Monday, April 18, 2016

PAANO KA MAGSALITA?



Sa kasalukuyang takbo ng mga usapan sa social media na may kaugnayan sa halalan, sa mga nababasa kong pagbibigay ng opinyon at batuhan ng mga salitang masasakit, mga wala sa lugar, matitindi at  maseselan na salita ay masasabi ko na marami pa rin sa mga tao ang kulang sa aral at kagandahang asal kung paano huamawak sa sitwasyon.  May mga propesiyonal na matuturingan pero sipatin mo kung anu-ano ang klase ng mga sinasabi nila, naglalakihan nga ang sweldo ngunit walang pambili ng modo, o mga natuto lamang na gumamit ng internet ay ang akala mo’y kung sino na’ng maalam.  Makikita ito na sa pagpapahayag ng kanilang opinyon ay kayang-kaya nila ang magmura, gumagamit ng mga garapal, maselan, mapanira at mapanglibak na salita.  Kailangan bang gawin ang mga ito para maipakita mo lang ang iyong suporta sa kung sino man ang iyong nagugustuhan?  Madami kasing tao ang napakabilis magsalita o kumilos nang hindi muna iniisip ang maaaring kahinatnan ng kanilang ginawa.  Dito sa mundo ng internet, napakaraming bagay ang hindi totoo at may mga mambabasa naman na hindi marunong magkilatis ng totoo at hindi totoo.  Sila yung mga taong napakadaling pumatol sa nga malisyosong paskil (post) na agad-agad ay sumasagot at nakikipag-away.  Meron namang iba na ang bilis magpakalat ng mga maling impormasyong ikinalat din ng mga tulad nilang iresponsable basta makasira lang sa taong ayaw nila.  Iyung makakita lang ng isang gawa-gawa o hindi magandang bagay, larawan, bidyo at balita tungkol sa isang kandidato ay ipopost agad dahil gusto niyang ikalat agad ang anumang hindi maganda sa tao na hindi nila gusto para ito ay ito ay masira, pumangit at bumagsak.  Pasintabi, pero hindi ba’t ganun ang dimonyo?  Yung ang gusto ay lalong magdusa, masaktan, malubog, malulong sa hindi maganda at mapasama ang mga tao.  Kung ang taong kayang murahin at kutyain ng paulit-ulit ang isang presidente, anu pa kaya ang kaya niyang gawin sa kanyang asawa, anak o magulang?  Sa mga ginagawa nila sa social media ay lutang na lutang ang uri ng kanilang ugali at pagkatao.

Totoo na makikita o makikilala ang isang tao sa kanyang mga ginagawa at sinasabi.  Sa kainitan ng mga usapin at sa mga kumento ng ibat-ibang tao sa social media ay naglipana ang mga taong puro daldal, puro pintas, puro sisi, at puro sabi na ganito ang dapat.  Sa mga pinagsasasabi nila, tingnan nga natin kung sino-sino ba itong mga nagsasalita?  Sila ang mga taong puro salita pero wala o kulang sa gawa.  Sila iyung kung makapagsabi na ito ang dapat o ito ang tama ay akala mo kung sinong marunong, walang kapintasan at kamalian, akala mo ay may kredibilidad na magpayo samantalang sila mismo ang dapat payuhan sa pinaggagagawa at pinagsasasabi nila.  Gasgas na gasgas na ang dahilang paggamit ng kalayaan sa pagpapahayag upang ipagtanggol at bigyang-hustisya ang kanilang asal ngunit ang totoo ay hindi lang talaga nila alam ang ibig sabihin ng kagandahang-asal.  Kaakibat ng kalayaan ay ang responsibilidad, may limitasyon ang kalayaan.  Kaya nga mayroong tinatawag na etiketa ay para siyang gawing pamantayan sa tamang asal at nakakalungkot lang dahil may mga taong tanga na hindi ito alam.  Sa paniniwala nila sa sinasabing kalayaan sa pagpapahayag ay ganito din kaya ang gagamitin nilang paniniwala sa kalayaan upang diretsahang sabihin ang tungkol sa sarili nila?  Ang ibig bang sabihin ay halimbawang kapag ang nararamdaman nila ay gusto nilang pakawalan ang galit sa inililihim nilang madilim na nakaraan na patuloy na umuusig sa kanila, ihahayag ba nila ang kanilang saloobin sa ngalan ng sinasabi nilang kalayaan?   Hindi.  Kung ganon ay bakit nila madalas idinadahilan ang kalayaan kapag ibang tao ang gusto nilang ibunyag pero kapag ang sarili ay hindi?  Kasi masakit o nakakahiya.  Alam pala nila na yun pero bakit ginagawa nila sa kapwa?  Kasi walang paki-alam sa iba.

