Thursday, June 04, 2015

WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #10- W2P #19)

Quote-unquote

W2P #10
Walang saysay kung ikaw ay mabait lamang sa paningin ng mga kapamilya dahil anong klaseng pagkamabait ka kung ang mga taong mababait lamang sa iyo ikaw magmamabait?

W2P #11
Best Mom
Kahanga-hanga ang isang ina na tinuturuan ng gawaing-bahay kahit ang kanyang mga anak na lalaki.  Pero mas pinaniniwalaan pa ring ang lalaki ay lalaki kaya ayus lamang kung hindi siya matutong magluto, maglaba, mamalantsa, mag-ayos ng mga gamit at maglinis ng bahay.  Kaya marami tayong nakikitang magulo at madumi sa bahay at mga gamit.

W2P #12
MATARAY
Ang pagiging mataray ay hindi pagiging magaling kundi masama.  Dahil kakambal nito ang pagiging mayabang.  Nagtataray ka upang patunayan mong tama ka, huwag kang kalabanin at  magtinging ismarte ka.

W2P #13
SHARP MOUTHED
It is not always right to believe that you’ll just be straightforward or honest to what you’ll say and you don’t care if you can offend someone.  Think.  Sometimes, you need to have the good judgment to know right timing and right wording.

You will not like when you heard you’re rude and insensitive coz it hurts.  Then that’s how it feels when you were told the truth.

W2P #14
FREEDOM
Often mistaken freedom of expression to freedom of barbarian…  If you’ll emphasize the use of foul words, show of true feelings and expose dark secrets you know about individual, entity, and government as freedom of expression; then why don’t you do it in your own spouse, children, parents and siblings?  You don’t do it not because their pure and holy but because you know it hurts – so you knew it.

W2P #15
MALAYA
Ipinagkakamaling ang malayang pagpapahayag sa malayang pangwawalanghiya.  Kung ipagpipilitan mong ang kalayaan sa pagpapahayag sa paggamit ng mga masasakit na salita, pagpapakita ng totoong nararamdaman at pagpapasabog ng baho ng isang tao, kumpaniya at lipunan, bakit hindi mo ito gawin sa sarili mong asawa, anak, magulang at kapatid?  Hindi sa wala sila ni isang bahid ng kasalanan na napakaimposible kundi dahil alam mong masakit ito – eh alam mo na man pala.

W2P #16
DALDAL
May mga tao na hindi kayang tumahimik sa isang sitwasyon kahit sandal lamang. Yung hindi pwedeng hindi magsasalita kapag nasa umpukan, kahit hindi direktang tinatanong ay talagang sumasabat.  O panay ang salita ng mga nakikita sa umpukan.  Natahimik lamang sila kapag tulog at nag-iisa.Pero ang problema, kapag iba ang maingay ay napupuna nila.

W2P #17
DOMINANTE AT ‘DI PATATALO
Kapag ang mismong asawa mo na ay hindi ka na makasundo at matiis, gasino pa kaya ang ibang tao sa paligid mo?  Kung hindi na nakatiis at hiniwalayan ka na, paano mo pa sasabihin na mabuti kang makipagkapwa-tao sa iyong mga kasama?  (Salaylayan ng paldanalang ng iyonginamoikawpupulutin.)

W2P #18
IPOKRITO
Mahirap kapag ang mismong sarili mo ang iyong kalaban.  Yung kahit sinasabi mo na “ikaw ay ganito na, ikaw ay ganyan” pero kapag walang nakakakita ay ginagawa mo pa rin yung dating ikaw.  Dahil gusto mong ipakita yung pagbabago para gumanda ka sa tingin ng ibang tao.    Niloloko mo na lang niyan ang iyong sarili. 

W2P #19
Reputasyon
Isa sa inaalagaan at iniingatan ko ay ang aking kredibilidad bilang totoo kung magsalita at may isang salita.  Kaya kapag may sinabi ako ay mas madalas kaysa hindi ay pinaniniwalaan ito ng aking kausap.

Dahil ayokong nagsasabi na ako ng totoo at matino ay nagiging lokohan at halakhakan lang aking mga salita hanggang hindi na talaga pinaniniwalaan ang aking sinabi.

No comments: