Showing posts with label Wellness (Health Medical Nutritional & Sports). Show all posts
Showing posts with label Wellness (Health Medical Nutritional & Sports). Show all posts

Friday, July 25, 2025

CHECK YOUR NUTRITION

Because July is nutrition month, so here is my diet plan that I follow for many years now. First disclaimer, I am not in medical field and not a health guru to claim my practice is correct and this is not unsolicited advice but it's rather a share of a matter how I do my diet that works for me. Second disclaimer, I don't have excellent health because I have medical maintenance for hypertension which for whatever reason I do not know how come, despite I'm always having generally good results of complete blood check tests.


Let say we have 30 days in a month, on average of 20 days of which are my no rice day. This is how I dispell the claim "rice is life". 20 could be the average because there are weekends that I do not eat rice at all and there are few days during weekdays I eat congee, or the starchy potatoes, corns, or pasta. I don't like to totally cut carbohydrates because this is the source of energy but I have to really limit seriously this culprit of diabetes. Although lately I am into Filipino "silog" dish once a week because it serves my source of fish nutrients.


Bitter melon and leaves, bottle gourd, monggo, bok choy, eggplant, cabbage, water spinach are my main menu in a week. When there is excess in budget, I get other leafy vegs such as broccoli, lettuce, celery, parsley, and kale. Can you imagine how I managed to get used to alternately eat them in breakfast and lunch in weekdays, using chicken breast to taste? Dinner could be same or alternate is brown bread or an available fruit. I do have sardines once a week. Almost all-times I don't have soda drinks, no processed foods, no junk foods, and no sugary snacks. And same goes with red meat like beef, pork, and their internal organ.


By the way, I do not have books and not using measurements when I do my diet. Let just put it in this way - this is my guiding dogma: keep away from sweet, salty, and fatty. That is it, just be in the look to know what foods are these. Keeping my eating habit in this way, I do not feel afraid when I eat out with friends for lunch or dinner. The guilty feeling I am still struggling to control is more black coffee and sometimes some sweet when I cannot say no to friends. And one thing more when dining in, having sweets, salty, and fatty: know the boundary. I have to know the line when it is the genuine occasionally and when it is too much. When I said I have a full meat dish once, this is not once a week but the least could be once a month.


This is how I do my diet. And then these efforts should be done simultaneously with workout. Workout doesn't mean going to gym to gain muscles or playing sports in courts or fields. Workout can be simple run, jog, or walk; as long 

as the calories are burnt. My way of burning is walking and I do not have to exaggerate it by walking hours. A consistent at least 30 minutes of minimum 4 days in a week is my goal.


Your source of nutrition is in right quantity and quality because you are what you eat and it pays off. For decades now, I have maintained my ideal weight, I do not easily get sick, I don't have underlying medical or health condition or chronic disease. And not to mentionel gout, arthritis, rheumatism up to this age, and sometimes I forgot my age when lifting heavy objects and walk the miles.


All these things and my writing, and my job give me the life-balance I am usually doing in long years now. Taking care our health to be in good condition is not just a matter of avoiding illness but also taking less worries and burdens to your loveones, enjoying the life without complaining body aches, and empowering your financial capacity because really health is wealth.

Friday, January 24, 2025

 DOING MY DIET ROUTINE

You are what you eat. Surely you will become underweight and skinny, get skin dryness, muscle loss, and have mental retardation when you eat less excessively. On the other hand you will become overweight when you eat too much.  You'll get cancers when you eat more red meat, you'll have heart disease and stroke, diabetes, and kidney stones failure when you eat more fats, cholesterol, sugar, and sodium. Eating too much is really not good but those scrumptious, tasty, and aromatic foods are indeed so satisfying, very tempting, and addictive to eat again and again.  So, how do I resist tempts of eating them over and over again?  I am not a fan of measuring every calorie intake.  I do not read nutrition books by heart from A to Z and follow those health tips religously.  I am just using calculation and estimate only.  Here how I do my diet routine to handle tempts:


First: simplicity.  I made it simple.  My meals are basic, they are fast and easy. Whatever I cooked for breakfast is also for my lunch and if there is excess it will be for dinner, and they are all vegetables-based.  I do it every day during weekdays, and that would be at least five days in a week.  Take the foods in natural as much as you can - do not overdo with so many flavors, and not processed.


Then, I control the rice and the source of my carbohydrate by removing them on my meals.  I can just have them back when weekend but sometimes I can pass them because my body is already used to omit them in weekdays. Train yourself to always go back to the basic.


Second: watch sweet, fats, and sodium.  I stay away from sweet not because I have diabetes but I just don't like sweet.  I don't put sugar, creamer, or milk on my coffee or tea and I don't buy soda for drinks, or cookies, doughnuts, and confectionery for finger foods, and etc.


I don't have uric acid, gout, and heart problem why I avoid red meat, meat products, entrails foods, and pastries but because I am not a fan of those rich in cholesterol and saturated fats foods.


Processed foods are usually not in my list when doing grocery.  You will not find canned foods, instant noodles, and junk foods in my basket because I just want to avoid sodium.  Possible in very rare instances  as added ingredients but normally not.


Third: make reservation. I start the day without taking sugar, fats, rice and meat in the morning.  I simply control my foods in the morning.  Why, because I am not sure if I can eat any of them until the rest of the day like when lunch or dinner comes, or even meal times, someone will invite me for lunch out that I cannot say no to.  Almost everything we eat from market has sugar, salt, and fats so as much as possible I avoid eating those foods in my daily routine.  I did not totally  cut eating fancy foods but surely it is in very occassional times.  I am happy for that and I don't feel I am depriving myself.  Learn to know what occassional really means.


If I do all these things in at least five successive days, then I will not be guilty if I eat festive foods once, twice, or even trice in the next few days and no huge impact on my health because to sum up, my five days dietary routine still weight more.  And this is exactly the reason why as much as possible I do not always accept all invitations to parties because more often than not, the foods on these events are processed, more cholesterol, and sweet.  If you will always go to every dining for the sake of being in the loop, believe me you cannot really control your diet.  Definitely we know when we are having too much but the question is how to put stop on it, and here will take how you use discipline.

Tuesday, November 08, 2022

MY NECK (CERVICAL DISC DISORDER)

 




Recently, I had cervical disc disorder surgery. Two discs were replaced in my neck. The discs in my cervical spine are breaking down due to wear and tear, because of poor posture, aging, and nature of work.
I did not expect I had bad posture. Today, my doctor told me I have to use low pillow to align my neck from my body. Then I realized yes I may cautious when I am standing and sitting but I forgot, my body posture is not good when I am sleeping because of high pillow that I love to use. Eight hours for many years, I am sleeping in the wrong posture. All those years I was sleeping the wrong way.

So guys, make sure to use the correct pillow.




Friday, September 02, 2022

CERVICAL DISC DISORDER

(in Tagalog and English)

Sa nakalipas na halos tatlong taon ay dinaradamdam ko ang pamamanhid ng kaliwang braso ko tuwing nagigising ako sa umaga, pero kapag bumangon na ako ay nawawala na hanggang sa bnuong maghapon.  Wala akong nararamdamang permanenteng pananakit o iyung pananakit na laging nariyan pero sa loob ng halos tatlong taon ay mayroong paminsan-minsan at madalang na sakit akong nararamdaman sa may batok ko. Iyung parang kapag binanat mo ang isang laste at itinama mo sa iyong balat – ganun ang klase ng sakit na nararamdaman ko: mabilis, maiksi, kayang tiisin, at talagang pasumpong-sumpong lamang kung sumakit.

Tumagal ito ng tatlong taon na hindi ko inintindi dahil sa pandemniya na ang magpunta sa ospital ay mabusisi at delikado nuong ng COVID-19.  Hanggang bumuti ng bahagya ang sitwasyon ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na ipatingin ito sa duktor.  Nu’ng una ay Carpal Tunnel Syndrome ang suspetsa.  Operasyon ang lunas dito pero kailangan munang imbestigahan at daanin sa gamutan kung makakayang mawala.  Sa loob ng isang linggo ay may mga gamot na ininom at may tatlong sessions ng injection ang ibinigay sa akin pero hindi nawala ang pamamanhid ng aking braso.  Sinubukan kong magpatingin sa ibang doctor. Triggered finger ang suspetsa pero muli ay kailangan akong dumaan sa X-ray at gamutan bago operahan.  Hindi rin nagamot sa loob ng isang linggo kaya kinailangang sumalang ako sa mas-masusing MRI.

Sa resulta ng MRI ay may nakitang mga tumigas na tissue na kumakapal at sumisiksik sa cervical cord ng aking leeg.  Ang sabi ng duktor ay mahalagang alisin ito agad ito dahil delikado na ang ating spinal cord ay may gumambala.  Nakukuha daw ito sa hindi magandang postura tulad ng palagian at matagalang pagsusulat, paggamit ng cellphone, at uri ng trabaho, minsan nabugbog ang spinal, at ang pagkaka-edad.  Siguro ay dahil na rin sa tatlong taon ang nakalipas ay hindi na kayang alisin sa gamot ang kumapal na tissue at dahil matagal na naabuso ang aking spinal cord sa leeg ay kailangan na itong lagyan ng disc.

Naalaala ko na may panahon na may tatlong taon na ako ay naka-upo nang pasalampak sa sahig at ilang oras na gumagawa sa aking computer ng aking mga isinusulat, palagay ko ay duon nagsimula ang maling postura ko.  Idagdag pa na ang aking hanap-buhay ay maghapong nagsusulat sa computer kung kaya malamang ay naabuso sa pagkakatungo ang aking cervical cord sa leeg.

