Thursday, January 21, 2021

MY 2021 NEW YEAR RESOLUTIONS


Guys, when making New Year resolutions, don’t get confuse resolutions over wishes. Resolutions mean it’s like you are promising, not wishing something. So in no particular order, here are my 2021 New Year Resolutions:

Guys, when making New Year resolutions, don't get confuse resolutions over wishers. Resolutions mean it's like you are promising, not wishing something. So in no particular order, here are my 2021 New Year Resolutions:
(Click below for the video)

No. 1 “I will make myself more God-fearing person”. I want to be kind. Maybe not religiously by the book, but by heart. Because I admit it is difficult, but by having a child-like heart, I guess.

No. 2 "I want to improve my health”. Health is wealth. I don’t want to spend all my pension for medicine. Yes, it’s inevitable as part of aging. But I want it gracefully.

No. 3 “Be serious to save more”. The pandemic taught me the need to have big savings so that in case a big unexpected event happened like this, at least you can go a long way. I need to go back to my core – that is simplicity. Make it simple, and I can get rid of less important.

No. 4 “Have quality connection to family and friends”. I am so quiet and independent person and these overshadow my sincerity. The problem with me is I don’t really speak much because I am running out of words and subjects to talk.

No. 5 “Keep Optimistic”. In times I feel sad about uncertainties, I want to believe this pandemic will pass and the cure will generally effective. When I feel frightened and helpless about dooms prophecies, I will turn and hold on to my faith. In times I feel pressured, and losing hope. When times and age are against me, I will uphold to my belief that all these, I can fully free from my dues and enjoy my retirement plans.



Wednesday, January 20, 2021

2021 NEW YEAR RESOLUTIONS

2020 is no doubt unforgettable.  This is the year we all got affected. Our life was suddenly stopped and changed.  We were all caught-up unprepared.  Fear, uncertainty wrapped around the world.  And it taught us lessons.  Those lessons, I want to live them thru my New Year’s resolutions.

 

When making New Year resolutions, don’t get confuse resolutions over wishes.  Resolutions mean it’s like you are promising, not wishing something.  So in no particular order, here are my 2021 New Year Resolutions:


1. "I will make myself more God-fearing person"

2020 taught me to realize to make good our existence in this earth.  Everything in this earth has its time.  We are in time now where people are at their worst - invincible, violent, greedy, liar.  And these made me agreed the prophecies.  Yes, I am afraid of it but I thought thru holding into God’s compassion, I want to please Him as much as I can.


 

The year was eye-opener and wake-up call to reflect.  I want to be kind.  Maybe not religiously by the book, but by heart because I admit it is difficult but by having a child-like heart, I guess.


2. "I want to improve my health"

I’m not getting any younger now.  My goal is to reach 60 without health issues though I find it harder now but I need to motivate myself.  Health is wealth.  I don’t want to spend my entire pension for medicine.  Yes, it’s inevitable as part of aging but I want it gracefully.


3. "Be serious to save more"

Last year it was one of my resolutions but I did not meet it.  New year resolution is not silly thing.  Yes you may not able to do I but still it is better to have because at least you have good start and motivation that you can focus on.

 

The pandemic taught me the need to have big savings. So that in case a big unexpected event happened like this, at least you can go a long way.  I need to go back to my core – that is simplicity.  Make it simple, and I can get rid of less important.


4. "Have quality connection to family and friends"

This year, I want to improve my relationship to my family and friends.  I am so quiet and independent person and these overshadow my sincerity to them.  The problem with me is I don’t really speak much because I am running out of words and matters to talk.  I am more into messaging. But I think I need to talk to them more often.


5. "Keep Optimistic"

Last but, definitely not the least. For me, 2020 is the least liked year but from here I want to pick-up lesson of positivity. That out of this downside, we can look at the lighter side.

 

In times I feel sad about uncertainties, I want to believe this pandemic will pass and the cure will generally effective.  When I feel frightened and helpless about dooms prophecies, I will turn and hold on to my faith.  In times I feel pressured and losing hope, when times and age are against me, I will uphold to my belief that all these, I can fully free from my dues and enjoy my retirement plans.

 

I just hope 2021 is better year, just keep on praying.

Thursday, January 07, 2021

PATAYIN ANG PATAYAN

Mainit na naman ang usapin tungkol sa death penalty (DP).  Ang mga tao, nakakakuha ng pagkakataon na pag-usapan ito kapag may krimeng nangyayari.  Gustong-gusto ng DP, ayusin kaya muna ang paginterpret sa kahulugan ng batas, paghawak sa mga kaso, at ang pagpagpapatupad ng parusa.  Sundin kaya muna ang “the law is the law”.  Batas na nga sila-sila pa ang lumalabag dito – iyung illegal gagawing legal, ang smuggled pwedeng maging justified.  Mataas pa sila sa batas, pwede naman pala baguhin ang batas so gaano ka-katiwala sa DP na yan kung kayang-kayang baguhin ang batas?  Sa ganitong kultura, paano tayo magtitiwala sa DP.  Repormahin muna nila ang sistema ng batas at ang mga sarili nila.


