Wednesday, October 25, 2017

MGA TAONG IPOKRITO

Kapag alam mong may sala ka sa isang bagay, huwag ka ng umusap ng laban dito para palabasing kunwari malinis ka kung kaya kaya mong makapagsalita ng kontra dahil nagmumukha kang katawa-tawa.  Kapag iyung ang puna mo sa mga kamalian ng ibang tao at iyung nanghuhusga ka ng iyong kapwa gayung mismong sa sarili mong bakuran pala ay mayroong katulad na kamalian, darating ang oras na babalik lahat sa mukha mo ang mga pinagsasabi mo.  Huwag kang magsalita ng laban sa isang bagay kung mismong ikaw naman pala ay ganoon din.  Ang sabi nga, ang sino mang sakdal-linis ang siyang maunang pumukol ng bato sa taong makasalanan.  At kadalasan pa nga, karamihan sa mga makasalanan ay sila pa itong maingay, kumokondena, nagrereklamo at humuhusga.  Kung ang lahat ng taong makasalanan ay hindi magsasalita, tatahimik at magiging payapa itong ating mundo.

Kung marami man ang mga taong nagsasalita ng kanilang galit at kung hindi ka rin lang malinis ay huwag ka ng  makisawsaw, makigalit at makipuna dahil wala ka naman palang karapatan na magsalita.  Huwag ka ng sumabad dahil wala kang kredibilidad.  Anung karapatan mong magpayo at magsabi ng tama kung ikaw mismo ay wala sa katinuan?  Ayusin mo muna ang sarili mo o ang pamilya mo bago ka pumuna.  Walang perpektong tao para hindi magsalita pero mas mabuting manahimik ka na lang dahil mas kailangang ayusin mo muna ang mga kamalian mo o ng iyong pamilya.  Kung hindi ka marangal, itikom mo na lang ang maluwag mong bumanganga at manahimik ka na lang.  Kung sabagay sino ba namang marangal ang magmumura sa gitna ng maraming tao?

Halimbawa: galit na galit ka sa mga magnanakaw at ang lakas ng loob mong murahin, laitin at mistulang gusto mo na silang patayin pero ikaw pala mismo o ang isa sa mga pinakamahahalagang tao sa buhay mo ay dating magnanakaw o nagnanakaw pala.  Nang nabulgar at nalaman ng mga tao na ikaw o sa pamilya mo pala ay may magnanakaw, sa dami ng masasakit na pinagsasabi mo, bumalik lang lahat sa iyo ang mga sinabi mo sa mga magnanakaw na minura at nilait mo.  Kinain mo lahat ang mga isinuka mo.  Ganitong-ganito ang kasabihang “galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw”.

Kung ikaw ay nagbebenta ng aliw (dati man o kasalukuyan), huwag mong husgahan at alipustain ang mga taong tulad nila bagkus ay bigyan mo sila ng magandang salita na maaaring maghikayat sa kanila ng pagbabago.  Unang-una ay alam na alam mo ang kalagayan ng mga tulad nila dahil naranasan mo ang pinagdadaanan nila.  Kung hahamakin mo sila, hinahamak mo rin ang iyong sarili at nagmumukha kang ipokrito.  Anu ang karapatan mong magpuna at ano ang kredibilidad mong pumigil sa mga nagbebenta ng aliw kung ikaw mismo ay nagbebenta ng aliw?

Kung ikaw ay kahit may asawa na ay may iba pag karelasyon (dati man o kasalukuyan), hindi mo dapat kutyain ang magkalaguyo dahil ikaw man ay nakikiapid sa hindi mo asawa.  Biru-biruan, sa pisikal o kahit sa internet, hindi ka pa rin tapat at nagtataksil ka pa rin sa iyong asawa.  Mas mabuti pa ang taong dating may karelasyon na inamin ang pagkakamali at pinagsisihan at nagbago kaysa sa iyo na nagmamalinis pero naglalaro ng apoy at nagtatampisaw naman pala sa putikan.  Pagsisihan mo muna ang iyong kasalanan at huwag na itong babalikan kahit kaylan bago ka magpayo, pumuna at manghusga sa mga may bawal na relasyon.


Ganito rin sa iba pang mga mali na madalas nating punahin.  Wala naman masama kung magbigay ka ng payo, opinyon at mga aral sa mga bagay-bagay kung ikaw ay nagbago na mula sa dating kinasadlakan, o kahit sabihin pa nating ikaw ay isang banal, ngunit hindi pa rin tama na pintasan at husgahan mo ang mga nakakagawa ng mali.  Manalamin muna.  Kung sino ang walang kasalanan, siyang maunang magparusa sa taong nagkasala, ngunit walang mangangahas sa atin na mauna dahil aminado naman tayong lahat na tayo ay makasalanan.  Kung masama ang ginagawa mo, masama din ang babalik kung hindi man sa iyo ay sa pamilya mo.  Ang gintong-aral, kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo ng iyong kapwa ay huwag na huwag mong gagawin sa kapwa mo.

Sunday, October 22, 2017

REBUILDING MARAWI

The war is over.  After almost five long months of bloody pursuit of militants in terrorizing the southern city of Marawi, the damaging war has come to end.  The Marawi crisis has ended.   The terrorists forcibly occupied Marawi’s vital establishments, shed fears on Maranao and challenged the sovereignty of the Filipino people.  The armed forces have no other recourse but to wage war to save the city against rebellion and invasion.

The days and nights of non-stop exchange of gunfire, loud explosions and successive missiles burned the city.  The city was destroyed, properties were damaged, livelihoods gone and lives were lost.  The bandits capitalized their captivities as human shields, tested to provoke the security of the hostages and used the sacred mosques to their advantage.  But the great soldiers, the defender of people, vowed to defeat the militants.  The outlaws can force their radical ideology, use sensational brutality and unfair attacks but at the end of the day, the evil will not win over the righteousness.  After the tiring days, the Marawi siege has come to end.  Marawi that served the battle field of war has finally liberated from destructive occupation of terrorist group. 

Liberating Marawi from terror was not an easy struggle.  Declaring the martial law helped the area to control the situation, narrow down the threat of another terrorism that hounds the people and slim down the terrorist’s world.  The five long months tortured the locals of Marawi who were trapped between the clash of military and rebels, lived the depressing situation in evacuation centers, or flew away to escape the war zone.  For the neighboring and people of Marawi, the war has just brought an unforgettable traumatic and violent experience that every living survivor of the war will remember.  The countless fear, the terrifying sounds of gun and bombs, the cries of babies and elders and the painful and hard times of escapes, it was nightmare and tough test for every Maranaos. The thick dark smoke above Marawi will vanish but the wound it leaves will take time to heal.

The war is over and Marawi is burned.  Looking at the sad fate of the city, no one really won in this fight.  After the civil war, there are greater responsibilities that we need to fill up.  Let’s stop argument in social media by echoing what is right, finger pointing who is the best and who is to blame, let’s fix it later.  It will not help.  Marawi doesn’t need your intelligent analysis and genius mind.  What we need from everyone is our unity as Filipino.  This is the time to set aside social rivalry, political identity, spiritual difference and personal agenda and come up altogether to stand up with right resolution, full determination and warm nationalism in restoring Marawi.  It is critical time, if we do not unite today, then we cannot really have that elusive unity.  This is not the time to grandstanding.  Stop politicizing Marawi by spreading fake news just to taint and denounce the oppositions and uplift the political group you belong.  Stop using Marawi to launch your personal interest.  Have self-respect, be sensitive. 


Thanks for the soldiers who risked their lives in neutralizing the battle field.  They are the true heroes of Marawi crisis, selflessly fought the freedom of the city, risked their lives and unconditionally served the country.  The embattled city needs us.  Let us show our natural spirit of cooperation.  Let us rehabilitate, reconstruct and rebuild Marawi for every human breath, for every living and for every hope.  Let us restore the city known for artwork, weaving, wood and metal crafts and epic literature.  Let us show again to the whole world our Filipino resilience by showing how to rebuild Marawi from ashes of war to towering new city.

Wednesday, October 18, 2017

BEING FATHER AGAIN

Our life is so mysterious.  Somewhere over there, from although so dark but so peaceful, there the so many tiny throbs nestling in their own world until such given time to carry out the big surprise in our life.  Yes life is mystery, from the moment how we get our first breath and heart beats is wonder, from then on we’ve formed very natural, pure and clean.  We started from so very little and we’ve grown up into our fullest form from so innocent infancy, aggressive youths to erudite elderly.  We’re from nothing that out of nowhere it was all invisible at first but all of a sudden it came to us and we feel it, touch it and see it – our child. 

When life formed from solemnity, you may not have planned but it was not accidental for you chose it.  It is tiny life fruit of love over there, and it is perfect.  Everything happens for reasons, every life is God’s gift and it is sacred.  It is from overwhelming love and care since our origin, that’s make everything on us is so precious.  Thus life is precious, man must be thankful.  For every new life nestling in the womb, every day is miracle carefully carrying that precious life to accomplish.  Regardless if this is the first time or more than first, it is fulfilling for being the man when you can able to give new blessings for his wife, for his first children, for his whole family.  Being father again for the second, third or fourth time, it is always so nice to feel again the joy, the sense of fulfillment, and the beauty of life.  It is so good you feel in-love and to love.

To become father again is bringing back the same old feelings like during the first time: overjoyed, confidence, triumph, truth, realization and faith.  To see the new life that you partake, you feel the new hope because you are receiving the blessings and witnessing again the mystery of life. And to be father again whether it is the first, the second and the third time is renewing the vow to build a family made of love, respect and unity.  It is accepting the burden of being a man, a father, a human.    It is always a magical feeling seeing the new life from you, out of your own flesh and blood.  Seeing that new life is claiming your power and strength but it is not the potent sperms from man’s testis and that tool right there under undies.  It is the person, it is your being, your character, it is your fatherhood makes all these things good and proud.

The father may not literally attached like the mother’s nine months of carriage but every father is equally excited and under pressure the same weight of carrying the baby on the womb.  And when that new little life comes out, it is embracing the whole responsibility.  We know how chaotic, loud and sinful this world we live in, but to lead the children together with their mother, the whole family is bravery.  Every good father is brave.  No matter how many times the trials come, how much load hang into him, how many children rely on him, the father will make ways.  Having a child is every father’s aspiration, achievement and completion that nothing to ask more.  To have second child is another blessings bringing into higher joy. It makes the head of the family more inspired and committed.  More so for the third born to make the family more deserved.  On the fourth child, it is just simply too much to thank for.  More children may come but one thing is for sure, being a father again and again will always make them even stronger, diligent, deserving and greater for these children.

SPEAKING IN TOASTMASTER

I was invited to attend in a toastmaster session.  I accepted it and it was my first time to attend in a toastmaster.  I really wanted to attend long before but the big hurdle that impedes me is my hectic workload.  I made to attend not because I am considering a plan to become a good speaker someday but simply because I want to find out if this is what I want.  As a matter of fact, I always thought toastmaster is about journalism.  This makes me interested, so I’ve just wanted to give a shot and so I made to finally attend.  But while I was there observing the session, I realized that toastmaster is actually about talking.  Later I checked in dictionary that it is about improving the communication, public speaking and leadership skills.  Toastmaster is a program designed to help people learn the arts of speaking, listening and thinking.  Though it is not really about what I thought, nevertheless I enjoyed the session and I participated in activities where in one I was asked a certain question.  It was my first time to undergo in an unrehearsed question and answer.  Walking alone going into the front gives me already the worries if I can speak well and doubts on my mind are coming in.  Will the question easy, will I have mental block, or will I answer the question?

How do the policemen will be effected when the female drivers ________?  I can’t remember what completes the question but what I thought was about driving violation of female drivers.  But I need to talk and I said, seeing the women driving for the first time, in Saudi Arabia is surprising.  The policemen…. (I started groping words to say) being known how we respect women…. arrr…..  (gee, here again I’m lost in focus.  Then, I composed myself again).  But I think, whether it is male or female, if they are law abiding in the traffic rules, there will be no problem at all”.  Of course that was wrong.  It really showed me that I am not into speaking.  The complete and correct question was: How do the policemen affect their work when they see female driving?  If I will answer it in writing even on the spot, this will be my answer:  Seeing the women in Saudi Arabia driving for the first time, the policemen should be very cautious.  Somehow it will affect their job on how to approach female drivers, apply the rules considering the respect given to females which is already in nature.  And besides, how to identify these drivers behind those hood on faces, and how to investigate without bypassing the culture and nature are tough challenges.  And if I will answer again the same question after minutes passed, I will be more prepared so it will be more detailed.  Time is both my friend and enemy.

