Friday, March 31, 2017

MAY KINIKILINGAN

Sa mga pagkakataong kailangan kong suriin ang isang tao, bagay at lugar, hindi ko tinitingnan ang relasyon ko sa kanila para masabi ko kung ano ang aking palagay.  Maaaring sa mga pangyayari at isyu ay may mga pagkakataong mas umiiral ang pagkalapit ko sa mga ito, na siya na namang inaasahan dahil iyun ang aking pananaw.  Pero hanggang maaaari ay ayokong maging isang taong may pinapanigan batay sa kaugnayan.  Hindi lahat ay papuri, magagandang salita at pag-ayon ang aking sasabihin at gagawin kapag ang isang tao o bagay ay malapit, kasama at kamag-anak ko.  Kung mayroong mali, kasalanan at kailangang punahin ay sasabihin ko, itama kung kailangan at hindi ko pagtatakpan. May mga tao kasi na malakas ang simpatiya sa kanilang kapwa at hindi na alintana kung wala na sa tama sa kadahilanang ito ay kanilang kababayan, kasamahan, kaibigan o kamag-anak lang.  Kasabihan nga, iba ang tinititigan sa tinitingnan.  Pansinin sa mga magkakasama, kung ang isang kamag-anak, kaibigan o kapamilya nila ay nadawit sa isang usapin at pagtatalo, hindi ba’t walang atubili ay agad nila itong kakampihan, proproteksiyonan o ipagtatanggol?  Palasak na katwiran ay sino pa daw ba ang magtutulungan at magkakampihan kundi iyung magkakadugo.  Ngunit hindi ito dapat pairalin dahil ang mali kahit kailan ay hindi dapat itama sa pamamag-itan ng isa pang mali.  Ang tao, sa totoong kahulugan ng pagiging tao ay kailangang lumagay sa tama at patas.  Kung alam mo ng mali ay bakit mo pa kukunsintihin ang tao at ang pagkakataon?  Sa ginagawa mo ay ipinapadama mo lang sa kanya ang interpretasyon na tama lang ang nangyayari at magdudulot lamang ito upang siya ay mamihasa.  Kapag mali ang iyong kapwa at patuloy mo pang ipinagtatanggol, nagiging kabahagi ka na rin ng kasalanan at kasapakat rin sa pagpapalaganap ng mali.

Sa politika, kapag ang isang tao ay kanilang kababayan, anuman ang hinahangad at prinsipiyo nito ay sinosoportahan nila ito upang umangat, makilala o makamit sa kabila ng kung tama o mali ang hangarin at prinsipyo, o kung may kakulangan ang nasabing tao.  Sinasabing dahilan nila ay pagiging makabayan daw ito.  Nakakalungkot dahil idinadahilan ang pagiging makabayan sa maling paraan.  Kung sa kabila ng kakulangan, kamalian at kasalanan ng isang tao ay ipinagtatanggol mo pa rin ito upang magtuloy pa rin sa kung ano ang mayroon at nangyayari, dalawa na kayong gumagahasa sa Inang Bayan.  Hindi dahil ang isang pinuno ay kapareho mo na ipinanganak, lumaki at nabuhay sa iisang probinsiya ay kailangan mo na itong suportahan.  May mga tao kasi na hanggang ngayon ay may paniniwala o tradisyon na kailangan magkaisa nila itong gawin dahil kababayan nila ito.  May mali at pagsasamantala sa paniniwalang ito.  Aminin natin, kaya nabubulag sa pag-suporta, pagsunod at pagtatanggol ang mga tao sa isang tiwaling politiko ay dahil sila rin mismo ay may itinatagong kani-kanilang pansariling interes na pinapangalagaan. 
ito ay dahil dinadala nito ang pangalan ng kanilang bayan, nakikinabang sila sa katanyagan at lakas, may mga pabor na makukuha, karangyaan o kasikatan.  Hindi dahil kababayan mo ang isang personalidad ay aayunan mo ang lahat ng nasa kanya kahit mali na.  Ang pagiging loyalista kapag nasobrahan ay nagiging panatismo.   May mga taong nagiging panatiko na lamang kaysa sa nagmamahal, nangangalaga at rumerespeto sa isang personalidad.  Iyung kahit ano ang sabihin ng kapwa ay aayunan, kahit ano ang iutos ay susundin at ang pinakamasama ay kahit mali ang sinabi at ginawa ay binibigyan ng paliwanag upang itama at maging katanggap-tanggap.  Bulag na pagsamba, bulag na tagasunod, bulag na panatiko dahil hindi mo na nakikita ang masama sa mabuti, ang mali sa tama.

