Friday, September 07, 2018

TIGIB-DUSA (isang soneto)



Anung ganda, mga nakikita
pagmulat pa lang ng mga mata.
Kulay rosas ang paligid t’wina
ito’ng buhay kapag umibig ka.

Minahal ko na mula’t mula pa
magmula ulo hanggang sa paa.
Prinsipeng-turing dahil mahal nga
ngunit ‘di ko ramdam ang kalinga.

Ako’y labis nagmahal sa isa
kahit ang mahal ko’y mayrong iba.
Ayon sa kanya sa’ki’y higit pa
wari ako’y lumagpak sa lupa.

Oh pag-ibig, ako’y natuto na
sa nangyari ako’y tumapang pa.

No comments: