Friday, March 16, 2018

TAPOS NA


Pagkatapos ng sakit at hirap
Pagkatapos ng isang araw na dumadaing sa pananakit ng katawan
Pananakit na hindi na kayang lunasan
Pananakit na iniiyak dahil walang paraan para maibsan
Ang mga sumunod na araw ay katahimikan

Buong araw siyang nagtulog
Mahimbing, tila nagpapahinga ang napagod na katawan
Tila nagpapahinga mula sa nagdaang  isang araw ng paghihirap
Minsan ay nagdidilat ng mga mata
Pero sandali lang ay muling pipikit upang matulog
Isang buong araw siyang ganon
Walang palatandaan na may dinaramdam
Mabuti naman at tila wala na siyang iniindang pananakit ng katawan
Mabuti at dininig ng Diyos ang aming mataimtim na panalangin
Na sana’y huwag na siyang mahirapan
Na tanging Siya lamang ang makakapagpaalis na hindi kaya ng mga gamot

Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap ko siya
Sinabi kong kumapit siya sa Diyos
Magdasal
Huwag na niya kaming alalahanin
Kundi ang tanging sarili na lang niya ang kanyang isipin
Intindihin na lang ang kanyang sarili na huwag ng masaktan
Sinabi ko sa kanyang mahal na mahal namin siya
Sinabi ko sa kanya na mahal ko siya

Pagkatapos ng isang araw na pasakit
Ang tatlong araw na sumunod ay kaginhawahan
Tatlong araw siyang natutulog lamang
Na may paminsan-minsang pagdilat ng mga mata
Sa kanyang mga huling oras
Tila ba naghihintay na lamang ng tamang oras
Hanggang sa siya ay tuluyan ng lumisan
Tuluyan na siyang tumigil sa paghinga.
Wala ng sakit, wala ng paghihirap

Napaka-payapa niyang lumisan
Napakatahimik
Napaka-gaan sa loob
Walang pag-iyak mula sa kanya
Walang pagdaing
Napakapayapa niyang umalis
Natupad na ang hinihiling niya
Ng mapayapang pag-alis.

Thursday, March 15, 2018

EATING AL-BAIK FRIED CHICKEN


When in Rome, do as the Romans do.  But while I cannot literally do this, I will metaphorically apply this in the Kingdom of Saudi Arabia.  As an expat in the Kingdom, my goal is to witness and experience the things that can only found in Saudi Arabia like seeing the sand dunes, houses made of clay and bricks, wearing traditional thobe, buying Saudi gold and even eating their well-known dishes like kabsa, shawarma and their most famous broasted chicken from Al-Baik Chicken Restaurant.

Now, when you talk the most delicious broasted chicken in Saudi Arabia, the first thing that always comes to your mind is no other than Al-Baik.  If you are expatriate in Saudi Arabia, you can relate to this.  Al-Baik is very famous in Saudi Arabia for its scrumptiousness and unique taste.  I have been craving Al-Baik since I heard about it.  I am based in the eastern province of the Kingdom while Al-Baik Restaurant is located in the city of Jeddah in western province.  Travelling across the Kingdom from east to west is not that easy, unless you don’t have problem by plane.  And since my work doesn’t allow to bring me there, besides I don’t have personal reason to go there so I just asked a colleague to bring me Al-Baik broasted chicken when they go there.

All the way from Jeddah, the long much awaited goal is over, I got my first Al-Baik broasted chicken.   Served in an aluminum mould covered with their own cup, its logo of a smiling friendly rooster is printed on it, seems it welcomes me to open the pack.   At 13 riyals, there are four pieces of chicken parts.  There is a piece of soft and delicious bun and golden crispy French fries.  The smell is great and it is promising and I can’t wait for my first bite.  The moment I had, true enough to say it is really delicious that when bitten and chew, there is distinctive taste that comes out.  I think it is a kind of spice and herbs that I do not know what are they.  For me it is not salty and although is cooked in deep fry but is not that too much oil.  Arguably, this is the best tasting broasted chicken I have ever tasted, for now.  And what makes Al-Baik broasted chicken unique is its signature garlic sauce which is the specialty that is not available anywhere in the Kingdom.

