Thursday, July 31, 2014

ANG AKING LUGAR

Normal ba ang gustuhin ang maging malayo at mapag-isa sa isang tahimik at sa bahagyang naliliwanagang lugar?  Ito ang gusto kong maging lugar ko sa isang bahay – yung magkaroon ako ng isang lugar na walang aabala sa aking pagiging tahimik at mapag-isa nang hindi ako tatanungin at pipigilan.  Iyung wala akong aalalahaning damdamin ng iba anuman ang aking gawin na tama sa aking paniniwala.  Iyung mararamdaman ko ang aking sariling kagustuhan sa sarili kong pamamahay.

Kung kaya ko lang ang lumayo at mamuhay nang mag-isa ngunit simpleng tao lamang ako at walang kakayahang isaayos sa mabuti ang lahat bago ako gawin ang aking pansariling kagustuhan.  Kung bakit gustong-gusto ko ang lumayo sa aking mga kamag-anak ay hindi dahil hindi ko sila gusto, hindi kasundo o mayroon kaming samaan ng loob dahil ang totoo ay wala, kundi dahil gusto ko lang talaga ang nag-iisa.  Iyung kahit abutin ako ng maghapon at magdamag sa loob ng aking sariling bahay, kahit wala akong kausap sa buong araw ay hindi ako mabubuwang kundi matutuwa pa ako dahil iyun ang gustong-gusto ko.

Kung ayaw ko man ng maraming tao, nasa akin ba ang mali?  Ako ba ang may dipresensiya?  Ang sabi ng iba ay kailangan ang makihalobilo sa maraming tao.  Tama naman, hindi lang ako kumportable sa maraming tao dahil mas gusto ko ang ako lang mag-isa at mag-lagi sa loob ng aking bahay.  Hindi naman sa pakikisalamuha at sa dalas ng pakikipag-usap sa iyong mga kapit-bahay nakikita ang totoong pakikisama kung mayroon ka namang mga nasasaktan at nakakaaway kahit mismo ang ilan sa mga sarili mong bayaw, bilas, hipag at kamag-anak na nakakasamaan mo ng loob – anong klaseng pakikipagkapwa tao ang ipinakita mo?

Mas gusto ko ang tahimik at walang kausap hindi dahil sa nahihirapan akong makisama kundi talagang likas lang sa akin ang mapag-isa.  Mas gusto ko ang mapag-isa hindi dahil sa galit ako sa mundo o may problema kao sa mga tao kundi dahil duon ko nakakamit ang katahimikan na nagpapalakas sa katawan at isip ko. Bagamat nahhirapan ang aking loob sa mga pagkakaingay at pagkakatuwaan sa loob ng bahay ngunit hindi ako nagagalit.  Pinagkakasayahan ko na lamang iyun dahil totoo naman na nakakatuwa.

Hindi ko alam kung sa pangkalahatang pamantayan ay may mali sa aking ugali.  Basta ang napanghahawakan ko, totoo na walang nakakarating sa aking kaalaman na may kapit-bahay akong galit sa akin.  May mangilan-ngilan akong hindi nagustuhang ugali ng mga nakilala ko ngunit hindi umaabot sa alitan.  Sa kabuuan, masasabi kong wala akong nagagawang kasalanan sa aking kapwa-tao.  Aanhin ang kahiligan sa pakikipag-usap at mga kasama kung alam mo naman sa sarili mo na mayroon ka ng mga naka-alitan.

Masasabi kong hindi ako pala-lapit sa ibang tao at magiliw sa kapwa ngunit nagpapasalamat naman ako na kapag nangangailangan ako ay mas madalas kaysa hindi ay nakakakuha ako ng tulong sa panahon ng pangangailangan.  Ang natatandaan ko ngang sinabi ng aking isang kasamahan, “Ang mga tao ay tinitingnan ka dahil sa iyong ipinakitang ugali, hindi nila makuhang basta na lang magsalita hindi dahil sa walang pakialam o kaya ay takot kundi dahil sa hiya bilang respeto”.