Sa maraming bagay at sa madalas na pagkakataon, sa abot ng aking makakaya ay gusto kong maging patas ako.  Hindi dahil kapamilya ko ay sigurado o agad na akong pumapanig.  Kung ang may-kamalian ay ang aking magulang, kapatid o pamangkin, sinasabi ko sa kanila kung bakit mali na hindi ko masusuportahan at matatanggap.  Sa pagtratrabaho ko sa ibang bansa ay hindi ako pumapabor o umaayaw sa tao dahil kababayan ko.  Anuman ang lahi ng aking katrabaho, tutulungan ko siya, pupurihin, tatangihan at ipapaalam ang mali kahit siya ay isang Filipino, Indiano, Pakistani, Amerkano o Arabo.  Ang isang pinuno kahit aking inihalal dahil sa nagustuhan kong mga plataporma, kapag mayroon siyang mga ginagawang mali at mga kabaliktaran sa kanyang mga sinabi ay hindi ko pinanghihinayangang talikuran o usigin kung kinakailangan.  Kahit buong-buo ang aking naging paghanga at suporta sa isang pinuno ay hindi ako nabubulag na tagsunod.  Kung may mga dahilan para magbago ang aking pagtingin sa kanya ay hindi ako magsisisi, makukunsensiya at mahihirapan na magpasyang palitan ang aking damdamin.  At naging madali para sa akin ang ganito dahil siguro nasanay na akong pahalagahan ang pagiging tapat at pantay.

Wednesday, March 29, 2017

PASALUBONG

Marami-rami na rin akong mga naipon na maliliit na bagay na ibinigay sa akin mula sa mga taong nakakasama ko.  Upang magsilbing ala-ala at bilang pagpapapahalaga ay mas pinili kong itago ang mga iyon kaysa gamitin, kung hindi rin lang kailangang-kailangang gamitin.  At kapag nakikita ko ang mga iyon, masaya akong nakukuntento kapag iniisip kong ang lahat ng mga iyon ay totoong bigay sa akin.  Ang ibig kong sabihin ay ibinigay sa akin nang kusang-loob o taos-puso dahil wala sa mga iyon ang aking hiningi.  Hindi ko naging ugali ang magpauna, maglambing, mag-utos o diretsahang manghingi ng bagay na gusto ko na ibigay sa akin dahil iniisip ko na kung talagang gusto akong bigyan ng isang tao, kahit ano ang mangyari at kahit hindi ako magsalita ay bibgigyan at bibgyan pa rin niya ako.  Ayokong magparamdam o humingi dahil ang gusto ko ay boluntaryo at sa sariling kagustuhan ang pagbibigay sa akin.  Yung totoo sa kalooban ng nagbigay sa akin at yung “totoong bigay” ng bagay na ibinigay sa akin.  Kung anuman ang mga naipon kong ala-ala mula nuon hanggang ngayon ay masasabi kong ang mga iyon ay totoo sa tunay na kahulugan ng salitang bigay o regalo.

Kahit sa mga kapatid ko ay hindi ako nagsasabi na uwian ako ng kung anumang bagay na gusto ko.   Minsan sa isang pinakamalapit kong kaibigan ay sinabi kong kung bibigyan niya ako ay yung maliit na bagay na lang na hindi nauubos at maitatago ko kaysa sa pagkain.  Maliit man o mumurahin ay mas gusto ko ang ganun para lumipas man ang maraming taon ay nakikita ko pa rin ang bagay na nagpapaala-ala sa akin sa mga nagbigay.  Kahit nga kapirasong papel na may maiksing mensahe, natirang hawakan ng kinain na popsicle, o maliit na bato  na napulot lang ay pinapahalagahan ko dahil may ibang kahulugan iyon kapag ibinigay na sa akin.  Dahil hindi naman sa presyo nasusukat ang halaga ng anumang regalo o bigay kundi nasa kahulugan at saloobin ng pagbibigay.  Mas gusto ko ang mga ganun kaysa sa mga nauubos para maging koleksiyon at maidokumento ko ang mga ito, para kahit lumipas na ang maraming taon ay nakikita at naaala-ala ko pa rin ang mga ibinigay sa akin ng aking mga kaibigan, kanilang pagkamaalalahanin, at ang totoong pagpapahalaga sa akin ng mga tao.

Ang pasalubong ay isang mapagkakakilanlan at natatanging ugali o tradisyon ng mga Pilipino na pagkakaroon ng anumang malilit na bagay mula sa kanyang pinanggalingan kung paglalakbay man, na maibibigay sa mga daratnan niya sa kanyang pag-uwi.  Maaaring ito ay mula sa mga karatig-bayan o malalayong lugar sa Pilipinas o mula sa kahit saan mang panig ng mundo.  Maaaring ito ay isang bagay o pagkain na sumisimbulo sa lugar na pinanggalingan na agad-agad makikilala ang nasabing lugar sa pagkakakita pa lamang ng pasalubong.  Kung ikaw ay may pasalubong na Piyaya ay nangangahulugang ikaw ay nangaling sa Iloilo, kung binagol ay mula sa Leyte, Durian naman kung sa Davao o Macadamia nuts kung sas Hawai.  Parang kung ang nagbigay ay nagpunta ng Pampangga, ang kanyang bibilin para ipamigay ay longanisa, habang kung sa Baguio ay walis-tambo, sa Ilocos ay bagnet, sa Batanggas ay lanseta at sa Angono ay Piniritong Pato.


Dala ng ating pagiging maalalahanin ang nagtutulak sa atin na magbigay tayo ng pasalubong sa ating mga kamag-anak, kaibigan at mga kasama.  Simple lang ang pasalubong ngunit sa taong nakatanggap nito  ay sobra-sobra ito na mas malaki pa sa ibinigay.  At ano pa ba ang mas bubuti pa kung ang pasalubong ay personal na pinag-isipan.  Totoo na wala ng mas tatamis pa at mas gaganda pa kapag ang ating natatanggap ay mula sa taong pinag-isipan at pinaghirapan o pinaglaanan ka ng oras na bigyan.  Ako ay emosyonal at sentimental na tao at anumang ibinigay sa akin ay aking pinapahalagahan at iniingatan na palagi kong itinatago sa aking lagayan, isipan at puso.