Maayos na naisagawa ang operasyon. Nagpapasalamat ako at nangyari ang operasyon nang walang masasakripisyo sa aking mga kakayahan.  Maraming kabigan ang nangumusta at sa aking pakikipag-usap, ilan sa mga kaibigang nasa ibang bansa ang nagpatanto sa akin ng kahalagahan ng tulong medikal ng gobyerno.   Mapalad sila dahil sa bansa na kinaroroonan nila ay wala silang iintindihin kapag nangangailangan sila ng pagpapaospital hanggang sa pagtanda nila kaya wala na silang plano na magbalik sa Pilipinas.  Mabuti na ngayon ito nangyari sa akin nang wala akong iintindihin sa mga bayarin, pero paano kung kapag namalagi na ako sa sariling bansa na ang magkasakit ay napakamahal, sino ang sasagot ng aking pangangailangang-medikal?

============================

For three years, I have been enduring the numbness on my left arm whenever I wake up every morning, but disappears when I get up from bed until the rest of the day.  During the years, I don’t feel permanent and prolonged pain but there were occasional, short, fast and bearable pains.  The pain is like when you stretched a rubber bond and hit your skin – that is the kind of pain.  They are just short and fast.

It lasted three years because of the pandemic, times that going to hospital is meticulous and freighting during the height of COVID-19 cases.  Until the pandemic situation became better, I had the chance to go to hospital and see the Internist.  My main complaint was the numbness on my left arm.  First, it was suspected Carpal Tunnel Syndrome.  Surgery may require but I had to undergo first one week medication and three sessions of injection for my bones.  Nothing changed.  I need to go to another hospital.  Triggered Fingers was the initial suspect but then again I have to undergo medical tests like x-ray, complete blood chem., and a one-week medication.  Again, it was not cured, and so I was referred to a neurologist.  I was scheduled to undergo to the more advance MRI Scan.  And the result showed that there are hard and thickening tissues that are compressing to my cervical cord of my neck.  This is the result of bad posture, nature of work such as longer computer work, writing and long use of cell phones, trauma on shoulder and neck, and the inevitable aging.

The symptoms in our hands and arms are connected to our shoulder and these hard tissues cause the numbness of the arms.  In three years of no medical treatment, this made the tissues thickened that cannot remove thru medication, and this abused the spinal cord of my neck and it will need discs to support it.  The tissues should not touch the spinal cord and an urgent surgery is needed.

So I have to take the pre-operation procedure.  ECG, CBC, x-ray, and all vital signs are good so there is no reason not to perform the surgery.  I was slept.  The last thing I remember, they were putting breathing apparatus on my nose and mouth for me to inhale and the next thing knew, I heard there were voices calling my name to wake me up and informed me that the surgery was success.

My take away here, I am still fortunate to have undergone this surgery without losing any of my capacities, and have this while I am in a place where I don’t have to worry for the medical assistance.  My realization now is what if in the near future when I settled for good in my home, who will assist me in my medical needs in a place where getting sick is very expensive thing.

Monday, July 20, 2020

LIVING UNDER PANDEMIC


In these times where virus spread so fast and it is difficult to know who infects who, maybe we need to treat ourselves asymptomatic. By doing so, we will be careful, considerate and responsible in interacting with our family, friends, and colleagues. And in that way, we will strictly wear mask, do social distancing, keep ourselves clean and control meeting other people.  Because asymptomatic person doesn’t show any symptoms, we become complacent to interact as normal with others without knowing that actually we are already infecting other people.  If we care about the condition of other people, just for now during this pandemic, we will keep away from visiting our relatives, friends and neighbors that might get infected from us.  Let us be considerate and sensitive.  

Before we visit them, it is important to consider their situation.  Let’s take into consideration that we might bring them the virus.  Let us think the financial needs they will spend for medication.  Let us have mercy on the physical pain they will endure fighting the virus.  Let us respect the effort they exert just to protect themselves against virus.  Let us also think about the welfare of other people not just yours.  Don’t be selfish to satisfy your own interest of visiting them without considering if they want people visit them in these days.  Maybe we might just pass them the virus.

It is still important maintaining social distance even with people close to us like friends and colleagues because somehow social distancing separates us from potential virus carriers.  It reduces the risks from certain contamination.  Keep distance.  Remember, we don’t know who has infections, so avoid too close distance from our peers.  Be it in work or personal matter, let us discourage face to face talk.  There is zoom and telephone in works and social media for relatives and friends.  To those of us at home who inevitably get close with our family, the most we can do about this is to practice good hygiene.  Every time we come home from shopping, work and travel, we have to clean our hands or better take a bath.  Our hands are one of the easiest ways for the virus to get into our body through the mouth, nose, and eyes.  When we eat, scratch our nose or even the eyes, we can get the virus through our hands.  Do not touch your face with your bare hands when you are not sure they are clean.

Before going to bed, make sure we had shower since we returned home.  Just like with our hands, if our hair is infected with virus, it can pass to our bedding like pillowcases, blankets and sheets that can settle down to our face, mouth and nose.  And we do not know this happening while we are asleep until you will surprise how you got the virus.  To make it sure, it is important to take shower as soon as you came home to avoid the possible transfer of virus to your couch, dining table, faucets, toilet, cutleries, bedroom, etc.

