, ang kayamang tulad ng salapi at mga ari-arian na nakamit sa walang kahirap-hirap na paraan ay mas madalas kaysa hindi ay napakadali at napakabilis gastusin sa mga walang kabuluhan at mga hindi pinag-isipang bagay.  Magmuni ka, isipin mo ang lahat ng pera na nagkaroon ka, tingnan mo ang iyong sarili at tanungin – “saan ko ba pinagdadala ang perang nakuha ko?”  Ang pera na nakuha mula sa pamana, napanalalunan sa palaro, balato mula sa kakilala, at iba pang biglaang dating ng pera ay nagagamit natin sa ating sariling kaligayahan na mapagbigyan ang luho at saya.  Sa kadahilanang minsan lamang nangyayari ang ganitong biglang pagkamal ng pera kaya sinasamantala ang masayang pakiramdam ng may maraming pera.

Kahit ang pera na nakuha sa mali at maruming paraan tulad ng panloloko sa trabaho, panghuhuthot, pagnanakaw, pangangalakal ng katawan at pagsusugal ay dili-kayang dumating at lumisan lamang.  Dahil hindi naman talaga ito pinaghirapan kaya kung gastusin ito ay walang panghihinayang.  At yaman din lamang na ito ay hindi pinaghirapan, mas madalas ay nawawaldas ito sa mga bagay na walang malaking importansiya kaysa magbayad ng mga utang o itago sa bangko.  Ang kalabisan sa kinikita ay kasagutan upang madaling magkaroon ng mga mamahalin at napapanahong gamit.  Ngunit dahil nanggaling ito sa maling pamamaraan ay nawawala ang pagpapahalaga na ingatan ito.  Sa kadahilanang may paraan kang magkaroon ng pera sa maling paraan ay madali at malakas ang loob mo na gumawa ng mga pagkakagastusan.  Hindi ka nagdadalawang-isip kung malaki o mahalaga ba ang pagkakagastusan at wala kang kaba sa gastos dahil hindi ka naman nanghihinayang sa perang nakuha sa panlalamang.  Maaaring ang nasa sa isip mo ay pera lamang ito na madali mong kikitain ngunit ang punto dito ay ang nawawalang pagpapahalaga sa kinikitang pera.  Bihira ang napupunta sa magandang kapakinabangan mula sa pera na nanggaling sa kasalanan.

Sa labis na salapi, maging ang makagawa ng kriminalidad at kasalanan tulad ng pangigipit, kagustuhang makipagtalik, pagbili ng pabor, at paggawa ng mga bawal makuha lang ang kagustuhan ay kayang gawin.  Ang salapi ang ugat ng mga kasamaan.  Nang likhain ito ay ito ang naging sukatan ng ating kapangyarihan kung ano ang kaya nating gawin.  Sa mundong ito, ang may labis na salapi, lalo na iyung mga nakamit sa maling paraan ang siyang naghahari, nagpapakasasa at tinitingala.  Ngunit anumang materyalismo ay hindi nagtatagal, naglalaho ito at kung minsan ay pinagdudusahan kung kailangan.

Bagamat mayroong mga namamayagpag nang matagal na panahon katulad ng mga politikong nababalitaan natin na nagkakamal ng pera sa madaling paraan, ngunit ang karamihan sa mga taong may maling diskarte ng pagkakaperahan ay hindi ikinayayaman ang mga perang pumapasok sa kanya.  Pansinin, sa pagkuha mo ng pera sa hindi malinis na paraan ay hindi mo ito maitigil na gawin nang paulit-ulit dahil kailangan mo pa rin.  Maraming beses ka ng nagkapera sa hindi patas na paraan ngunit bakit hindi ka makahulagpos sa hirap at problema?  Maaaring papalaki ng papalaki ang iyong pangangailangan upang mabuhay ngunit hindi ka pa rin umuunlad.  O kaya’y may mga dumadating sa iyo na mga pagkakagastusan na wala sa plano, may mga biglaang pangangailangan sa iyong pamilya at kamag-anak, at kung ano-ano pa.  Dahil sa kinikita mo ang iyong kabuhayan sa maling paraan, ang ibinabalik lang ng tadhana ay nararapat sa balik ng karma.

Dahil tayo ay nasa panahon ng materyalismo, ang salapi ang nagiging batayan natin ng ating kasiyahan at tagumpay.  Sa kagustuhan na matupad ang gusto ay kanya-kanyang diskarte ang mga tao sa paggawa ng pagkakaperahan kahit hindi tama at hindi patas.  Parehong sa kakulangan at sa kalabisan ng pera ay nakakagawa ang mga tao ng mga mali.  Ngunit isipin natin, na kay sarap pa ring mabuhay ng walang alalahanin at dalahin.  Yung kapag tinanong ka kung naging tapat ka bang empleyado, mabuting opisyales, at patas na negosyante ay masasagot mo silang lahat ng taas-noo.

