Thursday, March 05, 2020

ANG DUTERTARDS


Para sa akin, magkakaiba ang Die-Hard Duterte Supporters o DDS, solid DDS at Dutertards.  Ang madalas kong punahin ay yung huling dalawa dahil sila yung tinatawag na bulag na taga-sunod.  Iyung solid, hindi mo matitinag ang mga paniniwala niyan na mistulang panatiko na kahit anong mangyari.  Iyung Dutertards naman ay panatiko na ay sila pa iyung nangangatwiran nang wala na sa lugar ay nag-iimbento pa sila ng mga bagay para sa ikagaganda nila o ikapapangit ng hindi kanila.  May mga kaibigan akong DDS na totoong maka-Duterte sila pero dumidistansaiya sila sa isyu kapag malinaw na mali talaga si Duterte, tulad ng pangaalipusta sa Diyos at pangiinsulto sa Katoliko.  Pero yung mga panatikong dutertards ay kinukunsinte na nga nila ang Pangulo, inaaway ang sino mang makita nilang hindi kakampi, binibigyang paliwanag na tama pa si PDU30, at binabaligtad pa nila ang mga pangyayari.

Ang mga dutertards ay sila iyung lahat ng sinasabi, ginagawa ni DU30 ay tama at pinapaniwalaan nila, lahat ng iutos ay sinusunod, lahat ng gusto ay gusto rin, lahat ng ayaw niya ay ayaw rin nila, lahat ng bumabatikos ay inaaway, hinahanapan ng mali, at lahat ng tungkol kay DU30 ay maganda, magaling at mabuti.  Ayon kay Kenneth Phoenix, ang dutertards ay iyung mga taong napakadaling utuin ng mga tradisyonal na politiko (trapo) at ang basehan nila ng pagboto ay pambobola.  Agad nilang pinapaniwalaan ang mga trapo na nagpapanggap na lingkod-bayan kahit ang kanilang track record ay kabaligtaran ng kanilang mga ipinapangako.  Sila yung halos ay sambahin na si PDU30 at halos ituring na nila itong Diyos.  Ayon naman sa Urban dictionary, madalas ipagtanggol ng mga dutertards ang pangulo sa bawat araw na ginagawa nito na wala naman sa ayos (hal: Tang ina mo Pope, Si Mayor muna ang mauna, Marami na akong ninakaw kaso naubos na).   Madalas ring nagiging tama para sa kanila ang mga mali kung si PDU30 naman ang gagawa (hal: pagmumura, pagpatay, paggawa ng rape jokes).   Karamihan sa mga Dutertards ay mga tambay lang, kulang sa pag-uunawa at mahilig rin sa mga pekeng balit.

Sa aking pagmamasid at pag-analisa, ang mga dutertards ay iyung mga taong reklamador, napakadaling manghusga at iyung mga hindi magpapatalo.  May doble silang pamantayan na kapag pabor sa kanila at negatibo sa oposisyon ay bibigyan itong diin ngunit babaligtarin kapag hindi pabor sa kanila at maganda sa oposisyon.  Napakahilig at napakabilis nilang magbahagi ng mga pekeng balita at walang pananagutang inpormasyon.  Kung magkomento sila ay mistulang laki sa kalye, hindi nakapag-aral, tambay sa kanto dahil sa mga ginagamit nilang salita na brutal o walang paggalang.  Karamihan sa kanila ay may mga problema sa pakikisama at kadalasan ay may mga hindi magandang ugali o sabihin nating may tama sa utak.  Iyung mga nagiging laman ng balita na mga tsuper na nakipag-away sa pasahero, mga motoristang nasasangkot sa away-trapiko, at kahit iyung mga nahuhuli o napapatay na masamang elemento sa lipunan na may suot-suot pang pinamigay ni PDU30 nuong kampanya.  At isa pang napapansin ko, ang mga dutertards ay iyung mga taong may mahinang pananampalataya.  Ginagawan nilang palusot ang mga anomalya ng kaparian kaya hindi sila nagsisimba ngunit ang totoo ay wala talaga sa prayoridad nila ang pagsisimba.  Idinadahilan din nila na mas magdadasal na lang sila sa kanilang bahay araw-araw kaysa sa magpunta sa simbahan ngunit ang totoo niyan ay hindi sila ganuon kaigting sa pagdarasal.  Kung mapapansin kaya magulo ang relasyon at buhay nila.

Totoo sa literal na kahulugan na ang pagiging panatiko ay nakakabobo dahil nawawala ka na sa katwiran, sa tamang pag-iisip, at nawawalan ka na ng sariling disposiyon kapag pinaiiral mo na ang iyong sobrang bulag na tagasunod.   Hindi ka dapat nagpapakamatay sa pagiging tapat mo sa Pangulo, senador, alkalde o kahit sinong politiko dahil ang katapatan mo ay dapat mong ibigay sa iyong bayan.

No comments: