Kapag
alam mong may sala ka sa isang bagay, huwag ka ng umusap ng laban dito para
palabasing kunwari malinis ka kung kaya kaya mong makapagsalita ng kontra dahil
nagmumukha kang katawa-tawa. Kapag iyung
ang puna mo sa mga kamalian ng ibang tao at iyung nanghuhusga ka ng iyong kapwa
gayung mismong sa sarili mong bakuran pala ay mayroong katulad na kamalian,
darating ang oras na babalik lahat sa mukha mo ang mga pinagsasabi mo. Huwag kang magsalita ng laban sa isang bagay kung mismong ikaw naman pala ay ganoon din. Ang sabi nga, ang sino mang sakdal-linis ang siyang maunang pumukol ng bato sa taong makasalanan. At kadalasan pa nga, karamihan sa mga makasalanan ay sila pa itong maingay, kumokondena, nagrereklamo at humuhusga. Kung ang lahat ng taong makasalanan ay hindi magsasalita, tatahimik at magiging payapa itong ating mundo.
Kung
marami man ang mga taong nagsasalita ng kanilang galit at kung hindi ka rin
lang malinis ay huwag ka ng makisawsaw, makigalit
at makipuna dahil wala ka naman palang karapatan na magsalita. Huwag ka ng sumabad dahil wala kang kredibilidad. Anung karapatan mong magpayo at magsabi ng
tama kung ikaw mismo ay wala sa katinuan? Ayusin mo muna ang sarili mo o ang pamilya
mo bago ka pumuna. Walang perpektong tao
para hindi magsalita pero mas mabuting manahimik ka na lang dahil mas
kailangang ayusin mo muna ang mga kamalian mo o ng iyong pamilya. Kung hindi ka marangal, itikom mo na lang ang
maluwag mong bumanganga at manahimik ka na lang. Kung sabagay sino ba namang marangal ang
magmumura sa gitna ng maraming tao?
Halimbawa:
galit na galit ka sa mga magnanakaw at ang lakas ng loob mong murahin, laitin
at mistulang gusto mo na silang patayin pero ikaw pala mismo o ang isa sa mga
pinakamahahalagang tao sa buhay mo ay dating magnanakaw o nagnanakaw pala. Nang nabulgar at nalaman ng mga tao na ikaw o
sa pamilya mo pala ay may magnanakaw, sa dami ng masasakit na pinagsasabi mo,
bumalik lang lahat sa iyo ang mga sinabi mo sa mga magnanakaw na minura at
nilait mo. Kinain mo lahat ang mga
isinuka mo. Ganitong-ganito ang kasabihang
“galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw”.
Kung
ikaw ay nagbebenta ng aliw (dati man o kasalukuyan), huwag mong husgahan at
alipustain ang mga taong tulad nila bagkus ay bigyan mo sila ng magandang salita
na maaaring maghikayat sa kanila ng pagbabago.
Unang-una ay alam na alam mo ang kalagayan ng mga tulad nila dahil
naranasan mo ang pinagdadaanan nila.
Kung hahamakin mo sila, hinahamak mo rin ang iyong sarili at nagmumukha kang
ipokrito. Anu ang karapatan mong magpuna
at ano ang kredibilidad mong pumigil sa mga nagbebenta ng aliw kung ikaw mismo
ay nagbebenta ng aliw?
Kung
ikaw ay kahit may asawa na ay may iba pag karelasyon (dati man o kasalukuyan),
hindi mo dapat kutyain ang magkalaguyo dahil ikaw man ay nakikiapid sa hindi mo
asawa. Biru-biruan, sa pisikal o kahit sa
internet, hindi ka pa rin tapat at nagtataksil ka pa rin sa iyong asawa. Mas mabuti pa ang taong dating may karelasyon
na inamin ang pagkakamali at pinagsisihan at nagbago kaysa sa iyo na
nagmamalinis pero naglalaro ng apoy at nagtatampisaw naman pala sa putikan. Pagsisihan mo muna ang iyong kasalanan at
huwag na itong babalikan kahit kaylan bago ka magpayo, pumuna at manghusga sa
mga may bawal na relasyon.
Ganito
rin sa iba pang mga mali na madalas nating punahin. Wala naman masama kung magbigay ka ng payo,
opinyon at mga aral sa mga bagay-bagay kung ikaw ay nagbago na mula sa dating
kinasadlakan, o kahit sabihin pa nating ikaw ay isang banal, ngunit hindi pa rin tama na
pintasan at husgahan mo ang mga nakakagawa ng mali. Manalamin muna. Kung sino ang walang kasalanan, siyang maunang magparusa sa taong nagkasala, ngunit walang mangangahas sa atin na mauna dahil aminado naman tayong lahat na tayo ay makasalanan. Kung masama ang ginagawa mo, masama din ang
babalik kung hindi man sa iyo ay sa pamilya mo.
Ang gintong-aral, kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo ng iyong kapwa ay
huwag na huwag mong gagawin sa kapwa mo.
No comments:
Post a Comment