Tuesday, March 21, 2017

NASAYANG NA PAGKAKAIBIGAN

Mayroon tayong mga kaibigan na kapag napalayo dahil lumipat sa malayong lugar na probinsiya o napunta sa ibang bansa upang manirahan o magtrabaho ay lumalamig o nawawala ang pagkakabigan kahit na matalik, malapit, o paboritong kaibigan.  Dahil hindi na nagkikita ay nababawasan ang dating komunikasyon kaya nagkakaroon ng isyu tulad ng sinasabing nawawalan ng oras sa isat-isa hanggang mapansin, pinag-talunan at napagkatapusan ng pagkakaibigan kapag hindi nagawan ng paraan ang usapan.  Minsan ay nagkaroon ako ng isang kaibigan na alam kong totoo naman ang aming pagkakaibigan.  Inasahan ko ng siya ang aking kaibigang-matalik dahil nagkakapareho kami ng ugali, ng mga gusto at disgusto kaya naging masaya ang aming mga oras at araw na magkasama.  Nang dumating ang pagkakataon na kailangang umalis ang isa sa amin papunta sa ibang bansa upang magtrabaho, nalungkot kami dahil hindi na kami magkikita at magkakasama nang madalas.  Pero kailangang umalis siya dahil may mga nakatakdang bagay na kailangang gawin kahit hindi natin kagustuhan.  Sinikap kong huwag maputol ang aming komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sulat na ikunukwento ang mga nangyayari sa akin at sa iba pa naming kaibigan, mga card kapag mayroong mahalagang okasyon tulad ng Pasko, birthday, atbp.  Dumadaan ang mga taon, sinisikap ko pa ring magkapagpadala ng sulat kahit mahirap dahil kung minsan ay talagang walang oras o kung minsan ay nauubusan ako ng mga isusulat o maikukuwento.  At bilang pagpapakita ng importansiya sa aming pagkakaibigan, sinabi ko na kung makakaya kong puntahan siya doon ay gagawin ko.  Ngunit wala sa aking hinagap na iyon din pala ang magiging mitsa ng pagwawakas ng aming pagkakaibigan.

Napuntahan ko na siya at nakauwi na ako, sa paglipas ng mga araw ay unti-unting naramdaman ko ang kanyang panlalamig base sa mga matitipid niyang sagot bilang sagot sa mga ipinapadala kong sulat na kung ano ang tanong ay siyang sagot lamang, na sumusulat na lamang siya kapag ako ay may ipinadalang sulat.  Hanggang magkaalaman na nang magtanong ako kung ano ang nangyayari.  Noon ko nalaman na mayroon na pala siyang malaking hinanakit sa akin na simula daw nang puntahan ko siya sa bansang kanyang pinagtratrabahuhan ay nakilala niya raw ang ugali kong hindi marunong magpahalaga sa pagkakaibigan.  Idinahilan niya ang hindi ko pagdadala ng mga katutubong-pagkaing-Pilipino tulad ng tuyo at bagoong, ang hindi ko raw pagtanggap sa ipapadalang pagkain (Menudo) para sa kanya mula sa isa niyang kaibigan ipapakisuyo sa akin, ang pagpapalitrato ko nang ako lamang na hindi siya kasama at iyung ginawa ko na lang daw siyang taga-kuha ng litrato ko.  Kahit ang hinanakit niya na hindi daw ako madalas sumulat sa kanya ay isinumbat niya.

Nasaktan ako.  Unang-una, sa kabila ng mga ginawa kong hindi birong pagpunta sa bansang pinagtratrabahuhan niya na minaliit pa ako ng ibang tao na sinabing kaya lang ako makakapunta sa kanya ay baka binigyan ako ng pang-punta doon, yung nagpapakahirap ako na padalan siya ng mga nakakatuwa at kakaibang regalo na personal kong pinag-isipan, pag-pupumilit kong makapagpadala ng sulat kahit man lang isang beses sa isang buwan ay anu ang dahilan para akusahan akong hindi marunong mapahalaga sa pagkakaibigan?  Hindi sa nanunumbat ako pero ito ang kailangan kong isipin para mabigyang-hustisya ang aking pagkabigo.  Ang pakiramdam ko ay hindi patas.  Parang isang panig lang na ang kalagayan niya lamang ang iniisip niya, na siya ang dapat intindihin na sulatan dahil mas malungkot siya na nag-iisa sa malayong lugar, na kung talagang magkaibigan ay hahanap at hahanap ng oras para makagawa ng sulat.  Iyun ang unang pagkakataon ko na lumabas ng bansa at wala akong ideya na ang isa palang Pilipino na pupunta sa ibang bansa ay mangyaring mayroong pasalubong sa pupuntahan.  Ang alam ko lang kasi ay iyung mga umuuwi sa Pilipinas galing sa ibang bansa ang nagbibigay ng mga pasalubong, pero naunawaan ko na ito na ngayon.  Samantalang yung tinutukoy niyang ipapadala ng kanyang kaibigan ay wala akong alam, na sana ay kinausap ako nung tao na yun at hindi yung ako ang aasahan na tanungin ko kung sino-sino ang may gustong magpadala para sa kanya.

 Tinabangan na ako sa aming pagkakaibigan.  Kung may mali ako sa mga dahilan ko, kung may pagkukulang man ako sa mga dapat kong gawin ay hinayaan ko nang iwanan ng ganun na lamang dahil nawalan na ako ng interes sa aming pagkakaibigan.  Kung  hindi ko man naabot ang kanyang pamantayan para maging isang kaibigang marunong magpahalaga sa pagkakaibigan ay wala na akong magagawa.   Ilang taon din akong nagkimkim ng sama ng loob sa kanya hanggang matutunan kong kalimutan na lang ang aking hinanakit at patawarin siya sa pagkakaalam kong pagkakamali niya.  Pero hindi ko na ibinalik ang dating pagkakaibigan at minabuti kong maging hanggang doon na lamang upang wala ng maaaring dumating pa na di-pagkakaunawaan.  Nanghihinayang lang ako dahil nasayang ang isang pagkakaibigan dahil maganda na sana ang simula. May pagkukulang ako dahil pwede naman ako ang makibagay, magparaya, humingi ng paumanhin at ipaglaban ang pagkakaibigan pero talaga lang wala na akong maramdamang pangangailangan para ituloy ang pagkakaibigan.  Maaaring kulang pa ako sa pagkahinog sa pagharap sa mga ganuong gusot.  Nanghihinayang lang ako dahil ang akala ko ay kaibigan na pero hindi nga nangyari.  Nang ako na ang nagkaroon ng pagkakataong mangibang-bansa at naranasan ko na ang mabuhay nang malayo sa mga kapamilya at kaibigan, naranasan ko man ang mangulila ay hindi ako naging mapaghanap, nag-utos o nag-obliga na sulatan ako ng mga taong gusto ko.  Ang inisip ko lang ay may kanya-kanya kaming pinaggagagawa sa buhay o prayoridad kaya nauunawaan ko kung hindi ako makatanggap ng mga sulat.  Ang mahalaga ay alam kong kaibigan ko ang mga kaibigan ko.



Wala sa tagal o ikli ng panahon ng pagkakaibigan at hindi sa dalas ng pagkikita o pag-uusap makikilala ang katapatan ng kaibigan.  Magpunta man kayo sa magkaibang bansa ay alam ninyo sa puso ninyo na naruon pa rin ang inyong pagmamalasakit at pag-aalala sa isat-isa.  Sa ibang pagkakataon naman, ang pagkakaibigang nabuo habang nasa ibang bansa, nasusukat ito kung totoo kapag dumating ang araw na permanenteng umuwi na kayo sa Pilipinas ay patuloy pa rin kayong mayroong kumustahan o isinara na ninyo ang linya ng inyong komunikasyon.   May mga kaibigan ako na kahit hindi kami nagkikita at nakakapag-usap ay alam naming sa isa’t-isa na naririto lang kami bilang tunay na magkaibigan.

Monday, March 20, 2017

PUSONG NEGATIBO

Habang tayo ay nabubuhay, marami tayong mga nakikita, naririnig, nalalanghap, nakakasalamuha, nakakausap, nakikilala at nagiging kaibigan na nagkakaroon ng kinalalaman sa ating buhay.  Maraming karanasan at pangyayari ang umukit sa ating puso, isip, kaluluwa at katawan.  Minsan nananahan sila sa atin kung kaya nag-iiba-iba tayo ng ugali, kilos at pananalita sa ibat-ibang panahon ng ating buhay.  Kaya kung minsan ay nagiging matapang tayo o di kaya ay mapusok lang, o maramdamin, matibay, masayahin o mapag-isa.  Ang lahat ng ito ang nagpapabago o gumagawa kung ano ang ating ugali na ang mga pangyayaring ito ay mahirap makita ng ating sarili.  Ang mga tao na nakapaligid sa atin ang siyang madalas makapuna ng ating ugali pero kadalasan ay nahihirapan naman tayong intindihin at tanggapin kapag sila ay nagsalita sa atin ng puna at mungkahi kung sila ba ay naninira, nagsasalita ng totoo, nakiki-alam lamang o nagmamalasakit talaga.  Kung tayo ay nasasabihan ng ibang tao tungkol sa ating hindi magandang ugali na nahihirapan nating paniwalaan at tanggapin dahil sa palagay natin ay hindi totoo, kung ito ay madalas nating maranasan ay sandali tayong tumigil at mag-isip.  Mahirap kasi ang magpaliwanag sa taong matigas ang ulo, hindi tumatanggap ng katwiran at sarili lang ang sinusunod.  Kung ang mga nangyayari sa ating buhay at tila ba puro hindi magaganda, baka ito na ang paraan na ang tadhana na ang nagsasabi sa atin dahil hindi rin lang tayo nakikinig sa payo at paalala ng ating mga kaibigan, kamag-anak, kasamahan dahil nga may katigasan ang ating ulo kaya tadhana na ang nakikipag-usap sa atin. 

Matuto tayong maglinis ng ating puso upang gumaan ang ating dalahin sa araw-araw.  Subukan nating maglinis ng ating mga puso sa pamamag-itan ng pagpapatawad sa mga taong naka-galit o nakasamaan natin ng loob.  Magpatawad tayo.  Alisin natin ang galit, hinanakit at inggit na kumukubkob sa ating mga puso na siyang nagpapabigat ng ating dalahin sa pang-araw-araw na buhay.  Kung may galit tayo sa isang tao o bagay na ilang taon ng namamahay sa ating mga puso, kung sila man ang may pagkakamali, pagkukulang o kasalanan ay patawarin na natin sila upang gumaang na ang ating pakiramdam at daloy ng buhay.  Huwag nating patagalin ito dahil kung hahayaan lang natin ito ay magiging matigas ang ating kalooban na hindi na natin makaya ang magpatawad at lumimot.  Ang nga negatibong damdamin na ito ang humuhubog sa atin na maging pusong-bato na nagpapadilim at nagpapabigat ng ating kinalalagyan.  Paliliitin nito ang ating mundo na umaabot sa puntong umiiwas tayo sa isang kaganapan dahil naroon ang tao na sanhi ng ating galit, hinanakit at inggit.  At sa pagkakataong ito ay tayo ang nawawalan, nahihirapan at ang talunan.  Maaari bang magpakabait na tayo?  Gusto natin ang maging mabuting tao, kaya ano ba ang masama kung magpatawad tayo?  Kung titikisin natin ang magpatawad dahil lang sa sariling-ego, sino ba ang may dalahin, sino ba ang nagkakasala, sino ba ang nahihirapan?


Kung sa kabila ng pagpapatawad ay hindi natin maiiwasang kalimutan ang mga nangyari pero wala naman tayong nararamdamang galit, huwag itong alalahanin dahil ibig sabihin naman nito ay talagang nagpatawad na tayo.   Ang nagsasabi ng nagpatawad na pero nakakaramdam pa rin ng galit at sakit ay siyang hindi pa talaga taos-pusong nagpapatawad.    Nasasaktan tayo at maaaring hindi natin ito malilumutan kaagad ngunit matuto tayong ipagpasa-Diyos ang lahat.  Linisin natin ang ating sarili.  Mahalaga ang magkaroon ng malinis na saloobin para sa ating ikatatahimik, ikapapanatag at ikaluluwag ng kalooban.  Dahil kung wala tayong kinikimkim na negatibo sa ating damdamin, aaliwalas ang ating pakiramdam at pananaw sa buhay.   Nasasabi ko ito dahil sa sariling karanasan.  May puntong puro negatibo ang mga nangyayari sa aking buhay na sarili ko ang nakapansain.  Kaya sarili ko na rin ang nagsabi na magbago na ako at patawarin ang lahat ng mga inaakala kong may nagawang pagkakamlai sa akin at mga nakasamaan ko ng loob.  Inalis ko ang lahat ng kinikimkim kong galit, hinanakit, inggit, at pagdududa. At gumaan ang aking pakiramdam, at sumaya ako sa pakikisalamuha sa mga tao, at ibinigay sa akin ang ilan sa mga ipinagdasal ko nang matagal.

Sunday, March 19, 2017

CHAOS IN SOCIAL MEDIA

We were misinterpreted sometimes no matter how careful we are.  We don’t want to hurt someone’s feeling or offend anyway.  Not even the unsociable, loner and distant personality would wish to have enemy for they want peace and order that is why they want reclusion.  Someone could be a man of few words yet still criticized.  Our simple, trivial and in good faith remarks can still draw criticism to some.  Without knowing, it could offense or stimulate others to response aggressively, use harsh and insulting words.  Because sometimes our tone, gestures or even our words usage in sentences are totally misunderstood and misjudged no matter how gentle we do and no matter how careful we are.   Language barrier, in social media, we could be bashed when we expressed ourselves and in a snap the group will put us in hot water and you’ll be in the hot seat.  Until later you will realize the long thread conversation is full of derogatory, blatant, harmful and inappropriate words.  The pinnacle of it could be lambasting the embattled someone’s personality that is malign to break him down.  Maybe a language barrier but nevertheless, it will not blow out of proportion if everyone in the group have patience, are broadminded, kind-hearted and professional.  And too late the harm has done.

There’s a lot of dispute that have surfaced these days in cyberspace.  Petty or big argument is part of being into social media but mean, cruel and disrespectful comments are not acceptable part of healthy and matured behaviour from a refined and urbane people, even in cyberspace.   Although we know it is within the boundaries of our right to share opinion in the group and we knew we had no intention of tarnishing anyone’s reputation but everything in cyber world could be read out of the context.  The text written may not really meant when it was read nor when you said it.  The phrase you read in the social media can take differently than when you heard it spoken.  It could be different when we write it than when we hear it because it depends who read.  Because we are different from each other, we have different comprehension and behaviour.  The phrase “mind your own business” when read could be offensive to others but could be compliments to others.  But it could be totally different when it was heard rather than read. That is why text may not necessarily mean how you spelled it.  There are the right punctuation, diction and stress.

In our time today, our world becomes closer, faster and easier in such a way it can cause faster and easier misunderstanding and it cause more painful too.  When we are into social media, we must be extra careful in throwing our statements because we do not know each and everyone in the social network group.  We do not know other people.  We do not know their psychology, temperament and personality.  We cannot tell their limitations and comprehensions.  We are in different group, places, educational, ethnic and demographical background and the only thing that sets apart between us is that thin screen in front of us.  You may have the good school and raised in grandiose house but your foul behaviour and ill manner from outside world including cyberspace will count on your personality.  While someone may have lived in the street but his roughness is better than the screaming overconfident and deceptive diplomacy.  Because home really speaks what made up a person.  No amount of fame, wealth and power can hide the breeding and upbringing of a person whether in outside world or in cyberspace.

We are in the age of cyberspace and the moment you engaged yourself in the group discussion, you are bringing yourself out of your zone – watch your behaviour for everything in you is subject for criticism.  No matter how diplomatic and good you tried, again and again you will be under fire with criticism, persecuted, bullied and judged.  Remember, it is not enough to say you are honest, truthful and straightforward when saying a word.  What is far important, you should take in consideration the emotion of your friends, brothers, sisters and others.  Because freedom of speech is not an excuse to offend, watch your big mouth behaved.  There is thin line between being straightforward and rude, be professional, sensitive and reasonable.