May DP man o wala ay meron pa ring mangyayaring krimen.  Sa mga mauunlad na bansa nga may DP na pero natapos ba ang heinous crime?  Kung para ipanakot, sa palagay mo ba sa ora mismong nagaganap ang krimen ay matatakot sa DP ang isang taong galit na galit at sobrang haling?  Nakakatakot ang DP kapag natapos na ang krimen o kapag ganitong ordinaryong oras na napag-uusapan lang.  Para mangaunti ang krimen?  Hindi sa uri ng parusa kaya maraming krimen.  Dumadami ang krimen dahil sa uri at antas ng buhay sa Pilipinas.  Iyung uri ng buhay na namulat at lumaki sa baluktot na kalakaran sa paligid, at yung hirap sa buhay dahil sa hindi patas na dikta ng lipunan – diyan natutong gumawa ng krimen ang mga tao.  At kapag nakagawa ng krimen, wala namang pangil ang sistema ng hustisya natin.  Eh kasi kaya naman lusutan ang kaso, kasi matagal naman umusad ang kaso, kasi nababayaran naman ang huwes, kasi may padrino system naman, kasi patatakasin ka naman kapag nakulong ka na, ksi pwede naman VIP sa loob ng bilangguan – ang mga kulturang ito ang nagpapabale-wala ng takot sa batas.


Oo hindi dahilan ang kahirapan para gumawa ng krimen, pero sa mundong mahirap ang maging mahirap, para kang ibinubuyo sa mga kasalanan.  Ang malakas ang pananalig sa Diyos, sila ang nakakaiwas sa mga kasalanan.  Magandang mapataas ang antas ng buhay upang matulungan ang mga taong maka-iwas gumawa ng illegal na pagkakabuhayan.  Tanggalin ang ugat ng kasalanan.  Karamihan sa mga bansang may DP sa panggagahasa ay mahigpit sa pornograpiya, alak at ipinagbabawal na gamot kaya hindi ganuon kadami ang krimen dahil pinuputol na nito ang ugat.  Magagawa ba ito sa Pilipinas? Maipapasara ba ang pabrika ng alak at mga nayt klab?  Malalambat ba ang mga malalaking sindikato ng droga?  Kung tutuusin hindi na dapat may DP kung maayos lang sana ang justice system natin.  Kaya lang nasasabi ng mga tao na dapat may DP kasi galit sila, galit sila kasi dumadami ang krimen, at dumadami ang krimen kasi hindi maayos ang pagpapatupad ng batas.  Kailangan ng matinding reporma sa batas/hustisya.  Wala ng palakasan, wala ng politika.  Dapat iyung hindi korap ang nagpapatupad ng batas nang tapat mula sa paghuli hanggang sa pagsistensiya, iyung ipapatupad kahit kangino at maging sino.  Kahit anong parusa, may krimen at krimen pa rin kasi wala naman sa klase o bigat ng parusa yan kundi nasa paghubog sa mga mamamayan, pamahalaan at lipunan: mas magandang paghuhulma – mas disiplinado, mas kakaunti ang krimen, mas hindi kakailanganin ang DP.  Hindi kaya ng parusang kamatayan na patayin ang patayan, ngunit kung isasabuhay ang kamatayan habang-buhay, totoong mararamdaman ang buhay-patay ng walang-awang pumatay.

=====================

Bakit adik na adik kayo sa DP? Bakit atat na atat kayo sa patayan?  Karahasan sa karahasan, gusto nyong patayin ang pumatay, ano kayo ngayon - ang maamong tupa? Hindi kyang patayin ang patayan kung patayan pa rin.  Kung may DP ba siguradong walang ni-rape na pinatay?  Walang magsisindikato ng droga?  Hindi, dahil naririto pa rin tayo sa buhay na ito – nakasadlak.  Bakit hindi tulungang makawala sa pagkakasadlak? Bakit hindi muna unahing linisin ang mga ugat ng kasalanan?  Kung may DP ba siguradong hindi na mambabaril ang mga pulis na nasasangkot sa alitan?  Bakit hindi paglilinis muna sa hanay ng kapulisan ang gawin para huwag maging abusado, mainitin ang ulo at mawala ang mga pasaway.  Sobrang-arte - minura lang ang anak papatay na?  Patay agad hindi pwedeng hulihin muna, di pwedeng ikulong muna?  Hayan at kitang-kita na’ng pumatay ang isang pulis pero ang mga kabaro niya at mga mataas sa gobyerno ay kanya-kanyang pagtatanggol at pagtutuwid sa baluktot na katwiran.  Mula sa Senator na nagsasabing intindihin ang pulis, hepe na ang sabi huwag sisihin ang pulis dahil binastos lang ito, at maganda daw ang karakter ng pulis dahil kusang sumuko daw, pano mo pa maasahang magiging patas ang parusa sa DP?  Meron ngang lumalabag na sa batas ng COVID protocols naaabsuwelto at na-promote pa, merong nakakabaril sa maling akala, at may nagtatanim ng ebidensiya – paano kung ma-DP ka sa tanim-ebidensiya na yan?  Kailangan ng mulimg oryentasyon sa asal at ugali upang mabago ang mentalidad ng mga tiwaling-pulis.  Oo hindi lahat ng pulis ay masama – may mabubuting pulis pero kailangan nilang kondenahin ang mga kasamahan nilang tiwaling pulis upang hindi sila makahawa.