Kung tutuusin, wala ng dalawang taon.
Ako'y aalis, tuluyan ng pipirmi sa aming nayon.
Ang magkita muli'y wala ng pangalawang pagkakataon.
Kung tutuusin, pwede na akong magsara ng mga kahon,
iyung paglalagyan ng mga alaala ng ating kahapon.
Gusto ko ng ilayo ang loob ko simula ngayong taon
sa mga tao na nakasama ko sa matagal na panahon
upang 'di ako lubhang mahirapan pagsapit ng araw na yon. (final exit, for good)
Kung marami akong mga mababaw na tanong;
o may mga bagay na hindi ko na dapat itanong,
kung madalas ko kayo yayain makasama sa hapon,
iyun ay sa kagustuhan kong alaala mo ay maipon.
Itatago ko sa aking isip, sa pag-uwi ko ay aking baon.
(pati mga souvenir, mga pasalubong)
Upang pagdating ng araw magiging ating koneksiyon.
Hanggang mararamdaman mong hindi na ako nagtatanong,
hanggang para bang wala na ang komunikasyon,
kapag ang mga gawa mo'y di ko na binibigyan ng atensiyon.
(mga post, mga tanong)
Ayoko na kasing mapalapit pa sa iyo,
hindi dahil tingin ko'y wala ka ng halagang tao
kundi iyun ay dahil sa paghahanda ko ng lumayo.
Dahil ayokong maging masakit ang paglayo, iyun ang totoo.
At kung sa 'king pag-uwi'y magkaroon ng oras magkita tayo,
Maaaring sa Pampangga, Tarlac, Pangasinan, Bulacan, Angono,
O baka sa kalakhang Maynila, Rizal, Davao, Iloilo, Cebu, o CDO.
At doon ko mararamdaman, pagkakaibigan ko dito' tunay at totoo.