Saturday, March 11, 2017

MYSTICAL SIQUIJOR

Okay, I confess.  I admit that the first and foremost reason why I wanted to go to Siquijor is its infamous reputation where it is known for – the intriguing, mysterious and unbelievable eerie stories.  Because the more stories I read about Siquijor and the longer it takes, it just convinced me even more to pursue my plan to put it on top of my bucket list.   But it is not that uncanny when you get there.  Because when I'd finally witnessed Siquijor in up-close and personal, you will not really feel the unfavorable anecdotes but instead your personal experience will just attest the positive reviews from the articles that I read in travel blog.  First of all, I like Siquijor’s coolness, calmness, peacefulness and most of all it’s welcoming people.  The hospitality I received from its local people, though we have difference in our local dialect but Siquiors is more than approachable to ask when you have doubt.  From its people to the place itself, Siquijor is sitting patiently and silently waiting to discover.  There are so many white sand beaches that are very promising as tourist’s destinations, most of them are still unspoiled and unexplored but the natural architectural landscape is already sketched to unearth.

Siquijor is very quite island.  At day, you have all the times at your own convenience to roam the whole island visiting its beauty.  When not in hurry, check its flora, greeneries and woodlands and the next day, you can spend your day to indulge splashing in its boasting blue beaches.  At night, you can feel like falling asleep to cradle as it is really very quite where you can hear only the crickets’ scream, flapping leaves of the trees and the unceasing waves in the sea shore.  I did not have the chance to try natural body cleansing through faith healers but for those who are enthusiasts of alternative medicines, don’t miss the chance – after all this is where Siquijor is known for.  But I think it is about time to disregard the stigma that always associates to initial impression when we heard Siquijor.  It is not that actually frightening and mystifying to go to Siquijor Island but instead there are more to enjoy the white sand beaches and splash that crystal clear cool water.  Enough to keep coming back to enchanting and mystical Siquijor.

Must see places in tiny Siquijor include the enchanted century-age Balete tree.  Under the hundreds of roots and vines of the tree is the natural fish spa.  Salagdoong Beach offers water slides and place to dive into the water in 7m or 10m high. The impressive Cambugahay Falls is a 3-level waterfall which is great for swimming.  The rope swing and slope tier can be used to jump.   The Guiwanon Spring Park is a new relaxing place surrounded with mangrove trees.  There are two old churches in Siquijor both are over hundred years built.  The San Isidro Labrador Convent reputed to be the biggest and one of the oldest convents in the Philippines constructed in 1894.  It is declared as a historical landmark by the Philippine Historical Commission. Saint Francis of Assisi was built in 1774 with stone and has the usual crucible form of the old Spanish churches.  Other beaches are the Kagusuan Beach noted for its picturesque seascape and rock formation, it is situated below a cliff and accessible by concrete staircase.  Siquijor Beach and more white sand beach resorts dot the coastal areas.  San Juan Beach is great for snorkelling and scuba diving.  All of them are equally great and amazing.  There is another nice water fall in San Juan called Lugnason Falls.  Capilay Spring Park hosts for natural spring fed swimming pool while Cantabon Cave for those who are enthusiasts of trekking or hiking.


Going from Manila to Siquijor takes two hours travel.  The commercial aircraft flies you for one hour from Manila airport to any of these three domestic airports: Sibulan in Dumaguete, Tagbilaran in Bohol and Dipolog in Dipolog City.  And the next one hour or two is your final destination.  There are two ferry terminals on the island: Siquijor town and Larena.   Boats are travelling daily.  Make sure to keep in mind their schedules as most of them leave Siquijor before 2PM as the last trip.  For a backpacker, in the port are the tricycle drivers who can serve as your tour guide.  You can approach them to find transient houses for you.  No need to worry for places because Siquijor is practically small island only and anywhere can be your point of start and accessible to all places.  If you are daring enough, it is possible to rent a motorbike.