Monday, September 26, 2011

TAKING CARE YOUR HEALTH

A couple of two years ago, I used to maintain the 67 kilograms of my weight.  That was actually my normal weight for several years and I am glad to maintain it as ideal for my height of 174 cm.  I had no diet to follow then, but I made sure that I was eating more on vegies although on very seldom occasions I consumed pork, beef and chicken meat.  And as long as I do my work out regularly, I feel confident with this.   But after a year or two, I have observed my going up weight.  When I reached the 70 kilos, I was already alarmed to start watching my health but it seemed that no matter how hard exercises, the numbers are slowly growing.  Although my blood count was still within the ideal range but it was moving closely to the maximum.  Until I reached 76 kilos last summer 2011, I decided then to have my annual blood test to find out that I am already exceeding the normal limitations of my cholesterol and triglycerides level. Thanks, my sugar was very good.

Triglycerides level is reported as the main leading indicator to heart diseases and stroke.   All the while, I thought and I always believed that I was still enclosed with the safe range of health.  I do not smoke, vegetables are still my favorites, I do my work-outs, my metabolism can burn faster and although I am not interested in sweets, soft drink, beer and wine, I thought these will free me from health worries.  But I have to admit that for a while, my eating habit has been unhealthy in terms of its quantity.  Upon learning my maximum weight so far, I was always then inspired and motivated to reduce and control my weight by being pro-active.  I forced myself to have 10,000 steps a day and do the 45 minutes of the combined walking and stretching.  Reducing my food intakes was also done carefully and I believed the “once in a while” food trip with friends can be gotten even with my active life style.  I was never as conscious as before on my health not until I received the doctor’s advice.  And the moment I’ve learned the high count of my cholesterol, it really bothered me to religiously follow my diet.  It was not considered very high but it is high enough to give heart attack and the fear of having cardio failure was what really frightened me.

So I made myself decided to embrace the real determination of returning my blood count back to normal and losing my weight to set a goal of 67 kilos again.  It was hard during the first two weeks of diet where the feeling of "not enough" comparing to the habitual food intake, and the thought of craving for delicious foods test my control.  One of the hardest part here is you can see your friends eating your favorite foods while you’re there in the group but alone and feeling out of place.  But every time I look back to the goal I set, recall the dedication I started that might waste, and think the possibility of heart attack - I go back again my to my strong determination.  Considering the fact that I only control the food instead of stop eating the “watch list foods”, that I am not skipping eating, and thinking that it's a matter of healthy meal versus not - these make me enough to discipline myself.  What more important here is I can eat them anyway though it may not this time but soon, and on that time - it is measures.  Anyway, since triglycerides are fats in foods through excessive amounts of carbohydrates, I chose to take more protein, fiber and less carbs and fats as my personal diet with green light from the doctor.

I don’t want to bear the pain of heart attack, become burden to those who’ll take care of me, and besides I cannot afford the medication for heart stroke.  These things really make me reminded to my vow, impose self-discipline and live the determination in myself.  It’s just a matter of getting yourself used of it.  After the first two weeks, my food intake became a normal feeling.  I do not feel empty stomach after hours of my light meal, do not feel envy to see people frequently eating festive foods but instead feel pity and worried for them.  I’ve gained control against food temptation, learned to look at the amounts of foods and check the back label of every food I am buying.   I love myself, I know I can eat again those foods in the right time but for the meantime, I am satisfied to eat the light meal that is good enough for me.  I’ve written some article about health as my support to wellness and fitness, and I have to stand by it by setting an example.  In the end, it’s only me who will solely bear the pain, the finance and the reality of no other will take care my own health except me.


Alex V. Villamayor
September 25, 2011

Sunday, September 25, 2011

MGA TAONG LOYALISTA

Sa pangkalahatan at sa pangkaraniwan, ang isang loyalista ay ang tao na nagpapanatili ng kanyang katapan sa mga bagay na tulad ng pamahalaan, pulikita, relihiyon, kompanya at kapwa.  Sila ay kilala na tapat sa kanilang katapatan na tagasunod, tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga nabanggit na bagay.  Ito ay kapuri-puring katangian dahil sa kanyang ipinakikitang katapan, paninindigan at paniniwala na hindi basta-basta matitinag at mabubuwag.  Ngunit sa isang banda, nagiging mali ang pagiging loyalista kung sa kabila ng katotohanang may kamalian na sa mga bagay na nabanggit ay patuloy pa rin niya itong kunukupkop, inililigtas at iniaangat.

May mga tao na labis kung magturi sa isang tao: idolo, kaibigan o kakilala.  Kung kanyang banggitin, purihin at kilalanin ang mga kagandahan, kagalingan at katangian ay parang wala itong kapintasan.  Mas sikat at mas magaling ang kanyang idolo, mas matalino at mas mabait ang kanyang kaibigan, at mas mayaman ang kanyang kakilala kaysa sa iba – ganon siya kung magdakila sa isang tao.  Nakahanda siyang salungatin ang anumang maririnig niyang hindi maganda laban sa mga tao na pinagkakatapan niya.  Ang mali pa dito ay sinoman na hindi humahanga sa kanyang idolo ay hindi na niya binibigyang saysay, halaga at itinuturi niyang hindi magaling.

Kung ang kanyang pagiging loyalista naman ay nakatuon sa isang samahan o kumpanya, lahat ng pagmamalasakit at proteksyon ay ibinibigay niya dito alang-alang sa ikabubuti ng samahan o kumpanya.  Gagawin niya ang magproteksiyon anuman ang maidudulot nito sa iba.  Pinakikisamahan niya ang mga taong naglilingkod ng maganda sa samahan.  Pinapagaling niya ang mga taong pinahahalagahan at pinupuri ang kanilang samahan na tulad niya.  Ngunit sa sandaling umalis ang isang tao sa samahan nila ay simula na rin ng kanyang pagkadisgusto sa mga taong iyon.  At sinoman ang kumalaban sa samahan nila, mapaloob man o labas ay tinaniman na niya ito ng sama ng loob at galit.

Nakikita at naririnig natin kung paano ipagtanggol ng mga tao ang ilang politiko na sa kabila ng mga ginawang kamalian ay nakukuha pa rin nila itong ipagtanggol at suportahan.  Pilit pa rin silang gumagawa ng dahilan at pinalalabas ang kadakilaan ng mga politikong ito na nagtaksil sa bansa at nanloko sa taong-bayan.  Ginagawan at binibigyan pa ng katarungan mapalabas lamang na tama, magaling at mabuti pa rin ang kanilang kinikilala.  Mistula na silang mga “bayaran” at “linta” na nakakapit-tuko sa laylayan ng palda ng kanilang iniidolong tao.  Anuman ang mangyari ay magaling para sa kanya ang tao, bagay o samahan na kanyang gusto.  Para sa kanya ang paborito niya ang pinaka sa lahat – ganun ang isang loyalista.

Karapatan ng sino mang tao ang pumili at maging tapat sa anomang bagay.  Ngunit kapag nagiging masyadong nakatuon na ang pansin sa iisang direksyon na lamang, kapag hindi na tumatanggap ng paliwanag at kapag nagiging makiling na nagpapakita ng hindi pagiging patas ay kailangan ng itigil ang pagiging loyalista.  Kapag ang katapatan, pananaw at paninindigan ay nasa isang bagay lamang na nagiging sarado na ang kanyang mata sa pagkilala sa kanyang pinapaniwalaan at isip sa pagtanggap ng opinyon ng iba sa kabila ng lahat ng pagkakamali niya – iyun ang malaking pagkakamali sa pagiging loyalista.  Kung sa kabila ng kanyang kamalian ay nananatiling nagmamatigas pa rin siya sa kanyang ginagawa, hindi iyun paninindigan kundi isang kamalian at kawalang ng katarungan.

Walang masama sa pagiging loyalista ngunit kailangang mayroong limitasyon na maghihiwalay sa paggalang sa kapwa at respeto sa sarili.  May kanya-kanya tayong prinsipyo na dapat igalang ng sinoman.  Kung hindi magkatulad ang inyong prinsipyo, hayaan mo lang ito hanggat hindi ito nakakapwerwisyo sa kapwa.  May kanya-kanyang personal na karapatan ang isang tao kung sino ang dapat gustuhin at piliin, kung ano ang dapat gawin, at kung bakit kailangan niyang maging loyalista.  Ang mahalagang isaisip lamang ay ang pagiging patas at hindi nakakasabagal sa iba.


Alex V. Villamayor.
September 24, 2011

Friday, September 23, 2011

PAKIKIALAM SA KAPWA

Sa patuloy kong pakikisama sa ibat-ibang ugali ng tao, mayroon akong nakilala na mahilig magsalita at magsabi ng para sa kanya.  Sila yung sinasabi ang kanilang sinasaloob, nalalaman at kagustuhan bilang pagsasabi ng pwedeng gawin.  Mga salita, payo at mungkahi na kapag pinagsama-sama mo ay lumalabas na pakikialam.  Sila yung tinatawag nating mga pakialamero o pakialamera.

Kadalasan na sa mga alitan ng isang biyenan at manugang ay ang “pakikialam”.  At paulit-ulit na nating narinig sa isang biyenan na sinasabi lang naman niya ang nasa sa loob niya bilang isang pagmamalasakit at pagpapaala-ala lamang.  Subalit alalahanin at aminin natin na ang bawat payo, puna at paalala na lumabas sa ating bibig ay iyun ang gusto nating mangyari at siyang dapat gawin ng ating kausap.  Dahil iyun ang alam nating tama kaya gusto nating sundin o gayahin tayo ng ating kausap.

Kahit ang ina o ang ama sa kanyang anak ay madalas magkaroon ng pagtatalo sa mga bagay na ang pakiramdam ng anak ay pakikialam.  Para sa mga magulang ay mas alam nila ang mga nangyayari dahil sila ang nakatatanda, nakaranas, nakakita at nakakaalam ng mga bagay-bagay.  At ang bawat pagpasok nila sa mga diskarte at pagdedesisyon ng mga bata ay kasama sa kanilang tungkulin at pagmamahal dahil mayroon silang pakialam.

Sa pagkikipag-kaibigan o sa mga magkakasama, hindi maiaalis ang pagiging tahasan sa pagsasalita at walang pangingimi sa isat-isa sa pagsasabi ng mga dapat gawin.  Lalo na kung kayo ay masyado ng malapit sa isat-isa, kadalasan ay wala sa loob na pupunahin natin ang ginagawa ng ating kasama at sa halip ay sasabihin natin ang para sa atin ay dapat na gawin.  Sa ganitong pagkakataon, hindi mo namamalayan na pinanghihimasukan mo na ang buhay ng iyong kaibigan, kasama o kamag-anak.

May mga pagkakataon na habang ginagawa natin ang isang bagay ay maririnig natin sa isang tao na mas maganda ang ganito o ang ganyan.  Kapag narinig natin ang ganun sa isang tao, hindi man direktang sabihin sa atin na ganito o ganun ang gawin natin ay para na ring ganun ang gusto niya na mangyari  – pakikialam.  Kung minsan naman, kapag nagawa na ang isang bagay ng may pagkakamali sa kinahinatnan ay maririnig natin sa taong iyon na dapat ay ganito sana ang ginawa.  Iyun daw ang dapat ginawa dahil iyun ang kanyang matagal ng ginagawa na hindi namamali.  Ang ipamukha ang paninisi dahil hindi yun ang alam mo na dapat sana ay ginawa ay pagdidiktang hindi tuwiran.

Kapag mahilig kang magsalita ng dapat mga gawin at mga dapat sanang ginawa, kapag bukam-bibig mong ipayo ang iyong nalalaman na mas tama at mas magaling – isa kang pakialamera. Kadalasan, kapag naging malapit na sa atin ang isang tao na mistulang kapamilya na ay nagiging palagay na sa pagsasalita.  Kapag naging palagay na ang loob at pagsasalita ay kadalasan na lumalabas na ang pagmamalasakit, pag-aalaala, panghihimasok at pakikialam.  Iyun bang parang ang gusto mo ay madominante, mapa-ikot sa yong kamay at  mapasunod ang iba sa iyo.  Lalo kapag ang isang tao ay marunong at maalam ang tingin sa sarili, mistula siyang ina o ama na magdidikta ng kung ano ang dapat gawin.  Ang nakikialam kasi ay kadalasan mayroong mataaas ng pagpapalagay sa sarili.  Hindi ka kasi magsasabi ng mga bagay na dapat gawin ng isang tao kung hindi mo alam na lamang ang sarili mo sa kanya.  Ganun ang magulang sa mga anak, ang biyenan sa manugang, ang matanda sa bata at kahit na ang amo sa kanyang trabahador.

Magandang sabihin mo na lang kung ano ang iyong punto at hayaan ang may katawan na siyang magpasya ng kanyang gagawin.  Huwag hintayin na sagutin ang tanong mo, makita na ginawa ang sinabi mo at malaman na susundin ang payo mo.    Huwag mo siyang presyurin o gipitin sa gagawin niya dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang pamamaraan ng ginagawa.  Magkatulad man ang inyong pinagdaraanan at ginagawa ay may pagkakaiba pa rin ang diskarte ninyo sa buhay.


Alex V. Villamayor
September 23, 2011
Thuqbah, KSA

Thursday, September 08, 2011

PANINIWALA SA SARILI


Sa patuloy kong pakikisalamuha sa ibat-ibang tao, isa sa mga nakita at nakilala ko ay ang mga taong mabuti ang palagay sa sarili.  Sila yung mga tao na ang alam nila ay nakaangat sila sa kung saan mang bagay ang gusto nilang maging angat sila.  Pabiro man or hindi pabiro, bukang bibig  nila ang kanilang kabutihan, kagandahan o kagalingan upang makapag-iwan ng marka para sa kanilang sarili.  Hindi pagyayabang, pagbubuhat ng sariling bangko o kalakihan ng tiwala sa sarili kundi iyun kasi ang gusto nilang mangyari sa kanilang sarili.

Kung ang tawag nila sa kanila ay maganda ang kanilang hitsura, iyun ang paniniwala nila dahil gusto nilang ipakita sa mga tao na sila ay hinahangaan at ginugusto ng marami.    Mabuti ang kanilang hanap-buhay at pinagkakakitaan dahil simbolo iyon ng katayuan sa buhay na gusto nilang ipaalam sa nakakakilala sa kanya.  Sila ay magaling – sa mga pananalita at pagsusulat tungkol sa kanyang kaalaman, pananaw sa buhay at sa trabaho ay magagandang inglis ang kanyang sinasabi at isinusulat, malalalim na situwasyon at pananaw ang kanilang gustong ipaalam ngunit sa pag-itan ng mga salita at pangungusap ay mayroon pagkukulang.  Hindi naman kasi talaga iyon ang kanyang nasasaloob kundi pilit na humiram ng kaalaman sa mga nababasa at naririnig kaya ang kanyang mga sinabi at isinulat ay mukhang pilit na pinapagaling.

Ang isang halimbawa ay ang naging kasamahan ko na ang palaging ikinukwento sa ibang kaibigan at kasama ay kanyang pagiging isang magandang lalaki.  Marami siyang mga kuwento na marami ang nagkaka-gusto sa kanya na halos ay iwasan man niya ay pilit siyang hinahanap at pina-iibig. 
Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya ay hindi naman siya talaga magandang lalaki.  Maaring sabihin na mayroon siyang kahit papaano ay maayos na katangian ngunit hindi masasabing sapat iyon na maging kaibig-ibig siya tulad ng lumalabas sa kanyang mga kuwento.  Maaaring ang akala kasi niya ay magandang lalaki siya.  Mayroong kapansanan ang isang bahagi sa kanyang mukha, kung kumilos siya ay parang  wala sa edad, ginagayakan niya ang kanyang sarili upang umangat at makita ng mga tao at madalas kong mabasa sa kanyang kilos at pananalita na lumilikha siya ng mga kilos para siya ay mapansin.

Madalas siyang magkuwento ng mga taong nagiging malapit sa kanya, kapwa man niya lalaki o ibang lahi.  Ganuon kalakas ang kanyang paniniwala sa kanyang saarili.  Ngunit sa aking pagkakakilala sa kanya base sa kanyang mga kilos at ugali, maaring nagpapakitang motibo siya sa mga tao upang mapansin siya.  Naiisip ko, paano ngang hindi siya mapapansin kung sasadyain niya ang mapansin dahil hindi siya makapaghintay na kusang mapansin?  Kung ang kilos niya at pag-aayos ay sinasadyang maging kapansin-pansin, bakit hindi nga siya mapapansin, kilalalin at maging kasama sa buhay?  Wala sa kanyang mga sinasabi ang totoong pagkatao niya.  Kung sinabi niya na ang buhay ay ganito o ganyan, iyun ay dahil iyun ang nangyayari sa kapaligiran at hindi ang kanyang paninindigan sa usapin.

Maaaring nasasabi niya ang lahat ng mga iyun dahil iyun ang kanyang akala, o dahil iyun ang kanyang gustong mangyari – ang kanyang ambisyon.  Sinasabi niya ang ganuon dahil ang gusto niya ay mapunuan niya ang kakulangan niya, o gusto niya na nakalalamang at naka-aangat siya sa mga kilala at kagrupo niya.  Siguro ay pagtakas sa katotohanan o para masubukan na maranasang madama ang pangarap.  Marami sa paligid natin ang mga taong katulad niya, iyung may mga may maling akala na patuloy na naniniwala na ang palagay sa mga sarili nila ay tama, mabuti, magaling at maganda.  Sila ang mga nangangarap ng gising sa inaambisyong pangarap, sa araw-araw kong pakikisalamuha sa mga tao ay nakikita ko ang nangingibabaw na ugaling may labis na paniniwala sa sarili.

Ni Alex V. Villamayor
September 7, 2011
(d.o.ring)

Monday, September 05, 2011

PAANO NGA KAYA?

Paano kung isang araw ay biglang sinabi ng mga kapatid nating Muslim sa Gitnang Silangan na kailangan nilang piliin ang mga papasok at magtratrabaho sa kanilang bansa?  Nang marinig ko ang “balitang” ito may dalawang araw na ngayon, bigla kong naisip ang katanungan na ito: paano nga kaya kung sinabi nila na ang mga hindi Muslim ay kailangang paalisin na?  Dahil bilang mga bansang Muslim, karapatan at tungkulin nilang panatilihin at proteksiyunan ang kasagraduhan ng kanilang lupa sa pamamag-itan ng paniniwala nilang kailangan malinis at naaayon ang sino mang paparito sa bansa nila upang hindi madungisan ng ibang paniniwala.

Bilang isang Kristiyano na naririto sa bansang-Muslim, isa ako sa mga madadamay kapag nangyari nga ang ganuong sitwasyon.  Marahil ang marami sa amin ay hindi handa sa ganitong kaganapan, kahit na yung ibang lahi na nagpunta rito upang magtrabaho.  Maaaring ang karamihan sa amin ay hindi papayag na lisanin ang kanilang trabaho na pinagkakakitaan nila ng malaki at bumubuhay sa kanilang pamilya sa.  Dahil ang totoo naman kasi nito ay kailangan nila ang trabahong binabayaran ng malaki na hindi makikita sa sariling bansa.  Wala na ngang trabahong makita kaya sila umalis sa bansa nila at hindi nila kayang kitain sa bansa nila ang kinikita nila dito sa Saudi Arabia.

