Thursday, January 22, 2015

KUNG MAIBABALIK KO LANG

Kung maibabalik ko lamang ang aking kabataan ay ginawa ko na.  Kung maaari lang na bumalik sa panahon na gusto ko ay marami akong gagawin na hindi ko ginawa nuon.  Totoo na mararamdaman lamang ang kahalagahan ng mga bagay kapag hindi ka nagkaroon ng mga ito o iyung mayroon man ay nawala ang mga ito.  Kung may paraan lamang na muling bumalik sa nakaraan at ulitin o itama ang mga desisyon ay ginawa ko na.  Kung puwede, ayoko na’ng magpakabait.  Nakakainip pala ang buhay pagdating ng mga edad na apatnapu at pataas kung walang kalokohan o kagaguhang ginagawa nuong edad veinte hanggang trenta.   Napakasimple, matahimik, at maayos ang naging buhay-kabataan ko.  Pag-aaral at sa bahay lamang.  Walang restriksyon sa mga magulang kundi sariling kagustuhan ko lamang ang tumahimik, magpakababang-loob at maging mapag-isa.  Kaya ang mga kapit-bahay, mga matatanda sa amin at mga magulang ng ibang kabataan ay puring-puri nila ako nuon dahil sa aking pagiging masunurin.  Pero hindi ko alam, ngayon pala ay hindi ko naman pala magugustuhan ang mga nangyayari nuon.  Marami akong mga nasa isip nuon na gusto kong gawin ngunit para sa iba, para sa nakatatanda at para sa mga taong nasa paligid ko ay mali.  Kaya hindi ko ginawa kahit sa sariling kunsensiya ay gusto ko.

Kaya gusto kong mabuhay ulit.  Gusto kong maging edad 16, 17, 20, 23 o 29 at magpakasaya.  Manonood ako ng sine, maglalaro ako ng billiard, siguro magsusugal din.  Gagala ako sa Recto, magpapahating-gabi sa pag-uwi kahit may pasok kinabukasan.  Hindi na ako mahihiyang magsuot ng maong na acid wash, o yung stretch, yung polo na ¾, magpa-under cut ng buhok at magpa-tattoo.  Gusto kong maranasan ang masaktan, mabigo, mapaaway, makastigo ng tatay at nanay ko, tumakas sa pagbabayad sa jeep… Pupunta na ako sa mga bahay ng ka-klase kapag mayroong birthday lalo na kung may debut.  Mamimiyesta sa kanilang bayan.  Gusto kong tuklasin ang mga bagay-bagay.  Gusto ko ng mas maraming kaibigan.  Gusto kong samahan ang mga kaibigan ko na nabigo sa panliligaw, nag-inuman, nagkakantahan, nagkukwentuhan ng mga pangarap at umiiyak dahil sa mga problema sa bahay, pag-aaral at kasintahan.  Marami kasi akong pinalampas na mga potensiyal na maging kaibigan, na hanapin ko man sila ngayon ay huli na at hindi ko na makita.   Marami ang naging malapit ang loob ko pero umiwas ako kasi ang iniisip ko nuon ay hindi ako matatapos ng pag-aaral.  Masyado akong natakot nuon at  naniwala ako na hindi ako makakatapos ng pag-aaral kung makikipag-barkada ako.  Dahil gustong-guto ko ang makatapos upang magkaroon ako ng tapang sa aking katauhan.  Dahil mahina ang aking katauhan at dahil sa ganitong katauhan ay gusto kong maiba, ayokong matulad sa iba na hanggang duon na lamang.  Pero kailangan ko rin pala ang mga mapapait na karanasan.

Sana nagkaroon ako ng makulay na buhay-kabataan pangit man, masakit, magulo, maingay o madilim.   Lahat tayo ay may mga itinatagong madilim na sikreto, lahat tayo ay may mga ginawang kamalian at kasalanan.  Mayroon din ako ng mga ganito ngunit hindi sila malalaki at sapat para makuntento ako.  Sana lang ay naranasan ko ang angresibong kabataan.  Dahil ang mga karanasan, mabuti man o masama ay nakakatulong sa atin upang maging kung ano tayo ngayon.  Ito ang mga nagsisilbing malaking aral na dadalhin natin habang-buhay.  Upang sa bandang huli ay wala tayong pagsisisihan na hindi natin ginawa ang isang bagay.  Ngayon ay nagsisisi ako.  Sana ginawa ko ang mga kalokohan sa aking isip kasi darating din pala ang araw na yung mga ginawa ko dati ay mauunawan ko ngayon na mali at pagsisisihan ng tapat.  At darating din pala ang araw na mawawalan na ako ng gana sa mga kasiyahan, material na bagay, mga kalokohan na pagtakas sa buhay, at sa halip ay tahimik na buhay na lamang ang hangad.  Sana ginawa ko ang mga iyun para naranasan ko dahil sa huli ay nakakaingit yung mga tao na nabuhay ng kuntento.  Ito ang buhay na walang kulay, kaya minsan iniisip ko na ito na ba talaga ang buhay?  Na mayroon pa ba?  Na kung ito na nga ang buhay at kung hanggang ganito lang talaga, sana’y hindi na lang ako na buhay o hindi na lang naging tao dahil hindi naman pala napakasaya upang panghinayangan ko ang hindi naranasan o iwanan.

Ni Alex V. Villamayor
January 20, 2015

Monday, January 19, 2015

THE LIFE THAT IS LESS

Fainted on his face are the sorrows of times.
Few tears are welling up on the somber eyes.
Those gray hairs and folds on face are signs,
tricking the aged has lived the full circle of life.
But wait, it’s no when you look the other side.

When the sun of noon sets its horizon at night,
and darkness covers the entire room out of sight.
The ghosts of unfulfilled task are all coming back.
Yes it hides the obscured lonesome in the dark.
but not the tears glistening through moonlight.

Too good to be gentleman back to his early time.
Though he wanted more but was wrong for some.
When time comes to feel those must’ve been done.
Too late to realize, opportunity do not let someone.
Must have to be silly sometimes to become full man.

The septuagenarian cries for the guilt of the past,
begrudging for experiences that he never ever tried.
How sad to get old without following your heart,
for when you get there you will feel the empty life.
True, repentance is indeed always set at the last.

Life should’ve been better if not for cowardice.
Things been came and gone with no care as is.
His life’s not a fine wine that gets better with age.
Opportunities have just passed under the bridge.
Leaving is easy to accept when as cold as a fridge.

For weakening mind of a ridden old man on bed,
thinking what is right or wrong has no different.
There are things that should do only in summer,
Wrong it be, say sorry.  No regrets come in winter.
Then the promise of spring is sweet on life after.

Man passes in this world, make to live life worth,
like a wild bird in the sky but so near to Creator.
Idiocy in our peak soon will shape every creature.
It’s the lesson to learn that complete our existence.
For it’ll be better no to bitter to the life that is less.

By Alex V. Villamayor
January 19, 2015

Friday, January 16, 2015

REMEMBERING WORLD YOUTH DAY

When the 1995 World Youth Day was announced to be held in Manila, right there and then I was extremely excited to get my things and start to put it into action.  I told myself I must be there for I really wanted to witness such rare and significant event that will enhance my spiritual and social stand.  It is an event that may happen to me once in my whole life.  To begin with, I brought myself in bookstores and newsstands, browsing books and magazines and read articles, news and short stories relating to the Pope and World Youth Day.  I searched church to become a qualified member of a delegation, though school youth and students were prioritized over the young career men.  I went to Catholic religious group to apply volunteer that will best represent our group.  When I'd got my identification card as legitimate delegate, I planned my schedules and prepared myself for a big event that may happen to me once or never.

