Para Sa mga Bontante: Marami sa mga botanteng Pinoy ay hindi pa hinog sa pagiging botante. Tila ba ayaw pag-isipan ang eleksiyon, tamad itong pag-aralan, at walang pinagkakatandaan. Ang ugali nila ay nakatali pa rin sila sa mga kalakarang luma at hindi nila iniaangat ang antas ng pagboto. Immatured pa ang maraming botanteng Pinoy at malayo pa tayo sa panahong matured na ang ating mga botante.
Narito ang mga ugali ng mga botanteng walang pinagkakatandaan:
1. Regionalism o Tribalism. Napakalakas na ugali pa rin sa mga Pinoy ang piliin kung sino ang kababayan o kalugar nila dahil ang paniniwala nila ay para gumanda ang kanilang bayan (tribalismo kung sa maliit/mababang antas). Makasarili ito dahil alam nilang makikinabang sila kaya ang sariling bayan nila ang inuuna nila. Hindi ito matatawag na makabayan dahil ginagawa lang nila ito sa politika pero pagdating sa ibang bagay ay mas tinatangkilik nila iyung galing sa ibang bansa.
2. Fanaticsm. Sila iyung sunud-sunuran sa kung sino ang ini-endorso ng mga paborito nilang artista o politiko (ayokong magbanggit ng relihiyon) ay iyun ang kanilang susuportahan. Kung ano ang gusto ng idolo nila ay iyun na rin ang gugustuhin nila. Nakakabulag ang pagiging panatiko dahil sa kagustuhan mong pasayahin ang taong gusto mo ay hindi mo siya binibigo kahit labag sa loob mo.
3. Nakikiuso. Sila iyung mga botante na basta kung sino ang sikat ay iyun ang iboboto. Hindi sila tumitingin sa katangian ng kandidato kundi kung sino ang kandidato na patok sa kanilang ginagawa o sinasabi ay iyun na ang iboboto nila. Parang naglalaro lang sila at hindi sinisiryoso ang eleksiyon pero kapag nagkaproblema ay sila iyung nakikiuso sa mga pa-woke/magrereklamo.
4. Ang nangyayari ay parang palabas lang, kung kangino ang pinag-uusapang eksena ay yun ang papatok – ganito ang antas ng isipan ng isang taong nasa 3rd world. Hindi matured.
5. Maka-Partido. Ito yung kung ano ang partidong politikal ng kanyang mga magulang o ng angkan nila ay iyun na rin ang kanyang susuportahan.
6. Nagbebenta (Prostityut ng eleksiyon). Matagal na itong umiiral pero kahit 2022 na ay alipin pa rin ng vote buying ang mga Pinoy dahil sa kahirapan ay naging mangmang. Hanggang ngayon ay naniniwala sila na dahil nakantanggap sila ng pera ay obligado na silang sundin ang utos ng nagbayad sa kanila. Dahil sa kawalan ng aral ay ito ang nagiging pagkakaalam nila. Basta’t ipinagpalit mo sa anumang paraan na pabor sa kandidato ang iyong boto – pagbebenta na yun.
7. Tamad. Sila iyung mga botante na walang tiyagang kilalanin ang mga kandidato at umaasa na lamang sa kung ano ang nasa lima (5) na nabanggit sa taas. Wala silang pakialam sa eleksiyon at hindi nila itinuturi na ito ay sagrado na dapat pagtuunan ng pansin.
Sa madaling salita, lumalabas na ang maraming mga botanteng Pinoy ay walang sariling pag-iisip. Napakadali nilang magpatangay kung saan ang agos. Magiging epektibo ang eleksiyon kung ang bawat isang botante ay paiiralin ang pagiging totoong makabayan; iyung walang kababayan, kapartido, kapamilya, kaibigan at idolo na kanyang isasalang-alang sa pagdesisyon.
No comments:
Post a Comment