While interacting and taking with other people, we have to wear face mask properly.  It should covers the nose and mouth and do not touch it while in use.  Notice that it is always our mouth and nose we protect the most so wear a face mask when outdoors, when talking and when in the middle of a crowd.  It is our weapon that shields in defense against and spreading virus.  Sometimes we feel safe with our acquaintances and we become complacent.  We do not wear face mask because they are our colleagues, close friends, and relatives.  Shits happen but looking at this sense of over complacence can save our family and society.

Let us be responsible enough.  If it is not really essentials, do not go out.  If we are not feeling well, do not go to work and do not leave home.  It will just cause more disturbances instead of it would have none at all.  Come to think of it: maybe just superficial but if we will just stay at our home for at least three days in a row, this virus that float in the air outside will eventually die down itself.  If we have spent more than four months now sacrificing our economy for that long, then why not three days?

Saturday, June 13, 2020

PAG-ATAKE NG TAKOT


Ito iyung kumakabog ang iyong dibdib kahit hindi mo gusto.  Sa medesina, ito ay dahil tumataas ang endorphins sa iyong utak kaya nagkakaroon ka ng sobrang takot na humahantong sa pagkabalisa.  Natatakot ka pero kahit pigilin mo ay hindi mo makontrol kasi alam mong nasa isip mo iyung katotohanang nakakatakot ang mga nangyyari.  Natakot ka sa mga nagatibo na maaring mangyari dahil sa kasalukuyang sitwasyon.  Nakakadagdag pa iyung ang tingin mo sa mga tao ay tahimik at malungkot kung kaya’t ikaw ay lalong nalulungkot.  Ang tingin mo ay napakababa ng moral ng mga tao kaya dahil dito ay wala kang mapaghugutan ng pag-asa, mapagkuhanan ng lakas at wala kang makitang positibo na magpapataas ng moral mo.

Ito iyung kumakabog ang iyong dibdib kahit hindi mo gusto.  Natatakot ka pero kahit pigilin mo ay hindi mo makontrol kasi alam mong nasa isip mo iyung katotohanang nakakatakot ang mga nangyayari.  Natakot ka sa mga nagatibo na maaring mangyari dahil sa kasalukuyang sitwasyon.  Nakakadagdag pa iyung ang tingin mo sa mga tao ay tahimik at malungkot kung kaya’t ikaw ay lalong nalulungkot.  Ang tingin mo ay napakababa ng moral ng mga tao kaya dahil dito ay wala kang mapaghugutan ng pag-asa, mapagkuhanan ng lakas at wala kang makitang positibo na magpapataas ng moral mo.

May isang taon na ang nakalipas ay dumaan ako sa pagkabalisa.  Biglang-bigla ay nakadama ako ng pagkabog ng aking dibdib.  Ang pakiramdam ko ay takot ako pero hindi ko alam kung bakit ako natatakot, basta ramdam ko ang takot na pabilis ng pabilis ang kabog ng aking puso na ang pakiramdam ko ay hindi ko makakaya at anumang oras ay sasabog at takasan ako ng katinuan.  Nakakataranta.  Pakiramdam na parang mababaliw ka  - iyun ang sobrang pagkabalisa ko.  Ang naging sandigan ko nuon ay isang dasal.  Nagdasal ako sa Diyos upang pakalmahin ako.  Dininig naman Niya, bagamat hindi ganap na tumigil ang aking kaba ay binigyan naman nito ako ng pagkakataon upang tumawag sa isang kaibigan.  Kailangan ko ng kausap.

Sa mga tao na may pinagdadaanang pagkabalisa, alam kong mahirap ngunit gumawa kayo ng paraan na labanan ito.  Una sa lahat, ipagtapat ninyo ito sa isang tao.  Kahit papaano ay may isang tao kayong dapat mapagsabihan dahil kailangan ninyo ng may makakausap upang ang isip ninyo ay mawaglit sa iniisip ninyong takot.  Nakakadagdag din ng kapayapaan ng isip na alam mong may taong nakakaalam at dumadamay sa pinagdaraanan mo.  At makakapagbigay sila sa iyo ng mga payo na hindi mo na maiisip dahil nasa panahong naguguluhan ka.

Nuong panahong inaatake ako ng takot, ang daming mga sumasagi sa aking isip na mga tanong at sitwasyon.  Uuwi ba ako sa bayan ko pero kung uuwi naman ako ay baka lalo akong dalawin ng lungkot at takot dahil nag-iisa ako at hindi ko makayanan.  Baka kapag nakita ako ng mga tao sa amin ay pag-usapan ako na “nag-abroad at umuwi ng baliw”.  Baka pag-uwi ko ay wala akong makitang trabaho at hindi ko mabayaran ang mga obligasyon ko.  Gustuhin ko mang magpatingin sa doctor habang nagtratrabaho ako sa ibang bayan ay hindi ko magawa dahil nag-aalala ako na baka tawagan ng ospital ang aking kumpanya at sabihin na may empleyado sila na nagpapatingin sa isip.  Kapag nalaman nila ay natatakot akong alisin sa trabaho at pauwiin.  Dahil nasa panahon nuon na magpapalit na kami ng kontrata ay natatakot din ako na baka hindi ako tanggapin ng bagong kumpanya.  Iyung sa sobrang takot ko ay nalulungkot na ako sa aking sarili dahil hindi ko malabanan ang takot.  Iyung hanggang sa paghiga ko para matulog ay ramdam ko ang kabog ng aking dibdib.  Ito yung sa sobrang hindi ko makaya ay umiyak ako sa harap ng aking superbisor.

Alamin mo ang iyong pinagdaraanan at kapag alam mo na ay tanggapin mo at hanapin mo ang lunas.  Hindi nakakahiya ang magpatingin sa doktor dahil ito ay hindi “sakit” kundi isang sitwasyon lamang ng pag-iisip.  Kung makakaya mo sa sarili mo lang, mabuti dahil naruon ang katatagan sa puso mo.  Para makalimutan ang takot, mag-isip daw ng mga masayang bagay o pangyayari na nagdaan para muling sumaya.  O isipin ang mga pangarap at plano mo upang maramdaman mo yung kasabikan at malimutan mo ang takot.  Pero ang mga ito ay mahirap dahil nga ang isip mo ay okupado na ng takot.  Sa pagsaliksik ko, natagpuan ko ang isang kilalang duktor na maraming mga payo sa kanyang mga taga-subaybay.  Natutunan ko sa kanya ang tamang paghinga, kahalagahan ng paglilibang sa sitwasyon na ganito, at ang mga natural na lunas sa pagkabalisa.

May nagpayo sa akin na kapag nasa trabaho ako at nararamdaman kong aatake ang takot ay tumayo ako at maglakad upang hindi makasingit ang takot.  Sinusunod ko naman kahit nakakapagod.  Naruon na pagkatapos ng trabaho ay naggagala ako sa labas ng may tatlong oras.  Literal na pinapagod ko ang aking sarili at mahirap dahil bukod sa pagod na ang aking isip sa kakaisip sa kalagayan ko ay pagod na rin ang aking katawan na kahit ramdam kong inaantok na ako sa kakalakad ay nilalabanan ko hanggang sa makauwi ako at makatulog agad ako.  Ginawa ko ang maglakad ng malayo, sa pagpapahinga ay nakikinig ng mahinang musika upang hindi ko maisip ang lungkot at takot, upang makatulog ay nagbibilang mula isa hanggang sa kung hanggang saan makaabot.  Nakatulong din sa kin ang pagkakalipat ko sa bagong kumpanya dahil naging abala ako sa pag-aayos ng mga gamit at naging bago ang aking kapaligiran.  Mahalaga dito ang magkaroon ka ng bago sa paningin upang ang isip mo ay mag-isip ng mga bago.  Ngunit ang pinakanakatulong sa akin ay ang panonood ng mga nakakatawang palabas.  Dito lumipas ang aking mga bakanteng oras hanggang manumbalik ang aking pakiramdam.

Ngayon ay nababalikan ko na nang walang takot ang pangyayaring ito sa akin.  Inisip ko kung anu-ano kaya ang mga dahilan kung bakit ako nakaramdam ng masidhing takot.  Una, pakiramdam ko ay nag-iisa ako.  Dahil sa pagtatapos ng aming kontrata sa trabaho ay nakaramdam ako ng lungkot at takot dahil nakikita ko ang mga kasamahan ko na isa-isang nag-uuwian.  Sa loob ng may tatlong buwan, unti-unti ay nasaksihan ko ang masakit na paghihiwalay ng mga magkakasama sa matagal na panahon.  Habang kami ay pakaunti ng pakaunti ay bigla kong naramdaman ang malaking pagbabago sa aming lugar.  Ramdam ko ang tahimik na kapaligiran, walang saya, walang ingay, walang kaganapan.  Mabigat sa dibdib ang paghihiwalay lalo kung alam mong labag sa dibdib ang pag-alis ng mga umaalis pero wala kaming magagawa.

Isa ring dahilan na naisip ko ay ang pagod sa trabaho.  May panahon na ang aking trabaho ay lagpas hanggang leeg.  Marami, sunod-sunod, mabilisan at lahat ay aking sinarili.  Iyun yung mga araw na hindi pa ako tapos sa minamadaling trabaho ay may mga naka-linya ng susunod kong dapat tapusin.  Iyung magsisimula ako ng maaga pa sa umaga, labing-limang minuto para mananghalian hanggang sa magaalas-cuatro na ay nagkukumahog pa ako.  May mga araw pa na ako ay nag-uuwi ng trabaho upang matapos o makabawas.  Natataranta ako at hindi ko na gustong mag-obertaym dahil mas gusto ko pa ang magpahinga dahil sa pagod.  Iyun yung mga panahong ni hindi ko na makuhang umihi at nararamdaman ko na nuon ang kaba sa dibdib sa mga trabahong baka hindi ko matapos.  Paglipas na lamang ng dalawang taon ay saka umatake ang aking pagkabagabag sa nerbiyos.

