Monday, August 15, 2016

PAANO MAGMAHAL ANG ISANG PANGIT

Ang akdang ito ay isinulat hindi upang ibaba ang anyo ng taong hindi kaaya-aya sa ating makamundong panukat kundi para lamang iparating ang kanilang dalamhati sa nararamdaman nila sa kanilang paligid.

Naranasan mo na ba,
yung magsikap kang may gawin,
iyung nagpakahirap ka,
gumugol ng lakas at kakayahan,
naglaan ng oras at kung anu-ano pa
para sa ikatutuwa ng iba?

Pero ang lahat ay parang bale-wala pala
sa kadahilanang dahil lang sa ikaw.
Pangit kung tawagin,
yung hindi kaaya-aya sa pamantayan ng kagandahan.
Laging binabalewala, hindi pinapahalagahan.

Alam niyang siya ay pangit.
Kaya naman siya ay nagpapakabait,      
yung ibibigay ang lahat,
para siya ay matanggap.
Kung magmahal siya at tapat,
dahil alam niyang siya ay salat,
kaya kailangan niyang magsikap.

Masakit yung matapos mong pasayahin,
ang isang tao na may halaga din,
ay ang mismong dahilan ng iyong pagsasakit,
ang siyang kukurot sa iyong damdamin.

Alam niyang hindi siya dapat maghintay,
ng anumang kapalit sa kanyang mga iniaalay.
Ngunit tao lang siyang naghahangad,
ng pagpapahalaga at pagtanggap sa buhay.

PAANO MAGMAHAL ANG ISANG PANGIT?
Ni Alex V. Villamayor
August 15, 2016

No comments: