Huwag
puro teleserye at pelikula ang pinapanood
Tumutok
ka rin sa balita sa bayan mong nalulunod.
Tumanda
ka nang puro sarili di ka pa ba napapagod
Siguro’y
oras naman na para sa bayan ang itaguyod
Huwag
ikatwiran na wala na namang mangyayari
At
pare-pareho lang iyang mga naghaharing-uri
Kung
sa kalsada ay ipahayag ang opinyon ng sarili
Ang
mahalaga’t maganda’y nagkaroon ka ng silbi.
Huwag
magbintang na sumasalungat lang palagi
Sa
mga isyu sa lipunan ay mayroong masasabi
Hindi
ba pwede na ang mga ito’y isang panunuri
O
marahil ang totoo’y sa mga nakikita’y may mali.
Huwag
ang mga huwad na balita ang tangkilikin
Dahil
hinahamak nito ang iyong talinong angkin
Kahit
kailan nama’y masama ang pagsisinungalin
Kung
sa pamamayagpag nito ay may sala ka rin.
Huwag
pagdiskitahan ang kasaysayan ay baguhin
Sa
dikta ng propaganda ang mga tama’y mamaliin
At
ang nakaraan ng kamay na bakal ay purihin
Sa
isip ng mahihina’t salat sa aral ito’y ipapakain.
Sadya
nga bang totoo itong aking napapansin
Pananampalataya
ng panatiko’y mahina man din
Kaya
kahit Simbaha'y kayang-kayang kutyain
Maghunos-dili
ka, ang Diyos ay huwag hamakin
Huwag
kang magmura sa mga nalulong sa droga
Nais
na ngang magbago wagas pa rin kung isumpa
Pagkamukat-mukat
ikaw din pala’y dating sugapa
Huwag
humusga kung may uling ka rin sa mukha.
Kahit kilalang magagaling sa baryo at sa paaralan
Nang
naging panatiko ay lumabas ang kababawan
Sa
mga nangyayari'y may isang aral ang natutunan
'Wag maging panatiko, nakakawala ng katinuan.
Huwag
kang magmataas, at huwag maghari-harian
Ang
lahat ng mga bagay ay mayroon ding katapusan
Kung ngayon maaaring suwerte mo ay kinakasihan
Pero bukas-makalawa
pagbagsak mo’y katutuwaan
At sa
lahat ng mga ito, sino ba ang iyong niloloko
Kunwari
ay ganito, iyun naman pala'y hindi totoo
Huwag
ka ngang mangdamay ng iba pang mga tao
Kung ang gusto mo'y mamgbola, aba'y huwag ako.
No comments:
Post a Comment