Quote Unquote
W2P #20
TAMANG ORAS
Huwagpintasanangtaongayawmagsalitakunganoanggusto –
maaaringnaghahanaplamangsiya ng tamangorasupangmaiwasanangmakasakit.
Huwagnamanidahilannatapatatprangkakalang kaya
nagsasabikakunganoangnasaloobmokahitmakasakitka pa – may tamangorasanglahat ng
sasabihin. Magkaroon ng pakialamsadamdamin ng iba.
W2P #21
KABAITAN
Ang pamilya, madalas ay laging nasa atin ang simpatiya,
suporta at tayo ang tama sa kanilang paningin.
Ngunit kung minsan, isa sa sukatan ng ugali ng isang tao ay kapag ang
mismong isang matuwid na tao na pinakamalapit sa atin ay hindi nakatagal at iniwan tayo, suriin natin
ang ating sarili kung talaga bang mabuti tayong makisama tulad ng pagtingin sa
atin ng ating pamilya.
W2P #22
SANTA SANTITA
Hindi dahil madasalin, nagbabahagi ng mabuting salita at larawan ng
Panginoon, palangiti at palabiro sa kapwa ay mabuting makipag-kapwa tao na kung
meron ka namang patuloy na sinaktan,sinagasaan at hinahamak.
W2P #23
RELIHIYOSO / BANAL
Kaawa-awa ang mga taong ang alam sa sarili ay mabait sila dahil hindi
sila magbabago. Sila’y tiwala dahil alamnilang nagdadasal sila, nagpapalaganap ng
kagandahan ng Diyos at nagpapakita ng pagdamay.
Pero bale-wala ito dahil baka ang 3 katangiang ito ay katumbas ng 7
kapintasan tulad ng mapagganti, matalas magsalita, matigas ang puso,
pakialamero, pintasera, mapagmataas at mapag-akusa.
W2P #24
PARANG BOSS
Mayroong sobrang
maghangad na maging boss kaya normal lang sa kanya ang mag-utos. Kung wala kang ganitong ugali, ikaw na’ng
gumagawa ng isang simpleng bagay kahit hindi ito sa iyo kaysa iutos pa ito sa
isang taong may ginagawa.
W2P #25
PARANG BOSS-II
Mayroong sobrang
maghangad na maging boss kaya normal lang sa kanya ang magtrato sa kanyang
sarili na mataas siya sa mga kaparehong kasamahan. Dahil dito, tuwang-tuwa siya kapag ginagawa
niya ang mga pang-boss na bagay, gamit at asal dahil ramdam niyang tinging boss
siya sa mga kasama niya.
W2P #26
SUNUD-SUNURAN
Kapag nagmahal ka ng asawa, kasintahan, kalaguyo man at kaibigan, sikapin
mong mapagbago siya sa mabuti at hindi iyung ikaw pa ang
maimpluwensiyahan. Kapag galit siya sa
isang tao ay kagalit mo na rin iyung tao.
Kapag nalaman mong mali ang kanyang ginawa ay binibigyan mo ng katwiran
ang kanyang paniniwala .Kung ganun, dadamitalagaang may ganitongugalidahilmagmamana
pa sainyoanginyongmgaanak.
W2P #27
Laging tama, laging masusunod
Kapag sobra ang palagay sa sarili na siya’y magaling,
lagi niyang ipapalagay na tama siya palagi at sya ang dapat masusunod. Kapag laging tama ang palagay sa sarili, mahihirapan
siyang purihin ang ibang tao. Kapag ang
gusto ang laging masusunod, hindi niya mararamdaman ang pangangailangan ng
ibang tao.
W2P #28
LAGING SILA ANG TAMA
May mapagpilit na kung ano ang alam at mayroon siya o ng
grupo niya ay iyun ang totoo, tama, at mabuti.
Hindi dapat kung paano ka kumilos o kung paano gawin ang isang bagay sa
iyong lugar ay ganun dapat ang gawin ng iba.
Simpleng halimbawa: hindi dapat ipilit na ang Adobo sa iyo ay Nilaga sa
iba.
W2P #29
PUBLIC
SPEAKING
Hindi
lahat ng may lakas ng loob na magsalita sa harap ng maraming tao ay
kahanga-hanga. Mayroong hindi magandang magsalita, hindi maganda ang mga
sinasabi at hindi maganda ang tinig. Mayroon lang masaya sa pagpapasikat
at atensiyon ng maramin g tao. Hindi
kakayahan kundi kaalaman magsalita.
No comments:
Post a Comment