Sunday, August 13, 2023

13


Is the saying true when often together

things turn boring, cannot do any better?

Many full moons and suns have revolved

around the 13 years of topsy-turvy world.


Come to think of it:

When things have changed

when you miss the old you used to be.

If the before is not the same as the after

then how can you hold on together?

You’ve been through high and low

in rain and shine, sadness and joy.

Through the years you go to the test

would you two able to pass the 13 jinx?

You can go the miles and the heights

but sustaining is always the challenges


 

Would you think…

a connection made just for fun

will be strong enough to last?

Maybe is it too petty to be huge one

or you just go with the flow of time?

Why don’t you stop and talk a while?

Why not thank than dig on the past?

Little things add up will make big blast.

Indeed you'll find more good than bad.

If you want make this 13 years and counting

in the life of a roller-coaster ride living,

forget the curse and start keep on rolling.

If things have changed, maybe it’s for the best.

Go, take the present time, and be positive at least. 

Tuesday, August 08, 2023

PAGBABAGO

Ano ang hangganan ng amor at awa?

Ano ang hangganan ng mabait at tanga?

Hanggang saan nga ba ang hangganan?

Maraming beses nasaktan ka na

pagpapaubaya pa rin ang kayang gawin tuwina.
Pinipili mo lang maging mabuti kaysa maging tama.

Ngunit kung paulit ulit ginagawa
iyung alam na kung saan ka nasasaktan.
Malalampasan pa ba ang sumpa
ng labing-talong kamalasan?

Ayoko ng ganito, gagawin niya iyon.
Gusto ko sana ito, iyon ang iiwasan sa iyo.
Huwag mo ng gawin iyan, hindi ka pakikingan.
May sasabihin sa iyo pero di naman ginagawa.
Pinamumukha sa iyong may mas magaling na iba
sa maraming beses, kaysa sa iyo ay mas pinili siya.
Ikaw itong nagpapakahirap at nagpaparaya
pero ikaw pa ang tila binabale-wala.
Mayroon mang mga bigay na sa iyo’y nagpapasaya
ngunit pagkalipas niyon ay may kapalit pala.

Ang lahat ng mga ito sa iyo ay nananalasa.
Kaya gaano kasakit at sa wakas ika’y magsalita
dahil ang kabutihan ay hindi laging tama.
Baka panahon na nga na magbago ka na.
Baguhin ang pagkatao, ang bagong ikaw na.

Sunday, August 06, 2023

SANGANG-DAAN

Kapag humihingi ka

kapag nakikiusap ka

kapag nagmamakaawa ka

nang paulit-ulit

maraming beses

matagal ng panahon,

kapag pakiramdam mo nagmumukha ka ng tanga,

at kaawa-awa,

kailangan mo pa bang magpatuloy?

Nasa sangang-daan ka.

Kailangan mong magpasya

kung saan ka pupunta.

Sa kanan o kaliwa ba.

Siguro ay oras na para sumuko

para tanggapin,

para sa sarili mo

na sarili mo naman ang intindihin mo.

Ipaubaya mo na.

Dahil kung uukol

hindi ka na magpapaulit-ulit, ulit-ulit, at ulit-ulit.

Dahil hindi ka naman niya matitikis

kung wala siyang ibang mas nais.