Ito ang madalas kong ipunto nuon sa mga kaibigang nakaka-usap ko na kailangan namin sumunod sa batas dito at igalang ang kanilang paniniwala.  Madalas ko kasing marinig nuon sa mga nagiging bagong kasamahan ko dito sa Saudi Arabia, at kahit na yung mga dito na tumanda, na sinasabi nilang kailangan ng maging bukas na bansa ang Saudi Arabia.  Na kailangan ay payagan nang maykaroon ng simbahan ang mga Kristiyano, bukas sa pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin tulad ng Paniniwala, kultura at tradisyon. Magkaroon ng kalayaang magkasalamuha at magkadaupang-palad ang mga lalaki at babae sa iisang pagtitipon, pagkakaroon ng kalayaang makapag-libang sa pamamag-itan ng pag-inom ng alak o sugal.  Ang madalas kong sabihin nuon sa kanila – hayaan na nila ang mga iyon dahil iyun na ang kanilang paniniwala at kaugalian ilang libong taon na ang nakakaraan.  Sana kung ano ng narito at kung ano ang dinatnan nila dito ay hayaan at igalang na lamang.  Ang paniniwalang kailangang putulin sa simula pa lamang ang magiging ugat ng kamalian, bakit pa papayagan na magkaroon ng magiging ugat ng pinapaniwalaan nilang mali, kung kaya hindi nila pinapahintulutan ang mga nabanggit – ito ang isa sa mga hinahangaan kong paniniwala ng mga Muslim dito sa Saudi Arabia.

Nuon ko pa sinasabi sa mga kaibigan kong mayroong mga sentimientong tulad nito na sa Pilipinas pa lamang ay alam na naman nila na ang pupuntahan nilang bansa ay ganito, kailangan na nilang tanggapin pa iyun bago sila magpunta dito.  Unang una ay bakit ka pa nagpunta kung hindi pala trabaho ang sadya mo kundi pakikipaglaban sa adbokasiya mo o kaya ay ang pagsasaya?  Bilang isang hindi Muslim, wala tayo sa posisyon na magsabi na hindi tama ang mga iyun at ang dapat ay ganito ang mga tamang gawin.  Hindi ganuon kasimple ang usapin na ito na panahon pa ng isinusulat ang Bibliya ay pinagtatalunan na – ganuon ito kalalim na usapin.  At saka bilang panauhin lamang, hindi tayo dapat mag dikta ng mga dapat mayroon at gawin dito sa bansang ito.  Mabuti nga at pinapayagan tayo na makapunta dito dahil kung tutuusin ay hindi nila tayo katulad.  Kung iniabot sa iyo ang kanang kamay, huwag mo ng sunggaban ang kaliwa.

Ang madalas sabihin ng ilang kapatid sa Pananampalataya, walang pinipiling lugar ang pagdakila sa Panginoon.  Ang sabi, kung talagang malakas ang iyong pananampalataya ay kahit kamatayan ay haharapin mo maihayag lamang ang mga salita ng Diyos, maipakita at magampanan mo lamang ang iyong pananampalataya.  Sa palagay ko ay hindi kataksilan ang hindi magsagawa ng paniniwala kung alam mong ikaw ay nasa isang lugar na walang kakayahang isagawa ang mga iyon.  Hindi kataksilan sa iyong pananampataya kung hindi mo magampanan ang iyong tungkulin na magpakita ng pagsamaba dahil alam ng Diyos kung ano ang nangyayari sa iyo.  Hindi mo kaya huminga sa ilalim ng dagat kundi ang kailangan mo ay lumangoy papaitaas.

Hindi naman sa sinasabi kong wala akong pagpapahalaga sa relihiyon na aking kinaaaniban.  Hindi ko sinasabi at sinasang-ayunan ang hindi pagsamba, pagdakila at pagkilala sa Diyos na aking kinikilala.  Ang gusto kong ipaliwanag at ipaalam ay kung ano ang nasa isip, kalooban at puso mo ay alam ng Diyos lahat.  Alam Niya kung ano talaga ang nararamdaman mo kaya hindi maaaring sabihin nino man na wala kang pananampalataya.  Kung pumapabor sa iyo ang pagsupil ng pananampalataya mo dahil nabibigyan katarungan ang iyong kawalang interes na magpahayag ng paniniwala at nagiging dahilan upang maging malibre ka – iyun ang toong kasalanan.


Alex V. Villamayor
September 5, 2011