Malaki ang epekto ng pandemya na ito tulad ng pagkawala ng mga trabaho, pera, at banta sa ating kalusugan.  Ang laki ng pagbabago sa buhay natin dahil parang lumiit ang ating mundo na hindi natin mapuntahan o magawa ang mga dating pinupuntahan at ginagawa natin.  Pero makakaya natin ito basta’t pursigido tayo.  Hanggang wala pang natutuklasang lunas, ang banta ay laging nariyan, manatili lamang maingat.  Para sa iyong pamilya at kinabukasan, mag-iingat ka.  Sundin mo ang mga bagong normal sa ating ginagalawan ngayon.  Gawin mo ng bahagi ng iyong buhay ang pagtatakip ng ilong at bibig kapag nasa labas, ang dumistansiya sa iyong kapwa, at ang paglilinis ng katawan lalo na ang mga kamay.  Pansamantala lang naman ang sitwasyon na ito at makakabalik na tayo sa dating mundo na gusto nating saksihan.

Monday, June 08, 2020

THE NEW NORMAL


We’re in time now where we need to make changes and adjust in some deep-rooted moves that we’ve grown up with.  This pandemic brought by COVID-19 surprised us and we are not used to these changes but we need to adapt them.  Here are my personal common new normal that I want to share to give thoughts to ponder.

1.1.  Try to stay at home at least for now while your community is under quarantine.  It is difficult but we must do it.  Viruses are just around outside of our home, let us not have them stick to our clothes and bring them inside our home.

2.  Observe hygiene.  Always wash your hands.  Our hands are the first possible way to get the virus inside our body.  Therefore it is a must to wash hands before you eat.

3.  Strive to learn not to touch your face to avoid direct contact to your nose and mouth.  You can keep a small stick in your pocket and use it to scratch the irritation on your face.

4.  Observe cleanliness.  Make homemade disinfectant good for one day.  You can go to internet to check how to make disinfectant.  Spray or wipe your home’s most frequently touch surfaces like doorknob, tables, chairs, faucets, light switches, remote controls, etc.

5.  Learn to do business transactions without the need of going out or thru paying cash like paying your bills for electricity, water, telephone, amortizations, transferring money, online shopping, internet banking, etc. There are e-wallet, debit card, credit card, and ATM to use in doing these.

6.  Avoid going to house of your relatives and friends or to your nearest neighbor to have hello and short talks.

7.  If it is really needed to go out to do essential things like buying foods or need to work, always wear face mask to avoid catching up or breathing virus.

8.  Strictly observe social distancing.

9.  While outside, do not touch any object that you may see to keep your hands uninfected.  Have sanitizers so that you can clean your hands when inevitable situations happened like using the automated teller machine.

10.  While at work, avoid leaving your workstation to go from one team to another. 

11.  Always clean yourself when you get home.

The government is drafting the “new normal” protocols in transportation systems in ships, planes, trains, buses and tricycles.  Same things go in government services, schools and business either private or public.  It is huge challenge to implement them the moment the flock of people returned to streets, markets and bus terminals.  This will be our new world.  Although we have doubt if it can be complied and it looks like a dream but we need to endure, adhere and adjust to the changes for the sake of our safety in general.  We need to adapt to fit in.

Saturday, May 30, 2020

MGA BAGONG NORMAL


Nasa panahon tayo ngayon na kailangan nating magbago sa ilang mga kasanayan mula sa kinagisnan natin.  Ginulat tayo ng pandemniya na hatid ng COVID-19 at hindi tayo sanay sa mga pagbabago ngunit kailangan nating gawin.  Narito ang mga pansarili kong bagong normal na gusto kong ibahagi upang makapag-bigay opinyon na maaaring paglinayan.

1. Sikaping manatili sa loob ng bahay habang nakapailalim ang lugar natin sa tinatawag na quarantine.  Mahirap ito ngunit kailangan nating gawin.  Dahil ang mikrobiyo ay nasa paligid-ligid lamang sa labas, huwag nating itong dalhin sa loob ng bahay.

2. Ugaliin ang kalinisan.  Palaging linisin ang mga kamay dahil ito ang unang-unang pinakaposibleng daan upang makapasok ang mikrobiyo sa loob ng katawan.

3. Sikaping huwag hawakan ang mukha.  Maaari kang humanap ng sariling-paraan upang maiwasang madampi ang mga kamay sa pinakasensitibong bahagi ng mukha.  Ang paggamit ng maliit na patpat na nakatago sa bulsa ay maaring ipangkamot sa pangangati ng ilong at bibig.

4. Kada araw, maaari kang gumawa ng gawang-bahay na pamatay-mikrobiyo (homemade disinfectant).  Marami kang pagpipilian sa internet kung paano gumawa nito.  Wisikan / o punasan nito ang mga bagay sa loob ng bahay na pinakamadalas hawakan tulad ng pinto, pihitan ng mga kasangkapan/aparato, lamesa at upuan, gripo, pihitan ng ilaw, atbp.

5. Pag-aralan ang mga transaksyon na hindi na kailangang lumabas ng bahay o magbayad sa pamamag-itan ng pera.  Ito ay tulad ng pagbabayad sa mga bayarin sa bangko, kuryente, tubig, telepono, online shopping, pagpapadala ng pera, atbp.

6. Iwasan muna ang magpunta sa ibang bahay upang makipagkamustahan kahit sila ay iyong kamag-anak o kaibigan.

7. Kung kailangang lumabas ng bahay upang bumili ng mahalagang bagay tulad ng pagkain o kailangang maghanap-buhay, palaging magsoot ng mask upang hindi ka makasagap ng mikrobiyo.

8. Huwag dumikit sa kapwa, panatilihin ang pag-itan mula sa kapwa-tao (social distancing).

9. Habang nasa labas ng bahay, iwasan ang humawak sa mga bagay-bagay upang mapanatili mong malinis ang iyong kamay.  Magbaon ng panglinis ng kamay kapag kailangan mong humawak sa hindi maiiwasang bagay tulad ng ATM machine.

10. Palaging maglinis ng katawan kapag nanggaling sa labas.

Ginagawa ng gobyerno ang pagbalangkas ng mga bagong “normal” tulad ng bagong anyo ng transportasyon sa barko, eroplano, train, bus at tricycles.  Napakalaking hamom ito kung maipapatupad sa sandaling bumalik na ang dagsa ng mga tao sa kalsada, pamilihan at abangan ng sasakyan.  Bagamat malaki ang ating pagdududa na masusunod ang mga ito at mistulang ito ay parang pangarap lang, kailangan ng mga mamamayan na mag-tiis, sumunod at makibagay upang magawa ang mga ito lang-alang sa kaligtasan ng mas nakararami.  Kailangan nating magbago upang tumugma tayo.

Thursday, November 14, 2019

SARILING PAGSUSURI SA KALUSUGAN


Ang buong nilalaman ng artikulong ito ay para sa pagbabahagi ng kaalaman at mga layunin pang-impormasyon lamang. Hindi ito ginawa upang palitan ang anumang kwalipikadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.  Ang mga ito ay HINDI kapalit ng isang gamot. Kumunsulta sa isang doktor bago makisali sa anumang uri ng paggagamutan o pisikal na aktibidad.

Sa iyong palagay, ang iyong kalusugan ba ay nasa mabuting kalagayan?  Maaaring ang datos sa ibaba ay makakatulong upang mapagnilayan mo kung ikaw ay mayroong magandang kalusugan.  Ang mga ito ay simple, pangunahin at pansariling sukatan lamang na maaaring makapagbigay kasagutan at suhestiyon.  Sa bawat katanungan ay mayroong mga sagot na pagpipilian na may katumbas na puntos.  Sa huli ay pagsama-samahin ang mga puntos na ito at hatiin sa bilang nga mga tanong.  May mga tanong na maaaring hindi angkop sa relihiyon, laktawan ito at huwag isama sa bilang ng paghahati-haitan.  Ang mataas na bilang ay nangangahulugan na ikaw ay may magandang kalusugan.

1. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng manok?
0    1 – 2    3 – 5    6 – 10   11 o higit pa


2. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng baka?
0    1 – 2    3 – 5    6 – 10   11 o higit pa


3. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng baboy?
0    1 – 2    3 – 5    6 – 10   11 o higit pa


4. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng gulay?
0 – 1  2 – 4  5 – 7  10 – 15    16 o higit pa

5. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng isda?
0 – 1  2 – 4  5 – 7  10 – 15    16 o higit pa

6. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng pagkaing-dagat?
0 – 1  2 – 4  5 – 7  10 – 15    16 o higit pa


7. Sa isang buwan, ilang beses kang nakakainom ng softdrink?
0      1      2 – 4   5 – 10    11 o higit pa


8. Sa isang buwan, ilang beses kang nakakainom ng mga nakalalasing na inumin?
0      1 – 2    3     5 o higit pa


9. Sa isang lingo, gaano kadalas ka makakain ng sitsiriya at minatamis?
0 – 1    2      3      4 – 6     7 o higit pa


10. Gaano ka kadalas kumain ng mga pagkaing de-lata? (huwag ibilang ang sardinas)
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

11. Gaano ka kadalas kumain ng mga prutas?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


12. Ilang tasa ng kanin ang iyong kinakain?
1       1.5 – 2    2.5 – 3    4      5 o higit pa


13. Nasa sistema mo ba ang  maglagay ng asukal sa inumin o sa ilang pagkain?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


14. Nasa sistema mo ba ang  maglagay ng asin sa niluluto mo o sa ilang pagkain?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


15. Ikaw ba ay kumakain ng mga pagkaing-pinirito mapa-karne, isda o gulay?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


16. Ikaw ba ay kumakain ng mga masasarap na pagkain sa mga binyagan, kaarawan, despedida, promosyon sa trabaho, at araw ng suweldo?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

17. Sa karaniwang araw, ilang oras ang iyong tulog sa magdamag?
1        2         5 – 6    7 – 9    10 o higit pa


18. Sa isang linggo, ilang araw ka mag-ehersisyo, o mag-jogging, o mag-lakad nang tatlumpung minuto o higit pa?
0 – 1    2 – 3     4       5 – 6      7


19. Ikaw ba ay naninigarilyo?
Oo       Hindi


20. Ang iyong Blood Pressure ba ay nasa normal?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


21. Ang timbang mo ba ay ayon sa iyong taas?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


22. Sa iyong buong tapat na sagot, isinasabuhay mo ba ang pag-iingat sa iyong kalusugan?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi


(Tungahayan sa ibaba ang katumbas na puntos sa inyong mga sagot sa bawat katanungan)

Sa ilang pagkakataon, ang isang malusog na pangangatawan ay hindi nakikita sa pisikal na anyo ng ating katawan.  Ang mga taong malimit magkaroon ng mga karamdaman ay nangangahulugan lamang na mayroon silang malusog na pangangatawan.



==================================
MGA KATUMBAS NA PUNTOS SA BAWAT TANONG AT SAGOT:
1. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng manok?

0    1 – 2    3 – 5    6 – 10   11 o higit pa

70   100      75       70      65


2. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng baka?

0    1 – 2    3 – 5    6 – 10   11 o higit pa

75   100      75       70       65


3. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng baboy?

0    1 – 2    3 – 5    6 – 10   11 o higit pa

75   100      75       70      65


4. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng gulay?

0 – 1  2 – 4  5 – 7  10 – 15    16 o higit pa

65     70     75     90         100


5. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng isda?

0 – 1  2 – 4  5 – 7  10 – 15    16 o higit pa

65     70     75     90         100


6. Sa isang buwan, ilang beses ka nakakakain ng putahe ng pagkaing-dagat?

0 – 1  2 – 4  5 – 7  10 – 15    16 o higit pa

65     70     75     90         100


7. Sa isang buwan, ilang beses kang nakakainom ng softdrink?

0      1      2 – 4   5 – 10    11 o higit pa

100    90     75      70        65


8. Sa isang buwan, ilang beses kang nakakainom ng mga nakalalasing na inumin?

0      1 – 2    3     5 o higit pa

70     90       75    65 


9. Sa isang lingo, gaano kadalas ka makakain ng sitsiriya at minatamis?

0 – 1    2      3      4 – 6     7 o higit pa

100      90     75     70        65


10. Gaano ka kadalas kumain ng mga pagkaing de-lata? (huwag ibilang ang sardinas)

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

65       70        75      90       100


11. Gaano ka kadalas kumain ng mga prutas?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

100      90        75      70       65 


12. Ilang tasa ng kanin ang iyong kinakain?

1       1.5 – 2    2.5 – 3    4      5 o higit pa

100     90         75         70     65 


13. Nasa sistema mo ba ang  maglagay ng asukal sa inumin o sa ilang pagkain?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

65       70        75      90       100


14. Nasa sistema mo ba ang  maglagay ng asin sa niluluto mo o sa ilang pagkain?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

65       70        75      90       75 


15. Ikaw ba ay kumakain ng mga pagkaing-pinirito mapa-karne, isda o gulay?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

65       70        75      90       95


16. Ikaw ba ay kumakain ng mga masasarap na pagkain sa mga binyagan, kaarawan, despedida, promosyon sa trabaho, at araw ng suweldo?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

 65      70        75      90       90


17. Sa karaniwang araw, ilang oras ang iyong tulog sa magdamag?

1        2         5 – 6    7 – 9    10 o higit pa

65       70        75       100      70 


18. Sa isang linggo, ilang araw ka mag-ehersisyo, o mag-jogging, o mag-lakad nang tatlumpung minuto o higit pa?

0 – 1    2 – 3     4       5 – 6      7

65       70        75      90         100


19. Ikaw ba ay naninigarilyo?

Oo       Hindi

65       100


20. Ang iyong Blood Pressure ba ay nasa normal?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

100      90        75      70       65


21. Ang timbang mo ba ay ayon sa iyong taas?

Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

100      90        75      70       65


22Sa iyong buong tapat na sagot, isinasabuhay mo ba ang pag-iingat sa iyong kalusugan?
Palagi   Madalas   Medyo   Minsan   Hindi

100      90        75      70       65

Gabay sa kinalabasan ng pagkalkula:
100 – 95  =  Napakagaling
94 – 85   =  Magaling
84 – 75   =  Katamtaman
74 – 70   =  Mahina

69 – 65    Masama