Ito ang resulta ng may napakadaling magkaroon ng computer o makapasok sa internet ng mga taong hindi naman karapat-dapat.  Ito ang resulta ng masyadong pagpapamihasa sa kalayaan sa pagpapahayag – mga abusado.  Oo, tama ang paniniwala ng mga taong-matuwid na basta kapag nasa katwiran ay kailangang ipaglaban, at kung kailangan ang mamatay sa ipinaglalabang katwiran ay mamamatay.  Pero anung klaseng pagpapakamatay ito?  Totoo na kahit matutong gumamit ng mga makabagong kagamitan, magsalita ng tagalog o inglis at magbihis ng Barong-Tagalog ang isang unggoy ay mananatili pa rin itong isang unggoy.  Hangga ako sa mga tao na kahit may gustong-gustong sabihin at ipagdiinan na opinyon o kahit na nasa gitna ng umuusok na balitaktakan, kahit na mapagitnaan sila ng mga hindi nila gusto o ng kalaban ay nananatiling kampante pa rin, malamig magsalita at hindi pa rin lumilihis sa kagandahang asal – ito ang mga taong may malasakit, malawak na damdamin, takot sa Diyos at may pinag-aralan na kung hindi man sa edukasyon ay sa turo ng mga magulang.

Ni Alex V. Villamayor
April 18, 2016

Saturday, April 16, 2016

ON BEING EMPLOYEE

One day we will all retire.  On that day if my morality will ask me if I’d been a good employee, I will reply “yes”.  I may not be the excellent or the boss’s favourite employee but I am sure I’ve really worked hard my job, fairly earned every single cent on my pay and I know I dealt with colleague well.

No praising of own self or not being over self-confident but yes, I believe I’m a good employee.  I know myself well.  I am not a lousy and lazy worker that provides sub-standard output.  If that is the case, I’d been long kicked out.  Really a hard worker, I work more than the set eight hours a day not because sluggish but overloaded of handful job and multi-tasking, by starting as early as before the opening of business hour and taking some minutes of my lunch time, and not charging them to overtime.  (Of why not filing it overtime is another story).

I am not cheating my employer.  I do not collect any payment for I did not work, charging excess time for nothing and playing the hours of my timekeeping.  For me when it is work means it is really work.  I am not used to leave my post to enjoy a short personal errand or inserting truancy during work.  I hate leaving my work for my own bank transaction and medical appointment that if not for a real emergency or no choice, I do not set an appointment during office hours.  Now, if I have secondary job, I will not use my office hours as courtesy and respect to my employer.

I care about the company.  Just like doing how I care my own home.  And as my own petty way of waving over the best interest of the company, to cite some I am not printing if really not needed, using recycled papers, avoiding coloured ink print and using my own reusable cup for my needed drinks – thanks to being pro-environment.  I am not using the company resources for personal need or using my position to steal the company for my gain like ordering something that is not for company use but for personal requirement.  I am concern on the cost just like how I’m concerned on my own expense.  I am not putting myself in a position for the company to pumper me by providing excessive aid and redundant machinery and equipment just to be able to work productively.

I know that it is extremely impossible and rarely to happen but for me, no employee’s honesty is faultless and virtuous.  In one or some point of our career, there is an instance we took small thing to possess it.  It can be a pen, piece of paper, or maybe an excess or unused clip but no matter how small they were and no matter how seldom they happened, nevertheless it is taking company’s properties.  I’m no exemption to that.  Before, I’d been a bit careless employee during my unfulfilling career years but I did not use it to do grave behaviour that to others can be ordinary and petite such as punctuality, truancy and office decorum.  Am I a good employee then?  I will still say “yes, I’m still a good employee” and what made me said that is the overriding of my concern, responsibilities and respect to my employer over my weaknesses.  (If how concern, responsibilities and respect differ, that is another story).

The sad thing here is that these good behaviours do not account to merit those too quiet and inexpressive of their doings employees like me.  It is not lifting my own chair but I know how I work both the quality and the attitude.  And it is not demanding a corresponding reward but the sad thing here is that I do not feel what I am doing were seen, liked and appreciated.  But nevertheless I’ll go on because what I wanted most anyway is to work fair and square that I will not regret sooner or later.

