Kung yung mga alegasyon ni Madriaga tungkol sa confidential fiind ni VPS, iyung mga expose' ni Trillanes tungkol sa mga ill-gotten at hidden wealth and drugs ng mga Du30s, at iyung mga paguusapan pa lang tungkol sa death threat ay "Duterte pa rin" ang mga didilis problema na nila yun dahil may mali sa pag-iisip nila. Ang pagiging panatiko ay isang mental health condition dahil wala na silang kontrol sa kanilang sarili at hindi na nila kaya ang makaunawa at magbalanse ng tama at mali ng taong iniidolo nila. Ito, exaggeration na lang ito na "hypothetical" scenario lang, na parang kung mag-away ang Diyos at si Du30, kakampihan pa rin ng mga didilis ang mga Du30. Mas papanig pa sila kay DU30 kasi nga ay panatiko sila.
Natural sa tao na kung ano ang prinsipyo mo ay yun din ang mga nagugustuhan mo sa ibang tao at sila ang iyong pipiliin at susuportahan. Kaya kung ok para sa iyo ang taong asal-kalye, artistang brutal na prangka sa kalaswaan, personalidad na madumi ang lumalabas sa bibig - kasi ganun ka rin. Kung gustong-gusto mo iyung politikong bastos, binabago ang batas, ginagawang palusot ang pagsisinungalin yun din kasi ang gusto at ginagawa mo kaya susuportahan at ipinagtatanggol mo ang mga ganun. Kung gusto mo ang tao na ok lang makapatay at makipagrelasyon sa kangi-kangino-malamang ganun ka rin.
Ang pinakamalaking nagawa ni Du30 ay nagawa niyang maging masama ang mga Filipino at ginawang normal ang mga hindi normal. Bago siva dumating, alam na natin kung ano ang masama at mali pero binago niya ang mga ito. Bago siya dumating, marami na ang masama pero nang maging Presidente siya ay naging daan iyun upang maging lantad sila at magkalakas-loob sila dahil hinayaan sila at ipinagtaggol pa sila ni DU30. Matagal ng may mga Didilis pero wala pang katawagan sa kanila. Iyung mga personalidad nu'ng panahong dekada-90 na kontrobersiyal na kung buhay pa ngayon ay mga tito at tita o lolo at lola na ngayon - hindi ba't mga Didilis sila ngayon?
ctto: Toxic ang pagiging Didilis. Hindi ito nakikinig sa kabilang panig. Kung may narinig o napanood ay hindi nag-veverify kung totoo ba o hindi basta ang iniisip lang ay kung pabor ba ito sa idolo nila. Kung pabor ay ikakalat agad, kung hindi ay tatawagin agad fake news at mag-iisip kung paano dedepensahan ang idolo nila. Hindi sila sumusunod sa katotohanan kundi sa isang personalidad lamang. Kung sino ang kinamumuhian ng idolo nila ay awtomatiko na kaawav din nila. Wala ng isip-isip basta kamumuhian na rin mila. Kung sino naman ang kakampi nila kahit may mga kaso at isyu, kahit kwestyonable ang pagkatao pa ay ipagtatanggol pa rin nila hangang sa dulo. Kahit mali gagawan talaga nila ng paliwanag, kahit kabastusan ay papalakpakan pa rin nila, kahit lihis sa batas ay pangangatwiranan pa rin. Wala silang pakialam dahil ang importante ay kakampi sila ng mga Duterte, Kaya nga hindi na taga-suporta ang tawag sa ganito kundi lehitimong panatiko na. Kapag sinabi ng idolo nila na nakakalipad ang elepante ay maniniwala sila Pagkatapos nun, kapag sinabi naman na joke lang iyun kasi hindi nakakalipad ang elepante ay maniniwala ulit sila. Kasi nga panatiko - hindi na nila kayang magbalanse ng tama at mali ng taong iniidolo nila.
Nang minura ni DU30 ang Diyos, iyun na sana ang pagkaktaon na maliwanagan na ang mga Didilis, iyun na sana ang turning point nila pero wala, walang nagsalita at kumontra sa kanila. Sa halip ay nagjustify pa sila para maipagtangggol ang idolo nila. Ang hirap maging Didilis dahil araw-araw kang nagkakasala, araw-araw kan g lumulubog sa sarili mong kumunoy kasi obligado ka sa sarili mo na hanapan ng katwiran ang bawat mali ng idolo mo para maging tama ang mali.
No comments:
Post a Comment