Ni Alex V. Villamayor
Hulyo 31, 2014

Sunday, July 27, 2014

BUILD OURSELVES AS ONE

On the centennial founding year of Iglesia Ni Cristo (INC), there are more than a hundred of reasons to admire and respect this religious group of Christ’s believers.  This writing is not intended to discuss the definition and purposes of the religion since I have just a little knowledge on this sect.  In non-religious perspective, this is to recognise and acknowledge the important lesson that everyone can get from INC, aside from giving them a warm regards on their successful one hundred years.  The most distinguished characteristics I admire in INC members are their strong support, great love, respect, value and recognition to their religious affiliation which all Filipinos must learn. The astonishing faith, discipline and sense of esteem of our brothers and sisters in INC show all of us the important recognition, respect and obedience to our superiors.  The displayed solidarity and unity of its flocks is undeniably unmatched in their issues held.  Their block voting is the living proof that every political experts will not ignore.  And in here is I am giving my deep admiration to their unshaken unity that each one of us should learn to engrave and live.

Every Filipino should learn the importance of trust, unity, cooperation, and obedience.  Once we selected the head of our nation that will lead, protect and guide us, we should all united in building up our goals and together we walk hand in hand leading to that goal regardless of our points of view.  For our love to our country, we should unite in giving our support to our leaders and set aside our political inclusion.  Obviously we are disunited and we really do not care our country if it oppresses us to rise for as long as we can do our interests.  It doesn’t matter whoever sit, if it is not in our political party and alley then it will be hard for us to follow the leader.  There are so many of us who even stand in front to details the shortcomings and defects of our leaders.  When there is new program, the critics will disapprove it immediately without giving a chance to accommodate the program.  When there is every achievement to celebrate, we will just underestimate the success and we’ll even search a fault.  There is nothing wrong to always oppose, it is just noticed that for every administration, these are the same militant group leaders who are always on the street to object.

Crab mentality lives in our heart if we do not want to accept our root and disparities, we want us to always exceed and we do not want everybody to be happy.  Many Filipinos just do not want them surpassed by their peers, thus comes criticism and racism within same nation.  We even take the lead to ridicule and hate our representatives in international competition and the worse of it we expose their weaknesses.  We need to learn by heart a little sense of patriotism.  We are always saying this but the very truth is generally no.  Unlike other countries, they show their patriotism through unconditional love, prayer and encouragement for they have installed in their heart their unity to defend their own.  Like INC, every Filipino should learn how to become united.  When we believe with all our heart and soul, by all means we will stand to that belief.  When we criticise the block voting of our brothers and sisters, we are saying it as oppressing their freedom.  It is not repression of freedom because all believers’ regardless of religion, if you believe with all your heart and soul then you will learn your God is leading you in the right way.  If we will understand the meaning of belief, we will follow whoever anointed us to lead us.

Alex V. Villamayor
July 27, 2014

Wednesday, July 23, 2014

BELONG TO THE GROUP

More than a decade and a half ago, I have penned a short story about a father’s lament and grieve over his son’s death in hazing.  At the same time, it was quickly mentioned in a poem about father’s planning and dreams for his only son that preempted by hazing.  I just cannot help but to recollect these stories to have the same feeling back again every time I heard today’s news about death of a young student because of hazing.  Now, I am writing it again.

First and foremost, I do not condemn fraternities, sororities and other forms of solidarity groups.  Fraternities and sororities, particularly those famed and distinguished, are indeed good associations.  They serve as platform to enable the members to exercise the full growth of their personality, learn and value friendship, discipline and loyalty aside from expressing their common interests, activities and purpose.  Solidarity groups illustrate true camaraderie, unity, respect, trust, and acceptance.  To become member of distinguished frats is an honor for almost its members are well-renowned persons such as doctors, lawyers, businessmen, politicians and any one from every walk of life thus it immediately offer connection, broader social network, career opportunities and community involvement.  Such groups help us in many things and many ways.  What I don’t feel right in some known groups is the kind of barbaric, brutal and bloody hazing during the initiation rites that becomes venue of violence and doesn’t look humane anymore.

To be able to join in these groups, the recruited member has to undergo the initiation as welcoming them.  In the traditional and distinguished groups, several forms of unoffending initiations in the series of trials are executed to promote the bond amongst every member.  However in today’s time especially those street frats, it evolved in a wide variety of techniques and rituals of initiation that involves harassment, abuse and humiliation where one of these is hazing as way of inducting the newcomers.  Accordingly during the hazing, the neophytes shout the name of the group while executing the physical pain.   This is to instill in each member’s heart the importance and sacredness of the group.   When the hazing is over, the neophytes and the old members are then sharing something in common by experiencing the hazing as part of a rite to passage.  If this is the very idea of the worsening kind of initiation, then what kind of solidarity group has formed and sprouted in the heart and mind of its members thru physical harm?  Literally, it becomes a group of sadists and masochists that will not end and will even get worse through the coming of times that will be passed on to the next generation/batches.

“Hazing” is not the gauge to test the person’s word of honor and loyalty.  Landing hands to hurt someone is no one business and always wrong.  Back in times, frats are good when they existed with purposes and go whatever causes they advocate that make them respected.  But today, there are quite many societal old and new groups who are not only after the connection but mainly for protection and defense when the need arises.  It turns to be underworld groups that are known in school campuses, university belt and streets that both students and out of school youth are talking secretly.  Frats should keep its integrity that pride themselves on academic performance, community service, leadership development and other accomplishment.  But instead, most of this infamous hazing tainted the group that very seldom we heard what’s up about their achievement, sympathy to the needy, and contribution to the society.  We heard the active participation of a brotherhood who is engaged in helping distress overseas workers, some can rely in emergency, volunteering in times of calamities, etc., but these groups that are just after the pleasure of inflicting pain of the initiation are just felt when there is controversial hazing.

Fraternities and sororities are good that should not abolish.  They provide means of building personal ties that last a lifetime however, it seems that some fraternity leaders don’t care enough to protect their members against the abusive initiation practices.  With the recent negative news about the tradition ceremony of initiation, it needs to regulate the hazing but not the fraternities and sororities.

By Alex V. Villamayor
July 22, 2014

Friday, July 18, 2014

ON BATTLE OF THE SEXES

Time and again, people with exaggerated belief in superiority over gender, race, religion, and wealth are wittingly and unwittingly accused of unfair.  Similarly, there are the chauvinists whose extreme defence, allegiance and praise to their own belief or cause are prejudiced, excessive, unfair, and unreasonable.  When it comes to gender discrimination, sexism or misogyny often exhibits in male chauvinism than its female counterpart.  Although it’s their personal prerogative but when they go out from their own rooms and get to interact with the outside group of the more widely person that are not the same as they are, sexists are becoming unusually impossible to deal with.

There is the so called dam controversial man’s world because the early occurrence during the ancient times were magnified and accorded to assuming earth defender male human species.  Over the years, the world has been spearheaded by great men in history who ruled the world in their times and era because biologically they are brawnier, bigger and bolder than females.  A big conspiracy, males overruled the weaknesses of females and interrupted the potential power of women through brute force.  Taking advantage it, they took control and made women subordinate to obey.  The world revolved in men’s name and stories and thru the passing of times, it became practice, pattern and precedent.  It started in this concept of mindset and eventually became interpretation of the sexists on what they want to trust, live and propagate.  Until now, many societal structures, rules, traditions, and practices are stacked in favour of men over the always dubbed weaker sex women.

Even the religious scriptures have the male personalities that have used to look as the world is made for male.  It is said man will reign over all animals that walk, swim and crawl in this earth, and woman will submit herself to her husband.  But this submission is a marital obligation, and it doesn’t cover the social, religious and human rights.  And being the highest form of animal that we are, when it is said man it doesn’t mean the male but instead the human which is the men and women.  Apparently female are human too, therefore both men and women will reign over all animals that walk, swim and crawl.  The books may have numbers of male prophets but back in days, prophetesses have existed.  However in patriarchal culture of then becoming anti feminism society, they were not allowed to come up hence never widely emphasized and even removed them from records.  Virtually, the dominating men did as they wanted and spruced whatever crap they wanted.

Our time is biased to the concept of the so called “it’s a man’s world” that we acquired from the beginning of our civilization.  Until this day, there is still the elusive gender equality to accomplish, and the advocates fight for the rights of fair men and women equality.  All human creatures should fairly enjoy the world, be it male or female, young or old, rich or poor.  This writing is not about to bash males and uplift the other one.  It is not if against to one gender but it is the justice for both to live and enjoy the world.  Cultured, advanced, and matured world is accepting and recognizing the equal rights of men and women, then why not this sexist people?  There is no place in this civilized world the sexists who are still stuck in barbaric primitive age and not advancing to accept the popularly agreed changes.  In this called man’s world winged by mother earth, male chauvinists raised by their mother, and God’s people called daughters including men, who’s man then can disown dependency with women?

I don’t like chauvinism and any forms of discriminating.  I want to have a world that is fair – no sexism even man-haters, no racial discrimination, no harassment of the potent to the weak, no selfishness and no inequality.