The problem with me is that most of the time I am not spontaneous, most especially of course when I am not prepared.   You can tell me to write thousand words about any given subject, I would prefer and love it but to speak a couple of sentences about the subject right there and then is something that I will struggle.  Let’s just say I prefer to write because this is my interest and this is where I am comfortable, my comfort zone.  I am a person in few words, this is my nature.  I am not talkative.  I cannot speak after speak, prolong my talk, talking while thinking what I will say next and compose myself.  It is difficult for me getting the complete message when I need to compose myself to response, and if listening to the rest of the message while I am still composing myself, then the structure of building up my speak will collapse.  However, whether or not it is prepared, I am not a spontaneous speaker and am not really into speaking.    I am into writing but I must admit I am not good in speaking.  I have speech defect.  I am somewhat a bit stutter and besides when in front of the audience I experience mental block that prevents me to think properly.

Learning thru listening to those short talks from reliable people I met, to be a good speaker is not just the bravery to speak but when you speak you must have also the substance, persuasion, choice of words and good grammar.  It was nice experience learning from the authorized and I must take it from the expert.  The lesson I learned from that session: I need to improve my confidence in speaking in front of number of people.  I am not aspiring to become good speaker, not thinking to be a guest speaker in the future and most of all I do not want to become a leader.  The reasons if I want to attend another toastmaster soon are that I just want to learn speaking impromptu, avoiding mental block during on the spot conversation, and build confidence.  Yes, I can give a chance to attend again but I think it will not my priority since what I really want to find is a group whose passion is about writing.

Friday, October 13, 2017

PAGPATAY

Kahit kailan, ang mali ay hindi maitatama ng isa pang mali.  Mali at malaking kasalanan ang pumatay ng tao.  Kaya para patayin ang taong pumatay ay isa na namang mali at kasalanan.  Nagkasala na nga yung pumatay at pagkatapos ay dadagdagan na naman ng isa pang kasalanan.  Kung ang isang tao ay papatayin ang taong pumatay sa pinatay na kamag-anak upang makapaghinganti, papatayin naman siya ng isang kamag-anak ng pinatay, at siya naman ay papatayin din ng kamag-anak nung kanyang pinatay, kung ganuon ay ubusan na lang ng lahi?  Kung ang mga kriminal na sinasabing masasamang tao ay dapat patayin, anu ang ipinagkaiba nilang dalawa ngayon?

Hindi parusang kamatayan at pagpatay ng walang tamang proseso ang solusyon sa mga nagtutulak ng bawal na gamot at mga karumaldumal na krimen.  Kung maliwanag na sinasabi na nga sa Banal na Aklat na “Huwag Kang Papatay”, ano pa ang dahilan para hindi ka pa maniwala at anong bahagi ba nito ang hindi maliwanag para hindi maintindihan ng mga taong panig sa pagpatay?  Hindi maaaring idahilan ang prinsipiyong “Mata sa mata, ngipin sa ngipin” dahil ito ay isang pamantayan ng paghihinganti at hindi ng hustisya.  Sa katunayan, ang kahulugan nito ay “kung ano ang inutang ay iyun din ang siyang kabayaran” na ang ibig sahihin ay kung ano ang ginawa ng nagkasala ay iyun din dapat gawin sa kanya.  Kung ang isang lulong sa bawal na gamot ay pumatay sa pananaksak, bakit siya papatayin sa baril, bigti, silya-elektirka o anu pang uri ng parusang kamatayan kung susundin ang prinsipiyong mata sa mata?

Hindi pagpatay ang sagot sa lumalalang krimen at mga karumaldumal na krimen.  Desperado lang ang mga tao sa nakikitang parang walang nangyayaring hustisya, patuloy na pagdami at walang katapusang krimen kaya naiisip na ng mga tao na ang parusang kamatayan na lang ang natatanging solusyon.  Ang nagiging pakahulugan ng maraming tao ay hindi natatakot gumawa ng mga karumaldumal ang mga kriminal dahil walang parusang kamatayan.  Pero hindi talaga ito ang dahilan.  Hindi sa hindi sila natatakot gumawa ng bawal dahil walang ultimatong parusang kamatayan na umiiral kundi dahil sa bansa natin ay nalulusutan o naaareglo ang lahat.  Hindi natatakot ang mga kriminal na mahuli at makulong dahil ang hustisya sa atin ay politika. 

Bakit kamo patuloy pa rin ang pagpatay at panggagahasa?  Dahil nasa isip ng mga kriminal na ang batas at ordinansa ay hindi siryoso at maaaring lusutan, kapag nadakip ay aabutin pa ng mahabang panahon bago mahatulan, kapag nakulong at nagkaroon ng kasangga sa loob at sa kapulisan ay malulusutan ang krimen na ginawa.  Bakit kamo hindi mapuksa ang kalakaran sa bawal na gamot, ang mga gumagawa ng karumaldumal na krmen, ang pang-aabuso ng mga makapangyarihang tao?  Dahil  hindi pinapatupad ng mahigpit ng mga nagpapatupad ang lahat ng batas.  Dahil ang mga taong gumagawa ng krimen ay nakakayang bilhin ang hustisya, may mga taong promopotekta sa kanila, kung makulong man ay maipagpapatuloy pa rin ang buhay-hari sa loob ng bilibid at magkakaroon ng isang magandang trato sa loob ng kulungan.  Dahil ang sistema ng batas ay poilitika, kapag nahuli ay nalalakad at nababayaran ang mga nasa pwesto.

Napakarami at magaganda na ang ating batas.  Kung umiiral lang nang tama ang batas, hindi hahantong sa desperasyon ang mga tao dahil nakikita nila na nagdurusa ang mga kriminal.  Kapag nagkasala, litisin agad, pabilisin ang gulong ng hustisya at pairalin nang tama at patas ang hustisya.  Kung aayusin lang ang sistema ng ating hustisya, kung ang nagpapairal ng mga batas ay magiging tapat at mahigpit, kung ang bawat mga nahuling nagkasala ay agad malapatan ng kaukulang kaparusahan at kung pagdurusahan nila nang ayon sa totoong kahulugan ng kaparusahan sa kanilang kasalanan, magdadalawang isip ang mga posibleng kriminal.  Dahil ang alisin ang kalayaan at makulong nang habang-buhay ay katumbas na rin ng kamatayan, at maaaring higit pa dahil habang buhay itong pagbabayaran mas mabuti pa ang pinatay na lamang nang matapos na ang kanilang pagdurusa.

Maaaring sa mga bansang may parusang kamatayan ay maliit ang naitatalang patayan pero hindi iyun takot sa parusang kamatayan kundi dahil sa listo, matindi at matuwid na mga nagpapatupad ng batas.  Dahil meron o walang parusang kamatayan, kung talagang mahigpit ang batas ay hindi kailangan takutin na papatayin ka rin kapag pumatay ka, kundi pagbabayaran habang buhay ang kasalanang nagawa.  Hindi ang dahilang nawala sa sarili at nagdlim ang paningin ang bumalot sa katauhan kaya nakakapatay kundi mas nangibabaw ang walang paggalang at pagkilala sa uri ng batas.  Dahil ang tao, basta’t malakas at malaki ang pundasyon ng paniniwala sa batas ng tao at ng Diyos, mangingiming gumawa ng kasuklam-suklam.

Friday, October 06, 2017

BALITANG PEKE

Bakit ako galit sa mga naglipanang huwad na balita at gumagawa at nagpapalaganap ng mali, malisyoso at propagandang balita?  Dahil bilang isang manunulat, masakit sa akin ang pang-aabuso at pangsasala-ula sa kahalagahan, kagandahan at kasagraduhan ng pamamahayag.  Masakit sa akin ang pagbagsak ng kalidad at moral ng pamamahayag dahil sa mga taong natutuwa, gumagawa, tumatangkilik at nagpapakalat ng mga huwad na balita.  Mga taong walang malasakit, walang totoong kaalaman at walang malinis na pagmamahal sa sining ng pagsusulat.  Ibinababa nila ang uri ng manunulat.  Kung nakikita mong sinisira ng ibang tao ang mundo mong kinabibilangan, maramramdaman mo ang sakit at galit sa mga iresponsable at mga taong bumababoy at sumusuporta sa mga huwad na balita.

Ako ay isang manunulat.  Isang manunulat hindi sa hanap-buhay o propesiyon kundi mas higit pa dito dahil ako ay isang manunulat sa puso, sa isip at sa gawa.  Hindi ko ginagawang pangunahing kabuhayan ang aking kaalaman sa pagsusulat.  Kung magkaminsan at sa napakadalang  na pagkakataon, ako’y nakakatanggap ng maliit na kabayaran ngunit sa pangkalahatan, sa madalas na pagkakataon at higit sa lahat ng mga ito ay nagsusulat ako para sa mga tao.  Nagsusulat ako para sa mga mambabasa nang walang kapalit na kabayaran, gumagawa ng mga artikulo nang walang intensiyong gawing gatasan ang pagsusulat.  Dahil gusto ko lang ang magsulat ng magsulat.  Ito ang aking kahiligan, ito ang aking pag-ibig, ito ang aking buhay.  At mas masaya akong ganito dahil para sa akin ay hindi nababayaran at walang katapat na halaga ng pera ang isang artikulong isinulat nang buong-puso at bukal sa loob.  Kung may nakakaramdam ng lungkot sa pagbagsak ng kalidad ng pagsusulat, kung may nakakaramdam ng galit sa paglaganap ng mga huwad na balita, kung may mas nakakaunawa ng mga dapat at hindi dapat isulat, at kung mayroong nasa lugar para maramdaman ang mga ito, isa ako sa mga iyun dahil ako ay manunulat.

Sa pagdinig sa Senado tungkol sa mga huwad na balita, ramdam ko ang galit sa mga personalidad na nasa likod ng mga naglipanang may-kinikilingang tagalathala, babasahin at propaganda.  Nagpapakalat ng mga malisyoso, hindi tiyak o napatunayan, at mga iresponsableng inpormasyon.  Mga mapagbalat-kayong uri ng traydor ng bayan.  Mga umano’y pansariling kaalaman ang kanilang mga ikinakalat at sariling pag-aari ang mga babasahin na naglipana sa social media ngunit malinaw na ang mga ito ay propagandista.  Mga gumagawa ng mapanirang propaganda upang bayaran ng mga personalidad at grupo upang sirain ang mga taong kalaban at palakasin ang kinaaaniban nilang grupo.  Mga taong nagkaroon lang ng kaalaman sa pagsusulat at tapang lang ang naging puhunan upang isulong kung ano ang kanilang gusto maging mali man ang mga ito.  Sa ngalan ng pera, kapangyarihan, kasikatan at pribiliheyo, ang pagsusulat ng propaganda ay kanilang kakapitan.  Ang masakit, sinasabi nilang ang ginagawa nila’y kapasidad nila bilang pribadong mamamayan gayung ang totoo ay tauhan sila ng gobyerno upang magsulat ng mga pabor na bagay na binabayaran mula sa buwis ng taong-bayan.

Ikinukumpara ko ang sarili ko sa mga taong ito.  Ako rin ay nagsusulat at mayroon din akong mga isyu, opinyon at pinapaniwalaang personalidad sa pulitika, pananampalataya, kasaysayan at ibat-ibang interes.  Ngunit napakalaki ng pagkakaiba ko sa mga taong ito dahil kung anuman ang aking isinusulat at pinaniniwalaan, kung mali man ang mga ito para sa iba ay taas-noo ko pa ring sasabihing ginagawa ko ang mga ito nang ayon sa aking puso, isip at kunsensiya.  Hindi ko ipagbibili ang prinsipiyo, sisirain ang pagkatao, babaguhin ang pagiging matapat at ipagpapalit ang katotohanan dahil lang sa pera.  Kung dahil para sa iyo ay mali ang opinyon ko, hindi mo kaparehas o ayaw mo ng opinyon ko ay sasabihing mas masahol pa ako sa mga bayarang nagsusulat dahil sila ay nagsusulat lang para isulat ang dapat isulat dahil iyun ang trabaho nila, ito ay dala na ng labis mong panatismo at nabubulagan ka lamang sa iyong pinapaniwalaan.  Ang sabihing mas mabuti pa ang isulat nang maganda at palabasing maganda ang isang bagay dahil sa pera ay panlilinlang.  Hindi ako nangloloko ng mga mambabasa upang paniwalain sila sa hindi totoo at hindi ako nagsusulat ng puro papuri sa isang tao o bagay kundi kahit pagpuna at kapangitan ay aking isinusulat bilang kritisismo.  Nakakagalit makita ang mga mukhang pera, mga mapagbalat-kayong mga manunulat at makabayan.  Sila ang traydor at kalaban ng bayan dahil sila ang nagpapagulo, humahati at sumisira sa bayan na siyang totoong taksil sa bayan.  Kaya galit ako sa mga nagpapalaganap sa ng mga pekeng balita.


Ang pagsusulat ng pekeng balita ng mga bayarang manunulat ang siyang sakit na papatay sa panunulat,  pamamahayag, pagbabalita at peryodismo.   Maling-mali ang mga ito.  May wastong-asal at pamantayang tuntunin ng moralidad sa pagsusulat.  Lalong-lalo na kung ikaw ay isang tauhan ng gobyerno, kailangan mong gumawa at kumilos ng tama dahil napakalaki ng responsibilidad mo sa taong-bayan na maaaring maniwala at sumunod sa mali mong ginagawa at sinasalita.  Taong-gobyerno ka, anumang isulat o gawin mo ay kinakatawan mo ang gobyerno kaya hindi mo maaaring sabihing ang isinulat mo ay pansarili mong kapasidad kundi iyun ang pahayag ng iyong tanggapan.  Sa mga kaguluhan at kalituhang naidudulot ng iyong pansariling pahayagan, kailangang mamili ka na kung ano ba talaga ang pupuntahan mo.  Personal blogger ba o magsilbi sa gobyerno dahil mayroon ng salungatan sa interes mo.  Dahil anu’t anuman at sa dulo nito, ang lahat ng ginagawa mo ay binabayaran ng buwis ng taong-bayan.

Tuesday, October 03, 2017

SSS: SANA SIGURADONG SEGURO

Sa hindi ko pagpabor sa nangyaring umento sa pensiyon ng mga pensiyonado ng SSS, maaaaring ang nagiging tingin ng ibang tao sa akin ay wala akong habag, malasakit at pakiramdam sa mga nakatatanda na hindi ko iniisip ang kanilang kaligayahan at kalagayan.  Maaaring ang palagay din nila sa akin ay hindi ako mapagmahal sa mga matatanda at mahihirap o pinagmamataasan ko sila at pinagkakaitan ng kaligayahan.  Madalas ko itong punahin dahil unang-una ay hindi ko ito natatamaan, at ikalawa’y sinusundan ko ito dahil may malasakit ako sa pinaghihirapan ko at sa kinabukasan ng lahat.

Hindi sa hindi ko inaala-ala ang mga nakatatanda.  Alam ko na marami sa nakatatanda ngayon ang pensiyon na lamang ang inaasahan upang makaraos sa hirap ng buhay.  Pero sana ay maintindihan ng mga taong nag-iisip ng hindi maganda sa pagtingin ko sa umento ng pensiyon na ang mas iniisip ko ay ang pangmatagalang kabutihan, kapakanan at ang kinabukasan ng institusiyon.  Hindi sa kasakiman, o sarili ko lang ang iniintindi ko, o ang iniisip ko ay ang magiging pensiyon ko sa darating na panahon kaya ayaw kong maubos ang pondo ng SSS kundi mas gusto ko na mas magtagal ang institusyon upang makapagsilbi at makatulong pa sa mas maraming tao at mas mahabang panahon.

Nakikita, napapanood at nababasa ko kaya hindi kaila sa akin na marami sa mga nakatatanda na pesniyonado ng SSS ay walang-wala.  Sa edad nila ngayon ay binubuhay pa ng marami sa kanila ang kanilang pamilya bukod pa sa medikal na pangangailangan nila.  At ang kakaunting umento na isang libo ay malaking bagay na sa kanila.  Matatanda na ang mga ito, maaaring kailangan pagbigyan na natin sila sa mga kaligayahan  nila ngunit sa paraang walang malalagay sa kapahamakan.  Tama bang magpakagarbo sa kabila ng kalugihan o mapaluguran ang ilan ngunit kapinsalaan ng nakararami?  Hindi dapat malagay sa panganib ang buong institusiyon, ang mas nakararaming miyembro at ang kinabukasan nilang lahat.

Aanhin ang kasaganahan ngayon kung ang bukas ay hikahos?  Oo, hindi sapat sa kanilang mga pangangailangan ang kanilang tinatanggap subalit huwag nating ikatuwa ang panandaliang benepisyo, madaliin at hindi isaalang-alang ang kinabukasan.   Alalahanin natin ang mas malaki at mas matagalang epekto.  Magkwenta tayo sa simpleng halimbawa.  Mayroong mahigit na dalawang milyon ang mga pensiyonado ng SSS.  Ang buwanang isang libong dagdag na umento ng mga pensiyonadong ito ay nasa higit dalawamput-anim na milyong piso sa loob ng isang taon.  Kung tuloy-tuloy ito, aabutin pa kaya ng sampung taon ang pondo ng SSS?

Nakakatakot ang pagbebenta ng mga ari-arian ng SSS at ang planong pagtataas ng buwanang kontribusiyon ng mga kasapi upang matugunan ang umento ng mga pensiyondo dahil nangangahulugang kinukulang ang pondo ng institusiyon.  Kung walang pagkukuhanang pondo, ibig sabihin ay wala talagang pera na nakalaan sa umento na ito.  Walang problema sa pagbebenta ng ari-arian at kahit na ang pagtataas pa ng buwanang kontribusiyon ng mga kasalukuyang kasapi kung ang malilikom na pera mula dito ay ipupuhunan, ipambibili ng ibang ari-arian, o palalaguin pa.  Pero ang problema ay kailangan magkaroon ng pera upang ipangtustos sa umento sa mga pensiyonado – kinukulang kung ganon.

Ang aking sariling ina ay isa sa mga pensiyonada ng SSS.  Sa lumalaking pangangailangan niya sa kanyang sakit, dapat ay magustuhan ko ang dagdag na isang libo sa kanyang pensiyon dahil kahit ako ay nahihirapang tustusan ang kanyang gamutan.  Ngunit hindi ako sumasangayon sa umento dahil naniniwala akong hindi pwede at sa halip ay mas inisip ko ang kalagayan ng SSS dahil para ito sa mas nakararami at sa kabutihan ng isntitusiyon.

Mahalagang matulungan ng SSS ang mga nakatatanda hindi lang sa pensiyon kundi maaari naman matugunan ang kanilang pangangailangan, kaligayahan at ayudahan ng gobyerno ang mga pensiyonadong nakatatanda ng SSS sa ibang paraan.  Hindi sa sinasabi kong ito ang tama at ang solusyon pero isang halimbawa upang matulungan ang mga nakatatandang kasapi ng SSS ay ang bigyan sila ng lugar sa mga hospital at klinika, o mabigyan sila ng libreng gamot o diskwento sa mga botika.  At mahalaga rin na tingnan ang pamamalakad ng ahensiya, suriin ang gastusin at magpalakas ng kanilang pananalapi at ari-arian.

Ang naging umento sa pensiyon ng SSS ay isang politika.  Tinangihan na ito ng dating Pangulo dahil hindi ito puwede na ikinadismaya ng mga tao.  Isa ito sa mga ipinangako ng kasalukuyang Pangulo nuong panahon ng kampanya.  Kaya nang siya ay manao ay pilit at minadali itong tinupad sa kabila ng mga balakid at pangamba.  At ang sinabi ng maraming tao na "pwede naman pala" bilang pagtuya sa nakaraang Pangulo.  Sana, siguraduhing sigurado ang ating seguro dahil makalipas ang ilang buwan lamang matapos maibigay ang umento, ngayon ay kinukulang ang pondo ng SSS dahil sa pangangailangang tugunan ang pangtustos sa umento ng mahigit dalawang milyong pensiyonado ng SSS.  Ang sabi ngayon ng mga tao, kaya naman pala ito tinangihan ng dating Pangulo, tama naman pala siya.