Hindi nakapagtataka na pataas pa
ng pataas ang kaso ng COVID at magpapatuloy pa ito hanggang hindi tumitigil ang
mga tao sa kakalabas ng bahay kasi maraming pwedeng makahawa o mahawa. Simula pa lang, mas gusto ko na ang mag-total
travel ban sa mga nanggaling ng China dahil mas mabuti na ang umiwas kaysa mag-gamutan. Ngayon, mas gusto ko na ang mag-total
lockdown para wala ng lalabas ng bahay na puwedeng mahawa o maka-hawa. Napakahalaga ng pumirme tayo sa loob ng bahay
kasi:
1. Kapag
ang isang tao ay nahawahaan ng virus, isa hanggang tatlong araw pa niya
mararamdaman ang mga sintomas.
2. Habang
hindi pa niya nararamdaman ang mga sintomas, lumalabas pa siya ng bahay at
nakikisalamuha sa ibat-ibang tao kaya sa unang araw pa lang niya ay nakakahawa
na siya.
3. After
three days na naramdaman na niya ang mga sintomas, saka pa lang siya
magpapatingin sa doctor at duon pa lang siya iku-quarantine.
4. Sa
loob ng isa hanggang tatlong araw na lumalabas pa siya ng bahay ay napakarami
na niyang nahawahan bago pa man siya i-quarantine.
5. Kung
ang bawat isa sa nahawahan niya ay katulad din niya na lumalabas ng bahay, ibig
sabihin marami na rin silang nahawahan bago sila magquarantine. At yung mga nahawahan nila ay lumalabas din
na bahay, talagang papataas ng papataas talaga ang kaso ng COVID.
6. Kaya
napakahalaga kung mamalagi muna ang mga tao habang may enhanced quarantine kasi
kung sumunod lang ang mga tao na “mamalagi muna pansamantala”, hindi siya
makakapanghawa ng maraming tao at madaling mag-trace ng kanyang mga
nakasalamuha para isailalim agad sa PUI at PUM.
7. Namamatay
ang virus na nasa pinto ng mall, hawakan sa tindahan, sa upuan sa jeep, atbp, sa
loob ng ilang oras lang. Kung walang tao
sa mga kalsada, sa mga pampublikong sasakyan at mga pamilihan, walang kakapitan
ang virus hanggang mamatay ito. Sana ay
maunawaan ito ng mga tao. Ganito
kasimple kapag sumunod ang mga tao na mamalagi muna sa kani-kanilang mga bahay.
Ang mga ito ay iyung para sa usaping
“stay home” pa lamang. May iba pang mga
dahilan kaya pataas ng pataas pa ang bilang ng COVID cases.
8. Marami
ang hindi nate-test dahil sa limitadong testing kit natin. Kaya marami ang mga hindi narereport na kaso
ng COVID. Kung kakaunti ang nate-test,
kakaunti din ang mga taong sumasailalim sa imbestiga at monitoring, at yung maraming
hindi nate-test, magpapatuloy silang makahawa.
9. Walang
pera ang DOH. Kung hindi sana kinaltasan
ang budget nito, umpisa pa lamang ay nakagawa na sana ito ng mga testing kit at
naihanda ang mga pasilidad. Enero pa
lang ay putok na ang outbreak na ito pero hindi pa rin nakapaghanda nang mabuti
ang gobyerno.
10. Patuloy pa rin ang pagdating ng mga tao mula
sa mismong bansa na pinagmulan ng virus.
Nang nagkaroon ng unang kaso sa bansa ay malambot ang paninindigan ng
bansa sa pagpapasok sa kanila, hanggang ngayon ay malambot pa rin ang bansa.
11. Mahina ang diskarte ng gobyerno. Kitang-kita ito sa mga desisyon nila at
mabagal na pagkilos tulad ng hindi agad pag-travel ban sa China, magulong direksiyon
tungkol sa quarantine protocol, at mabagal na pagtugon sa tao.
12. Kaysa atupagin ang pangangailangan ng mga
frontliners at mga pasyente ay mas pinagtuunan nila ng pansin ang
pakikipaglaban sa mga kritiko nila. Puro
lang sila banat sa mga oposiyon at puro lang sila papogi, paprescon, at papress
release kaya pataas ng pataas ang kaso ng COVID-19.
Para mapigilan ang pagdami ng
COVID-19, dapat magtulungan ang Gobyerno at mga mamamayan. Gawin sana ng mga tao ang parte nila at gawin
din ng pamahalaan ang responsibilidad niya.
Makiisa sa home quarantine para matapos na ito dahil kung hindi ay
panibagong pagpapalawig pa ang kakailanganin.
Pinigilan ng gobyerno ang mga tao na maghanap ng pera na pambili ng
pagkain nila, kaya kailangan bigyan ito ng gobyerno ng pagkain. Ginagampanan ng mga duktor, nurse, sundalo,
pulis at ng mga katuwang nila ang kani-kanilang trabaho, sana ay tulungan sila
ng gobyerno na suportahan sila upang lumakas pang lalo ang kanilang kompiyansa
at kalusugan.
No comments:
Post a Comment