By Alex V. VillamayoR
July 18, 2014


Friday, July 11, 2014

PAGGALANG

Bukod sa pagalang na dapat iukol sa lahat ng mga nakatatanda sa kanya bilang isang bata, mayroon isang kakilala si Ula nuon sa kanilang lugar na kanyang iginagalang, kinikilala at sinusunod dahil sa estado sa buhay at pagkatao.   Sa kanyang murang isip, pinakikinggan niya ang bilin sa kanya ng kanyang mga magulang na siyang mas nakakaalam, na maglaan ng karagdagang paggalang kay Lakan sampu ng kanyang buong pamilya.  Dahil bukod sa ang mga namamahayan sa isang maliit na baryo ay matagal nang magkakakilala, magkakasama at nag-gagalangan, natatanging paggalang ang para kina Lakan dahil malapit ang loob ng kanyang mga magulang sa buong mag-anak ni Lakan.  Kapag kinakailangan, madalas ay napapakisuyuan siya ni Lakan upang makatulong sa paglilinis.  Malugod naman siyang tumatalima kaysa sa tumutol dahil nga iba ang pagkilala nila sa kanya at sa kanyang pamilya.  Idagdag pa na isang kapita-pitagan ang maging isang guro kaya ganun na lamang ang kanilang mataas na pagtingin sa kanila.  At natuwa naman si Ula dahil kahit papaano ay nalaman niya na kinikilala pala ni Lakan ang kanyang pagkamasunurin, pagkamasipag at pagkamabuting bata nang sa gitna ng pagtuturo ni Lakan sa mga bata ay ginamit niyang halimbawa si Ula na isang batang masipag, hindi lang sa kasipagang ginagawa sa paaralan kundi kahit sa bahay.

Ikinatutuwa iyun ni Ula sa buong pagkabata niya.  Bagamat habang nagkakaisip siya, unti-unti ay may mga naririnig siyang mga kwento, puna at pintas tungkol kay Lakan at sa pamilya nito.  Ang sabi, maseselan ang mag-anak na ito – kaya pala ganun sila kalinis sa mga gamit at kaingat sa kanilang mga sarili.  Pino ang kanilang kilos na pangingimian ng mga tao at malimit na malimit silang makihalobilo sa mga kapit-bahay.  Hanggang parang naging kilala sila sa ugaling maramot at makasarili, bagay na wala sa hinagap ni Ula dahil na rin sa mabuting pagkakakilala ng pamilya niya sa kanilang mag-anak.  Ang sabi pa, mapagkamkam raw ang mag-anak na ito, bukod pa sa pag-angkin ng lahat magaganda at mabubuti para sa pamilya nila tulad halimbawa ng ang mas magaling, maganda, at nakaaangat ay ang kanilang mga pamangkin, tiyuhin, kamag-anak, bilas at pamilya nila.  Hanggang sa tumanda na si Ula, ang huling usapan na narinig niya tungkol sa mag-anak na ito ay ang pangigipit sa isang bayaw na makuha ang isang pag-aaring lupa nito.

Bilang isang tahimik at mapagparayang tao ay bale-wala kay Ula ang lahat ng ito.  Lumaki siya at nagka-isip na bagama’t nararamdaman niya ang mga sabi-sabi tungkol sa mag-anak na ito ay binabale-wala niya dahil hindi naman talaga nakikita ng mismong dalawang mata niya ang mga sinasabing gawa nila.  Hanggang dumating ang pagkakataon na iniadya ng panahon na siya mismo ang makasaksi ng kanilang mga ugali nang magkaroon ng usapan tungkol sa pag-itan ng kanilang maliliit na pag-aaring lupa.  Nuon niya nakita na sa kabila ng kanilang mga kilos na pino, kapita-pitagan, makaluma at maka-Diyos ay nangibabaw ang kanilang tapang na maaring makipagpatayan.  Sa mga oras na iyon, sa nakita at narinig ni Ula kung paano makipagtalo ang pamilya nina Lakan ay naglaho ang kanyang iginagalang na pagkakakilala sa mag-anak nito.

Dahil nga si Ula ay likas na mapagbigay, maaga pa lang ay hindi na niya hinintay na lumalim at lumaki ang hindi pagkakaunawaan kaya inaya niya ang kanyang pamilya na kumalma, magpakumbaba at sa huli ay magparaya na lamang.  Alam nila na mayroon silang punto base sa pinanghahawakan nilang katibayan mula sa pamahalaan ngunit sina Lakan man ay may pinanghahawakang katibayan na mula rin sa pamanahalaan, nagkataon lang na mas nauna silang pinagtibay.  Sa isang tao na makakakita sa inaangkin nilang lupa na baluktot sa literal nitong kahulugan ay malinaw na agad kung nasaan ang mali.  Ngunit hinayaan na lamang nina Ula ang kapirasong lupa at ipinaubaya na lamang sa Diyos ang lahat.  Hindi nila ipagpapalit sa dalawang dangkal na lapad ng lupa lamang ang kanilang kunsensiya.  Sandaling natapos ang usapan ngunit magiging habam-buhay na nilang maaala-ala ang pagkakakilala sa mag-anak na mapagkamkam.  Bagamat nawala ang kanyang pagkilala na paggalang sa mag-anak ay nananatili naman na naruon pa rin ang kanyang paggalang ngunit bilang kapwa-tao na lamang.


Ni Alex V. Villamayor
July 11, 2014

Thursday, July 10, 2014

IKAW AY KUNG ANO ANG IYONG KINAKAIN

Bilang pagbabahagi sa mga may nais na magbawas ng timbang, narito ang aking pamamaraan na halos kapareho din naman ng maraming nagtatagumpay sa pagbabawas ng timbang: Ito ay ang “Bilang at Kalidad” ng pagkain na ating kinakain.  Subok naman talaga na nasa kinakain kung bakit tayo lumalaki – mas marami kang kinakain ay mas malaki ang posibilidad na tataba at bibigat ka.  Hindi dahil binawasan mo ang bilang ng iyong kinakain ay papayat ka na dahil kailangan na isunod mo dito ang kalidad ng pagkain.  Matamis, maalat at mamantika – ito lang ang mga pangunahing palantandaan na dapat isaalang-alang sa kalidad.  At para naman sa pangganyak sa pagbabawas ng timbang, ito ang aking pampalakas ng determinasyon:  Pera – wala akong pera para ipangtustos kapag nagkasakit, nagpagamot at mag-mentine.

Sa aking pagdi-dyeta, may nagtanong sa akin kung hindi daw ba ako nagsasawa sa paulit-ulit na kinakain ko.  Ang sagot ko hindi.  Dahil totoo naman na kakaunti lang ang mapagpipiliang pagkain sa pamilihan pagdating sa mga pagkaing pangkalusugan.  Nasanay na rin ako at ang totoo nito ay gusto ko na ito at hindi yung napipilitan.  Siguro, kung sanay kang kumain ng paiba-iba, masasarap at mamahalin ay duon ka mahihirapan.  May nagtanong din na kung may nakukuha ba akong bitamina at mineral sa ganung kaunti lamang.  Meron at maganda ang nakukuha ko.  Hindi naman kasi kailangan na marami kang kinakain basta nakukuha mo ang pang-araw-araw na pangangailangan ng iyong katawan.  Nagtingin-tingin din ako sa ibang mga libro tungkol sa tamang pagkain at nabasa ko na hindi kailangang kumain ng marami at masarap para lumakas.  Mayroon ding nagsalita na baka tinitipid ko daw ang aking sarili.  Ang pinanghahawakan ko dito:  hindi sa pagtitipid kung ang kinakain ay kakaunti kundi iyun lang talaga kasi ang dapat kainin.  Hindi totoo na pagdating sa pagkain ay hindi dapat tinitipid ang sarili.  Hindi dahil payat ay kinukulang sa pagkain bastat ang iyong timbang ay nasa mainam na timbang pa rin.

May nagsabi na kailangan ko rin ang karne paminsan-minsan – oo pero iyung paminsan-minsan lang talaga.  Hindi yung minsan lang ang sopas, minsan lang ang spaghetti, minsan lang ang carbonara, minsan lang ang pansit – dahil ang katumbas ng mga minsan na ito ay madalas ka ng mag-pasta na ang labis ay hindi maganda sa kalusugan.  Iniba lang ang pangalan pero ang uri ay iisa din – parang minsan lang ang tinola, afritada, nilaga, adobo pero lahat naman ay manok.  O pritong talong, pritong isda, pritong meat loaf, pritong itlog – pero ang lahat ng ito ay mantika.  Ang softdrinks, cookies, cake, rice – lahat mayaman sa sugar.  Mga pagkaing naproseso (meat loaf, hotdog, luncheon meat, cheese, junk foods) – lahat ito ay maalat.  Binanggit ko ang mga ito dahil ito ang madalas kainin ng maraming Pilipino.

Sa pagdi-diyeta, kailangan ang determinasyon at disiplina.  Ang sabi nga ay maraming paraan kapag gusto natin pero kapag ayaw ay marami tayong dahilan.  Hindi ako eksperto sa bagay na ito pero mayroon akong kaalaman dahil sa aking karanasan.  Mag-ingat tayo sa ating kalusugan dahil kapag nagkasakit tayong mga bumubuhay sa ating pamilya ay malalagay sa kompromiso ang ating mga mahal sa buhay.  Ang kinabukasan ng mga bata na umaasa sa atin, ang abalang idudulot ng mga naghahanap-buhay na taong malalapit sa atin upang alagaan tayo, ang pera na magagastos, ang sakit ng katawan, at marami pang iba – ang lahat ng ito ay alalahanin natin.  Kapag nasa edad na nagsisimula na tayo sa ating buhay (40’s), huwag na tayong maging masyadong mapaghanap ng masasarap na pagkain dahil tutal ay natikman na naman natin yun.  Alalahanin na lang natin ang idudulot na problema kapag tayp ay naging alagain at wala ng silbi.

Ni Alex V. Villamayor
July 11, 2014 

Tuesday, July 08, 2014

MGA MAKAMUNDO

May mga bagay na ang akala natin ay nakabubuti dahil ang ating intensiyon ay sa kabutihan at ang nadarama natin ay kagaangan ng loob kapag ginagawa natin ang mga bagay na iyon.  Tulad ng pagbibigay ng pabuya sa mga tao na gumawa ng maganda, pagbibigay ng kasiyahan sa pagdiriwang ng tagumpay, makabuluhang pangyayari at araw sa pamamag-itan ng pagkain, musika, pagsasayaw at iba pang paraan ng pagsasaya upang magdiwang – mapa-ibang tao o sa sarili man natin.  Ngunit kung paka-susuriin natin ang ating sarili ay maaari nating mapansin na maaring  lumalabis na tayo sa ating mga ginagawa.  Kung ang laging iniisip natin ay puro maka-lupang kasiyahang nakakamtan dito sa mundo, nagiging materyalitiko at makamundo na tayo.  Ang anumang labis ay masama.

Dahil ang sentro ng panahon ngayon ay nabubuhay ang mga tao sa mundo na ang sukatan ng kaligayahan, tagumpay at pamantayan sa pang-araw-araw na buhay ay sunod sa materyalismo, ang mga tao ay nagiging makamundo kung gayon.  Ang gusto ng isip, puso at katawan ay panay tungkol sa kasiyahan tulad ng madalas na pagpunta sa mga pagdiriwang, piging, pagsasalu-salo, paglalamiyerda, pagkakaroon ng mga makabagong gamit at mga bagay na nagpapasaya sa kanyang mga mata sa mga nakikita at naririnig.  Sa kaunting kibot, ang mga kaunting pangyayari ay idadaan sa pagdiriwang na ang nakikitang paraan na lamang sa pagpapasalamat ay kasiyahan at materyalismo.  Bagamat maganda ang intensiyon na pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap at pamamahagi ng biyaya ngunit ang hinhantungan ay ang pagkahilig sa kasiyahan pa rin na siyang nangingibabaw.

Ang labis na pagkagiliw sa mga gamit na nagpapasaya na makamit ang mga ito na hindi naman sumasailalim sa pangangailangan kundi sa kagustuhan lamang, maaaring bilang pangdagdag sa pansariling kasiyahan, pagpapakilala ng estado ng pagkatao, o pagpapakita ng antas at simbolo ng kabuhayan ay makamundong ugali ng isang tao.  Hindi dahil may kakayahang makamit ang mga bagay, kung hindi naman kailangang-kailangan at lumalabas na hindi mahalaga kundi luho, kalabisan, pagyayabang, at pangsariling kasiyahan lamang ay pagpapakasaya lamang na siyang udyok ng mga makalupang katawan.  Kung pabuya man sa sarili mula sa pagpapakapagod bilang regalo lamang sa sarili dahil kailangang magsaya mula sa malaking hirap at pagod na pinagdaanan ay nararapat lamang na pasayahin ang sarili – ngunit tulad nga ng paunang sinabi ay kung madalas at lumalabis ay masama.  Ang paminsan-minsan ay katanggap-tanggap dahil hindi naman kalabisan ang bigyan ng kasiyahan ang sarili.  Suriin lang natin ang ating mga sarili kung tayo ay nagiging panatiko na lamang ng mga bagay-bagay at mapaghangad lamang ng makalupang kasiyahan.  Ang tao ay sadyang may makalupang pagnanasa at pag-uugali, pinagpapasasa ang sarili sa mga kasiyahan habang naririto sa mundo.

