Iyung manggaling mula sa Pangulo na sabihing "Ikaw ano ambag mo?" ay parang kawalan ng kakayahan, desperado at walang pag-asa. Kung ngayon pa lang na tila hindi pa tayo umaabot sa tuktok ng epidemya ay ganyan na ang ipinakita niya, gaano pa kaya kung sumapit na tayo duon sa pinaka-tugatog ng krisis?
Para isumbat ito, ibig sabihin ay hindi niya talaga kaya ang trabaho. Maaga pa lang ay sinabihan na siya ng mga tao kung ano ang dapat gawin pero matigas ang ulo, mapagmataas at nanaig pa rin ang katapatan at simpatiya sa Tsina. Nasa kanya na ang napakalaking pera, kapangyarihan, mayorya ng gabinete at binigay na sa kanya ang karagdagang kapangyarihang pang-emergency na hinihiling niya upang magampanan daw ang pagtugon sa krisis, at biglang-bigla - ikaw ano ambag mo? Parang nabaligtad at ngayon, ang mga tao na ang may kasalanan. Pero may dalawang perpektong sagot ang mga tao sa tanong ng Pangulo – iyung buwis na kinaltas sa kanila ang kanilang ambag na ipinamahagi sa bahay-bahay sa halagang lima hanggang walong libong piso. Ikalawa, ano ang ginawa mo, G. Pangulo sa mga ambag namin?

Hayaan muna natin ang Pangulo, dumako tayo sa ordinaryong
mamamayang-Filipino. Para sa mga
mamamayang Pilipino, anu nga ba ang ambag mo sa nangyayaring krisis?
· Frontliner ka ba? Kung oo, maraming salamat sa iyo dahil may ambag
ka!
· Kung hindi, bukod sa dasal,
nagbigay ka ba ng relief goods, o PPE o alcohol? Kung oo, maraming salamat sa
iyo, may ambag ka!
· Kung hindi, nag-organize ka
ba ng fund drive para sa feeding program, o sa pangangailangan ng mga
frontliners at mga tao? Kung oo, maraming salamat sa iyo, may ambag ka!
· Kung hindi, nagdonate ka ba
sa mga donation funds? Kung oo, maraming salamat sa iyo, may ambag ka!
· Kung hindi, sumunod ka ba na
mag-stay at home na lumalabas lang kapag kailangang-kailangan lang talaga? Kung
oo, maraming salamat sa iyo, may ambag ka!
· Kung hindi, ipinapaalaman mo
ba kapag may nakita kang mali sa mga nangyayari para umayos ang paglaban natin
sa COVID-19? Kung oo, maraming salamat
sa iyo, may ambag ka!
· Kung hindi, nagbigay ka ba
ng inspirasyon sa kapwa mo tulad ng paglikha ng awit, tula, kwento at pagguhit
upang palakasin ang kanilang moral? Kung oo, maraming salamat sa iyo, may ambag
ka!
· Kung hindi pa rin,
ipagdasal mo na lang na magtagumpay sila.
Maraming salamat sa iyo. May ambag ka na.
Ang bawat Pilipino, direkta o hindi tuwiran, ay mayroong
ambag sa kaban ng ating bayan. Sa bawat
pagkain, bagay, at serbisyo ay mayroong nakapataw na buwis na binabayaran ng
lahat. Dahil walang makakaligtas sa
buwis kaya lahat tayo ay mayroong ambag.
1 comment:
..................."Maging Mabuting Mamamayan sa Lipunang Ginagalawan, Sumunod sa Batas, Magbayad ng Tamang Buwis, Kayod Marino, Lumaban ng Parehas at Patuloy na Pakikibaka sa Hamon ng Buhay kung saan Dugo at Pawis ang Puhunan
Higit sa lahat, HINDI maging UNGAS na TABOGOng IDIOTDUTERTARDS na Mas Masahol pa sa Hayop, mga Demonyong Nagkatawang Tao, puro Magnanakaw, MandaramBONG GaGOmarcos,Sinungaling, Mandurugas, Balasubas, Barabas, HUDAS, ETCHAS!!!
Post a Comment