Ang
kasiyahan sa isang bagay ng tao ay hindi maikukumpara sa iba kung sino ang mas
nakahihigit na masaya dahil kung parehas silang masaya sa maliit o malaki man
na paraan ay hindi maipagpapalit ng isa ang kasiyahan ng isa sa isa. Wika nga ay kanya-kanya tayo ng kinahihiligan
at kasiyahan. Kung para sa iyo ay masaya
ka kung ibat-iba ang iyong mga makabagong gamit, hindi mo ito maididikta
sa iba na magsaya rin sa pagbili ng mga
gamit kung hindi naman niya ito pinapahalagahan. Tulad din ng mga taong masayang-masaya kapag
nagpupunta sa ibat-ibang restaurant upang makakain ng masasarap na pagkain.
Malaki
ang kasiyahang naidudulot sa akin ng pagpunta sa ibat-ibang malalayo at
magagandang lugar. Gustong-gusto ko ito
dahil dito ako masaya. Para sa akin
hindi ito mahihigitan sa kasiyahan kapag bumibili ako ng magaganda, makabago,
at mamahaling gamit, at pagkain ng iba’t-iba at masasarap na pagkain. Kung sa iba ay tama na ang simpleng lugar
upang makapagrelaks minsan sa isang taon, magaling at mabuti para sa iyo. Pero may mga tao na likas na gusto ang
magagandang lugar upang makapagrelaks mnsan sa isang taon, walang mali
dito. Para sa sakin, ang pagpunta sa
ibat-ibang magaganda at malalayong lugar ay nagbibigay sa akin ng karanasan,
kaalaman at kasiyahang madadala ko hanggang sa pagtanda ko. Naiiwan nito ang mga kaalaman sa aking
ala-ala akung gaano ako kasaya sa bawat lugar na aking napupuntahan. Mas pang matagalan ang kasiyahang makukuha ko
sa paglalakbay kasya sa panandaliang saya sa mga usong gamit at masasarap na
pagkain.
Kapag
sumapit na ako sa edad na nakatatanda, masasabi ko na napuntahan ko na ang Cebu,
Davao, Bataan at Baler at makakabalik-tanaw ako kung gaano ito kagaganda. Maikukuwento ko ang kagandahan ng Batanes, Palawan,
Boracay, Siquijor. Maituturo ko ang mga
kaalamang natutunan ko nang magpunta ako sa bayan ng Bohol, Bicol, Sagada, at Ilokos. Iyung kung paano ako humanga sa kwento ng mga
matatanda kung gaano talaga kaganda ang ilog ng Pasig, Maynila, Laguna at ibat-ibang
probinsiya nuon, ay siyang kaparis na maipagmamalaki ko rin sa mga inapo
ko. Iyung pagkamangha ko sa
kalabisang-ganda ng malilinaw na tubig at malalakas na alon sa mapuputing
pinong buhangin ay hindi mahihigitan ng makabagong gadyet, mamahaling damit, pabango
at alahas. Iyung paghanga ko sa mga
natural na disenyo ng matataas at maberdeng bundok, malamig at matalinghagang
kuweba at mataas na alon ay hindi matutumbasan ng tamis ng mga panghimagas at
kakanin, linamnam ng ibat-ibang putahe ng baboy, baka at manok at pagkain sa
mamahalin at kilalang restaurant. At
iyung mga natutunan ko sa mayayamang kultura at kaugalian ng ibat-ibang
probinsiya ay hindi mapapantayan ng aliw sa ibat-ibang tugtog sa bistro, kwentuhan
ng mga pelikula, at iba’t-ibang kaganapan sa mga makabagong pasyalan at
pamilihan.
Ang
mga bagay ay nassira at bumababa ang halaga, ang pagkain ay nauubos at maaaring
magdulot ng iba’t-ibang sakit ngunit ang
paglalakbay ay nagpapayaman sa iyong karunungan na mananatili. Hindi ito pagwawaldas ng pera kung kuntento
ka naman sa bawat pinupuntahan mo, o luho kung ito lang naman ang iyong
kasiyahan. Sa pagpunta ko sa ibat-ibang
lugar ay maaaring nakakain ko na ang masasarap na pagkain at nakakain ko na rin
naman ang ibat-ibang pagkain ngunit hindi lahat ng tao ay nakakapunta sa ibat
ibang lugar. Kanya-kanya tayo ng
kinahihiligan at kasiyahan. Kung ano ang
nakakapagpasaya sa atin nang wala tayong inaapakang ibang tao ay iyon ang ating
sundin. Ang mahalaga ay wala tayong
pagsisisihan kung bakit natin ginawa o hindi ginawa ang mga mithiin ng ating
buhay.
No comments:
Post a Comment