Napakaraming pagdiriwang na sinasaliwan ng mga makamundong kasiyahan lamang tulad ng pagsapit ng bagong taon, pagtatapos ng pag-aaral, pag-iisang dibdib, tagumpay sa isang patimpalak, tagumpay sa isang adhikain, mga pang-relihiyong kapistahan, taun-taon na kaarawan, at marami pang iba.  Ang lahat ng ito ay kadalasang ipinagdiriwang sa pamamag-itan ng mga konkreto na bagay at pagkain na bumubusog at mga materyal na nagpapasaya sa katawang-lupa.  May mga pagkakataon naman, bakit hindi gamitin na gumawa ng ibang bagay upang maiba naman?  May mga bagay pa rin na hindi maglalarawan at magpapakita ng ating pagkagiliw sa mga bagay na nahahakwan.  Sa halip na mga materyal na bagay na nagbibigay ligaya at kabusugan sa puso, isip at katawan, bakit hindi magpasalamat sa pamamag-itan ng pagtulong, pagdarasal, pagkawang-gawa at paggawa ng mga bagay na maaaring magtaguyod ng ating isang adhikain sa kapakinabangan ng iba.  Sa aking pagsusulat, ang nais ko ay makarating sa ibang mga tao ang aking mensahe upang mahipo ang kanilang mga puso at kahit papaano ay makatulong na makapagbigay ng inspirasyon ang aking mga isinusulat na kwento.  Sa mga panahon ng aking pagdiriwang, minsan ko ng ginagamit ang kakayahang ito bilang pagpapasalamat at pagsasaya sa anumang okasyon tulad ng kapanganakan, tagumpay at mga kapistahan.  Pagpapakita na hindi lamang sa mga materyal na bagay maaaring ipakita ang pasasalamat at pagdiriwang sa makaundong paraan.

Ni Alex V. Villamayor
July 8, 2014

Wednesday, July 02, 2014

WALANG KATALO-TALO

May kilala ba kayong mga tao na tipong ayaw magpapatalo sa anumang usapan – yung parang laging tama, yung palaging may katwiran?  Napakatalino niya kung ganun.

May mga tao na ayaw lang talagang magpapatalo na akala mo ay alam nila ang lahat, mapa-usapin tungkol sa pulitika, relihiyon, pananalapi, kalusugan at pamumuhay.  Sila yung kapag mayroong narinig na kasalukuyang isyu o mula sa iyong sinabi na kontra sa kanilang pagkakaalam ay hindi pwedeng hindi nila sasagutin.  Sasabihin nila na ito ang tama at ganito ang mga dapat at mga hindi dapat.  At sa gitna ng inyong pagdidiskusyon ay ipagdidiinan nila ang kanilang nalalaman upang siyang mangibabaw at siyang dapat gawin at sundin.  Talagang hindi magpapatalo.

Kung anoman ang iyong katwiran ay maaari mong sabihin ngunit hindi na sila makikinig pa sa iyong mga punto dahil anuman ang sasabihin mo ay ang gusto pa rin nila ang gustong masusunod.  Ganun ang kanilang paninindigan sa kanilang paniniwala, salita at gawa.  Ipagpipilitan nila ang kanilang katwiran, kaalaman at kagustuhan.  Wala silang paki-alam kung ano ang iyong pinaniniwalaan, mga dahilan, damdamin, at kagustuhan  bastat hindi mo maaaring sabihin na ikaw ang tama at nasa katwiran.