In three days and nights I was in the street.  There I did my foods and sleep.  In between times we walked the long miles from one place to another, following the route of the Pope.  My first destination was in University of Santo Tomas where youth representatives have spoke their issues and concerns.  Here I was there shouted “Totus Tuus” (totally yours) amongst the tens of thousands attendees in that wide quadrangle of the campus. On next stop, we were in Cultural Centre of the Philippines complex for a homily where the wide space was filled up with devotees – young, old, men and women, business men or students.   In here I had able to see the Pope in up-close and personal.  My closest encounter with the Pope was about ten metres when the Popemobile where He was riding had just passed in front of us.  I will never forget that moment.  Still in my mind I can see His face with those rosy cheeks and wearing that big smile while waving to all He’d just passed by.  It was really rare feeling to see the Pope in person that may not happen again in my life.  After hearing the mass in CCP, all delegates were moving towards to the last leg of Pope’s mass in Luneta Park where more youth, family and other delegations from different parts of the world were waiting to be blessed with His homily.  Walking along the Roxas Boulevard, delegates from different countries were waving their flags, exchanging smiles and shake-hands, and shouting their extreme joy over their strong faith.  There were groups of local delegation headed by nuns reciting their prayer while going to Quirinio Grandstand or Luneta.

It was at noon when we finally reached Luneta.  There was already large number of crowd where some of which were already doing the pilgrims.  There were programs where gospel songs were rendered.  The spirit of cooperation and solidarity were very much present, felt and appreciated.  Packed foods were given to anyone indiscriminately be official delegates or merely observers.  Liturgies were held throughout the days until the night came where we lighted the candles.  In the place where we designated ourselves we laid our sleeping mat and blanket.  It was not in our home, it was outside yet we felt safe and comfort where the dark sky was our blanket and the flickering stars were our lights while we were on sleep.  And we were secured for we knew that God was protecting us.

The following morning and the last day of World Youth Day, more delegates were kept on coming until the park were filled up, little did I know that the crowd was overwhelmingly and unpredictably that big.  It was reported that the closing Mass held in Luneta Park was estimated to have been attended by more than five million people and that includes me and its feel blessed and lucky to be part of the largest Papal gathering in Roman Catholic history.   During that closing mass, there was this one line that the Pope had uttered in the three and a half hour mass that I cannot forget.  He said, he wanted to come back again but if when and how that still he doesn't know.  In the remaining times of my life, I am not certain if I can still able to meet the Pope when He comes to my home or will I have to visit Papal Palace in Vatican?

The Papal visit and the 10th World Youth Day in1995 taught me lessons.   In that time that everybody was fascinated by technologies, I’d realized that the youth are so powerful, capable to be united and there's still time to become religious in this modern time world.

By Alex V. Villamayor
January 16, 2015.

Friday, January 09, 2015

MGA HINDI MAGANDANG UGALI NG TAO

Ang tao ay may mga kamalian sa mga ugali at gawa.  Walang perpektong tao, ngunit may mga pagkakamali na hindi man masasabing pangunahing kasalanan upang maging masamang tao o ituring makasalanan ngunit mga kasalanan pa rin ito na naglalagay sa kanya upang masabing mayroon siyang hindi magandang ugali.

1. Mapanira.  Sa pakikipagkwentuhan niya ay intensiyon niya talaga ang masira o ibagsak ang isang tao na hindi niya kasundo o hindi malapit ang loob .  Hindi totoo na nagsasabi lamang siya ng totoo kahit totoo naman ang kanyang mga ikinuwento dahil ang pakay niya talaga ay yurakan ang isang tao.

2. Mayabang.  Ang gusto niya ay ipakita sa mga tao ang kanyang mga kagalingan at mga nakamit maliit man o malaki.  Masaya siyang ipaalam sa kapwa ang kanyang mga pag-aari at kakayahan.  Pasikat ang ibang katawagan .  Kapatid nito ang papansin.

3. Mapagmataas.  Siya yung ang turing sa sarili ay magaling, nakaaangat, naiiba sa karamihan.  Kasunod nito ang paniniwalang siya ang laging tama at ang dapat masusunod.  At kauri nito ang hindi marunong magparaya, magbigay-daan at magpatawad.  Hindi sila magpapatalo, susuko at aamin sa kamalian.  Kasunod nito ang pala-utos.