By Alex V. Villamayor
April 16, 2016

Wednesday, April 06, 2016

THE RELAXING DAVAO

One of the most sought places long pending in my bucket list is to visit my country’s southern part, second largest major island, and called the Land of Promise, Mindanao.  And prioritizing to see one of its pride is making sure to check first the largest land and the diplomatic place of Davao City.  Since going to Mindanao is “hitting the moon” because of its “intimidating reputation”, when I had I took the chance to visit it’s must to see place – the cool Samal Island or locally known as Island Garden.  The island is popularly known for its scenic beaches, situated immediately off the city’s coast in Davao Gulf.
When in Samal Island, feel the true meaning of relaxation when you see the panoramic view of the blue sea and white sand blending together under the glaring sunlight, gentle sounds of wave along the coast and soft breeze blowing to your whole body.  I was lucky to randomly choose the calm, relaxing and paradise-like resort nestling at the south-easternmost part of Samal Island, it may just quite far but when you get the place, it really defines the true meaning of peaceful, serenity and calmness.  I had a very nice food experience, good water wading and most importantly I really felt relaxed – credit that to the greeneries.  Practically, it is a very nice forest covered by those luscious green trees and it cools down the air amidst the heat of summer.

As the largest land in the country, there are so much to do in Davao ranging from tropical island to bustling mega city that a week or two of stay is not enough to discover and experience the Davao escapade’.  Home to the highest mountain in the Philippines, never missed to see Mount Apo – shelters many endemic species of birds and of course the critically endangered one of the world’s considered largest eagles, the majestic Philippines Eagle.  Mindanao is rich in flora and fauna, so as Davao.  Indeed it is a garden that boasts the most priced Philippines’ orchids and the known distinctive and exotic fruit, Durian, earning it the moniker “Durian Capital” of the country.  Mangosteen and pomeloes are also abundantly grown in the island. 
From tranquil beaches and mountainous terrain to constantly peaceful city, the great city is reflection of lovable and friendly giant.  It will not claim the reputation as one of the safe cities in the country for nothing.  I witnessed how discipline and diplomatic Davao is.  During our daytime trip, I find the place is neat and orderly, and I saw the imperturbable people both locals and tourists feeling comfortable without worries walking around in the sidewalks and main roads.   Although I wanted to experience the so called “no-fear” roaming around at night till late but for some reason I missed it.  But overall, my experience in Davao is indisputably unforgettable because of scenic spots and order of the place that the entire family loved.

My stay in Davao is actually very short to visit the array of magnificent and vaunted places.  When planning to visit the place, experience the trekking, mountain climbing, swimming, diving, snorkelling, island hoping, shopping and learn its culture and history.  Make sure to visit the Philippines Eagle Centre, Mount Apo, Crocodile Park, Eden Nature Park, People’s Park, Malagos Garden Resort, Monfort Bat Cave, Jack’s Ridge, Lonwa Buddhist Temple, museums and churches, and definitely the Samal Island.

How to get to Samal Island: if you are using Manila as your starting point, take a domestic flight from Manila Airport to Davao City. From Davao International Airport. a taxi can bring you to any of the two entry points.

Go to Sta. Ana wharf, ride a ferry going to the wharf near in Kaputian Beach.

Or go to Sasa wharf and ride a RoRo wich will dock you at Babak wharf.  Those who travel by bus can go via the RoRo and dock the same in Babak wharf.







Tuesday, April 05, 2016

PAGPAPADALA

Bilang isang manggagawang nangingibang-bansa, naranasan ko rin ang maki-padala sa mga nagbabalik-bayang kaibigan.  Iyun yung panahong hindi pa ako nakakaranas na magbakasyon at nung nasa ikalawa at ikatlong taon ko pa lang bilang isang Pilipinong Manggagawa na nasa Ibayong-Dagat (OFW).  Dahil ang totoo nito ay iba ang hatid na saya ng pagpapadala ng kahit maliit na bagay lang dahil alam mong matutuwa sa iyong ibibigay ang iyong pamilya na nasa Pilipinas.  At bilang isang bakasyonistang OFW, naranasan ko rin ang magdala ng mga ipinapadala para sa pamilya ng nasa ibang bansa.  Tanawan lang naman ng utang ng loob.  Kung ikaw ay nakisuyo nuon na makidala ng kung anuman para sa iyong pamilya, bilang pagganti ay dapat lamang na ikaw ay makisama din na tanggapin kung may ipinapakisuap na padala ang iyong kasamahan.

