May mga bagay na ang akala natin ay nakabubuti dahil ang ating
intensiyon ay sa kabutihan at ang nadarama natin ay kagaangan ng loob kapag
ginagawa natin ang mga bagay na iyon. Tulad ng pagbibigay ng pabuya sa
mga tao na gumawa ng maganda, pagbibigay ng kasiyahan sa pagdiriwang ng
tagumpay, makabuluhang pangyayari at araw sa pamamag-itan ng pagkain, musika,
pagsasayaw at iba pang paraan ng pagsasaya upang magdiwang – mapa-ibang tao o
sa sarili man natin. Ngunit kung paka-susuriin natin ang ating sarili ay
maaari nating mapansin na maaring lumalabis na tayo sa ating mga
ginagawa. Kung ang laging iniisip natin ay puro maka-lupang kasiyahang
nakakamtan dito sa mundo, nagiging materyalitiko at makamundo na tayo.
Ang anumang labis ay masama.
Dahil ang sentro ng panahon ngayon ay nabubuhay ang mga tao sa mundo na ang sukatan ng kaligayahan, tagumpay at pamantayan sa pang-araw-araw na buhay ay sunod sa materyalismo, ang mga tao ay nagiging makamundo kung gayon. Ang gusto ng isip, puso at katawan ay panay tungkol sa kasiyahan tulad ng madalas na pagpunta sa mga pagdiriwang, piging, pagsasalu-salo, paglalamiyerda, pagkakaroon ng mga makabagong gamit at mga bagay na nagpapasaya sa kanyang mga mata sa mga nakikita at naririnig. Sa kaunting kibot, ang mga kaunting pangyayari ay idadaan sa pagdiriwang na ang nakikitang paraan na lamang sa pagpapasalamat ay kasiyahan at materyalismo. Bagamat maganda ang intensiyon na pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap at pamamahagi ng biyaya ngunit ang hinhantungan ay ang pagkahilig sa kasiyahan pa rin na siyang nangingibabaw.

Ang labis na
pagkagiliw sa mga gamit na nagpapasaya na makamit ang mga ito na hindi naman
sumasailalim sa pangangailangan kundi sa kagustuhan lamang, maaaring bilang
pangdagdag sa pansariling kasiyahan, pagpapakilala ng estado ng pagkatao, o
pagpapakita ng antas at simbolo ng kabuhayan ay makamundong ugali ng isang
tao. Hindi dahil may kakayahang makamit ang mga bagay, kung hindi naman
kailangang-kailangan at lumalabas na hindi mahalaga kundi luho, kalabisan,
pagyayabang, at pangsariling kasiyahan lamang ay pagpapakasaya lamang na siyang
udyok ng mga makalupang katawan. Kung pabuya man sa sarili mula sa
pagpapakapagod bilang regalo lamang sa sarili dahil kailangang magsaya mula sa
malaking hirap at pagod na pinagdaanan ay nararapat lamang na pasayahin ang
sarili – ngunit tulad nga ng paunang sinabi ay kung madalas at lumalabis ay
masama. Ang paminsan-minsan ay katanggap-tanggap dahil hindi naman
kalabisan ang bigyan ng kasiyahan ang sarili. Suriin lang natin ang ating
mga sarili kung tayo ay nagiging panatiko na lamang ng mga bagay-bagay at
mapaghangad lamang ng makalupang kasiyahan. Ang tao ay sadyang may
makalupang pagnanasa at pag-uugali, pinagpapasasa ang sarili sa mga kasiyahan
habang naririto sa mundo.
Napakaraming
pagdiriwang na sinasaliwan ng mga makamundong kasiyahan lamang tulad ng
pagsapit ng bagong taon, pagtatapos ng pag-aaral, pag-iisang dibdib, tagumpay
sa isang patimpalak, tagumpay sa isang adhikain, mga pang-relihiyong
kapistahan, taun-taon na kaarawan, at marami pang iba. Ang lahat ng ito
ay kadalasang ipinagdiriwang sa pamamag-itan ng mga konkreto na bagay at
pagkain na bumubusog at mga materyal na nagpapasaya sa katawang-lupa. May
mga pagkakataon naman, bakit hindi gamitin na gumawa ng ibang bagay upang maiba
naman? May mga bagay pa rin na hindi maglalarawan at magpapakita ng ating
pagkagiliw sa mga bagay na nahahakwan. Sa halip na mga materyal na bagay
na nagbibigay ligaya at kabusugan sa puso, isip at katawan, bakit hindi
magpasalamat sa pamamag-itan ng pagtulong, pagdarasal, pagkawang-gawa at
paggawa ng mga bagay na maaaring magtaguyod ng ating isang adhikain sa
kapakinabangan ng iba. Sa aking pagsusulat, ang nais ko ay makarating sa
ibang mga tao ang aking mensahe upang mahipo ang kanilang mga puso at kahit
papaano ay makatulong na makapagbigay ng inspirasyon ang aking mga isinusulat
na kwento. Sa mga panahon ng aking pagdiriwang, minsan ko ng ginagamit
ang kakayahang ito bilang pagpapasalamat at pagsasaya sa anumang okasyon tulad
ng kapanganakan, tagumpay at mga kapistahan. Pagpapakita na hindi lamang
sa mga materyal na bagay maaaring ipakita ang pasasalamat at pagdiriwang sa
makaundong paraan.
Ni Alex V.
Villamayor
July 8, 2014
No comments:
Post a Comment