There is something mysterious thing why the massive customers are patiently waiting in the long cue just to get the taste of Al-Baik food of chains which is exclusively available only in Jeddah.  My first taste of Al-Baik broasted chicken is fulfilling.  Yes it is just a food and maybe it is kind of silly thing and it is not just making a big deal out of it.  But let just say having eaten it is not every expatriate can have the chance.  Let just say it is a simple plan that when completed makes big relief.  Al-Baik is Arabic word which literally translates “pick, choose or select” in English.  Through this, I can say I chose to have it otherwise I will miss one of my goals that can only achieve while in Saudi Arabia.  For me the meaning of Al-Baik is choosing what you want while there is a chance.


Monday, March 12, 2018

UNTI-UNTI


Nang naparalisado ang nanay ko, alaga na siya sa mga gamot.
Matagal-tagal na, hanggang makalipas ang labing limang taon
Pero kahit anong alaga sa gamot
Darating ang araw ay manghihina ka rin
Tutupukin ng panahon ang iyong lakas

Taon-taon nagbabago
Yung pahina ng papahina, pero palakas ng palakas ang mga gamot
Yung pabawas ng pabawas ang kayang gawin
Yung kung nuon ay nakakaya pa niya ang makapaglakad papunta sa banyo
Kung dati ay nakakapagtupi pa siya ng damit nang isang kamay lang ang ginagamit
Nuon ay nakakapagsulat pa siya para sa akin
Nagkukuwento sa sulat, kahit maiksi ay ramdam ko yung pagsisikap na nagsulat siya
Yung kita mo yung parang sulat ng bata dahil hindi nya kayang magsulat
Kaya ang kaliwang kamay ang ipinangsusulat niya dahil paralisado ang kanyang kanang katawan
Pero sa paglipas ng mga taon ay unti-unting hindi na nakakaya
Hanggang hindi na ako nakakatanggap ng mga sulat sa kanya.

Kada taon ay nakikita mong nababawasan ang lakas ng isang tao.
Ang katawan ay nababawasan ng kulay, ng sigla.
Ang mukha ay nagkakaroon ng mga mangitim-ngitim na kulay
Ang mga mata ay lumalamlam o iyung parang nawawalan ng kulay
Parang napapagod na.
Ang balat ay lalong kumukulubot.

Taon-taon, tuwing umuuwi ako ay may nagbabago.
Pagbabago papunta sa hindi maganda
Sa mga pagbabagong ito, gusto kong sumaya pa rin siya
Kaya kapag umuuwi ako, madalas kapag yung nakaupo siya ay lumalapit ako sa kanya para makipagkwentuhan
Binabalikan namin yung mga ala-ala nuong araw.
Yung buhay namin nuon, yung mga nangyari nuon
Magaganda man mo hindi magagandang nangyari
Pinag-uusapan din namin yung mga nakikita namin sa paligid
Iyung mga nangyayari sa tabi-tabi
Mula sa mga kapit-bahay namin hanggang sa politika
Pinag-uusapan din namin ang mga saloobin namin
Iyung kung ano ang mga gusto ko
Kung ano ang mga naiisip niya
Sa kabila ng kanyang karamdaman
Naroon pa ring ang matalas niyang memorya
At nararamdaman pa rin niya ang mga nangyayari sa paligid

Ipinagluluto ko siya
Kapag lumuluwas ako, may pasalubong ako
Gusto kong makakain naman siya ng mga nabibili sa kilalang kainan.
Dahil hindi na niya alam ang mga iyon.
Kapag tuwing bakasyon ko ay hinahayaan ko siyang makakain ng hindi niya nakakain
Para maiba naman sa mga kinakain niya
Kasi nararamdaman kong masaya siya kapag nakakain siya ng mango peach pie, pizza, etc…

Nasabi niya na gusto niya raw matikman iyung niluto kong cordon bleu.
Alam ko nung huling uwi ko ay hinintay niya yung lulutuin kong cordon bleu
Hindi ko nagawa. Wala akong oras, hindi ako nakapaghanda…
Sa halip ay ibang putahe ng manok ang ginawa ko.
Anu mararamdaman mo kung nabigo ka sa gusto mo?
Kahit hindi niya sabihin alam kong hinintay pa rin niya yung cordon bleu.
Hanggang sa aalis na ako, sinabi ko na lang na sa ibang pagkakataon ay gagawin ko ang cordon bleu
Naawa ako nuon sa kanya dahil nabigo ko siya
Ilang beses ko rin nabigo siya
Marami na rin akong pagkukulang sa kanya
Hindi ko tinupad ang plano ko nuon sa kanyang magarbong ika-75 kaarawan
Hindi ko rin masunod ang gusto niya para sa akin
Ni hindi ko siya tinatawagan nang madalas
Nakukunsensiya ako ngayon dahil may isang uwi ako na hindi ko siya masyado kinakausap dahil sa kababawan ko
At nagi-guilty ako.  Pakiramdam ko ay may kasalanan ako.
Kasi minsan nag-iisip ako na kung wala sana akong tinutustusan ay malaki na sana ang ipon ko.
Hindi ako nanghihinayang, o nagkukuwenta, o nagmamaramot
Kundi sumasagi lang ito sa isip ko
At iniisip ko kung bakit sumasagi ito sa isip ko.
At dito ako nakukunsensiya.
Iyung uusigin ka ng sarili mong konsensiya
Kahit iyung bakod namin na tinaaasan
Nang tinaasan ay wala na raw siyang nakikita para malibang siya
Pakiramdam ko ay lumiit lalo ang kanyang mundo, pinaliit ko ang kanyang mundo
Nabawasan na naman ang kanyang ginagawa

Para sumaya
Sinasabiko sa kanya yung mga plano sa bahay namin
Ikinukuwneto ko sa kanya yung mga nakakatawang nangyayari
Kapag bumibili ako ng damit ko ay ipinapakita ko sa kanya
Gaya nung dati na sa Pilipinas pa ako nagratrabaho
Dahil dati siyang mananahi kaya alam kong gusto niyang makakita ng mga damit
Siya ang nagsasabi kung ano ang tamang kulay na dapat kong iterno sa mga binili ko

At yung tuwing babalik na ako
Kapag yung nagpapaalam na ako, hindi ko alam kung iyun na ba ang huling pagkikita namin.
Magkikita pa ba kami?
Kung sa isang taon ba ay maaabutan pa niya ang pag-uwi ko.

Ikaw, ano ang mararamdaman mo kapag yung alam mo ng hindi na magtatagal ang buhay mo?
Iyung siguro ay tatagal na lamang ng ilang taon ang buhay mo.
Dahil sa loob ng matagal na panahon na dinaramdam mo ang sakit mo.
Ilang taon na rin pinahihirapan ng karamdaman.

Sa nakalipas na isang taon mula ng huli kaming magkita
Nabawasan na naman ang kanyang mga nagagawa
Paunti nang paunti, nababawasan ng nababawasan
Kung nuon…
Iniuupo, nakakatayo, naglalakad ng ilang metro, nakakakain mag-isa.
Iniuupoo, nakakatayo, naglalakad sa gilid na lang, nakakakain mag-isa
Iniuupo, tinutulungan makatayo, naglalakad sa gilid, nakakakain mag-isa
Iniuupo, nahuhukot na ang katawan, tila umuurong na ang buto
Iniuupo, pero hindi na makatagal sa pagkakaupo dahil sa pananakit ng pang-upo.
Hanggang hindi na makabangon
Nakahiga na lang, gustong natutulog lamang
Hindi na nanonood ng paborito niyang palabas sa telebisyon
Pinapakain, hindi naman nauubos.
Hindi na rin makakilala, tila walang nakikita
Tila ang maghapon sa kanya ay gabi buong magdamag.
At mahirap na siyang ihanap ng puwesto sa pagkakahiga
Dahil baluktot na rin ang kanyang katawan sa tagal ng kanyang karamdaman

