Happy to receive your comments & questions. I cannot reply to them, if you have question, please pm me at avv2009@yahoo.com
Sunday, December 25, 2022
CELEBRATING CHRISTMAS
Wednesday, December 21, 2022
TAMA O MALI
May kaibigan o mga kaibigan tayo na dumadating sa punto na nagiging sobrang gaan ng loob natin sa kanya/kanila. Iyung dahil siya ang pinakagusto nating kaibigan ay pinapakitaan natin siya ng kalabisan kaysa sa iba. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, gagawin mo kasi likas sa atin na gusto natin pasayahin ang mga tao na gusto natin. Hanggang mararamdaman mong hindi na kaibigan lang ang nararamdaman mo sa kanya, at tuluyang nahuhulog ka na pala sa kanya, kahit hindi puwede. Ganun pa man, pinapasaya mo siya, sinusunod ang mga gusto, mas inuuna mo pa nga siya kahit sa sarili mo – ginagawa mo mga ito kasi gusto mong maging magaling ka sa kanya para magustuhan ka niya, at mahalin ka kahit hindi puwede. At saka ka sasaya. Yun ang magpapasaya sa iyo. Binubuo mo muna siya, at saka ka mabubuo.
Hanggang malaman niya ang nararamdaman mo, pero hindi naging kayo ang nangyari. Hindi puwedeng maging kayo. Hindi siya para sa iyo at masakit yun. Hindi man pwedeng maging kayo pero pwede naman magkaibigan pa rin. Kaya tuloy lang at walang nagbago lalo na ikaw, naroon pa rin ang kakaibang pakikipagkaibigan mo sa kanya pero siya kaibigan lang ang turing sa iyo. Nagpatuloy ang mga araw, lumakad ang mga taon. Maraming taon na naman ang nagdaan, tuloy lang kung paano mo siya itrato simula’t simula. Hanggang sa itinagal ng panahon ay nahulog na rin ang loob niya sa iyo. Iyung dumating yung araw na may nararamdaman na rin pala siya sa iyo higit pa sa pagkakaibigan, kahit hindi puwede. Pagmamahal ba talaga? Sa mga ipinakita mong kabutihan, hindi kaya parang nagpapasalamat lang siya bilang pagtanaw lang niya ng utang ng loob, o baka naaawa lang siya sa iyo? Baka minahal ka niya dahil sabi niya ay karapat-dapat kang sumaya kaya ibinabalik niya ang kasiyahan na kailangan mo pagkatapos ng lahat ng mga ginawa mong kasiyahan sa kanya. Baka dahil kaibigan ka niya kaya gusto niya ay maging masaya ka. Ewan, natututunan nga siguro talaga ang magmahal, yun na lang ang pinanghahawakan mo. Mahal mo siya kaya nang minahal ka niya ay tinugunan mo ang kanyang nararamdaman. Kahit hindi puwede kasi may asawa na siya.
Sa mundong ginawa ninyong dalawa na kayo lang ang lihim na nagkakaunawaan, tuloy ang pagka-kaibigan at pagkaka-ibigan. Hindi na ito dahil lang sa pagsasamang karnal kundi sa malasakit ng isat-isa na gustong ibigay sa isa’t-isa. Maraming puwedeng sabihin ang iba: imoral, oportunista, pera, paglilibang – lahat ng ito, pero alam ninyo sa isat-isa na totoo ang nararamdaman ninyo. Minsan mapapatanong ka kung bakit kahit napakalinis ng iyong hangarin na magmahal ay bakit may mali sa pagmamahal. Huhusgahan kayo, lilibakin, pagdududahan, at paghihiwalayin kayo kaya mabuti pa nga na manatiling lihim. Alam mong wala kang laban. Hindi mo kayang ipilit kung ano ang normal sa mundo dahil mundo ito laban sa iyo. Minsan sa sulok ng utak mo ay nainiisip mo na siguro nga pinagbigyan ka na lang niya dahil gusto niyang magpasalamat, dahil mabuti at totoo kang kaibigan, kung kaya ibinigay niya ang makakapagpasaya sa iyo. Kung dahil duon, naramdaman mo na kaya pala niya gawin yun para sa iyo at duon pa lang ay nagpapasalamat ka na sa nangyari sa inyo. Pero siguro hindi rin dahil kapag palaging naririyan pa rin siya anomang oras, anomang pangangailangan, at anomang pangyayari ay hindi lang ito pagpapasalamat kundi malamang mayroon ng pagmamahal. Pero hindi pwede na maging kayo dahil sabihin na nating wala siyang asawa, hindi pa rin pwede maging kayo dahil pareho ng kasarian.
Alam mo na hindi ito pangmatagalan. Narito lang kayo sa lugar na malamang ay pang-hanggang dito lamang. Kapag dumating na ang araw na kailangan ninyong bumalik sa kanya-kanyang lugar at kapag haharapin na ninyo ang katotohanan, totoo man ang pagmamahalan ay duon na ito magtatapos dahil ang lahat ay hiram lamang. Ang pagmamahalan ninyo ay totoo pero mali at nasa maling pagkakataon. May pag-ibig sa isa’t-isa, nagkataon lang na pareho kayong bl. Pinagtagpo lang kayo para magkasama pero hindi magpa-kailan man. May mga tao lang talaga na kailangang dumating sa buhay natin, makikilala natin, at masasaktan tayo kung kinakailangan, para maging tayo kung ano man maging dapat tayo ngayon.
Friday, December 09, 2022
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #191 - W2P #200)
W2P #191
There is nothing greater to see the courage of the soldiers risking their life going into the danger zone just to pretect and defend the country and the people.
W2P #192
Someday,I wish the day to come that all great, powerful and influential leaders in the world will become peace-loving, stop the exhibition of power and forces for the wolrd supremacy, abjure the ambition to become the world’s number one, occupation of small nations and profiting out of war.
W2P #193
There are people you thought good because they are so nice to talk and to be with. But actually, they are just merely funny and not really kind. Because you cannot hear the character of a person but feel it.
W2P #194
May mga tao na akala mo ay mabuti dahil masaya at masarap kausap. Pero ang totoo ay masayahin lang talaga sila at hindi mabait. Dahil hindi naririnig ang ugali ng tao kundi nararamdaman.
W2P #195
May tao na
mapag-puna sa mga bagay tungkol sa politika, relihiyon, kalakalan at
sangkatauhan. Iyung palaging mayroon
siyang masasabi, palaging may nakikitang mga mali, pangit at kapintasan. Mapagsabi pa kung ano ba ang dapat gawin, mga
gintong-aral, na tama naman at napakaganda, na tila ba mula sa isang taong may
malaking kredibilidad.
Hindi niya alam, makabubuting manahimik na lamang siya dahil mientras mas
marami siyang sinasabi ay mas maraming lumalabas na mga kapintasan niya.
W2P #196
May mga tao na mabilis uminit ang ulo na biglang taas agad ang boses, nagsasalita ng masasakit na salita at nakakapagsalita ng tapos. At kapag nahimasmasan na, maisip man niya na mali ang kanyang mga sinabi at ginawa ay hindi na niya mabawi at pinangatawanan na lamang dahil sa kahihiyan o kasubuan na.
W2P #197
Nakakairita at nakakasira ng lagay ng loob iyung sasabihing mayroong sasabihin pero hindi itutuloy. Huwag mo na lang sabihin kung hindi mo rin naman sasabihin o kayang sabihin. Kasi dinala mo siya sa isang estado pero iiwanan mo, itinaas pero ibabagsak, pinaasa pero bibiguin – ganun ang pakiramdam ng ginawa mo.
W2P #198
Nakakalungot isipin at masakit tanggapin iyung kung papipiliin ka ng tatlong tao na gusto mong iligtas kung mayroong panganib o makakasama kung kayo na lamang ang tao sa mundo pero kapag sila na ang pinapili ng tatlong tao ay wala ka naman pala sa pinili nila.
W2P #199
Hindi lahat ng tama ay mabuti, kinatutuwaan at gusto ng mga tao. Minsan kahit sabihin mo kung ano ang tama ay hindi pa rin paniniwalaan at susundin dahil hindi pabor sa kanila o sadyang ayaw lang talaga nila.
W2P #200
Masakit isipin at tanggapin iyung naaala-ala, mabait at nagpaparamdam lamang sa iyo kapag yung kailangan ka na. Mahalagang magparamdam ka paminsan-minsan kahit sa walang kabuluhang pagpaparamdam upang iparamdam sa tao na nariyan ka lamang at hindi nakakalimot. Para kapag dumating yung oras na talagang kailangan mo na siya ay hindi ka paghihinalaan.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #181 - W2P #190)
W2P #181
The misconception about dieting is eating less or depriving yourself. Dieting is eating the right foods. Eat them more to provie it is not the quantity but the quality. Buy them more to realize it is not depriving but pampering your health.
W2P #182
JOURNALISM
When you hardly write fairly, uncompensated or most of the time free of charge yet some were easily paid in big sum for lies, the feeling is fooled and unfair.
W2P #183
We scream the overused phrase “Proud to be Pinoy” but only few really love our homeland. It is always self first before the country. Admit it, who among many of us will look after the wellbeing of the country before us, our family, work, security, future and personal interests? Many are still the plague.
W2P #184
We always say we’re the predominantly Catholic country in Asia but we are not really that good Catholic. We are Catholic ala Filipino style who choose what we want only. We interpret the teachings in our own version. Many are still weak.
W2P #185
Once I advised a former colleague about friendship. Friendship that formed in all-fun while away from the Philippines will not last. When the time you part each other, that is the time you will know if they can still remember you.
W2P #186
Aside from adventure and life's first thing's firsts, one of the best things about teenager's life is falling in love. Whether it is the first, last, sad, tough, failed or even for fun, all of them say it is so nice to fall in love and it keeps our days going.
W2P #187
Sa kabila ng sinasabi na nga ang iyong mga kamalian, pero hanggang hindi ka natututong magpakumbaba at hanggang ipinipilit mo ang paniniwala mo, mananatiling naghihirap ang iyong kalooban at bumibigat ang mga pasanin mo sa iyong buhay.
Samantalang ang mga taong sinasabi mong masasama ay pinagpapala, ikaw ay naiiwang tila kinakasihan ng mga hindi magagandang pangyayari.
W2P #188
Magulang – kung pinalaki mo ang iyong anak sa alam mong tama, maniwala ka sa kanya. Anuman ang kanyang ikinikilos, kung para sa iyo ay hindi maganda, pero kung tinitiyak nyang hindi totoo ang iyong iniisip – maniwala at magtiwala ka.
Anak – kung pinagkakatiwalaan ka ng iyong mga magulang, huwag mo itong at samantalahin at sirain.
W2P #189
LOGIC & MORAL
In this age of time, we need to disown some old custom that hold back our life today. Between practicality and critics from the so called moralists, choose the first if custom becomes unreasonable, outdated and worthless to preserve. Moral is an individulal’s interpretation anyway that depends on time, place and person.
W2P #190
For victims of internet bullying, feel that you are better than those bullysts who is not your friend and family members who do not even know you personally, and harsh and cruel words are nothing compare to the shouts of many.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #171 - W2P #180)
W2P #171
Peaceful is different from quite. Some people are
saying peace and order during the martial law was good for they did not see
violence in their town. How can you see the violence if they were nationwide
conspiracy to hide them? There are hidden crimes therefore there was no
peace. The place could be only quite but not peaceful.
W2P #172
Rewriting your nation history is treachery.
W2P #173
You don’t have to literally experience mauled, raped and
robbed just to be say a martial law victim. Not because it was quite in
your place means there were no violence. Remember that censorship was at
its finest. The fact that there was a nationwide censorship that
controlled your future, oppressed your freedom, and redesigned your life that
supposed to be better today, these are tantamount as victim of abuse.
w2P #174
I have been vocal in showing my positive healthy lifestyle
because I feel proud of my hardship and sacrifices. But more than
anything else, it is not to boast my health but rather I would like to inspire
other people. The important is you are complacent and you have peace of
mind.
w2P #175
Yung feeling na: special sila, class sila, ang-taas nila, ang galing nila, makapangyarihan sila, paborito sila at marami pang sila... sila yung kadalasang iniaaangat ang sarili sa karamihan kaya lumalakas ang loob at lumalaki ang ulo nila.
W2P #176
Mapalad ka kung natauhan ka sa ginagawa mong kasalanan
dahil may nangyaring kapamahakan sa ibang tao na gumagawa din ng kaparehas
mo. Iyun bang parang naging halimbawa
ang ibang tao upang matutunan mo ang aral.
May mga tao na kailangan pang maranasaan muna ang
kapamahakan saka pa lang matututo. Pero
may mga tao talaga na napapahamak na ay hindi pa natuto dahil sadyang matigas
ang kanilang loob na inaakalang wala sila ginagawang masama.
W2P #177
In order for you to become good, be sensitive. If you want to speak or do something to others, always consider their feelings. If your loyalty is tempted, put yourself to your partner’s shoes to feel how much they will hurt when you cheat them.
W2P #178
In visiting different beautiful places in my country, I am not only to amaze and enjoy the scenic spots in each place. Sometimes, I’m in there to feel the pleasure of life. Relaxing, spending the days you want, experiencing how to be taking good care and treated importantly.
W2P #179
Lord, forgive me for being what I am. But whatever I am, You know how much I strive to be a good person.
W2P #180
Panginoon, patawarin mo po ako kung anuman ang uri ng aking pagkatao. Pero kung anuman po ako, batid po Ninyo kung gaano ako nagsusumikap upang maging kalugod-lugod sa Inyo.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #161 - W2P #170)
W2P #161
Some people ignore you when they don’t need you, while some people left you when you’re failure and when you’re no longer useful. Because some people just do not value friendship, or you are not really friends at all.