4. Mapaghiganti.  Hindi siya makapagsimula ulit at magkapagpatuloy ng buhay dahil nagtatanim siya ng galit sa mga nakaalitan niya.  Kakambal nito ang mapagmataas dahil kapag minsang siya ay natalo o nalampasan siya ng isang tao ay gumagawa siya ng paraan upang mapigilan ito at siya naman ang maka-ungos.

5. Mapagsalita ng Tapos.  May tao na madalas nagsasalita at nangangako ngunit kapag kinapos ay kinakain ang mga sinabi.  Kinakain ang sariling isinuka.  Sinusubok kasi siya ng tadhana kaya kung ano ang ipinintas niya nuon ay binabawi o ginagawa niya ngayon.  Kasama nito ang taong paiba-iba ng pasya.

6. Opinyonado.  Hindi siya nagpapatalo sa usapin at ipipilit niya ang opinion niya.  Ano man ang sabihin at gawin ng kapwa ay mayroon at mayroon siyang masasabi, pabor man o hindi.

7. Mapanghusga.  Madali siyang magbitaw ng salita at mag-akusa patungkol sa anumang bagay.  Para siyang batas na nagsasabi ng kung ano ang tama at dapat.  Kadalasan, kung sino ang madalas maghusga ay siyang bumabali sa batas.

8. Mataray.  Mayroong matalas ang dila – masakit siyang magsalita. Kadalasan niyang idahilan ay ang pagiging prangka ngunit kaakibat ng pagiging deretsahan ay ang urbanidad o modo.   nagkakaiba ang hayop at tao dahil nakakapag-isip ang tao kung dapat ba niyang sabihin ang kanyang nasa isip.

9. Oportunista.  May taong kapag alam niya na may pakikinabangan siya ay sinasamantala niya ang pagkakataon kahit sa maling paraan.  Ginagamit niya ang pwesto, o di kaya ay ang kakayahan o kakulangan ng ibang tao upang makakabig siya.

10. Manloloko.  Hindi lamang ang pagsisinungalin sa kapwa o ang panloloko sa mga tao, kasama din  ang hindi pagiging tapat sa trabaho at sa gobyerno.  Kapatid nito ang manggagantso.  Kauri nito ang kataksilan.

11. Ipokrita.  Maganda ang kanyang ipinakikita sa maraming tao dahil may gusto siyang ipakita ngunit kapag nag-iisa na ay duon lumalabas ang kanyang mga reklamo at saloobin.  Mayroon lang kasi siyang itinatagong pakay kaya siya nakikihalobilo.  Kapatid nito ang balik-harap at traydor na rin.

12. Makasarili.  May tao na nakikipagkapwa-tao lamang para sa sariling kapakinabangan lang ang dahilan.  Siya din yung ang magaling ay ang sariling pamilya, anak, pamangkin, o pinsan.  Lahat ay sasarili pa rin niya.  Kasama din dito yung mga tao na gagawin ang lahat mapabuti lamang ang sarili kahit masagasaan niya ang ibang tao.

13. Pintasera.  Madali niyang mapansin ang mga kamalian at kapintasan ng iba ngunit ang sa kanya ay hindi niya nakikita.  Ang mga bagay na sinasabi niyang ginagawa ng iba na mali ay kapag siya ang gumagawa ay binibigyan niya ng katwiran.  Kahalintulad nito ang mapanghusga.

14. Paimportante.  Hindi magandangugali ng isang tao ang ituri niya ang sarili na natatangi kaya dapat na pag-ukulansiya ng pansin, pagkilala at paghanga.  Gusto niya na siya ang mauuna sa lahat, maganda at malaki mapupunta sa kanya kaysa sa karamihan.  Kapatid ito ng kayabangan.

15. Mapolitika. Ito yung hindi lang sanay sa mga palakasan o padrino, pambabraso at pang lalagay kundi yung mga may kinikilingan at hindi marunong kumilos ng patas.  Kapag gusto at kapanalig niya ay mas pinapanigan niya.  Kahalintulad nito ang mga korap na naglilingkod sa bayan.

16. Mapangdamay.  May tao na ugali na ang sinomang kapwa na nakasama sa isang grupo na hindi niya gusto, o kasama ng taong kanyang kaalitan ay nagkakaroon na rin siya ng galit sa taong napasama lang.  Nadadamay ang inosenteng tao sa kanyang galit sa ibang tao.

Ilan lamang ang mga ito sa mga hindi magandang ugali ng isang tao.  Marami pang ugali ng mga tao ang nagpapasama sa kanila na kailangang may magpaalam sa kanila sa kung anumang paraan na malumanay.  Sinasabi na ang anumang lumalabas sa isang tao ay ang nagpaparumi sa kanya tulad ng mga ginagawa niya na nabanggit sa itaas.  Dahil anuman ang iyong gawin at sabihin tulad ng mga nabanggit ay walang ibang panggagalingan kundi mula sa maitim na puso.

Ni Alex V. Villamayor
January 9, 2015

Wednesday, January 07, 2015

PARA SA NATUTUKSO

Sa mag-asawa, may mga oras na dumadating ang mga tukso na kailangang pakiharapan. Sapag-itan ng lalaki at babae, mas malapit at mas mahina sa tukso ang una. Ito ay dahil na rin sa mga naging kasanayan ng ating lipunan tungkol sa usaping pakikiapid ng lalaki at babae.  Ito ay ang paniniwalang walang mawawala sa isang lalaki kapag siya ay nakikiapid kung kaya hindi siya nakakadama ng pagkakasala.  Hindi malaking usapin sa lalaki ang siya ay makiapid ngunit kapag ang asawang babae ang siyang gumawa ng katulad na kasalanan ay isang mortal na kasalanan.  Hindi basta-basta makakagawa ng pagngangalunya ang isang asawang babae dahil isang malaking kahihiyan sa babae ang gumawa nito.  Subalit ang pangangalunya ay isang kasalanan babae o lalaki man ang gumawa nito.

Dahil ang asawang lalaki ang siyang mas mahina sa tukso, kinakailangang gumawa siya ng paraan upang mapaglaban ito.  Para sa mga lalaki na may pinagdaraanang tawag ng tukso, sa nakakadama ng matinding paghihirap na labanan ito, na parang ang pakiramdam ay matatalo siya ng pagnanasa at mananaig ang tukso, maaaring pagmunimunihin ang mga sumusunod na katanungang kahit papaano ay maaaring makakapagpatigil sandali ng iyong oras at mag-isip:
1.   Alalahanin mo ang pangako mo sa pinakamamahal mong asawa.  Alam mo kung gaano siya masasaktan kapag ginawa mo ang pakikiapid – gusto mo ba siyang saktan?  Isipin mong masyadong hindi patas na habang siya ay nagtitiis at nakikipaglaban sa katulad ng iyong pinagdaraanan ay bakit ikaw hindi mo makakaya?  Anu ba ang mas mahalaga sa iyo, ang tawag ng laman o ang nilalaman ng puso mo hindi lamang para sa asawa mo kundi para sa mga anak mo?

2.   Isipin mo na anuman ang sabihin, paniniwala at nakasanayan ng lipunan na walang mawawala sa lalaki, ang pakikiapid ay isang kasalanan pa rin na pagbabayaran sa apoy ng impyerno maging lalaki o babae man.  Paano ka haharap sa Panginoon at sasabihin mong karapat-dapat kang patuluyin sa langit?  Ano ang mas gugustuhin mo, ang panandaliang ligaya ng iyong katawan o ang sakit ng pagsunog sa iyong kaluluwa?

3.   Tandaaan mo ang ganti ng tadhana.  Paano kung subukin ng tadhana ang iyong asawa naman ang siyang paligiran ng mga lalaki upang gawin sa asawa mo ang ginagawa mo sa ibang babae?  Kung may anak kang babae, ano ang mararamdaman mo kapag ang mga lalaking katulad mo ay makuha ang pagkababae ng iyong anak?  Lagi mong isipin ang balik ng karma.  Kumikilos ang tadhana, hindi lang namamalayan pero kumikilos ito.