Ilang araw pa
Hindi nakakaramdam ng gutom
Mas madalas ang tulog kaysa sa gising.
Ang pananakit ng balakang ang nararamdaman dahil na rin sa tagal ng kanyang pagkakahiga.
Hirap na siyang kausapin, kung marinig man niya ako ay hindi niya maintindihan
Sa boses na lamang niya ako nakikilala

Isang araw ay balisa
Nahihirapan siyang huminga
Kahit sa ospital ay nakakaramdam ng sakit at sikip sa paghinga
Hahayaan mo bang panoorin na lang siya hanggang tumigil ang paghinga?
Yung dapat lagyan ng tubo sa katawan para lang gumaang ang paghinga
Yung kahit lagyan ng tubo ay hindi garantiya na hindi titigil ang paghinga
Yung ang magagawa mo na lang ay bawasan ng kahit konti ang sakit na naraamdaman niya sa pamamag-itan ng tubo.
Natatakot siya, ramdam ko yung takot niya
Ramdam ko kung bakit siya natatakot
Alam ko kasi na hindi siya handa, alam ko na ayaw pa niya
Kung may magagawa lang ako.,
Kung kaya ko lang ang magpaalis ng sakit sa katawan
Kung kaya ko lang magpaalis ng takot sa katawan
Kung mayamang-mayaman lang sana ako, ibibili ko pa siya ng kahit sandali pang buhay

Kung dalawang linggo na lang
Kung alam mong ang buhay ay dalawang linggo na lang
Iyung iniisip mong anu ba ang iniisip at nararamdaman ng may katawan
Yung hindi na niya kayang kumilos
Maiidlip ng dalawang minuto, gising na naman dahil sa pananakit ng katawan
Pananakit ng katawan na hindi kayang lunasan ng gamot.
Hindi tinatalaban.
Masakit ang katawan dahil nalason na ng mga gamot ang katawan
Sira na kasi ang mga panloob na bahagi ng katawan niya…
Sakit ng katawan na idinadaan sa pagtaghoy.
Ang sakit isipin
Ang sakit isipin yung pinagdadaanang niyang sakit ng katawan.
Ang sakit isipin ng alam mong kung gaano kapayat ang kanyang katawan para pagdaanan ang sakit ng katawan.
Mag-isa niyang dinaranas ang sakit, mag-isang pinagdaraanan ang sakit.
Sa hagod ng kamay ng kanyang anak, muli siyang maiidlip
Pero muli siyang magigising dalawang minuto lamang dahil ramdam niya talaga ang pananakit ng katawan.
Anong gagawin, paano mapipigil ang nararamdaman niyang sakit?
Kung pwedeng lang akuin ang nararamdaman niyang sakit para makapagpaginhawa sa kanya.
Alam ko, gusto pa niyang mabuhay
Gusto pa niyang makasama ang kanyang masayang pamilya
Pero nahihirapan na siya
Ayaw ko man, ayaw man namin
Gusto man namin na maging masaya pa siya na pagbigyan siya sa kanyang gusto
Pero mas gusto namin na hindi na siya nasasaktan.
Nakakaawa, nakakadurog ng puso na makita at marinig ang pag-iyak niya dahil sa sakit
Ang hirap, akala namin ay nakahanda na kami
Pero kapag naruon na, napakahirap pala
Kahit nakahanda na kami, iba na kapag nariyan na.

Tuesday, March 06, 2018

THE FIRST THREE BEST PRESIDENTS


Including the incumbent, the Philippines has 16 great Presidents that served the country to the best of their competencies.  Sixteen leaders in sixteen different needs, situations and times, it is really so difficult to name the best simply because we did not live entirely in the era of these 16 great leaders.  And it seems incomparable to weigh each from each because different situation means different approach and capacity, that the very qualified and intelligent leader of a certain era may not be the same very qualified and intelligent if put in different year, this makes each people unique.  Although it may incomparable but at least we can check their strength and weaknesses individually and figure out how their administration was.

Every President has accomplishments, strength and weaknesses.  No matter how good and best, every presidency has failures and its own share of controversies.  As a concerned private citizen, I am watching the happenings though not fully dedicated but I am do aware of the country’s issues.  All through these years in my generation, I am waiting the true savior who will save us from this political and economic suffering.  It is in this mentality that I have found to check the contributions and issues of these leaders that changed the life of the Filipino people to see who the “best” among of them is.  To the best of my ability, I tried to appraise each leader in their accomplishments, controversies, strong and weak points without prejudice and admiration.    I rated each President using a percentile system.  In rating them, I tried an honest evaluation and used an independent mind to come up with a satisfied result.  I am a person of not politicized; From President Rodrigo R. Duterte’s predecessor back to President Ferdinand E. Marcos’ late era, I basically based my assessment on what I have personally witnessed plus few articles.  For those I did not see from Pres. Marcos early years all the way back to President Emilio Aguinaldo’s time, I used old articles, reviews and books.

I made two appraisals.  I don’t want to be too complacent in the first result.  On the second, I used conservative and strict approach to balance the result of the first appraisal.  Comparing the two results, there is slight difference of their order of ranking and on average they are not far.  But there is one unanimous, the top on my list topped both appraisals.  All the while you thought I am pro-Aquino based on my views that most often favor them, you will surprise none of the two former Aquino presidents made it on my best three.  As a matter of fact, I rated Ferdinand Marcos, a famous Aquino’s nemesis, 99% the highest I gave in one of the criteria.  It proves my being a non-political citizen.  While in a survey said Pres. Marcos is the best president in the whole world, it did not show on my appraisal, it shows instead that survey is a survey and it is not really reliable as facts in legit books.  And without intention, I am happy to see a president who existed on my time to make it on my top 3.  True to what they said, President Fidel V. Ramos is the best president after Marco’s era.  President Ramon F. Magsaysay topped my ranking in both appraisals.  In most of my readings, I almost did not find negative remarks about Pres. Magsaysay and if so, even his weak points are still almost not that dismaying.  Pres. Magsaysay had made remarkable contributions, benefits and milestone in Philippines welfare and in the life of the Filipino people.  Among those are his most corruption-free and cleanest administration, country’s robust economy and high confidence in peace and order.  And it is during Pres. Magsaysay’s time when it was cited as the Philippines’ golden years, making him the most trusted and love president of all time.  Without reservation, I totally chose Ramon F. Magsaysay the Best President that the Philippines ever had.   I continue to read articles about our country’s presidents and in the future I may get stories that I haven’t read that will change the order of my list of Philippines’ Commander in Chief.  For now, it is safe to say the list below is my latest ranking of Philippines’ best presidents:


1. Ramon del Fierro Magsaysay Sr.
2. Carlos Polistico Garcia
3. Fidel Valdez Ramos
4. Jose Paciano  Laurel
5. Ma. Corazon Sumulong Cojuangco-Aquino
6. Manuel Luis Molina Quezon
7. Manuel Acuna Roxas
8. Elpidio Rivera Quirino
9. Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
10. Diosdado Pangan Macapagal
11. Emilio Famy Aguinaldo Sr.
12. Sergio Suico Osmena Sr.
13. Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo
14. Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
15. Joseph Ejercito Estrada


RAMON F. MAGSAYSAY


CARLOS P. GARCIA


FIDEL V. RAMOS