Tama na sa akin ang maranasan ang makisuyo na makapagpadala ng dalawa o tatlong beses at itinigil ko na ito bago ko pa ito makaugalian.  Dahil nakita ang mga bagay na nangyayari sa pagpapadala at naunawaan ko kung paano ang nagiging kalagayan ng mga tao na ating pinakikiusapang maghatid ng ating mga ipinapadala.  May panahon na dahil kailangan kong tumanaw ng utang ng loob at makisama ay ang mga sarili kong bagahe mismo ang binabawasan ko upang hindi ako lumampas sa tamang timbang ng bagahe.  Mula sa naka-ayos ng mga gamit ko ay kailangan kong alisin ang ilan upang magkasya sa lalagyan ang mga ipinapadala ng ibang tao.  Kailangan kong gawin iyon dahil nung mga panahon na ako ang nakikiusap ay pinagbibigyan nila ako, kaya ngayong ako naman ang napunta sa kaparehong lagay nila ay kailangang pagbigayan ko rin sila.  Kaya isa sa aking natutunan ay ayoko ng makadagdag pa sa bagahe ng magbabakasyong OFW kung kaya iniwasan ko na ang magpadala.

Iniwasan ko na ang makisuyo ng padala dahil ayokong makaabala.  Kadalasan at karaniwan, ang isang bakasyonistang OFW ay minsan lamang sa isang taon kung makapagbakasyon na tumatagal lamang ng tatlumpu’t isang araw.  Kailangang maghabol na masulit ang mga araw sa pamilya dahil sa dami ng panahon, pagkakataon at mahahalagang pangyayari na hindi naranasan kasama ang kanyang pamilya ay kulang na kulang ang 31 araw upang mabawi ang mga nagdaan.  Kaya hanggat maaari ay ipaubaya na lamang natin sa bakasyonistang OFW ang mga araw na ito sa kanyang pamilya, kamag-anak at kaibigan.  Mahalaga ang bawat araw, ang bawat sandali ay ginto ngunit nababawasan ito sa pag-aasikaso ng balik-bayang OFW na maihatid ang mga ipinadalang gamit ng mga kasama sa kani-kanilang pamilya.  Ang paghahatid ng padala ay responsibilidad.  Pananagutan ito na iniatang sa kanya na mapasakamay ng mga kinauukulan.  Obligasyong maibigay ang kasiyahan ng nakikipadala papunta sa pupuntahan, kung minsan ay mayroon pa ngang araw na kailangang makarating.  At alalahaning maibigay nang walang magiging aberya mula sa paglabas pa lamang ng bansang pinagtratrabahuhan hanggang sa makapasok sa sariling bansa.  Ayokong bigyan ko pa ng obligasyon ang mga magbabakasyon.

Kung lagi mo rin lamang gusto na padalan ang iyong mga mahal sa buhay sa tuwing may mga kakilala kang magbabalik-bayan ay bakit hindi ka na lang magpa-cargo isang beses sa isang taon?  Alalahanin sana natin ang abala at alalahanin ng mga taong pinakisusuyuan natin mapa-pauwi at pabalik ay nakikipadala pa rin tayo.  Sa karanasan ko bilang isang OFW sa Gitnang Silangan ay mahirap at nakaka-kaba ang magdala ng mga ipinapadala ng ibang tao.  Upang makaiwas sa anumang problema, may mga pagkakataon na kailangan ko pang magbayad sa mga “marunong” upang ipasuri ang isang bagay na dadalin ko papasok sa napakahigpit na bansa.  Oo naroon ang pagtitiwala sa kasama ngunit hindi mo maiiwasan ang matakot na paano kung, sadya man o nagkataon o nagbiran lang, na mayroong kontrabando sa ipinadala na maaaring buhay mo ang maging katumbas?  Nakakatakot, sana ay maunawaan ito ng mga nakikipadala lalong-lalo na iyung mga pabalik sa bansang ating pinagtratrabahuhan.