Ni Alex V. Villamayor
June 14, 2014

Monday, June 09, 2014

GALIT NG PUSONG-BATO

Maaaring may mga kilala tayo na kapag galit sa isang tao ay wala ka ng maririnig na magagandang bagay patungkol sa taong nagagalit siya kung sa ano mang kadahilanan.  Masasakit na salita ang namumutawi sa kanyang bibig kapag nakikita niya ang taong iyon, mistulang inaalipusta na niya ang buo nitong pagkatao at inilulubog sa putikang ginawa niya para sa taong iyon.  Binabansagan niya sa ibat-ibang katawagan, ginagamit sa mga birong-pananakit, at pinagtatawanan ang mga bagay na ginagawa ng taong nagagalit siya, ngunit ang pinakamali dito ay ang lahat ng ito ay sa talikuran niya ginagawa.  Sa kabila ng pagbibida niya nito sa maraming tao na tinatangkilik ng mga kausap, sa gitna ng kanilang kasayahan ay lumalabas na hindi talaga siya mabuti kundi nakakatawa lamang.

Hindi magandang magsalita ka ng iyong galit sa isang taong nagagalit ka kapag nasa maraming tao.  Dahil kapag naririninig ng ibang tao kung gaano mo siya alipustain at pagtawanan ay hayagang paninira, panlilibak at panghihiya na iyon na sumasalamin sa uri ng iyong pagkatao na mapagmataas, mapanghusga at mapanghamak.  Paano kung ang mga sinasabi mong mali at kapintasan ng taong iyon ay hindi naman kamalian sa iba?  Inilubog mo na ang tao sa maling akusasyon.  Tandaan natin na ibat-iba ang paniniwala ng mga tao na hindi natin maaaring ipantay sa ating sariling paniniwala.  Ang pag-sasalita tungkol sa kapintasan ng isang tao sa gitna ng maraming uri ng tagapakinig ay may halong paninira at pagmamalaki kumpara sa kung ito ay pag-uusap lamang sa pamamag-itan ng mga malalapit na kaibigan.

May mga taokasi na kapag mainit ang dugo sa isang tao ay hindi na niya ito magugustuhan at puro mga kapintasan at kamalian na lamang ang kanyang mga nakikita.  Na kahit gumawa man ito ng isang magandang bagay ay hindi pa rin siya natutuwa para dito bagkus sinasabing hindi naman iyon maituturi na kagandahan.  Para bang wala na itong ginawang maganda, mabuti, at tama na lahat ay hinahanapan niya ng maipipintas.  Kung magagawan pa niya ng paraan na mahadlangan ang ikagaganda nito ay hahadlangan niya, kung kaya kapag may magandang kaganapan na nangyari sa taong iyon ay nasasaktan siya.

Kung isa o tatlo ang mga taong hindi mo kinagagaangan ng loob dahil sa kanilang katangiang hindi mo gusto ay masasabi nating hindi ito mali. Ngunit kung higit sa apat, anim o siyam ay siguradong ikaw na ang may problema sa sarili na kailangan mong lutasin.  Mayroon din naman akong mga hindi nagugustuhang tao na sabihin nating mabigat ang loob, ngunit ang mga negatibong bagay na nararamdaman ko sa mga taong iyon ay hanggang maaari ay sinasarili ko na lamang. Kung hindi ko man makayanan ay hanggang sa mga piling kaibigan ko lamang ibinubuhos ang aking saloobin patungkol sa taong iyon. Kaya kapag nakakarinig ako sa kwentuhan ng maraming tao tungkol sa isang tao ay nalulungkot ako para sa taong pinag-uusapan.

Pakatandaan lamang, kapag galit ang nangunguna sa atin ay hindi na natin nagagawa ang makapag-isip nang may paninimbang kaya kung ano man ang mga nabubuo sa ating isip at lumalabas sa ating bibig ay hindi na natin nalalaman – makapanakit man tayo ng damdamin o makasira ng tao.  Kapag naghahari ang galit sa ating puso, hindi nito mauunawaan ang mga paliwanag ng ibang tao at hindi nito binibigyan ng puwang ang tumanggap ng katwiran upang subukang kilalanin ang pagktao ng taong kanyang kinamumuhian.

Ni Alex V. Villamayor
June 9, 2014