W2P #162
When you hardly write fairly, uncompensated or most of the time free of charge yet some were easily paid in big sum for fake and lies, the feeling is unfair. Why some people can live in deception? For some people it’s all about money.
W2P #163
Parenting is raising the children without condition in return. Children were not there to work for you, bring you pride or honor and keep you when you get old. It is parent’s obligation to make them the best that children can be. You do not own them for they have their own life. Remember, children have no choice to be born and to choose their parents.
The idea of parenting is guiding your children growing up to make them independent and a good citizen. This is the same principle they will apply to their own children. This is the cycle of parenting.
W2P #164
In this age of time, we need to disown some old custom that hold back our life today. Between practicality and critics from the so called moralists, choose the first if you think you do not really take for granted the life, nothing you do wrong and to top it all, if it takes your life out of complications.
Nothing is wrong to keep the old tradition but use good judgement if they seemed to be unreasonable, outdated and worthless to preserve. Because nothing is more disrespectful than to follow your will if the standard and ethic are ruining your life.
W2P #165
Walang problema kung sa palagay mo ay malusog ka at gusto mong ipagmalaki at malaman ito ng ibang tao. Hindi sa pagyayabang at pang-iinggit ang hangarin mo dahil ang panahon ang bahalang humusga sa iyo kapag ito ang iyong pakay. Higit sa kung anu pa man, kaya mo ito ginagawa ay dahil masaya ka, dahil gusto mong magpaala-ala sa mga tao tungkol sa tamang kalusugan, dahil gusto mong makapag-bigay ng inspirasyon at makapanghikayat ng ibang tao na mag-ingat din sa kanilang katawan.
W2P #166
Huwag mong intindihin yung mga nagsasabi na sa pagtanda ng tao ay tiyak na magkakasakit rin, na ang lahat ng tao ay mamamatay, na kahit anong ingat sa katawan at tama lang ang sukat natin ay hindi natin natitiyak ang buhay, at iyung sinasabing sumosobra sa ehersisyo o diyeta. Lahat ng ito ay mga tukso lamang upang humina ang iyong determinasyon para sa malusog na pamumuhay at dito masusukat kung gaano kalakas ang iyong disiplina.
W2P #167
Sa maraming pagkakataon ay nagiging bukas ako sa magandang kondisyon ng aking kalusugan dahil ang pakiramdam ko ay masaya at may ipagmamalaki ako. Pero higit dito, hindi para ipangalandakan sa pagyayabang ang aking kalagayan at magkampante kundi para makapagbigay ng inspirasyon, makaimpluwensiya at maka-himok ako ng ibang tao na sila rin ay kayang maging malusog.
W2P#168
If later you found yourself having illness despite the healthy lifestyle you practiced, do not feel guilty nor blame the healthy lifestyle you are doing. Although we can get sick no matter how careful we are but it could have been worse if you did not watch your health. There is no guarantee in this world anyway but between you and the careless people, at least you are in better position.
W2P #169
When weighing someone and something, I am the kind of person who doesn’t look on the affiliation whether it is relatives, colleagues, or compatriot. I want fair. If I know it is wrong, with due respect do not count me on regardless if you are family, friends or fellow hometown citizen.
W2P #170
Kapag nanunuri ako ng isang tao o bagay, hindi ako yung tao na tumitingin sa kaugnayan ko kung ito man ay aking kamag-anak, kasamahan o kababayan para masabi ko kung ano ang aking palagay. Hindi dahil kapamilya ko ay tiyak na akong papanig agad. Hindi dahil kababayan ko ay aayunan ko kahit mali.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #151 - W2P #160)
W2P #151
MINSAN LANG
Minsan lang naman ang celebration ng bday, despedida, manalo sa raffles, minsan
lang naman mag-Jolibee, Chowking, Pink, Bangkok, Fawaz, Golden Broasted, TGIF,
Chilli’s, McDonalds, Herfy’s, Baba’s, Cabalen, Royal Cuisine, Pattaya,
mag-pizza, spaghetti, kabsa, laham, magprito, mag-steakhouse, burger,
softdrinks, pastries, bulalo, adobo at once lang naman ang sweldo kada buwan.
Ngayon, pagsama-samahin mo ang mga minsan na yan at kahit mag work-out ka pa –
magtataka ka pa ba kung bakit ka high blood, bakit di nababawasan ang weight
mo, bakit may mga nararamdaman ka, at bakit nagme-maintenance ka na? Hindi sinasabing mali ang minsan kundi yung
hindi alam ang ibig sabihin ng minsan.
W2P #152
May mga kamag-anak o kaibigan tayo na lumalayo ang loob sa atin dahil sa maling akala, hinala o impluwensiya ng iba. Minsan gusto nating tayo na ang magpakumbaba para hindi sila tuluyang mabulag sa kanilang paniniwala ngunit kahit mahirap ay tinitikis natin ang ating sarili dahil gusto nating matuto sila.