Sabihin man ng lalaki na para sakanya ay bale-wala ang lahat at ito ay isang pagpaparaos lamang ng kaligayahan, o maaaring umiral lang ang pagkalalaki na tila dahil lalaki kasi ay hindi masama para sa kanya ang magsagawa ng tawag ng pita, at marahil ay dahil sa ang babae na ang lumalapit.  Ngunit paano kung para sa babae ay isang paghahanap ng makakasama ang kanyang pakay, paano sasabihing nang hindi masasaktan ng dalawang beses ang damdamin ng isang may tapat na hangarin?

Likas na mahina ang lalaki sa pita.  Kailangang sa umpisa pa lamang ay lumayo at umiwas na siya sa mga bagay na naglalapit sa maaring puntahan ng tawag ng laman.  Bakit mo pa hahayaan na ilapit ang sarili mo?   Putulin mo na agad ang pagsisimulan ng tukso.  Kung ang pagpunta mo sa isang lugar ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon, huwag mo ng ituloy ang pagpunta.  Huwag mong ilapit ang sarili mo sa isang bagay na sa bandang huli ay maiipit ka.  Hindi ka naman nakatitiyak na makakayanan mo ang tawag ng tukso kaya ikaw na ang lumayo.

Tuesday, January 06, 2015

THE MYSTERY OF FULL MOON

I have woke up in one sultry uneasy night,
in the midst of darkness that wraps my sight.
I’ve seen some light that comes from outside,
penetrating in the thin gap of window shut.

It’s calling me as I’m under the spell of charm.
So I have got up and peeped on the thin gap.
In my amazed, I have rested to what I’ve got.
It’s a charming moon so full, big and bright,
solely outshining the darkness of the midnight.
Its plumpness, full blown that seems will burst.

I can’t understand there’s strange sense in me.
Whilst the so round moon that seems so near,
looking at me and illuminating where I stand.
I felt the great power over the clear moonlight.
I think it’s the tale mystery that wraps the night.
The chosen one that I am will stand on the top.

Tonight, I am as valiant as the mighty warrior,
yet in my warm heart is as tame as a lost soul.
Galloped in the stallion on way to warfare zone,
I am passing through the high tide in seashore.

And the hero of the full moon shields the home,
through an epic battle where fall is unknown.
When the God and Goddesses of nature join,
to prepare the world of children be scoured.

Being unsung hero it’s kind of sad when it last,
for I want the broods free from the dark night.
Although it is fictitious of heroism for mankind,
I’ll sit in the window waiting the full moon again.



By Alex V. Villamayor
January 5, 2015

Saturday, January 03, 2015

MALAKI AT MALIIT NA KASALANAN

Kung mayroon akong kinagisnang sampung utos ng Diyos, may nabasa naman ako na mayroong pitong pangunahing kasalanan mula naman sa ibang pananampalataya.  Sa paghahambing ko sa mga ito ay naunawaan ko na mayroon man tayong ibat-ibang kinaanibang paniniwala ay halos nagkakapareho naman ang mga ito ngunit bakit nahihirapan tayong lahat na iwasan ang magkasala?  Siguro ay dahil ang tao ay likas na mahal ang sarili kaysa anu pa man.  Hindi niya hahayaan na masaktan, mapasailalim at maloko ng ibang tao.  Ang anumang nasa isip niya ay ang siyang nais niyang maging tama at masunod.  Ang mga nasa paligid niya ay gusto niyang masakop,  makuha at mapasunod.

May mga pangunahing kasalanan at mayroong yung mga tinatawag na munting kasalaman lamang.  Kaya sa ating relihiyon ay mga itinituro upang maiwasan ang magkasala at kung paano tayo magiging isang mabuting tao sa mata ng ating Panginoon.  Ang pagkilala sa nag-iisang Diyos, ang pagmamahal sa kapwa, at ang pag-iwas sa pagkitil ng buhay, bawal na pagtatalik, pagsisinungalin at pagnanakaw ay ang mga kautusan na itinuturo sa ating relihiyon na ang pagsuway sa mga ito ay isang malaking kasalanan.  Mayroon ding hindi nito kasing-laki katulad ng pagbibintang, pagtigil pagsamba, pagpapakamatay, paghahangad ng hindi pag-aari ngunit gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan ay kasalanan pa rin ito na may kabayaran sa kabilang buhay.

Ngunit mayroon pang ilang mga bagay na hindi natin namamalayang mga kasalanan katulad ng kapalaluan, pagsusugal, paglalasing, panunumbat, pangkukulam, pagsusumpa, paniniwala sa manghuhula, salamangka, pagpapalit ng muhon,  pagkuha ng labis na patubo, pagkamkam ng ari-arian, pagmamanman, pagmumura, pagtanggap ng suhol,  pagkakanulo, at pagputol sa ugnayan ng angkan. Anuman ang iyong kinaanibang relihiyon ay itinuturo na ang mga ito ay kasalanan.  Isang halimbawa ay ang kapalaluan. Nasusulat din ito sa aklat ng Koran na ito ay isang kasalanan.  Sa ating buhay, kailangan natin ang maging magpakumbaba.  Ang taong magaling ang palagay sa sarili kadalasan ay mapagmataas at hindi magpapatalo.  Ano ba naman kung magparaya o magbigay-daan ka? Hindi naman malaking kawalan kung mananahimik ka na lamang kaysa naman sa hinihiwa ng matalas na tabas ng iyong dila ang pagkatao ng kapwa mo.  Hindi mo ikabubuti ang mapanghusga dahil sa katapusan ay ikaw ang huhusgahan ayon sa iyong mga ginawa.

Iwasan natin ang maging mapaghiganti, mapagtanim ng galit sa kapwa, at mapanumbat.  Ang anumang mga naitulong, naibigay at magagandang bagay na nagawa mo sa iyong kapwa ay huwag mo ng isusumbat kapag dumating ang panahon na ikaw ay nakakaramdam ng pagkatalo.  Dahil lumalabas na hindi naman pala bukal sa iyong kalooban ang pagtulong, pagbibigay at paggawa ng kabutihan.  Kung mayroon kang mga naka-alitan, maging mapagpatawad tayo.  Linisin natin ang ating kalooban at huwag magtago ng sama ng loob sa kapwa upang hindi mo na naisin ang gumanti at manumbat.  Kung may mga nakakasamaan ka ng loob, maaaring hindi mo iyon malilimutan ngunit ang patawarin at bale-walain ang nangyari ay ang kagustuhan ng Diyos na ating gawin.  Dahil sa ganuon ay nawawalan ka ng dalahin sa iyong puso na nagpapabigat ng iyong pang-araw-araw na buhay.  Totoo, kapag marami kang nakakaaway ay bumibigat ang iyong buhay dahil marami ang naghahangad sa iyo ng paghihirap.  Huwag na nating hangarin ang gumanti dahil sa pagganti natin ay nagkakasala na naman tayo.  Ang anumang uri ng bendeta ay nangngaling sa maitim na puso dahil hindi ka maghahangad na gumanti mula sa sakit na naranasan kung ang iyong puso ay maaliwalas na sa mga poot, inggit, selos at kawalan ng kapanatagan.

Mahirap ang magpakabait.  May mga maliliit na kasalanan ako at kung anuman ang aking mga pagkakasala sa buhay ay hindi ko na dadagdagan pa ng mga nabanggit na kasalanan.  Sapat na sa akin na ang mga ito ay hindi namamamahay sa aking kalooban kaya nakakapamuhay ako ng may katiwasayan, magaan ang buhay, walang inaargabiyado, malayo sa galit ng ibang tao at ganti ng tadhana.

Ni Alex V. Villamayor
January 3, 2015