Ang mahirap lang kasi ay lumalabas na ang paniniwala nila ang tama, na ang gusto nila ang dapat masunod dahil iyun ang tama.  Paano kung mali talaga sila at hindi lang nila iyun alam, o matanggap na mali sila?  Hindi masama ang ipaglaban ang alam mong tama, hindi masama ang mangatwiran – kung may katwiran ay ipaglaban ang sabi nga.  Ngunit kung madalas mong ipaglaban ang alam mong tama sa marami at ibat-ibang pagkakataon, baka oras na upang magmuni-muni ka sa iyong pinaniniwalaan.  Alamin mong tama ang iyong ipinaglalabanan at kung tama bang ipaglaban.  At hindi lang basta alamin kung tama ka sa alam mong tama kundi kailangan tingnan mo kung ano ang pangkalahatang katangap-tanggap na tama.  Mahirap kasi kung iyun kasi ang iyong prinsipyo, paano kung mali ang iyong prinsipyo?

Kung may mga nasasaktan ka, nakakaway at hindi nakakaintindihan ng dahil sa iyong paninindigan at matibay na paniniwala na hindi mo naman basta-basta isusuko ay baka naman ikaw na ang mali talaga.  Dahil kung ang mas nakararami ay nagkakaisa sa kanilang iniisip kumpara sa iyong nag-iisang pinanghahawakan, hindi ba’t palatandaan na iyon na sa pangkalahatan ay hindi katanggap-tanggap ang iyong sinsasabi at pinapaniwalaan?  Hindi na ito paninindigan kundi katigasan na lamang ng loob at kataasan ng pagkakakilala sa sarili.  Hindi masama ang lakasan ang tiwala at paniniwala sa sarili, ngunit kung nagiging makasarili ka na at nagiging isang direksiyon na lamang ang tutok ng paningin ng iyong dalawang mata na may tabing sa magkabilang gilid, kung ang iyong pandinig ay tinatakpan mo na sa tinig ng iba, at kung ang iyong isip ay hindi na tumatanggap ng katwiran – walang duda na ikaw na nga ang may problema..

Kung sa palagay mo ay marami-rami ka na ring naka-alitan at nakasamaan ng loob. magisip-isip ka dahil baka ikaw ang taong ito.


Ni Alex V. Villamayor
July 4, 2014


Tuesday, July 01, 2014

THE PERFECT TIMING

The holy month of Ramadan is simply perfect.  Piety, prosperity and solidarity that many people are striving to achieve are just blended well during this month.  Upon approaching this blessed month of Ramadan, I’ve come up with this thought about two common worries but widely cried from all walks of life.  This is about our health concern and I thought this is just a perfect time to share since they are something that can relate to the season of the month.

For those who have difficulty and breaking their own promises to startthe healthy living, this is the best time to perform your resolution to dodieting.  It is proven that an effective way of adhering diet is reducing the amount of food consumption which ideally can be done during fasting time.  It is because fasting gives chance for our digestive systemto easily cleanse, clear and purify the body toxins during empty stomach.   Our internal body mechanism works well to burn the unnecessary fats when there is no large volume of food to digest.  The thirty days of Ramadan is enough to teach us the discipline needed in adhering diet and it might as well accustom our stomach with reduced food intakes.  And it is just a perfect timing to start losing that unwanted weight in this time of the season.  When back to normal timeand it feels us hungry, sometimes we have to let it be for as long we do not skip meals on time.

While cigarette smoking is a health risk aside from one of the hardest habits to break, Ramadan is so kind to those who are battling the smoking cessation and be freed from the label of being chain smokers.  I believe if we really want to stop, then we must stand our decision since Ramadan is perfectly helping us in making it easier.  If we can make smoking cessation while the sun is out there, then it means we can sustain it up to the next hours.  You were able to bear it in the day, why not for the rest of the night.  If it is harsh, make it gradual by start reducing your cigar every night until Ramadan ends.  A stick or two or three for the rest of the night is good compare to the pack you consume the whole day.  And then I’m almost sure you’ll be successful in smoking cessation that you’d battled for long.... and it is a nice gift.

But this is not just about diet and smoking cessation.  We can apply in our life the essence of today’s season.  For those who have been through a tough test in life or in the feeling of losing in the challenge of life, we can think that Ramadan gives the promise of good and blessings to start over again.  Be inspired that for every sacrifice we made will be a blissful and bountiful life achieve.  Start the sharing, compassion, appreciation, thanksgiving, humility and simplicity.  Although these are being done in whole round of the year but it is during in this season that our good deeds are simply the most perfect time to spread, dignify and appreciate.  Let us use this perfect time in whatever good endeavor we want to pursue and we will receive the return in whatever forms of grace that we must be thankful.

By Alex V. Villamayor
June 22, 2014