ARTICLE-2 UNEXPLAINED WEALTH
Ang Power ng SALN.
Sa unang tingin, parang simple at maliit na bagay lang ang SALN na basta makapag submit lang para masabing sumunod sa kautusan pero hindi pala ito ganun-ganun o basta-basta lang. Malaking bagay pala ito kapag nakitaan ka ng parang may mali, dahil ang SALN ang simula ng mga katanungan hanggang mapupunta sa pagsasampa ng kaso. Sagrado pala ito na dapat ituring na siryoso. Tandaan na marami na ang napahamak sa hindi pagbibigay ng tamang SALN. Ang SALN kasi ang nagsasabi na may mali kapag hindi tugma ang SALN ni VPS sa mga nakikita ng tao sa ikinikilos niya tulad ng napakadalas na pag-alis ng bansa na hindi magagawa kung base lamang sa suweldo niya bilang VP, kailangan ngang imbestigahan. Dahil maaaring ang mga nakukuha niyang pera sa Confi Funds ay ang siyang ginagamit niya sa paglabas-labas ng bansa at pag-gastos sa ICC ng ama.
Mali-maling SALN.
Mula 2021-2025 SALN ay paulit-ulit na walang cash on hand/bank ang VP, ang maling mabilis na paglaki ng yaman, may mga negosyo siya pero hindi naman daw "stock holder" si VP sa kumpanyang pag-aari niya na nakadeklara sa SALN. Pwedeng sa ordinaryong mamamayan ay wala itong halaga at tanggapin na nakaligtaan lamang pero hindi sa isang politikong galing sa dinastiya. Ayon sa batas, bawal magnegosyo ang VP habang nasa katungkulan-nakita ito sa SALN. Kung VP ka at hindi mo dina-divert ang mga kumpanya na nasa SALN mo, conflict of interest na agad ito. Nalaman din na ang daming dumadating na pera mula sa iba't-ibang soure halimbawa sa China pero wala sa SALN. Ang tagal na nila sa politika at gobyerno bakit hindi nila siniseryoso ang conflict of interest? Sa ilang taon na pag-submit ng SALN ay paulit-ulit na mali ang nakikita at isisisi na lang ba ang mga pagkakamalingiyon sa mga gumagawa ng kanilang SALN? Kung isang beses ay pagkakamali, kung dalawang beses ay may pattern na ng pagkakamali, at kung tatlong beses o higit pa ay nakagawian na talaga ang pagkakamali.
Ang Bank Secrecy Law vs AMLC.
Naiintindihan at nagpapasalamat ako sa bank secrecy law dahil protektado nito ang bawat isang depositor. Pero kung paliralin ang secrecy na ito nang walang pasubali ay kung ganun ay magagamit pala ito sa masamang intensiyon - paano malalabanan ang mga gawaing kriminal? Walang mapaparusahan, walang mali ang maitatama, walang aral na matututunan, wala ng magsusumbong, at wala ng mai-impeach. Hanggang saan ang literal na ibig sabihin ng sekreto sa lahat - palagay ko kapag taong-bayan na ang naargabiyado. Tayo na ang nasasabi na sa bawat batas ay may exemption, hindi ba't mas lalo ito dapat gamitin dito sa napakalaking kwestiyonableng bank account? Kung ganito kalaking mga katanungan ay di ba dapat lang na tingnan na? Ang katotohanan ay hindi dapat kumpidensiyal at isinisekreto, Sagrado ang bank secrecy law pero mas sagrado ang moralidad natin. Ang karapatan ng isang tao ay nawawala kung ang karapatan naman ng mas nakararaming tao ay natatapakan. Kasi kung sa ginawa ng isa o ilang tao ay ang buong taong-bayan ang apektado, di ba mas dapat lang na gobyerno (AMLC) ang magtanggol sa taong-bayan? Ano ang silbi ng kapangyarihan ng AMLC kung wala itong kakayahang protektahan ang karapatan ng nakararaming taong bayan?
Malaman ang Article-2.
Sa lahat ng article of impeachment ay itong article-2 ang malaman. Maraming sikreto ang nalalaman tulad ng hindi tugna-tugma o mga mali sa SALN, ibat-ibang negosyo at pananalapi na hindi dapat kasama ang VP habang siya ay VP, tumatangap ang suweldo mula sa Davao habang VP na siya, mga nakakalulang laki ng pera at ari-arian, at ang maraming bank accounts ng VP at pamilya nito. Nalaman din natin na totoong ka-may-ari ang VP ng GenCorp sa kanilang bayan, na hindi daw pala alam ng pinunong-bayan na kapatid ng VP, at ang napakaraming milyones na kwestyonable. Dito pa lang ay ok lang kung hindi na ituloy ang article-3 dahil dito pa lang ay umaapaw na ang kataku-takut na anomalya. Hindi pa nakasama dito ang mga aligasyon ni Trillanes na maiimbesitgahan sana kung natuloy ang kanyang pagtestigo. Tulad ng 380M na perang galing China ang pumasok sa Calle88 na pag-aari ng asawa ng VP, at ang joint account ng mag-amang Duterte sa BPI Julia Vargas branch na may 193M cash withdrawal sa lob ng 1 araw lang. Maraming pasabog ang article-2 at sa dami at laki ng halaga ng pera na ibinulgar dito ay ito na ang pinakamalakas na naging kasalanan ni VPS.
Takeaway: Pera at ang mundo ng kapangyarihan ang kabubuan ng article-2. Pera, napakaraming pera, napakalaking pera. Maraming bank account na milyones. Kapangyarihan, dahil sa lakas ng kapangyarihan mula sa probinsiyang Davao hanggang sa buong bansang Pilipinas ay napakadali para magkamal ng mga negosyo, pera, at ari-arian. Dahil sa kapangyarihan ay napakampante, na ang matagal na nilang ginagawa at ugali sa bayan nila sa probinsiya ay dinala sa national level, sa pag-aakalang walang sisita dahil nga sa kapangyarihan.