W2P #153
Time will come we will get old and will get sick no matter how healthy lifestyle we did. But sickness is depending on your health. You will get what you deserved.
W2P #154
Whether health conscious or not, it’s absolutely right: everybody will get sick as we go old till die naturally. But the goal is not to reverse this fact. Between the one who is living the life with no limits and the other one living the life in control, the latter will die gracefully.
W2P #155
I always believe in the budgeting, regardless if others say your spending style is just wasting of money but as long as it is included in your budget list, then that is fine. Because it only means everyting is falling in its place. Now, right budgeting is different and another thing, and I go for this.
W2P #156
Lagi akong naniniwala sa pagba-badyet. Kahit ang tingin ng iba ay parang nag-aaksaya ka lamang ng pera sa ginagastusan mo pero kung kasama naman ang mga ito sa badyet mo ay walang problema duon. Dahil ibig sabihin lang nuon ay ang lahat ay naayon sa plano mo. Ngayon, iba naman ang tamang pagbabadyet, at ito ang sinusunod ko.
W2P #157
Salary less savings equals expenses. The money you earn should go in their respective places. There is something for the future, something for the family needs, and something for enjoyment. For enjoyment, make your life balance and follow the 80/20 rule. Choose the necessities over luxuries and nutritional foods over indulgence.
W2P #158
For those people who say eat everything you can before we die for life is so short to enjoy its fullest... come to think of it: if the happiness of these health conscious people is to take care their health – you lose because they lived both happy and died gracefully.
W2P #159
My health is my wealth. I do not receive a handsome salary but I do not spend for a medical maintenance. When I get old, I may get sick but I’m confident it’ll not an acute one.
W2P #160
Nakikita natin ang kaparehong maling ginagawa ng kapwa natin pero hindi kapag ang sarili na natin ang gumagawa kaya totoo na hindi mo masasabi kung anong klaseng tao ka dahil ibang tao ang makapagsasabi nito.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #141 - W2P #150)
W2P #141
Mabuti na ang lesbiana at binabae na
hindi nag-asaawa dahil sa kanyang kalagayan kaysa sa hindi ka
nakapag-asawa o nakapag-asawa nga ngunit hiniwalayan ng asawa dahil sa masamang
ugali.
W2P #142
AN EMPLOYEE
One day we will all retire. On that day if my morality will ask me if I’d been a good employee, I will reply “yes”. I may not be the excellent or the boss’s favourite employee but I am sure I’ve really worked hard my job, fairly earned every single cent on my pay and I know I dealt with colleague well.
W2P #143
EMPLEYADO
Nakakainip. Gusto kong mag-sisenta anyos na upang maglibang na lamang sa buhay ng isang retirado, pensiyonado at yung simpleng buhay na pinangarap ko. Nagsasawa na ako sa trabaho at pakikitungo sa amo. Yung laging kailangan mong pagbutihin ang trabaho para mapasaya mo ang mga nag-uutos sa iyo. Yung obligado kang gumising araw-araw nang alas-cuatro y media ng madaling-araw at magtrabaho nang walong oras o higit pa. Nakakapagod.
Sa palagay ko
naman ay malilibang ko ang maging isang “Nakatatanda” dahil wala naman akong
inaalagaang karamdaman at wala akong inaasahang malubhang karamdaman kapag
tumanda na ako. Ito ang dahilan kaya nga ako nag-iingat sa kalusugan.
W2P #144
EMPLOYEE
I feel bored. I want to turn sixty years old now to enjoy being retired, pensioned and live the simple life I dreamed. I’m sick and tired to work and deal with many superiors. The need to make good at your work to please your boss, the feeling of obliged to wake up 4 o’ clock in the morning every day and diligently work 8 hours or more… exhausting.
W2P #145
PANGKALUSUGAN
Hindi dahil ikaw ay laging
naaannyayahan sa mga kainan, di kaya’y libre, ibinibigay o nakabuyangyang na sa
harapan mo ang mga pagkain ay susungaban mo na. Depende sa uri ng
pagkain at dalas ng mga ito. Ang
pakikipag-kaibigan ay iba sa pagkamahilig sa pagkain – makakahindi ka pa
rin. Tandaan, lagi kang may pagpipilian at nasa sa iyo kung sa tama o
mali ang iyong napili.
W2P #146
HEALTH
Not because you were always
invited to parties or there are free and abundant of freebie foods in your
front, it doesn’t mean you can grab them all or attend all parties.
Definitely you can still say no, you have to choose the quality and the times
they occur. Remember, you always have the option to eat or not to eat
them.
W2P #147
There are two misconceptions about diet. First, people are thinking when they knew someone is in diet they’ll say the person just wants to save money. Metaphorically true because health is wealth. Second, people’s general interpretation about diet is reducing the amount of foods you eat. Actually false because dieting is choosing the right foods.
Oftentimes, people’s general interpretation about diet is reducing the foods eaten. I.e. they reduce the cups of rice, the consumption of meat, sweet & salty. These are incorrect belief. The true diet is not about the quantity but the quality of your foods eaten. No matter how often you eat healthy foods but if they just serve as added looks on your dish or you add unhealthy salty processed foods with them – useless.
W2P #149
I am a sinner. No matter how hard I tried to be good, I still have that sin that always hounds me. I confess my sin and I ask forgiveness, but I can not help myself to have sin again.
W2P #150
Pansinin natin: madalas kapag may napanalunan, kumita, despedida o anibersaryo ay agad nagkakayayaan para kumain sabay sabi ng #thankyoulord. Pagpapasalamat ba talaga? Kung ganito kadalas, sana ibinigay na lang natin yung pera sa mga nangangailangan dahil madalas na naman tayong nagkakasalo-salo sa kainan.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #131 - W2P #140)
W2P #131
IRESPONSABLE
May mga netizens na ang hilig mag-bahagi ng mga post nang hindi muna iniisip kung tama bang ibahagu pa ito. Basta makapag-bahagi lang ng mainit na isyu o dahil salungat lang sila sa isyu ay walang patumpik-tumpik na ibahagi agad nila ito. Ang ginagawa nila ay nakakadadag-gulo lamang. Maging responsableng netizen, hindi lahat ay dapat ikalat sa internet.
W2P #132
Love is a good
feeling you give to someone. You want to
give nothing but only the best of that one you love. And you feel happy for that – that is love.
W2P #133
At malalaman nila
na anung suwerte nila ngayon kapag bukas ay naglaho na ang lahat ng tinatanggap
nila ngayon – magandang sweldo, mga oportunidad sa pagkakaperahan at maluwag na
pagdating ng grasya. Mag-ipon ka nga
ngayon, hindi bukas kundi ngayon na.
W2P #134
Bilang isang OFW
na propesyonal at titulado – sa kabila ng lahat ng pagkakataon na kumita ka ng
mas malaki kaysa sa iba, nakaipon ka na ba?
Huwag mong sabihin na may binubuhay kang pamlya kaya hindi ka nakakaipon
dahil lahat ng OFW ay may binubuhay ding pamilya pero bakit daig ka pa ng isang
DH na nakapagpatayo ng isang bahay? (tala: ito ay hindi sa panghahamak sa isang
DH bagkus ay pagkilala sa kanyang pagpupursige)
W2P #135
Madalas akong
magsulat ng mga payo para sa pag-iipon kahit alam kong ako mismo ay hindi naman
karamihan ang ipon. Wala naman iyun sa
laki ng ipon, kayamanan at mga pag-aari, ang mahalaga ay ang kagustuhan mong
mabigyan ng pag-asa at inspirasyon ang ibang tao na higitan ka.
W2P #136
Kapag iyung siya
na nga ang naka-gawa ng mali ay siya pa ang matapang. Iyung nangangatwiran pa para idepensa ang
sarili na para bang may sinisisi pa siyang ibang tao. Kapag ganito ang tao, walang duda na mataas
ang tingin niya sa kanyang sarili – isang masamang ugali.
W2P #137
Minsan ang mga tao ay bulag (pakikipag-kapwa-tao, paniniwala, pag-ibig, pagkatao). Nabubulag sila sa totoong ugali ng isang taong ang buong akala nila ay napakabait. Nabubulag sa katotohan sa paggawa ng mga mali. Nabubulag sa sobrang pagmamahal sa isang taong hindi dapat mahalin. At nabubulag sa sobrang pagkilala sa sarili na siyang pinakamagaling.
W2P #138
If I’m a noted personality, if I were an influential figure, if I have a powerful voice, if I am in a position, a leader of political, social, religious or mercantile group, I will use my position to influence the majority people to boycott China products. In this way, I can show my great concern to my country facing the national issue of territorial dispute.
W2P #139
Sa pakikisalamuha natin sa ibat-ibang tao, minsan ay
nakakapagsalita tayo sa ating kapwa ng kapintasan ng ibang tao bilang pagsasabi
lamang ng ating niloloob at hindi bilang paninira. Kung may nagparating
sa iyo upang ikaw ay maggalit sa kanyang nakausap, isipin mo muna kung ito ba
ay “panggising” na dapat kang magmuni-muni sa halip na ikaw ay magalit dahil
baka naman totoo. Dahil kung totoo at galit ka pa ay dalawa na kayong may
problema: ang ugali mo at ang nagparating sa iyo.
W2P #140
Kung ang sinasabi mong pagmamalasakit mo ay nagdudulot sa
iyo ng maraming kaaway, baka naman ang ginagawa mo ay isa ng pakikialam. Suriin mo ang iyong sarili: ikaw ba ay marami
ng nakaalitan, nakasamaan ng loob na kaibigan, kamag-anak o kahit na kapamilya
tungkol sa iyong sinasabing pagmamalasakit?
Dahil kung oo, ikaw na ang may kakulangan at kamalian.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #121 - W2P #130)
W2P #121
‘Yung ang gusto niya ang masusunod at hindi na niya pinakikingan ang karamihan. Kapag ganito ang nasa unahan, nakakatamad ng sundan kung ano’ng kanyang pinangungunahan.
W2P #122
In some point of our life we meet people who are becoming authoritative for being too clever. And most of the time you will realize how alone these people are. For those too brainy who look themselves always right, the more you try to insist your ideality is the more you look scrupulous, skeptic, sarcastic, cenic, and mischievous.These are the mere reasons why you’re not well accepted by the people around you.
W2P #123
SKEPTIC
Some people are
just simply skeptic. No matter what
happens, whether you’re right or wrong they will just always go up against
you. And they can make reasons for all
they’re opposing.
W2P #124
NUISANCE
There are people
who just simply mischievous or nuisance.
Their intention is just to disrupt things and offend or annoy other
people.
W2P #125
SELECTIVE
I like people who are not selective frank – those whose bluntness is not discriminatory. There are those who are so straightforward to react, contradict and criticize if they know they are stronger, but tremulant when they know their subject is smarter, bourgeois or more affluent than they are.
W2P #126
When you’re in trouble again, seems you feel failing and your difficulties are not rewarding, then think of your hardship you’ve been through that you’ll not at this far if you’re not strong. Just think somebody out there is suffering worse than you, and you’ll not receive the trials if you’re not strong enough.
W2P #127
May mga lalaki na mahilig sumagot sa usapan na kahit hindi siya ang iyong kinakausap ay sumasabat siya sa usapan. Mayroon naman na kapag sumagot ay mataray at pilosopo ang mga salita. Ngunit sa kabila nito ay hindi sila kabilang sa ikatlong kasarian, may mga lalaki lamang na pala-sabat, mataray at mahadera.
W2P #128
Mas gusto ko ang ako ay kaibiganin at kahalubiluhin bilang nirerespeto kaysa kinakaibigan, kinikilala at pinapakisamahan ako dahil sa layunin, sa takot at sa kasubuan lamang.
W2P #129
One day they posted a
picture of God as show of mercy to those in need, the next day they posted a
viral picture of unverified scam ridiculing a man, On other day they posted about man’s defect,
then next they posted nice quote to ponder.
Are these people are really virtuous or they’re actually evil?
W2P #130
Thanksgiving becomes more special when doing it in a most
secretive way and sharing of blessings is more meaningful when giving it to
those in greater need. And as much as
possible, help in sincere and most humble way.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #111 - W2P #120)
W2P #111
May mga tao na mahilig magpalakas sa isang tao. Walang problema dito kung kayo lang dalawa, pero kung mayroon kang nagagawang mali sa ibang tao na pabor sa taong iyong pinagpapalakasan, iyun ang hindi tama. Lagi lamang tayo sa tama at patas.
W2P #112
Whatever your good situation now, no matter what your possession, or if you are getting lucky now – don’t be arrogant, conceited and boastful. There is no permanent in this world, all you are doing are temporary only, so be humble, fair and kind in dealing with others. All your blessings can be taken back- Karma
W2P #113
Financial literacy 101: Luho at Kailangan. Kung ang isang kailangang bagay ay maaaring gawin sa simpleng paraan ngunit mas gusto mong gawin ito sa kakaiba at magarbong paraan, hindi na ito pangangailangan kundi luho na dapat ng tigilan.
W2P #114
Financial literacy 101: Kuripot o Praktikal
Kapag ayaw mong gastusan ang isang bagay na hindi naman pangunahing pangangailangan, hindi malaki ang kahalagahan at mistulang kalabisan lamang, hindi ito kakuriputan kundi pagiging praktikal lamang.
or
Kapag ayaw mong gastusan ang isang bagay dahil hindi naman pangunahing pangangailangan, hindi sulit ang halaga na gusto mong makuha, walang malaking importansiya, at mistulang kalabisan na lamang, hindi ito kakuriputan kundi ito ay isang pagiging praktikal lamang.
W2P #115
Financial literacy 101: Makabago o Makamundo/Materyalistoko
Kapag mahilig kang maki-uso sa mga nauusong kagamitan, maaaring nagiging makamundo ka na lamang sa halip na makabago. Tandaan mo, hindi lahat ng bago at uso aykailangan mong bilhin. Gamitin mo ang pera mo sa mas pangangailangan mo.
W2P #116
Sentimental vs Praktikal
Maganda ang maging sentimental dahil ang mga ala-ala na iyong iniipon ngayon ay malalaman mo ang kahalagahan pagdating ng panahon. Walang problema kung magpakasentimental tayo sa mga bagay-bagay ngunit kapag ito ay hindi na praktikal, kailangan nating mag-isip kung tama pa ba ang pagiging sentimental.
W2P #117
Ang pagmamahal ng isang ama ay ang pagtugon niya sa pangangailangan, pagbibigay ng kaligayahan at pag-iingat sa kapakanan ng kanyang mga anak. Mahirap man ay ginagawa niya ang mga ito dahil siya ang tinitingala, sinasandalan, pinagkukuhanan ng lakas ng kanyang mga anak.
W2P #118
A father’s love is: he’s providing the needs, giving the happiness and protecting the welfare of his children. Though it might difficult but he is enduring these for he is the source of strength, shoulder to lean on and inspiration to look up by his children.
W2P #119
PARINIG
May mga tao na mahilig magparinig. Kapag mayroon silang gustong hingin o kaya’y kapag mayroon silang sinasaloob ay nagpaparinig sila. Isang ugali ito na hindi maganda dahil ang magpasaring ay parang taong kulang sa aral, kulang ang pag-iisip, may mali sa pakikipag-kapwa-tao, at malapit sa gulo.
W2P #120
INNUENDO
There are people who love to insinuate. When they have something want or they feel
something not good, they will make indirect remarks. Innuendo is personality of impolite behavior,
immaturity, inappropriate social interrelation, illmannered, and spiteful demeanor.
WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #101 - W2P #110)
W2P #101
Some posts in
social media just flaunting of self goodness and getting of attention are
irritating. Like excessive posts of
personal apparel and sensuality that are just promoting their looks, latest
gadgets, fine dine-in tours and properties that show wealth and awards and self
creations are just telling of skills and talent. In excess of doing these, they are annoying.
W2P #102
Some netizens are
just over using the freedom of expression and democracy to do online
harassment, negative criticism, bullying.
Be responsible, be kind while critical so that you can teach by leading
an example.
W2P #103
The difficult thing to do is when you cannot say what you really wanted to say most. It is just a matter of lip away.
W2P #104
SAKTO LANG
Kahit anong galing ng isang tao sa trabaho, kahit gaano siya kadeboto at kahit gaano siya kasipag ay hindi ko siya nagagalingan kapag hindi naman siya tapat. Ganun din naman kung kahit gaano pa kabait ang isang tao kung hindi naman siya produktibo. Hindi sila dapat umentuhan at itaas ng ranggo.
W2P #105
Career Guidance 101: Model Employee
No matter how competent, loyal, hardworking and reliable
the man can be in his work, still he cannot be the best employee and not
deserved to promote if the man is deceitful.
In the same way a man who is so punctual and kind but not productive.Cheating, stealing and tricking your company
are not fair.
W2P #106
Kadalasan kapag ang isang tao na mahilig mamintas at madaling manghusga, kapag sila na ang gumagawa ng mga bagay na ipinintas at naging husga nila ay nagiging parang tama lamang. Mabilis tayong makakita ng mali ng iba ngunit ang sarili nating mali ay di natin napupuna.
W2P #107
Nakakaawa ang mga tao na madasalin, mahabagin at makaibiganin ngunit may ugaling mapanghusga, mapamintas at matalas ang dila dahil hindi sila magbabago. Dahil ang buong akala nila ay mabait na sila.
W2P #108
Napakasagwang makakita ng isang taong pala-tawag sa Diyos
ngunit alam na alam mong may masamang ugali.
W2P #109
At least on a personal level, what I feel proud of myself is my independence and affirmation. I don’t want anyone dictate, control and hold my neck to become submissive. I have my own mind and backbone to stand on my own. I am not sidekick, henchman, and stuff of anyone. – I’m free.
W2P #110
NAGMAMAGANDANG-LOOB O NAGPAPALAKAS
Sabihin mang masunurin lamang, hindi dapat nagpapa-ilalim sa kung sino pagdating sa personal na buhay. Iyung tila ba hawak sa leeg at nagiging sunod-sunuran na mistulang alalay na taga-sunod o alipores na taga-aliw. Hindi kailangan magpadikta sa sinoman dahil ang kalayaan ay kayamanan.