Ni Alex V. Villamayor

April 5, 2016

Sunday, April 03, 2016

MGA NANGINGIBANG-BANSANG MANGGAGAWA

Paulit-ulit na parang sirang-plaka na narinig nating ang mga OFW ay hindi mayaman.  Maaaring hindi kapani-paniwala dahil nakikita natin na ang naiwang pamilya nila ay nagpapagawa o nagpapaayos ng bahay, nakakabili ng mga mahal na gamit, nagpapaaral ng anak sa isang pribadong paaralan, at kapag nagbabakasyon sila ay nakikita nating panay ang paglalabas ng pera, gasta dito-gasta duon, at laboy kung saan-saan.  Pero ang totoo, marami sa OFW ang walang malaking naiipon na pera.  Kung mali man ang kanilang pamamaraan ng paghawak ng pera o talagang walang sobrang pera para makaipon, ang suma-tutal nito ay hindi mayaman ang mga OFW.  Totoo na mayroong mga OFW na nagiging talagang milyonaryo na nakakapagpatayo ng napakalaking bahay, nakakaipon ng malaking pera, nakakapundar ng mga kabuhayan, at nakakatulong sa mga kamag-anak ngunit bihira lamang ito.  Maaaring napasuwerte talaga sila sa trabaho, o maaaring walang malaking obligasyong pinansiyal para sa pangangailangan ng kanilang pamilya kung kaya kitang-kita natin ang kanilang napakalaking pag-asenso ngunit mangilan-ngilan lang ang ganito.  Ang totoo, sa pangkalahatang kalagayan ay mas marami pa ring OFW ang hindi talaga mayaman at hindi kagandahan ang kalagayan ng buhay.  Kung tatanungin tungkol dito ang isang OFW at kapag sinabi niyang wala siyang malaking naiipong pera, maniwala kang totoo ang kanyang sinabi.  Hindi niya sinabi na wala siyang pera dahil siya ay nagpapasintabi o pinagpapauna lamang nila ang kanilang dispensa, o nagbibigay-katwiran at nagpapalusot lamang siya dahil ayaw niyang gumasta o tumulong kundi iyun ang katotohanan.

Kung nakikita ng mga tao na panay ang gasta at punta sa kung saan-saan ng isang balik-bayan o bakasyonistang OFW – yun ay dahil sa loob lamang ng isang buwan niya magagawa ang bilhin at puntahan ang mga gusto niya.  Kailangang gawin niya yun dahil iyun lang ang pagkakataon at panahon na gawin ang mga iyun kaya ang tingin ng marami ay napakarami niyang pera na sunod-sunod na ginagasta.  Pero ipagpalagay na ang isang balik-bayan na iyon ay sa Pilipinas na nagtratrabaho at gagawin niya ang paggasta ng kanyang pera sa loob ng isang taon, malamang na hindi na ito mapapansin ng mga tao dahil hindi naman tututukan ng mga tao ang paggasta ng isang tao sa buong isang taon.  Ito sana ang naisip ng mga taong nakapaligid sa isang balik-bayang manggagawa.  Pero sa halip na unawain ay sinasamantala pa nila ito na hingan at utangan ng pera, kantiyawan, at tuksuhing mayaman.  Sana ay alam nilang hindi ganun kadaling kitain ang pera sa pagtratrabaho mapasariling bayan o sa ibang bansa man.  Pinaghahandaan ng isang OFW ang kanyang pagbabakasyon na sa mga pasalubong pa lamang ay malaki na ang nagagastos niya.  Pinag-iipunan niya ang gagastusin ng kanyang buong pamilya sa pamamasyal para magkaroon man lang ng memorableng bakasyon, mga kailangang bilhing gamit ng mga anak at para sa bahay, mga babayarang taunang obligasyon.  Madami talagang bayarin ang isang OFW sa loob lamang ng isang buwan niyang bakasyon kaya huwag na sanang makadagdag pa sa bigat niya yung mga mahihilig mangantiyaw at magsamantala.

Ang hirap kasi sa iba, nagiging pera na lamang ang sukatan ng paghanga sa kapwa at ginagawang pamantayan ang mga OFW.  Oo, mas malaki nga ang kinikita ng ibang OFW kumpara sa mga kaibigan niya na nagtratrabaho sa sariling bayan ngunit unawaain po natin na karamihan sa mga OFW ay mas malaki ang extended family, mas maraming pangangailangan at mas walang kasigurohan sa trabaho.  At siguro ay baka mayroong ngang mas malaki pa ang kinikita ng nagtratrabaho sa sarili nating bayan kesa sa isang OFW ngunit dahil walang makitang trabaho sa sariling bayan kaya napilitang mangibang-bansa.  Nakakalungkot isipin na ang impresiyon natin sa kanila ay mayaman – na kapag OFW ay dapat mayaman.  Sana sana ay iwasan na nating isipin ang pangkaraniwang pagkakakilala at pag-aakala natin sa mga OFW na sila ay maraming pera dahil tulad din sila ng marami sa ating mga manggagawa na nasa sariling bansa.  Isipin na lamang sana ng marami na mas mapalad pa rin ang mga nasa sariling bayan na kasama ang mga mahal sa buhay na hindi kailangang mag-tiis ng matinding lungkot, pananakit, panlalait at pang-aabuso.

Ni Alex V. Villamayor

April 3, 2016